Wednesday, December 29, 2004

Katandaan

Alas dos na ng umaga at hindi pa din ako nauubusan ng lakas. Masyado ata akong naapektuhan ng kape. Gusto ko ng matulog pero hindi ako makatulog, gusto ko ng humiga pero bangon pa din ng bangon. Naisip ko nalang gumawa ng blog.. Yan, hala sige… magblog ka hangga’t gusto mo KC!

Kung iisipin mo, mabilis lang ang xmas vacation pero parang ang tagal tagal ko ng nakahilata at nagpapaka buhay tamad dito sa bahay. Malapit na naman ang pasukan, at sigurado akong wala na namang humpay ang pag bi busy-busyhan ko. Makakalimutan ko na naman ang salitang “pahinga”… Hindi na nawala ang ubo’t sipon ko, hindi ko alam kung bakit. Humahapdi na ang ilong ko sa kakasinga. Tingnan mo! Sa sobrang walang magawa, pati ito na kwento ko na. Maglinis daw ako ng kwarto ko sabi ng nanay ko. Tinatamad talaga ako! Gusto ko nang pumasok…..

Napapadalas na naman ang pagpupuyat ko, pati pagnood ng tv naging gawain ko na din. Hindi naman ako ganito dati…Napansin ko lang, iyakin ako ngayon sa mga drama. Hindi naman ako ganoon dati e. Tumatanda na ata ako, hala… kagaya na ko ni mommy!!

Matanda na si mommy.. lalo naman si lola! Makakalimutin, iritable at unti-unti ng nagiiba ang ugali nila. Pareho silang nagkakainisan dahil pareho silang nakakairita pakinggan. Natatakot akong tumanda.. ayoko pa! Pero lahat naman tayo dadating sa ganon. Dadating ang panahon at kukutyain din ako ng mga bata dahil sa katandaan ko. Hindi na ko siguro makakapag puyat non katulad ng ginagawa ko ngayon. Lagi na siguro akong nagrereklamo dahil sa sunod-sunod na pananakit ng iba’t-ibang parte ng katawan ko. Kailangan ko ng alagaan ng husto ang kalusugan ko dahil sa simpleng dahilan na… Tumatanda na ko.

Ano naman kaya ang itsura ko pagtanda ko? Kulubot na ang balat, puti ang buhok at nakakuba? Naku wag naman sana! Masungit daw ako pagtanda ko sabi ng nanay ko… Ahahaha! Hala… hindi na ko magugustuhan ng mga bata niyan. Wala na din akong pakinabang niyan pag umuugod-ugod na ko. Sabi nila, tinatapon daw ang mga matatanda sa amerika. Yun ung sabi sa akin nung bata pa ako, totoo kaya? Naisip ko… kawawa naman sila.

Matagal ding nakinabang ang lipunan sa kanila, may ibang nagbibo-bibuhan at iba namang… wala lang. Tapos ganoon nalang ba pagtanda nila? Pagtatawanan, kaiinisan dahil sa babagal-bagal at ano? Itatapon kung saan puwedeng may mag-alaga sa kanila.. Ang saklap hindi ba? Naalala ko tuloy yung kamamatay kong lola. Pinagpapasa-pasahan siya ng mga anak niya nung nabubuhay pa siya dahil wala daw silang panahon mag-alaga. Walang panahon pero ang totoo ayaw lang nila. Kami nalang ang nag-alaga dahil malaki ang utang na loob ng tatay ko sa kanya. Siya daw kasi ang nagpalaki at nag-aruga sa tatay ko nung bata pa siya. Minsan nakikita ko nalang siyang nakaupo sa isang sulok at… wala! Nakatunganga, tahimik at alam kong nakakalungkot ang ganoong buhay. Bumalik na siya sa pagkabata kaya hindi maiiwasang naguulianin na siya. Sa amin namatay si lola, ay hindi pala… sa akin pala! Oo, kayakap ko siya nang siya ay nalagutan ng hininga.. Ayoko ng ikuwento pa, nakakalungkot lang at magulo ang istorya.

Naisip ko…gugustuhin ko nalang sigurong mamatay ng medyo bata-bata pa kaysa naman pagpasa-pasahan ako ng karamihan. Ayaw kong magtagal dito sa mundo na walang pakinabang. Oo! Walang pakinabang.. Ganoon naman ang tingin nila sa mga matatanda, walang silbi. Pero hindi ata nila naisip na papunta palang tayo… sila matagal ng nakabalik.

Nakadanas na sila ng sangkatutak na paghihirap at tagumpay, mas marami na din ang experience nila kaysa sa mga taong nasa kasalukuyan. Minsan nga pag nakikipagusap ako sa matanda, natutuwa ako kasi andami niyang alam. Hindi ko alam kung totoo lahat ng iyon pero bilib ako sa mga pinagdaanan niya. Matanda na pero malakas pa din. Wala ng silbi ang kanyang kalakasan dahil hindi naman siya pinapansin ng lipunan. Mabibilib ka lang siguro dahil parang bata-bata pa ang kanyang kalakasan.

Hindi naman siguro importanteng maging sikat, bayani, pinaka mayaman o pinaka crush ng bayan ka noong ika’y bata-bata pa. Ang importante ay kung nabuhay ka sa kung anong klaseng buhay ang gusto mo.

Paano kaya ang mga tumandang walang asawa? Kawawa naman ano… Walang kalinga sa pagdaon ng katandaan. Naghihintay na lamang sila ng mga kamag-anak na may pusong mag-aalaga sa kanila.. Kawawa.. yun lang talaga ang masasabi ko..

Sana lang hindi ako malasin pagtanda ko, yung bang… hindi ako pagpapasa-pasahan. Ayoko non! At sino naman kaya ang may gusto? Nakakalungkot pero hindi ko naman alam ang mangyayari pagdating ng panahon na iyon…Basta sana lang pagtanda ko….

Huwag sana ako maging kawawa sa paningin niyo….



Thursday, December 23, 2004

Pasko na, Sinta ko

Hindi ko man lang namalayan, at pasko na pala. Masyado ata akong abala sa ibang bagay at hindi ko na napapansin ang nalalapit na araw ng kapaskuhan. Maraming nagtatanong sa akin kung saan ba daw ako magpapasko, “dito lang sa bahay” ang lagi kong sagot. Hindi naman kasi iba sa amin ang araw na iyon. Karaniwan, ganun lang.

Magulo masyado at maraming nangyari sa taong ito. Ito na din ata ang isa sa pinakamalungkot na pasko sa karamihan. Ang pagkakaroon ng fiscal crisis, ang magulong eleksyon, ang mga na –hostage na Pilipino sa Middle East, ang nga kagimbal-gimbal na eksena sa overpass, sa tulay at sa kalye, ang sunod-sunod na mga mananalantang bagyo, ang pagkamatay ng mga malalaki at kilalang tao at… ano pa ba? Basta madami…

Madami masyado na naging sanhi ng pagkawalang gana ng ibang tao na mag pasko. Hindi lahat, dahil marami pa din naman ang “feel na feel” ang kapaskuhan. Swerte naman! Sila siguro ang mga taong wala masyadong problema, mayaman, at may mga bagong grasya na nagdadatingan. Pero kung ako ang tatanungin mo, kabilang siguro ako sa mga “hindi excited sa pasko”. Wala naman kasi akong pamasko, aginaldo at pera. Ahahahaha.. biro lang!

Naisip ko lang ang pasko ng mga pamilya sa lansangan. Ang mga nakatira sa ilalim ng tulay, sa kariton, sa kalye, sa squatter’s area, basta sila…….

Saan kaya sila magtitipon tipon para kumain, magkantahan at magkwentuhan sa kapaskuhan? Ano kaya ang kanilang handa? Tinanong nga sa akin ng nanay ko kung ano ang handa naming sa pasko. Konti lang naman, basta may spaghetti at chicken… solb na ko doon! Samahan mo pa ng salad, menudo, kare-kare, letchon, cake, hamon, prutas at maraming red wine. Ahahaha biro lang ulit! E paano kaya ang ibang nangangarap din ng spaghetti at chicken pero malabong magkaroon? Basta may makain ayos na. Kanin at asin, sardines at noodles… samahan mo na din ng isang litro ng pepsi. Solb!

Teka, naalala ko lang bigla ang mga nangangaroling tuwing palapit na ang pasko. Uso pa naman, pero hindi na katulad ng dati. Minsan nga, isang kanta lang at nanghihingi na ng pamasko ang mga nangangaroling. Magagalit pa pag tumawad ka. Mahilig ako mangaroling nung bata ako pero hindi ako mahilig mamigay ng pamasko. Ganun talaga e, sorry nalang. Kung pangangaroling lang sana ang sagot sa kahirapan… malamang minu-minuto may nangangaroling na sa bawat bahay. Kung may presyo lang talaga at hindi puwede tawaran ang mga nangangaroling, ung dapat hindi bababa sa P100 ang pamasko, tiyak! Kahit mag-isa ako, gagawin ko. Kung puwede lang sana……. Pero hindi.

Patagal ng patagal, pahirap ng pahirap ang mga mahihirap at payaman ng payaman ang mga nag swswertehang mayayaman. Patagal ng patagal, unti-unti nang nawawala ang diwa ng pasko sa karamihan. Sa walang humpay na pagsusulat ko ng mga artikulo, karamihan ay tungkol din sa kahirapan. Marahil at nakakairita na masyado ang salitang ito pero hayaan niyo nalang ako.

Bilib ako sa nanay ko, talagang excited siya at “feel na feel” niya ang kapaskuhan. Hindi puwedeng walang xmas tree at xmas lights. Pag namatay daw siya, dapat daw may xmas tree at xmas lights pa dn ang bahay pag pasko. Dadalawin niya daw kami pag hindi. Lagi kaming nag-aaway niyan pagdating sa pagkakabit ng mga ilaw at xmas tree. Ako naman kasi ang pinapakabit niya at minsan nakakatamad na, pero minsan ayoko lang talaga magkabit. Para saan pa? Ang kapitbahay nga naming walang xmas lights at xmas tree pero ayos lang naman daw. Chinischismis sila ng katulong, wala na daw kasi silang pera kaya ganoon.

Naisip ko tuloy, ang xmas tree at xmas lights ay posibleng nagiging simbolo ng katayuan ng isang pamilya sa kasalukuyan. Puwedeng oo, at puwede din naming hindi. May iba naman kasing nangungutang, para lang magkaroon ng tradisyunal na kapaskuhan.

Hindi ko gagawing negatibo masyado ang artikulo kong ito. Baka naman kasi isipin niyo puro negatibo nalang ang pananaw ko sa espesyal na araw na ito. Hindi naman…

parang at medyo lang…

Ang pasko ay panahon ng pagmamahalan, pagpapatawad, bigayan at kaligayahan. Malas mo lang siguro kong hindi mo madama-dama ang mga ito. Pero kung kaya, bakit hindi. Makipagbati ka na sa kaaway mo, batiin mo ng merry xmas ang taong matagal mo ng hindi pinapansin at kinakausap. Patawarin mo na siya, bigyan mo ng pamasko ang inaanak mo at higit sa lahat huwag kang makalimot ngumiti sa araw ng pasko. Madaling sabihin ano? Pero mahirap gawin.

Sa nalalapit na kapaskuhan, puro problema pa din ang iniisip ng karamihan, isa na ko doon. Pero isa lang ang masasabi ko, marahil maraming problema ang dumadating, maaring mahirap magkapasko sa panahon ngayon, maaaring puro nalang kamalasan ang nasasayo… Pero hindi naman siguro mahirap ngumiti sa araw na ito.

Kahit magpasalamat ka man lang, at sabihing…

“salamat po, buhay pa ko sa paskong ito..”

Tuesday, December 14, 2004

Showbiz vs. The Republic of the Philippines

Pagkagising ko, ang balitang patay na c FPJ ang agad-agad na bumungaw sa akin. Wow, ansaya ng umaga. Hindi ko man siya idol o hindi man siya ang binoto ko noong nakaraang halalan, nakaka-awa pa din. Sigurado akong apektadong-apektado ang mamamayang Pilipino sa pangyayari. Parang lahat feeling close, lahat nagluluksa. Nang napabalita pa nga lang na nasa malubhang kalagayan si FPJ, parang nalungkot ang buong Pilipinas sa nangyari. Dumagsa ang mga fans at artista sa St. Luke’s Hospital. Patuloy ang paglala ng trapiko doon dahil sa pagdami ng tao. Oo nga naman at “action king” si FPJ, sikat hindi ba? Kaya ba ganoon na lamang ang pagka apektado ng mga Pilipino sa nangyari?

Buti pa si FPJ, kinakaawaan at iniiyakan ng nakararami. Laman ng balita, frontpage, pinaguusapan sa bahay, sa kanto sa eskwela at kung saan-saan pa. Pati lola ko puro FPJ ang bukang bibig. Nakakarindi na, idol niya daw kasi yun. Magaling at batikang artista. Sikat na sikat at walang kapantay.

E ang kay Kris Aquino? Ang pagkatutok ng taong bayan sa balitang hiwalayan nila ni Joey Marquez noon. Demandahan, dahil sa tutukan ng baril at sakitan ang walang humpay na pagiiyak niya sa tv. Ang pagsiwalat niya na siya ay may STD. Hala sige! Puro Kris Aquino ang laman ng periodico, ang laman ng balita at usap-usapan kung saan-saan. Queen of talk daw kasi si Kris Aquino, sikat hindi ba?

Pero, lahat kaya ng taong bayan apektado sa mga nasalanta ng bagyong Yoyong? Ang mga kawawang kapatid natin sa Quezon? Ang nalubog na bahay, ang mga naglahong pangarap at pagka sigla pang pasko… Ang pagkabaon natin sa utang? Tapos na daw ang fiscal crisis sabi ni GMA pero totoo nga ba? Ang patuloy na paglago ng krimen sa bansa, ang mga nabubura na lugar sa mapa dahil sa mga kalamidad. Lahat ba ay apektado dito? Ganoon din ba ang apekto nito gaya ng apekto sa pagkamatay ni FPJ at paghiwalay ni Kris Aquino at Joey Marquez noon?

Naisip ko tuloy, kung si FPJ kaya ang nahalal bilang pangulo, saan kaya tayo pupulutin ngayon? Panibagong presidente na naman yan panigurado. Sa tingin niyo kung siya ang nanalo, mangyayari kaya sakanya ang nangyari ngayon?

Hindi mo din siguro masisisi ang nakararami. Artista yan e, sikat yan! Tumitigil ang mundo natin pag showbiz, chismis at paboritong palabas na natin ang nasa TV. Hindi ako mahilig manuod ng tv pero inaamin kong malakas ang inpluwensya nito sa atin.

Kung puro showbiz chismis kaya ang laman ng balita sa telebisyon, mas tataas kaya ang rating nito? Mas marami kaya ang nanonood sa Da Buzz at X Files kaysa sa TV Patrol at 24 Oras?

Pero naisip ko lang, bakit ganoon na lang ang pagkalungkot ng mga tao pag showbiz personality na ang namatay, naghiwalay, may malubhang karamdaman at kung anu-ano pa? Ganoon na lamang ba talaga ang pagkabaliw natin sa mga artista? Ang patuloy na pagpanalo ng mga artista tuwing eleksyon, kulang sa pinag-aralan at experience pero panalo pa din. Ang kasikatan na kaya ang sagot sa problema?
Hindi ko alam kung bakit ganoon nalamang ang apekto sa akin ng ganito. Naisipan ko nalang agad gawan ng blog ang tungkol dito. Ikaw na ang maging adik sa blog, wala ka nang magagawa.

Nakakainis hindi ba? Mas matimbang na ang showbiz kaysa sa mas importanteng pangyayari sa ating bansa. Nakalimutan na natin ang ating problema basta artista na ang pinaguusapan. Oo, kawawa patay na si FPJ, nakakaawa din ang kanyang pamilya. Wala naman akong sinabing masama ang maapektuhan at hindi ito dapat pero sana lang hindi ito maging daan para magbulagbulagan na lamang tayo sa totoong problema ng ating bansa.

Babagsak kaya lalo ang ekonomiya natin sa pagkamatay ni FPJ? E diba sabi nila bumagsak daw ang piso nang malaman na tatakbo si FPJ sa pagka pangulo… Ano bang meron kay FPJ? Hindi ako galit sa kanya at lalong hindi ako anti showbiz. Hindi ko lang talaga kayang intindihin kung bakit bakit bakit at bakit ganoon nalang ang apekto sa atin ng mga artista. Naalala ko tuloy nang dumating si Jasmine Trias sa Pilipinas, hala sige! Puro mukha nalang niya ang nasa TV. Mapa commercial at billboard, sige lang! Dagsaan ang mga tao sa Mcdo para sa free jasmine trio.

Nakakainis na nakakatawa pero dapat bang pagtawanan na lang? Isaisang tabi na lamang ang mga mas importanteng pangyayari? Naisip ko tuloy……….

Mag artista nalang kaya ako?




Tuesday, December 07, 2004

Mga Kabarkada ko: Para sa inyo ito…

Ang mga kaibigan ko, barkada ko mula pagkabata, ang mga kasa-kasama ko mula gradeschool hanggang ngayon, ang mga taong tinuturing kong mga kapatid, ang parte ng buhay kong tinatawag kong espesyal… Sila ang aking insiparsyon sa bawat paglaon ng panahon. Kayo, at wala ng iba.

Ang walang humpay na kulitan sa classroom na walang dingding, ang abutan ng love letters galling sa crush, ang walang tigil na palitan ng liham, ang batuhan ng tubig, awayan sa pamamagitan ng pag vavandal sa banyo, ang agawan ng crush, ang pagalingan sa ten-twenty, ang pasiklaban ng sayaw tuwing may program, ang pasikatan at patalbugan. Ang buhay naming noong elementarya na hindi ko makakalimutan. Ang dating hiwalay na pagkakaibigang nagbuklod buklod ng samahan.

Unang tapak sa highschool, hindi maitago ang pagkatakot at hiya sa nakatataas. Ang paghahanap ng masisilungan… ang aming tambayan. Isang maliit na tambayan na hindi maiiwasang pag awayan. Ang tambayang naging saksi sa sindakan at hamunan. Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang alaala ko sa tambayang iyon. Sino ba naman kasi ang matinong makikipag siksikan sa tambayan ng higher batch? Kami yun, at shempre magulo at masaya ang kinahatnan. Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga barkadang umaaway sa amin na sobrang babaw naman ng dahilan. Ang mga matataray na higher batch na walang ginawa kundi ang makipag sigawan at angasan. Ganoon ang buhay namin nung una sa higschool. Ang walang tigil na pagtawag sa amin sa prefect’s office, ang mga kaso at iba pa. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang mga iyon. At sino ba naman ang babaeng masususpend ng isang linggo bago mag graduation? Nakakatawa hindi ba? Ang tawanan at ultimo taguan pag PTC, ang laitan ng mga dumadaan sa aming tambayan, ang takutan at iyakan sa may locker. Ang “dark past” na patuloy na lang naming pinagtatawanan. Sino ang makakalimot sa picture na katawa-tawa noong 2nd year higschool? Wala na yatang mas papangit pa doon ika nga. At sino naman ang makakalimot sa siksikan na picturan sa may Filinvest? Ang hindi magkasya-kasyang barkada sa studio pero pinagpilitan pa din. Ang hulugan sa swimming pool ng bahay ng kaibigan, inuman at asaran sa kalagitnaan ng gabi. Sino ang nawala noong second year at lumipat ng eskwelahan? Sino naman ang nagibang bansa pero bumalik din? Ang kambal na hindi nagkakasundo at nagaaway sa gitna ng campus, ang meeting-meetingan o tinatawag na “open forum” pag may away sa barkada. Ang biglaang paglago ng barkada. Ang pagkakaroon ng group study sa bahay na pagkain at pagtulog lang naman talaga. Ang unang tapak sa bilyaran, ang pag cocommute papuntang town center…

Ang alaala ng kahapon na hinding-hindi makakalimutan…

Ngayon, hindi na maitatago ang malaking pagbabago sa aming buhay, may ibang malapit-lapit na ding gumadruate sa college at iba namang piniling manatili pa ng mas mahabang panahon sa kolehiyo. Hindi na madalas magkita dahil sa ibang nag bubusy-busyan at ibang nalalayo na ng tuluyan. May ibang pinili ang mundo ng showbiz, may nagseryoso na talaga sa pag-aaral at naglaho na lang ng parang bula, ang pagkakaroon ng boyfriend, ang piniling makisama na lamang sa blockmates, ang mag-iba ng landas, may ibang napalayo ang eskwelahan ngunit pinipilit pa din magpakita.

Patagal ng patagal, umiiba na din ang pagiisip at pananaw sa buhay. Ang pagdagdag ng edad ay sumunod na din sa pagkaroon ng tamang desisyon at pagseseryoso sa iba o sabihin na nating sa lahat ng bagay. Hindi na maikakaila ang paglago ng isip sa bagay-bagay, ang pakikutungo sa ibang tao at paghawak ng problema. Ang pagkakaroon ng usapang nakakagulat naman talaga. Hindi mo akalaing paguusapan pero pinaguusapan pa din. Ang mga karanasang hindi maitatago sa isa’t-isa.

Sa pagdaan ng panahon, patuloy ang pagkakaroon ng iba’t-ibang kwento sa aming buhay, may patuloy nang nagseryoso at may iba naming nandiyan pa din.

Ang barkadang itinuturing kong mga kapatid, ang maarte, patawa, maloko, seryoso, pabibo, makadiyos at iba pa.. iba’t-ibang katauhan pero nagkakasundo pa din.

Ang barkada kong nakasama ko sa pinakamatagal na panahon sa aking buhay…salamat… at miss ko na kayo.

Saturday, December 04, 2004

I Can't Hide It, I Won't Deny It

People see me as a loud person. Not the loud type who shouts all the time. But rather, a loud person, who laughs, makes fun of everything, always happy, hyper and active. People who see me like this are the ones who have been with me most of the time. But I wonder if someone knows me really well…

A happy person who’s fond of keeping things and feelings inside. Ironic? But that’s me. Despite of my jolly and hyper personality, I can also feel hurting, pain, and shit that keeps on bullshitting me all the time. I get angry, I feel sad I feel bad and disappointed when bad circumstances happen.

I try and I’m still trying to adjust with everybody. Be considerate, rational and understanding… But do others also forget how to be considerate, rational and understanding to the others? I really find it unfair but I think that’s how life works. I know life’s a bitch sometimes…

Whenever I my mom keeps on scolding me without hearing my side, whenever my brother bullies me without even thinking, whenever my grandmother yells at me without even hearing herself, whenever our maid ignores me when I’m eating, whenever my father gives me pressure without even asking if its ok… I prefer to go inside my room and shut my mouth up. I don’t feel like bursting my feelings out because it might result into anything. Anything that might hurt other’s feelings. I prefer to keep it to myself rather than saying it to them. I don’t want people see me as an irrational person who keeps on bursting her stupid feelings.

(You don’t have to say anything… just… listen, read… and try to feel my emotions..)

I hate it when people lose control and discipline. When someone keeps on insisting that he/she’s just having a good time but hey… IT IS TOO MUCH. When someone forgets to think and act stupid without even having a second thought or something. People like those give me a headache. It sucks big time! But I don’t think I have to say it to someone who acts stupid. Why should I care? But sometimes, these people affect my vision to life and its killing me. However, I still prefer to shut my mouth up because these people might misinterpret me. I rather keep it to myself than telling it to them. He/she might get hurt anyway…

Insensitive people are the most annoying people in the world. They don’t care if they hurt other’s feelings. They don’t care if someone gets a headache whenever they act indifferently. They don’t give a damn if they’re doing the worst action in the world, they don’t give a damn if their actions make them look stupid. They don’t care if someone is trying to please them, adjust and be patient to them because of the obvious reason that THEY JUST DON”T CARE. And I don’t know why these people still exist?

People who are too lazy to do something worthy, people who don’t try to foresee their future,. people who don’t fix their fucking lives. Don’t these people are the ones who are the pains in the asses of each and everyone of us?

People who betray people’s trust those who are corrupt, liars, inadequate, crazy and stubborn who are too selfish. Don’t these people give you a heart attach afterwards?

They say that maturity follows the age of a person, but does maturity means knowing the difference between right and wrong? Having the right choice and be wiser in everything a person does? Why do some matured people end up with nothing good (tumatanda ng paurong)? Why do they forget that they’re holding their future and they still ignore it and all?

Having a good time is part of they say “living your life…” but discipline and control are also part of it right? So why do these two things tend to be forgotten most of the time?

People who leave you behind, “nangiiwan sa ere” are the people who really destroys my head out. These are the people who break my heart so bad. “The pressure is on me! The pressure is on me!” That’s how I actually feel but I still have the strength to hide it out.

People who ask me if I was hurt or if I’m angry or something but the reason and the reaction is already obvious…. These people annoy me but I have also the strength to live with them anyway.

People who know that you’re sick and ill but still give you a lot of pressure and still expect you to be active, hyper and all… These people are the most inconsiderate people don’t you think?

If you think that you are someone who I merely described and you think that you somehow annoyed others. But you thought of disregarding it because it’s not a big deal anyway… Maybe you must think again, before it’s too late…………….I guess.

Friday, December 03, 2004

Maaari Lang

Maging tapat at maging totoo sa lahat ng bagay... Yan ang isa sa mga natutunan ko sa mga matatanda, sa eskwela at sa aking mga magulang. Isang asal na dapat matutunan at akuin. Masama din magsinungaling dahil hindi ka pupunta sa langit. Oo nga naman at kasama iyon sa 10 Commandments ngunit madami pa din ang lumalabag dito. Masarap daw kasi gawin ang bawal, maaring umiiling ka o natatawa ka na habang binabasa mo ito pero yun ang totoo.

Pero hindi niyo ba naisip na minsan sa sobrang katapatan at a sobrang pagsasabi niyo ng totoo ay nakakasakit na kayo? The truth hurts... yun na nga ba ang sinasabi ko. Maaring ang katotohanan ang magpapalaya sa iyong pagaalinlangan ngunit nakakasakit din ito paminsan.

May mga taong pranka at taklesa, ang mga nilalang na hindi nagaalinlangangang sabihin lahat ng gustong sabihin, ang lahat ng katotohanan ay gustong ipagsigawan. Hindi mabuti ang epekto nito sa ibang tao dahil mas gugustuhin pa nilang manahimik ka na lamang kaysa sa masaktan mo sila. May mga tao namang mas gustong malaman ang katotohanan kahit sa loob-loob nila'y minumura ka na nila dahil ang sakit ng sinabi mo.

Ang mga katarantaduhan at kalokohan mong ginagawa sa buhay, minsan hindi mo ba naisip na sabihin ito sa iyong mga magulang? Aminin mong hindi ka nagpapapasok at dilikado ka na sa iyong subjects. Mahirap hindi ba? Lalong mas mahirap at mas masakit sa magulang mo pag nalaman nila ito. Gusto mong sabihin sa kanila ang totoo para matigil na ang iyong pagloloko ngunit alam mong masasaktan mo sila. Mahirap, nakakatakot at nakakapanghina ngunit kailangan mo ng isiwalat ang katotohanan.

Nakita mong may ibang babae ang boyfriend ng bestfriend mo, hindi mo alam kung ano ang gagawin, paniniwalaan ka kaya ng kaibigan mo o magmumukha kang gago sa sitwasyong ito? Pilit mo mang itago ito ngunit patuloy kang binubulabog ng konsensya mo...

Konsensya! Lahat ng tao meron nito. Pero hindi lahat malakas ang gamit nito. Minsan nadudulas ka sa katotohanan o di kaya'y hindi mo mapigilang sabihin ang katotohanan dahil sa iyong konsensya. Nakokonsensya ka na. Nakakainis hindi ba?

Ang malamang hindi ka na mahal ng mahal mo, hindi mo dapat ipilit ang iyong sarili sa taong ayaw sa iyo. Masakit malaman pero yun ang totoo. Hindi mo ba naisip na sana hindi nalang niya sinabi saiyo para hindi ka nalang nasaktan ng ganito? O di kaya'y sana hindi nalang iyon ang sinabi niyang dahilan, nagsinungaling nalang sana siya para hindi gaano kalala ang nadarama mo?

Patuloy kang nagsisikap malaman at pinagtiyatiyagaan mong alagaan ang inyong pagkakaibigan, ngunit may magsasabi sa iyong hindi ka na nila gusto makasama o ano pa man, naging totoo lang sila sa sitwasyon pero hindi mo matanggap. Hindi mo ba naisip na sana nagsinungaling na lang sila sa iyo para hindi ka nasaktan?

Ngunit, naisip mo ba na niloloko mo lang ang sarili mo sa ganito? Alam mo ang katotohanan ngunit patuloy kang nagpapakatanga. Alam mong tanga ka pero hindi mo inaamin. Buksan mo kaya ang iyong mga mata at tingnan mo ng mabuti ang katotohanan. Makikita mong hindi lahat ng bagay na inaakala mo ay maganda at mapupunta sa iyo.

Masyado ka yatang nagpapaka lulon sa bisyo mo, nauubos na ang pera at ipon mo dahil dito. Nalalayo na saiyo ang dating malalapit na tao dahil ayaw nila ang nangyayari saiyo. Bakit ganon? Natanong mo. Isasampal nila saiyo ang katotohanang lubog ka na sa bisyo at nagiiba na ang iyong katauhan. Oo totoo pero pilit kang umiiling at sinasara mo ang iyong isipan sa katotohanan.

Nagmumukmok ka sa kwarto mo ng isang linggo, hindi mo alam kung bakit nagbago na ang panahon at ang mga taong nakapaligid sa iyo. Ngunit hindi mo ba naisip na ikaw ang nagbago at hindi sila? Tanggapin mo na. Hindi pa rin! Hihintayin mo pang may magsampal sa iyo ng katotohanan at bigla ka nalang magugulat na iyon ang totoo.

Pinipilit mong sabihin sa iyo ang pinagbubulungan ng dalawang lalake na nasa harap mo. Kaibigan mo sila kaya naman gusto mo makisama. Nalaman mong niloloko ka ng girlfriend mo. Aray! ansakit naman nun hindi ba. Sana pala hindi mo nalang tinanong para hindi ka nalang nawindang sa katotohanan. Gusto mong magalit sa mga kaibigan mo, bakit ka nila ginaganito. Pero hindi mo ba naisip na kahit magalit ka, maghimutok at mag amok... wala ka nang magagawa dahil iyon ang totoo.

Ang malamang hindi sapat ang iyong kakayahan para abutin ang iyong pangarap. Mahina ka, hindi iyon ang para sa iyo. Bakit ba kasi pinagpipilitan mo ang hindi para sa iyo? Ang eskwela, course, trabaho, play o kung ano man. Gusto mo pang mabulaga ka na hindi mo kaya bago ka titigil. Ipaubaya mo na lang sa iba at doon ka nalang sa kaya mo at sa para sa iyo.

Pinipilit ka ng tatay mong mag doktor o di kaya'y mag abogado. Masyadong mataas ang pangarap niya para sa iyo. Ngunit sinabi mo sa kanyang hindi mo ito gusto. Nanghina siya, nalungkot at naiyak. Pigilan mo man ang kanyang nararamdaman hindi mo pa rin puwedeng ibahin ang sinabi mo dahil iyon ang totoo.

Inamin sa iyo ng mga magulang mo na maghihiwalay na sila, inamin sa iyo ng tatay mong may iba na siyang pamilya. Ansakit! Ang saklap! paano na kayo ng mga kapatid mo? Nasaan na ang pinagsumpaan niyong magsasama kayo habang buhay? Masakit hindi ba?

............. maaring paulit ulit nalamang ang mga sinasabi ko. Paulit ulit ko nalang sinasaktan ang damdamin niyo. Bakit hindi niyo ba matanggap na oo, totoo...

............ maaring masakit malaman ang katotohanan ngunit ito ang magpapalaya sa iyo sa pagaalinlangan.

........... maaring gusto mo lang maging totoo sa ibang tao pero isipin mong nakakasakit ka na ng damdamin.

.......... maaring masama magsinungaling pero minsan mas mabuti ito para wala nalang masaktan.

Tuesday, November 30, 2004

Iwanan sa Ere

Hindi ko alam kung bakit ang aga-aga at nagdadrama na naman ako. Naisip ko lang kasi ang hirap ng pakiramdam pag iniwan kang nagiisa ng kasama mo. “Iwanan sa ere..” para sa mga kahapon at kanina lang pinanganak, iwanan sa ere ay isa sa mga pinaka masakit na gawain ng isang tao. Para sa akin, hindi makatarungan ang ganito. Kung iiwanan mo ako o di kaya ayaw mo talaga ako makasama, mas mabuti sigurong sabihin mo nalang sa akin ng mas maaga, harap-harapan at ng maayos para hindi ako umaasa. Alam kung hindi lang ako ang nakaranas ng ganito kaya samahan niyo nalang ako sa aking kwento.

Para sa mag bebest friends, ang lagi mong kasama. Partner in crime kung tawagin, lagi mong kausap at kadikit. Walang humpay ang inyong samahan, masaya at katuwa-tuwa. Andami niyo nang pinagdaanan at alam mong walang hihigit pa sa inyong samahan. Nang bigla ka niyang iniwan. Hindi nag-paalam, nawala nalang siya ng parang bula. Wala ka nang nagawa dahil tuluyan na siyang nawala…

Ang kaklase mo sa algebra. Ang lagi mong karamay sa bawat paghihirap sa pagsagot sa lintek na algebra na yan. Ang katulong mo sa pag resolba ng mahahabang equations. Ang kahati mo sa bawat sagot sa mga exam at quizzes. Ang kaklase, karamay, katulong at kaibigan. Nang bigla siyang hindi pumasok. Ikaw ay nag-alala, nanibago. Hindi siya nag-paalam, nawala nalang siya ng parang bula. Wala ka nang nagawa dahil tuluyan na siyang nawala…

Ang boyfriend/girlfriend/asawa mo. Ang pinaka mamahal mong nilalang, ang espesyal sa buhay mo. Mahal mo siya at alam mong mahal ka din niya. Walang humpay ang inyong pagtitinginan, masaya, masalimuot pero ang importante ay pag-a-ari niyo ang isa’t-isa. Walang sino man ang makakapag hiwalay sa inyo dahil napaka tibay ng inyong samahan. Mag-away man kayo, magmaktol at mag katampuhan, matatag pa din ang inyong paninindigan na hindi na kayo maghihiwalay. Nang bigla ka ninyang iniwan. Pinagpalit sa walang kakwenta-kwentang nilalang. Hindi na siya nagpakita at walang kapantay ang kakapalan ng mukha. Hindi mo matanggap ang nangyari pero wala ka nang magawa. Ang iyong pag-a-ari at tumiwalag na at lumayo na saiyo ng tuluyan. Masakit, nakakalungkot pero wala ka nang nagawa dahil tuluyan na siyang nawala…

Ang barkada mo na walang tigil sa pagsama at pagkalinga sa iyo. Sila ang nagpapalakas ng loob mo. Masaya at maligalig ang inyong samahan. Tawanan, iyakan at kwentuhan sa malamig na panahon. Malapit ang loob niyo sa isa’t-isa. Tumatakbo ang panahon at patagal ng patagal ang inyong samahan. Nang bigla silang umiiwas saiyo, hindi mo malaman ang dahilan. Unti-unti silang nababawasan. Bakit, bakit ganon? Wala ka nang nagawa dahil tuluyan na silang nawala…

Ang partner mo sa project, thesis, report o kung anuman. Maayos ang inyong usapan, mahusay ang plano sa kinabukasan. Magtutulong-tulong sa lahat ng pagdadaanan. Nalalapit na ang paghuhukom at kailangan ninyong maghakot ng oras at tiyaga. Nang bigla na lang siyang nawala, wala ka nang nagawa. Naglaho ng parang bula. Nasira ang iyong pangarap, at tuluyan na siyang nawala…

Iniwan, iwanan at iiwanan sa ere. Iba’t-ibang anyo ng salita pero iisa lang ang ibig iparating. Ang mawala at tuluyang iwanan kang nag-iisa. Masalimuot ang hahantungan, peo wala ka nang magawa. Magmukmok ka man, umiyak, magalit at magwala… hindi na maibabalik ang nawala. Hindi na dahil tanggapin mo man o hindi…

Iniwan ka na niya sa ere…… at tuluyan na siang nawala

Thursday, November 25, 2004

Kung May Bayad Lang ang Pagtawa

Kung may bayad lang sana ang pagtawa, mayaman na ako ngayon. Kung may halaga lang sana ang bawat halakhak, bungisngis at ngiti… tiyak! Marami na sana akong pera ngayon. Sadyang napaka sarap ng pakiramdam ng ligaya & tuwa gayun din naman kung ikaw ay nagbibigay ligaya at tuwa sa ibang tao. Ang walang humpay na pagtawa tuwing nagbibiruan. Ang walang kamatayang pag ngiti tuwing nagkakalokohan, kay sarap ulit-ulitin.

Tuwing may problema ako, hindi naman sa hindi ko ito sineseryoso pero nagagawa ko pang ngitian na lamang ito. Tuwing may nagawa akong pagkakamali, hindi naman sa hindi ko ito sineseryoso pero nagagawa ko pang pagtawanan na lamang ito. Ang mga taong sadyang nakakainis na patuloy na dumadating sa aking landas, hindi naman sa wala akong pake-alam sa kanila pero nagagawa ko pang tawanan na lamang sila.

Habang nagdidiliriyo ako sa aking trangkaso, ang aking ubo’t sipon na mag dadalawang linggo nang bumubulabog sa aking sistema, hindi sa wala akong pake-alam sa kalusugan ko pero nagagawa ko pang ngumiti at tumawa habang ako’y naghihirap. Ang walang kamatayang puyatan dahil sa mga walang ka kwenta-kwentang bagay, ang mga gawaing pang eskwela na patuloy na nagpapahirap sa aking kalagayan, hindi naman sa hindi ako naapektuhan pero nagagawa ko pang ngumiti at tawanan na lamang ang mga ito.

Kapag ako’y napagalitan, nasigawan o inaway na kung sino man, hindi sa wala akong pake-alam pero kaya ko pang ngumiti sa kalawakan. Kapag puro kamalasan na lamang ang dumadating sa akin sa isang araw,linggo o buwan… hindi sa hindi ako naapektuhan pero nagagawa ko pang tumawa ng malakas na parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung ako lang ang ganito, ang hindi masyado seryoso o hindi masyado sineseryoso ang lahat ng bagay. Ang tumawa, ngumiti na lamang sa lahat ng kapalpakan ko sa buhay. Pero hindi ito isang pahiwatig na wala akong pake-alam, o hindi ako apekttado sa mga nangyayari… Yun lang siguro ang minabuti kong ginagawa upang hindi ito masyado maging pabigat sa akin.

Ang pagpapatawa sa karamihan ay isang talento, isang regalo na kailangan mong ipamahagi sa nakararami. Hindi lahat ng tao nagagawang ngumiti at tumawa na lamang sa problema gaya ng ginagawa ko, pero kung magagawa mong pasayahin sila kahit saglit, bakit hindi. Wala naman sigurong masama. Nakakapag-pagaling ng sakit ang pagtawa at pagngiti, nakakagaan kasi ito ng puso.

Ngayon, naisip ko lang…….

Kung may bayad lang sana ang pagtawa, siguradong milyonaryo na ako ngayon..

Friday, November 19, 2004

Tsong. anlaki mo na a'

Ilang buwan na lang at madadagdagan na naman ang aking edad, ilang buwan na lang at magtatapos na din ako sa kolehiyo, ilang buwan na lang at hahakbang na naman ako sa panibagong yugto sa aking buhay. Ilang buwan, ilang sandali, ilang... pagdaan ng aking buhay at tumatakbo na naman ang aking oras. Walang humpay na paglipas, paglaon at pagtakbo ng panahon. Hindi na maibabalik ang kahapon.

Nakatambak pa din ang aking mga laruan sa aking kwarto. Barbie dolls at mga manika. Hindi ko na sila ginagalaw kaya naman napupuno na sila ng alikabok. Ang mga luto-lutuan na nakatambak sa itaas ng aking tokador, ang mga laruan ng kahapong nakatambak nalamang. Ang kahapong hindi na maibabalik.

Puno na ng libro, papel at mga fillers ang aking kwarto. Puro paperworks at pagbabasa kasi ang ginagawa ko ngayon. Ibang-iba na ang aking gawain ngayon sa gawain ko dati. Seryoso na ang aking mga pananaw sa buhay, seryoso na bumubuo ng aking kinabukasan. Wala nang makakapigil sa aking paglago, ang aking pagtanda, ang aking pagharap sa katotohanan. Bawal nang magkamali na lamang sa buhay, hindi maaring isawalang bahala na lamang ang mga aspeto na bumubulabog sa akin. Seryosohin ang lahat, magsumikap at magbanat ng buto.

Disiplina at matibay na paniniwala sa sarili, yan ang kailangan sa panahong tumatakbo, sa oras na lumilipas. Ang mga taong patuloy na kumukuha sa iyo ng lakas, nandiyan ang expektasyon at ang pangangailangan ng ibang tao. Huwag mo silang biguin, tama na ang palusot... magsumikap.

Natuto ka nang uminom, tumambay sa kung saan-saan, magbisyo at magbarkada. Umuwi ng umaga at matulog ng hating gabi...

magseryoso.. tanawin ang kinabukasan dahil balang araw magugulat ka na lang, nasa harap mo na ito at wala ka man lang nagawa. mahirap magsisi sa huli kaya ituwid ang buhay habang papunta ka pa lang sa kinabukasan.

Huwag ka nang tumawa, huwag ka nang umupo at magbuhay tamad... tumayo ka na! dahil sa simpleng dahilan na...

"tsong... anlaki mo na a'...."

Wednesday, November 10, 2004

Linger

I had all those stories, events and circumstances in my life. Memories that made my life sensible. Some of these are stuck in my head while some are not. These were the ones that made me smile once in a while every time I get to reminisce a li’l bit. Some memories are too good that linger in my head over and over again. But bad memories are too disgusting that just been there forever. When you’re dying because of boredom and you sudden recall those events then you smile because of the nice incident that you’ve had. Sometimes when you laughed out of nowhere because you remembered something funny. Or even cry in the most ironic way because you’ve remembered something sad.

Do you still remember back then when your mother wipes your tears every time you have tantrums? Or whenever you father brings you “pasalubong” just to get rid of your “kakulitan”? Every time your elder Kuya gives you cotton candy and protect you from the bullies. How does it feel every time you recall all those things? How does it feel that these things lingered in you since then? These things are too nice to be remembered. You don’t have to be so corny about it, you just have to make it linger.

How does it feel every time you recall the most painful break-up that you’ve had with your stupid boyfriend? You’re young, he’s stupid. He’s an asshole, you’re dumb. When you remember that last words he said and cursed you in your stupid face, when you cried out loud but he doesn’t love you anymore? Does it make you feel somber? Well, there’s nothing wrong about it. Its just too freaking painful but you have nothing to do with it. You just have to make it linger.

Every time you recall the first time you got grounded. You failed your Math subject. It’s too ordinary but it’s too memorable. When you miss your friends so bad but you cannot see them because your mom is too strict. You just laugh at it because it was your first time. Well, that’s life and you just have to make it linger.

When you smiled while walking because you remembered the day that your crush screamed your name and you’ve thought that it was you but it was somebody else’s name. You were to shy and tried to hide from him over and over again. You were too shameful every time you reminisce about it. It’s mushy but you just have to make it linger.

The things that set you mood every minute, the things that are too memorable and you can’t forget about it...

These are the things, events, incidents... circumstances that remained forever. You didn’t force it. It just did,

And you just have to make it linger


Sunday, November 07, 2004

Biglaan

Biglaan, ambilis ng mga pangyayari.
Hindi ko inaasahang mangyayari.
Masaya ang kinalabasan, masalimuot kadalasan.
Matagumpay kahit na minadali, biglaan.
Walang plano o kung anu-ano, biglaan.

May mga bagay-bagay na biglaan nalang dumadating sa buhay natin. Lakad na biglaan, exam o quiz na biglaan, biglaang pagtaas ng pamasahe, biglaang pagsagot sa iyo ng liniligawan mo, biglaang naging kayo, biglaang pagiba ng pakiramdam, biglaang pag brownout, biglaang pag-galit ng ermat mo, biglaang pag halik sa iyo ng crush mo, biglaang pagpalit ng panahon, biglaang komosyon sa kanto, biglang paghihirap, biglaang pagyaman, biglaan... biglaan...

Biglaan, hindi inaasahan pero wala na akong magawa dahil biglaan. Wala na akong masabi dahil biglaan.

(P*ta! puro nalang biglaan. Lagi nalang biglaan...)

Minsan mas ok pa ang kinalabasan o resulta ng biglaan. O yung "bara-bara..." Bigla kang tinawag ng titser mo, oral recitation daw. Pag minamalas ka nga naman hindi ka handa. Sumagot ka na lang kung ano ang pumasok sa utak mo. "bara-bara nalang ma'am!" O minsan, sa sobrang nakaka-antok na pagtambay niyo sa isang lugar, bigla niyong maiisip na umalis at magliwaliw sa mas-malayong lugar. Natuloy, masaya... kahit biglaan.

Matagal na kayong nagpapakiramdaman, bigla ka niyang sinagot. ("Wow pare! painom ka naman!")Masaya, sarap ng feeling... kahit biglaan. Naglalakad ka papatawid sa eskwela, biglang sumakit ang tiyan mo. Hala! sige, takbo sa pinakamalapit na palikuran... Ok lang, sa wakas!... kahit biglaan. Isang oras ka nang naghihintay sa kaibigan mo, puti na mata mo bigla kang tinawag ng crush mo. Ayos talaga... kahit biglaan.

Pero kung minsan maganda ang resulta ng biglaan, madalas naman ay panget.

Nagta-type ka ng pagkahaba-habang term paper, biglang nag brownout! Patay kang bata ka.... biglaan! (T*ng*nang brownout yan!). Sarap na sarap ka sa pagmamadali dahil hinahabol mo ang oras. Kung puwede mo lang sana takbuhin, ginawa mo na. Biglang nasiraan... "Lipat lang po tayo sa kabilang bus. Nasiraan po...". (T*ng*nang bus yan!)

...naglalakad ka papunta sa parking lot. Ambagal mo pa, para kang naglalakad sa luneta. Tatawa-tawa ka pa, biglang may humablot ng cellphone mo...

(tatawa ka pa e...) t*ng*nang yan...

Pinagalitan ka ng tatay mo. Regalo niya yun sa iyo, ang mahal-mahal daw nun. Pero wala kang magawa dahil biglaan....

Sunday, October 31, 2004

Inspirasyon

Hindi bang ansaya ng pakiramdam kung meron kang inspirasyon? Sinisipag kang gawin lahat ng bagay, napakaganda ng tingin mo sa mundo, wala kang takot harapin ang lahat ng problema na dadating sa iyo at patuloy kang nagsisikap sa mga bagay-bagay. Ang inspirasyon ang nagbibigay ng lakas ng loob sayo. Pakiramdam mo, ang swerte-swerte mo dahil may inspirasyon ka. Siya, at wala ng iba pa. Pero sino nga ba ito?

Ang inspirasyon ay hindi pang mga mag boyfriend/girlfriend lang. Maaring, best friend mo ito, kaklase, nanay, tatay, mga kapatid o kung sino man. Sila ang nagbibigay halaga at malasakit sa iyo, ang iniidolo mo ang tinitingala mo, ang mahal mo, tinitibok ng puso mo, nagpapatawa sayo at sumusuporta sa lahat ng ginagawa mo. Bakit mo nga ba siya napiling inspirasyon? Dahil ba lagi ka nalang masaya pag kasama siya? Pinapayuhan sa mga tanong at problema mo, o dahil binibigay niya lahat ng gusto mo...

Problemado ka, naiiyak ka na sa buhay mo. Napakalungkot naman talaga at hindi mo alam kung anong gagawin mo. May lumapit sayo ng hindi mo inaasahan, tutulungan ka daw niya. Pinayuhan ka, kinwentuhan, pinagalitan at nagtawanan sa bandang huli. Napalapit ang loob mo sa kanya ng hindi inaasahan. Sakanya mo na sinasabi ang lahat ng salaobin mo. Binabalitaan mo siya sa lahat ng bagay dahil alam mong andiyan siya para sa anumang mangyayari at nagyari sayo. Lalong lumalakas ng loob mo sa lahat ng bagay dahil andiyan siya. Tapos bigla mong maiisip at masasabi sa sarili mo na, siya ang inspirasyon mo...

Tinitingala mo siya, iniidolo. Ang galing niya kasing magisip at alam niya kung paano maghawak ng buhay. Gumagaan tuloy ay pakiramdam mo dahil alam mong andiyan siya...

Nagtatrabaho siya para sa iyo, nagsisikap at nagsasakripisyo. Alam mong ginagawa niya yun para sa iyo... sa inyo. Nararamdaman mo ang kanyang malasakit at pagmamahal. Wala man siya lagi sa iyong tabi, hindi man niya alam lahat ng nangyayari sa iyo, hindi ka niya nayayakap pag umiiyak ka... Pero inspirasyon mo pa din siya. Magaaral ka ng mabuti dahil inaalay mo ito sa kanya. Magtatrabaho at magpapaka asenso dahil alay mo ito sa kanya. Utang na loob sa nagiisang inspirasyon mo sa buhay. Sa yun at wala ng iba.

Sila ang buhay mo, hindi mo kakayaning masaktan at maghirap. Gagawa ka ng paraan para sa kanila. Ang mga kapatid mo, nanay.. pamilya mo. Sila ang nagbibigay ng dahilan para mabuhay ka. Mahirap mag sakripisyo pero ayos lang, dahil para sakanila naman lahat ng ginagawa mo. Sila... sila... ang inspirasyon mo.

(hay KC, nagdadrama ka na naman...)

Inspirasyon, inspirasyon, inspirasyon. Ang sarap mabuhay dahil may inspirasyon. Ang sarap mag-aral, magtrabaho, magunat ng buto, sakripisyo at lahat dahil may inspirasyon. Kung wala, paano ka na?

E ikaw, sino ang inspirasyon mo doon?



Thursday, October 28, 2004

You Learn

Living in a complicated world gives me an opportunity to do things that really makes my mind speculate. I may mess up sometimes but I know its how my life works. I do cry, I do really... Especially when it comes to studies & family matters. It just makes me feel down when I have a lot of pressure trying to do things but it just cant be right. Doing strange things can fallout into realizations. I love pleasure, achievements & the feeling of bliss. Who doesn't? But sometimes I just have to feel failure, rejection & grievances. If I'll say that nobody has to live with these negative outcomes except me, well I wasn't thinking...

These negative outcomes may be full of shit but I know it could help me eventually. I must learn from my mistakes. Failing an exam is a very adversely feeling. Studying as if there is no tomorrow, sleepless nights, skipping meals & skipping gimmicks just to focus then you just fail the exam. What the hell was that? Was I really dumb or the exam wasn't really for me? But then, why must I let this failure ruin my life? Then I realized that I need to improve things. Maybe I should study more and try to forget my pleasure just for a span of time. And maybe, I could pass the damn exam next time.


Living is odd when you have nobody to love. Sometimes, love just comes in your way without even expecting. You don't have to look for love because it comes freely. And when you find it, grab it. Don't take love for granted. Just try to feel the person and let him/her feel special. Live by the day and learn how to appreciate each other. Who wants to be loved? Was that a question? But sometimes, love can't be yours at the moment. When you broke up with your loved one, your crush hates you or when your special someone fell out of love with you... it just feels somber. You can't laugh because it's hurting. You can't even look at the brighter side because of a simple reason that.... you just can't! Then eventually, you learn how to improve things. You learn how deal with love properly. You learn that some things are just not meant for you. And then you learn how to smile.

When your mom yells at you and scolds you all the time that you just can't live with it anymore but you have no choice, when your parents give you curfew as if you are a kid. When your elder kuyas and ates ask you something without even thinking. When you just hate your family because, "hey please give me a break!" When you knew that your dad has a second family somewhere, when you had an achievement and nobody cares to congratulate you... How was your family makes you happy anyway? Then you thought, that they are the people who are too focused with something and they don't give a damn about you. But they love you... really. Just learn to deal with it, live with it and everything will just be fine.

When vices make you feel good. It kills time and boredoms, when you feel like drinking beer all the time. You smoke, do drugs, watch porno’s and shit. When you started to love these things badly. And it kills you when you don't. Then suddenly you started to feel sick & tired of these things. You became an asshole to your family and friends because you are an addict. You laugh at anyone even if they are really not funny. When you became a crazy person. Then you realized, that you should've, would've, and could’ve entertained these vices in the first place. It feels good at first but it will make you crazy and different in the end.

When you try to make everyone proud of you but they just CAN'T. Simply because you are not good enough or maybe you need to do better. When you expect them to praise you for what you have done but they rather stare at you and make you realize that... "hello? what was that?" When you feel that nobody likes you because you are a loser. When you think that everyone thinks you as a joke even in the most serious manner. When no one hears your grievances, and you just want to die. Then you realized that its just you who thought all those things and you are obviously a paranoid person. You learned how to read between the lines and be understanding to the people around you...

Maybe there are things and circumstances that hurt you and make you feel bad, but these things and circumstances will definitely help you to realize and reflect yourself. Don't stop yourself to react on negative things. Cry, grieve, scream & get mad.. Everybody does that anyway. Who doesn't? You must realize that when you live, love, cry, lose, bleed, scream, grieve, choke, laugh, choose, pray, & ask.......

you will also learn.

learn and realize things, that's how life works...



Tuesday, October 26, 2004

Gabi na naman...

Balita ko sembreak daw ng ibang estudiante ngayon. Buti pa sila may sembreak. Kami kasi wala...

Ako ay isang Consular and Diplomatic Affairs student at para sa mga hindi pa nakaka alam at kahapon lang pinanganak, sangkatutak at sadamukmok na paperworks at reading materials ang binabasa namen araw-araw. Manuod ng CNN at national news, magbasa ng periodico at kung anu-ano pa. E paano kaya ako manunuod ng balita e gabi na ko nakakauwi sa bahay? Kailangan magbasa, magintindi dahil bukas may quiz, exam or oral recitation. Damang-dama ko ang hirap ng magbabasa ng napakaraming handouts at libro. Hindi naman kasi ako mahilig magbasa dati. Sa totoo nga, ayaw ko talaga! Tamad ako, pasensya na. Pero nung pag apak ko ng kolehiyo, wala akong magawa kundi magbasa dahil baka ibagsak ko lang ang mga subjects ko at mapahiya lng ako ng aking professor.

Minsan nga kahit kailangan nang magpahinga o araw ng pahinga, hindi ko pa din nagagawang humilata at matulog na lang buong araw. Nasanay kasi ako na may ginagawa. Baka may nakalimutan lang akong basahin.. hindi puwedeng wala!

Hindi tungkol sa pagbabasa ang artukulo kong ito. Gusto ko lang ipamahagi sa inyo na nakakapagod din. Tatlong taon at kalahati palang akong ganito pero pakiramdam ko, antagal tagal na. "Its like eternity.. like for-everrrr!" sabi ng maaarte kong klasmeyts. Kahit linggo hindi ko magawang magpahinga. Dapat araw-araw na nakatapat sa computer dahil may gagawin na namang paper works. Haaaayyyy, kaya nga nadiskubre ko ang blogspot dahil sa pagiging adik ko sa computer. Buti na lang at may YM, blogspot at friendster.

Napakahaba sa akin ng araw. Lagi kasi akong may ginagawa, hindi puwedeng wala. Lagi akong may pinupuntahan, hindi puwedeng wala. Nakakapagod din. Kahit sabihin mo pang gimikero at gimikera ka lang araw-araw, hindi mo ba naiisip na.. nakakapagod din? Inuman araw-araw, walang humpay na kwentuhan at tawanan araw-araw oras-oras, nakakapagod din. E paano pa kaya ang buhay estudiante.. sadyang nakakapagod din.

Huwag ka nang umangal, totoo naman e.... (pagbigyan mo nalang ako.)

Pero sa napakahabang araw na aking ginagalawan... may isang punto sa bawat araw na napakasarap ng pakiramdam...

Sa gabi, ang paghiga.. ang pagtulog... Sadyang napakasarap ng pakiramdam.. "Haaaayyy salamat at matutulog na din.." yan ang lagi kong sinasabi pagkahiga ko. Ansarap kasi. Ewanko ba!

Nakakapagod man ang buong araw ko buti nalang may panahon pa akong matulog. Paano kaya ang iba?

Saturday, October 23, 2004

Karma

"Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo." Karma o the Law of Karma ayon sa paniniwala ng mga Buddhist na "for every event that occurs, there will follow another event whose existence was caused by the first, and this second event will be pleasant or unpleasant according as its cause was skillful or unskillful." A skillful event is one that is not accompanied by craving, resistance or delusions; an unskillful event is one that is accompanied by any one of those things. At sabi nga nga mga amerikano na, "What goes around comes around". Maaring hindi lahat naniniwala dito pero isa ako sa mga taong unti-unting naniniwala at namumulat sa kasabihang ito. Sabihin na nating masyadong mahiwaga ang mga katagang ito pero wala naman sigurong mawawala sa akin kung maniniwala ako dito.

Lagi sa akin sinasabi ng mga magulang ko na maging mabuti daw akong anak sa kanila para maging ganun din ang mga anak ko sa akin. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko sila pero sumusunod na lang ako. Bakit kailangan ko pang intindihin kung mamahalin at rerespetuhin ako ng mga anak ko? Ang mas importante, marunong ako rumispeto at ang mag mahal ng magulang. Yun na yun! Problema ko na yun kung paano ko papalakihin ng maayos ang mga magiging anak ko.

Maging mabuti ka sa ibang tao at siguradong gaganda ang takbo ng buhay mo. Pero ibig sabihin ba non na ang mga mahihirap ay masama ang pakikitungo sa ibang tao?

Hindi naman nasusukat sa pera ang kagandahan ng takbo ng buhay ng isang tao. Hindi porket mahirap ka, pangit na ang takbo ng buhay mo at hindi din porket mayaman ka, marangyang-marangya na ang pakiramdam mo. Meron akong Tita, nung mag boyfriend pa lang sila ng asawa niya, may tinulungan silang lalake na, na hit n run. Dinala nila ito sa ospital pero hindi naman nila kilala ito. Patuloy pa din sila tumutulong sa ibang tao na walang hinihinging kapalit. Bilib ako sa kanila. Grabe! Mahirap lang sila ngayon pero masaya sila. Nagagapang naman nila ang mga anak nila sa bawat hikahos na nararanasan nila. At masasabi kung maganda ang takbo ng buhay nila dahil hindi sila pinapabayaan ng Diyos.

Para sa akin, tamang intindihin mo ang kinabukasan at ang magiging takbo ng buhay mo. Matutong tumanaw ng utang na loob at maging mabuti ang pakikitungo sa ibang tao. Maging mabuti sa ibang tao at siguradong hindi ka pababayaan ng Diyos. Korny ba? Wag kang ganyan, dahil balang araw mapapatungo ka nalang sa huli.

Kung ayaw mong lokohin ka ng syota mo, huwag mo din siya lolokohin. Kung gusto mong maging maganda ang takbo ng lovelife mo, matuto ka daw magpahalaga ng boyfriend/girlfriend mo. At kung maloko ka man at masaktan, huwag na huwag kang gumanti. Maaring hindi ka sumasang ayon dito pero, isipin mo ng mabuti... at baka mapatungo ka nalang sa huli.

Hindi ko alam kung ano ang nakukuha ng ibang tao sa "pag ganti." Bakit kailangan mo pang ipasa sa iba ang sakit na naramdaman mo? Bakit kailangan mong magalit sa ex mo pag hindi maganda ang paghihiwalay ninyo? Ano naman kaya ang nakukuha mo sa pagiging bitter-bitteran? Bakit kailangan mong magalit sa teacher mo na nagbagsak sa iyo? Bakit hindi mo na lang matanggap na ikaw ang mali at ikaw ang gumawa ng grado mo. Bakit kailangan mong sampalin ang sumampal sa iyo? Hindi naman niya kailangan maramdaman ang sakit na naramdaman mo. Bakit kailangan mong patulan ang humamon ng suntukan sa iyo, wala ka namang makukuha kundi sakit ng katawan at ulo. Sa madaling salita, bakit kailangan mong gawin sa iba ang ginawa sa iyo?

Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sa iyo. Yun ang tama! Nakakalito ba, intindihin mo kasi!

Lumalayo na ba ang mga sinasabi ko sa mismong pinaguusapan natin?

Hindi siguro.....

Maaring sa pagdaan ng panahon, maiisip mo na lang na napaka swerte mong tao. Maaring gumaganda ang pagiging buhay estudyante mo o di kaya gumaganda ang pagiging buhay may trabaho mo. Pero natanong mo ba sa sarili mo kung bakit?

Monday, October 18, 2004

Kinabukasan: Pagkatapos mag Inuman

Inuman na naman. Siguradong may malalasing, may susuka, may magulo, may iiyak, may tatahimik at may panibagong pag kukwentuhan kinabukasan. Hindi niyo ba napapansin na di hamak na mas-masaya ang araw kinabukasan? Ang araw na tapos na kayo mag-inuman. Dahil ito ang araw kung saan, pagkukwentuhan ninyo at babalikan ninyo ang mga nangyari kahapon / kagabi (araw na naginuman kayo). Ang walang humpay na tawanan at asaran.

Depende yun sayo kung gusto mong mapagusapan kinabukasan. Madali lang yan, i-straight mo lahat ng ipainom sayo. O kaya, saluhin mo lahat ng shot ng mga kaibigan mo. Sigurado akong maghahasik ka ng lagim sa inuman niyo. Mag ingay ka, sumayaw, tumawa ng pinaka-malakas sa kanila, umiyak ka, humagulgol ng parang wala ng bukas. Tapos pag tinanong sayo kung bakit, sabihin mo, hindi mo alam tapos magpapilit ka. Tapos i-kwento mo na ang talambuhay mo. Pasok! ikaw na ang bida. O kung hindi ka pa kuntento, gawin mo lahat ng trippings na wirdo. Maghubad ka, makipag habulan ka sa aso na nasa kalye, gumapang ka sa sahig, ibuhos mo ang isang litro ng coke sa sarili mo. Pasok! ikaw ulit ang bida. Siguradong hindi mo pa damang-dama ang kahihiyan na ginagawa mo sa mismong araw na nagiinuman kayo. Dahil sa simpleng dahilan na lasing ka, at lasing din sila.

Teka.....

Maghintay ka kinabukasan...

Eto na, sumikat na naman ang araw. "Gising gising tayo jan!!" at shempre, ang sakit ng ulo mo. Hindi mo na din maalala ang mga pinag-gagawa mo kagabi. (Hindi na nga ba?). Biglang nagtext ang kaibigan mo, punta daw sila sa bahay mo. Wala naman daw pasok...

(Naku patay!)
Buti sana kung kinabukasan lang pag-usapan.. Minsan umaabot ng taon..

(ha! bahala ka!)

Eto na at nakapagusap-usap na naman kayo ng mga kaibigan mo na kasama mo kagabi sa inuman. At dahil ikaw ang bida kagabi, ikaw pa din ang bida ngayon. Paulit-ulit niyong paguusapan ang mga nangyari kagabi. Aasarin ka ng aasarin sa mga pasaway mong ginawa. Sa madaling salita, asar talo ka. (O ano, saya ba?) Wala kang magawa dahil totoo naman lahat ng naririnig mo. Hindi ka din puwede magalit dahil pikon ka kung ganon...

PIKON!! PIKON!!(umm! Nangiinis ka e..)

Iinom-inom ka tapos pag nalasing ka at pinagusapan ka kinabukasan, magagalit ka. Hindi naman puwede yun tsong. Tawanan mo nalang lahat sila habang inaasar ka nila, at mura-murahin mo nalang sila sa isip mo. Isipin mo nalang, sinasapak-sapak mo sila habang pinagtatawanan ka nila. Isipin mo nalang, na hindi na sila sisikatan ng araw kinabukasan. Isipin mo nalang, bacon yan!

Pero, kung ayaw mo namang maging asar talo kinabukasan. Magpaka KJ ka nalang sa inuman. Sa mga kahapon lang pinanganak, ang KJ ay kill joy, ang korny, ang walang kwenta, ang boring, ang STEADY. Huwag ka mashado uminom para hindi ka malasing pare! O kaya, siguraduhin mong hindi ka mang-gugulo habang nagiinuman kayo. Hindi, ikaw na lang yung taong nakaupo lang sa sulok, taga-tawa lang sakanila, ang tanggero, ang tahimik o sa madaling salita, ang WALANG KAKWENTA KWENTANG KAINUMAN. (o tagay na tayo jan!) "hoi! galaw galaw!”

Maaring steady ka lang sa inuman, pero bumawi ka na lang kinabukasan. Asarin mo ng asarin yung bida kagabi. Tawanan mo, batukan mo, gaguhin mo.. "gago ka tsong! mukha kang tanga non.." *umm!* (sabay tawa). Pagtawanan mo at magpaka astig (kahit hindi ka naman cool,*belat!*).

Pero, kahit gaano pa kasaya ang usapan kinabukasan... Meron din namang inuman na hindi puwede pagkwentuhan kinabukasan. Ang mga patagong inuman, o ang nagmimilagrong inuman. Eto ang inuman na hindi puwede pagusapan. Bawal malaman ng iba dahil sobrang maselan ang mga pangyayari kagabi. Bawal pagtawanan dahil hindi naman ito katawa-tawa. Bawal pagkatuwaan dahil hindi ito nakakatuwa. Bawal mag-asaran dahil baka magsapakan kayo pag ginawa niyo yun. Bawal ipagkalat dahil baka may magalit. (Baka hindi na masundan..)

Gayunpaman, mahiwaga pa din ang dulot ng inuman sa kinabukasan. Masaya, nakakaasar, nakakatawa, nakakagago o nakaka...(e ano naman kung naginuman kagabi?).


tara na...

...at ng makarami!....

Friday, October 15, 2004

Ice Cream

Kumakain ako ng ice cream at sarap na sarap ako lalo na pag cookies n cream ang flavor. Mas masarap ito pag hindi lusaw. Masyado kasing matamis ang ice cream pag lusaw, at hindi naman ako mahilig sa matatamis.

"Wow ice cream..."

"Wow cookies n cream!"

Di ba nakakainggit pag kumakain ng ice cream ang katabi mo, kaibigan mo, o kung sino man ang makita mo? "wow nakakainggit naman, sana ako din may ice cream..." Tapos lalo ka pa niya iinggitin...

Madali akong nagsasawa sa ice cream pag sobra itong tamis. Nawawalan ng gana at umaayaw sa kalagitnaan ng pagkain nito. Naiinis din naman ako sa ice cream na kinakain ko pag hindi ko gusto ang flavor nito. Minsan, para lang sabihing kumain ako ng ice cream, titikman ko ito.. kakainin.. tatanggapin ang lasa kahit na hindi naman talaga ka-aya-aya ang lasa.

Lahat ng tao puwede makakain ng ice cream pero hindi sa lahat ng panahon may ice cream. Puwede ako ngayon ay kumakain nito, pero ang katabi ko hindi. Puwede din namang kumakain ang kaibigan ko nito pero ako hindi. Pana-panahon lang naman kasi ang pagkain nito. Minsan pag feel mo kumain nito, tska ka lang kakain ng ice cream.

Pero, nakakasawa nga ba talaga ang ice cream? Nakaka umay ba ito sa sobrang kasarapan? O hindi...

Sa aking palagay, depende iyon sa isang tao kung paano siya kumain ng ice cream. Pag inaraw-araw niya ito, magsasawa siya kaagad. Pero pag bago palang sayo ang panlasa ng flavor ng ice cream na kinain mo, sarap na sarap ka dito. O kaya. pag gustong-gusto mo ang flavor ng ice cream, hindi ka magsasawa dito.


E paano kung masarap nga ito, favorite mo ang flavor, tapos bigla pagkain mo isang beses... parang ampanget ng lasa nito. Kakainin mo pa din ba?

Siguro hindi muna, hintayin ko nalang na sumarap siya ulet. Kakain na lang siguro ako bukas o kaya sa susunod na bukas. Minsan naman, takam na takam ka sa ice cream bigla mong maiisip, "ay oo nga... antagal ko ng hindi kumakain nito.. kailan kaya ako kakain?"

Ewan ko... Depende sayo kung kailan mo gusto bumili...


...ang sarap ba magka boyfriend/girlfriend?

... parang ice cream....

Thursday, October 14, 2004

Planado

Ang sarap talaga ng chippy. Lalo na pag libre. Mas masarap naman ang siopao, lalo na pag special. Ang puto, lalo na pag may keso. Ang hamburger na may ketchup. Frenchfries na mainit, coke na may ice, beer na malamig, kaning may toyo, tuyong may suka, pizza na malinamnam, banana-q na matamis, palabok na marami, dinuguang maanghang, sinigang na maasim, isaw na malutong, spaghetting mapula at ice cream na cookies n cream ang flavor...

Wow!

Sarap talaga kumain lalo na pag gutom...

Di hamak naman na mas masarap ang feeling ng sumakay sa bus na walang katao-tao. Ang makatabi ang crush mo, ang walang katrapik-trapik na daanan, ang pumasa sa exam, ang manalo sa pusoy dos, ang mahalin, ang maligo sa mainit na panahon, ang mag swimming, ang matulog pagkatapos mong magpuyat ng ilang araw, ang matanggap sa trabaho, ang kiligin, ang yumaman, ang makapasa sa defense ng thesis, ang makatawid ng hindi nagaalangan, ang pumayat, ang makainom ng malamig na tubig at ang makabayad sa utang...

Hindi nakakasawa magisip ng mga yan dahil talaga namang hindi nakakasawa makaramdam ng sarap o ginhawa. Pero natikman mo na ba ang mga hindi kanais-nais na lasa ng buhay?

Ang magutom, mangutang, bumagsak sa exam, mahiwalay sa minamahal, makakain ng panis na ulam, sumakit ang tiyan, makipagsiksikan sa bus sa jeep sa shuttle at sa tren. Ang magpumilit matapos ang term paper, ang kahabaan ng edsa, ang trapik sa moonwalk, ang maubusan ng load, ang mamatayan ng kaibigan at mahal sa buhay, ang makatapak ng tae o bubble gum, ang mag brownout, ang nakakatamad na leksyon sa eskwela, ang nakakauhaw na init ng panahon, ang nakakahilong amoy ng katabi mo sa jeep, ang masampal, masapak, mamura, matanggal sa trabaho, makunan, mapagalitan ng magulang, masisi sa hindi mo kasalanan, ang madamay sa gulo na hindi mo pinapakelaman, ang sobrang kalasingan at ang mabasa sa ulan...

Sadyang nakakaumay ang ganitong lasa ng buhay...

Hindi masarap pero nalalasahan pa din. Hindi ginugusto pero nangyayari pa din. Hindi inaasahan pero dumadating pa din.

Sino ba ang dapat sisihin?

Wala, o nagmamaang-maangan ka lang?

Ikaw, o nagpapa awa ka lang?

Sila, o ayaw mo lang tanggapin?

O sadyang, pana-panahon lang talaga ang lahat. Planado hindi biglaan. Sinadya hindi aksidente.

Sa dinami-daming kubyertos sa lamesa... sampung kutsara pero kailangan mo lang ay tinidor. Yosing-yosi ka na pero ayon sa Per Republic Act 9211, bawal daw magyosi (ahahaha). Nagmamadali ka pero kailangan mo pang maghintay. Gutom na gutom ka na pero tumataba ka na daw. Kailangan mo nang pumasok ng eskwelahan, bigla kang naiwan ng fx...

Maiyak-iyak ka na, naiinis, nanghihinayang...

Nakasakay ka pagkatapos ng isang oras, trapik na naman. Nadaanan mo ang nagkakagulong tao sa kanto. Nagkabanggaan daw. Patay lahat...

"Buti nalang hindi ako nagpumilit..."

Marahil ay naguguluhan ka na, nalilito kung bakit ko sinasabi ito. Hindi ko alam kung maiintindihan ninyo.

Ang gulo ng buhay, nakakalito paminsan. Masarap minsan nakakaumay. Simple lang ito kung tutuusin. Wag mong pahirapan ang sarili mo. Wag mong pilitin kung hindi kaya. Wag mong ipaglaban kung talo ka. Wag mong kunin ang hindi sayo. Wag kang sumakay sa FX na hindi pinlano na sakyan mo..

Sino nagplano?

Siya o...yung gumawa sayo..

Magulo pa din?

Monday, October 11, 2004

Ngiti Ka Naman Diyan

Nakatambay ako sa labas ng chowking habang dinadama ko ang 15-min break. Gabi na naman at at anlamig naman talaga ng panahon ngayon. Nagsimula akong magmasid sa mga tao sa paligid. Ang mga nagtatawanan sa labas, ang mga kumakain sa loob ng chowking at ang mga waiters na nagsisilbi. Napansin ko lang ang itsura ng isa habang nag-aabot siya ng order sa isang table. Kapansin-pansin ang kanyang nakasimangot na mukha. Hindi ako sigurado kung marami ang nakapansin sa kanya o talagang mahilig lang ako magmasid.

Pagod na siguro siya sa kaka-abot ng mga orders at pansin na sa kanya ito. Alam kong gabi na at hindi maiiwasan ang pagod. Lalong-lalo na pag sunod-sunod na ang mga umuutos sa kanya. Pero lalo akong napaisip nang makita kong, hindi lang pala siya ang nakasimangot doon.

Lahat sila....

Biglang pumasok sa isip ko ang mga kasamahan ko na nagsisilbi din sa mga kumakain tuwing retreat. Ang kitchen ministry. At bigla ko din naalala ang laging napagkatuwaan naming gawin, ang "serve with the smile..." Kahit pagod at puyat, wag papahalata. Kahit masakit na ang katawan, wag papahalata. Ngiti lang ng ngiti.

Ang mukha ng tao ang unang napapansin. At dun mo din malalaman ang nararamdaman niya. Kung pagod siya siyempre nakasimangot. Nakangiti pag masaya. Nakakunot ang nuo pag inis. Nanlalaki ang mata pag galit at namumutla naman kung natatae na. (o0o0opsss sorry..)

"Ngitian mo nalang ang problema mo" yan ang lagi sakin sinasabi ng kaibigan ko. Pagod ka man o hindi, importante pa din ang ngiti mo. Dahil hindi mo alam na may mga taong natutuwa dahil sa simple mong ngiti. Hindi ko naman sinasabing wag mong seryosohin ang mga bagay-bagay at ang iyong nararamdaman. Pero hindi ko din naman sinasabing damdamin mo ito..

...ngiti ka naman jan!

Sunday, October 10, 2004

Pasalamat

Fiesta na naman sa amin. Dali-dali akong bumaba ng bahay para tingnan ang ginagawa ng nanay ko. Baka kasi nagluluto na siya ng pagkain dahil fiesta. Baka lang naman eh. Aalis daw siya at siya ay magliliwaliw. "E paano ako magsisimba? Sino kasama ko?" Bahala na daw ako kung sino kasama ko. Hindi ko alam kung bakit ako nalungkot. Dapat nga sanay na ako sa ganon dahil hindi naman talaga uso sa amin ang "bongding moments". Hindi uso sa amin ang bonding tuwing sunday, christmas, new year, anniversary ng parents ko, valentines, araw ng kagitingan, araw ng edsa, fiesta, kaarawan ni sharon cuneta, at kung anu-ano pa. Pero hindi ko din alam kung nagdradrama ako o talagang nakakalungkot.

Yinaya ko ang kaibigan ko magsimba. Hindi ko inakala na sasamahan niya ako, at dalawa pa sila. Buti nalang may kaibigan ako. Nasimulan namin ang misa kaya naman naisipan kung pakinggan ang sermon. Hindi kasi talaga ako nakikinig ng homily pero ewan ko kung bakit naisip ko makinig ngayon. Kailangan daw magpasalamat sa lahat ng bagay. "Be thankful. everyday is a thanksgiving day." Umiba ang takbo ng isip ko. Naisip ko na, oo pasalamat nga ako may pamilya ako. Hindi man kami nagsasama at nagbobonding, alam ko pa din na nandiyan sila pag kailangan ko sila.

Bigla akong natauhan. Buti pa nga ako, naisip ko pa magkaroon ng bonding moments kasama ang pamilya ko at namomoblema ako kung bakit wala kaming panahon sa isa't-isa. Samantalang yung ibang tao, iniisip kung may makakain ba sila ng pamilya nila sa hapunan. Minsan ansama ng pakiramdam ko dahil sobrang nabusog ako. Samantalang yung ibang tao, ansama ng pakiramdam dahil matatapos na ang araw hindi pa din sila nakakakain. Minsan naisip ko, ayoko na ng cellphone ko. Gusto ko naman yung bago. Samantalang yung ibang tao, nagnanakaw pa ng cellphone basta magkaroon lang.

Naisip ko, kailangan kong makuntento sa anong meron ako. Magpasalamat sa anong dumating sa akin. Magsaya, magdiwang dahil oo, buti nalang nagising pa ako. Oo, buti nalang umaga na naman, humihinga pa ako. Pasalamat ako may pasok na naman bukas. Buti nga nakakapag-aral ako. Pasalamat ako sa babagal-bagal kong computer. Buti nga meron kahit papaano. Nalasing ako kagabi, pero salamat pa din. Dahil swerte ko nga may panahon pa akong makipag-inuman sa mga kaibigan ko.

Pare, kung naiirita ka na sa nanay mo.. Buti nga may nag-aalala pa sayo. May nagagalit, may nangungulit pag hindi ka pa umuuwi sa kalagitnaan ng gabi. Pasalamat ka may nanay ka. Hindi mo matanggap na hotdog na naman ang ulam mo sa umaga, pero magpasalamat ka nga at may ulam pa. Natawa ako minsan pagdating ko sa bahay, gutom na gutom na ako at madali akong umupo sa hapag-kainan. "Oh! eto nalang ang ulam?! Ang konti naman..." Bigla akong binatukan ng utol ko, "pasalamat ka nga tinirahan ka pa e!" Oo nga naman, buti nga may ulam pa eh.

Napakababaw ng artikulo kong ito pero kailangan ko lang talaga ipamahagi sa inyo. Pasenysa na kung mahaba ang sinulat ko...

Wag ka na magreklamo...

Pasalamat ka nalang at nababasa mo pa ito.

Saturday, October 09, 2004

Wala Na

Hindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. Minsan nga, kahit sobrang pinaghirapan mo ito, mawawala pa din eh.

(Wala lang, bigla lang ako nagpaka senti...)

Ang pinagpuyatan mong term paper sa statistics niyo, habang naglalakad ka papasok ng classroom bigla mong naalala na nakalimutan mo ang folder mo sa bus na sinakyan mo. Tumakbo ka, hinabol mo ito..... Wala na.

Ang araw-araw mong pagpapapayat, hindi ka kumakain ng marami. Exersisyo sa umaga at diet sa gabi. At bigla kang pumunta ng probinsya dahil gusto mo mag bakasyon. Masarap ang mga pagkain doon. Sariwa at malinamnam. Tumaba ka... 3 buwan na pagpapapayat, isang buwan na pagbakasyon sa probinsya. Tumaba ka na.... Wala na.

Ang bagong alagang aso ninyo sa bahay. Laging mong pinapakain ng maayos. Bawal madumihan. Mahal na mahal mo at alagang-alaga naman talaga. Sinabayan ka niya tumawid sa kalye, paglingon mo sa kanya, nasagasaan na siya.... Wala na.

Ang halos isang taon mong panliligaw sa kanya, ang isang taon na hindi nawawalan ng pag-asa. Oo, mahal ka daw niya.. Naniwala ka. Nagawa mo pa siyang hintayin sa labas ng klasrum niya. Ihatid sa bahay... Nagkasakit ka, hindi mo siya nakita. Nagulat ka nakasalubong mo siya sa canteen. May kahawak ng kamay. Sila na... Paano ka na?..... Wala na.

Kaka isang buwan niyo palang. Ansaya-saya niyo... Magtatagal kayo, Oo. Walang problema, walang sagabal. Mahal-na-mahal ninyo ang isa’t-isa. Tinext ka niya, tumawag ka daw sa kanya. Namiss mo siya at dali dali kang tumawag. Nahihirapan daw siya. Ayaw na niya. Nakipag break siya... Wala na.

Ang trabaho mong walang kasing saya. Gustong-gusto mo ang mga tao, at gustong-gusto ka nila. Bagong promote ka. Wow! Painom ka naman.. Habang pababa ka ng elevator, may sumabog sa baba. Nasunog ang building. Wala nang natira sa opisina... Wala na.

Ang bagong computer. Linisan linggo-linggo. Bawal mag install ng kung anu-ano baka magka virus. Maganda ang itsura, malaki ang memory. Tuwang-tuwa ka ng biglang umusok ang kable sa saksakan. Umusok ang computer mo. Pumutok daw sabi ni kuya.... Wala na.

Ang paborito mong t-shirt. Lagi mo sinusuot pero bawal madumihan. Bawal malukot. Bagay daw kasi sa iyo iyon. Pinalabhan mo ito, kinupasan ng pula mong damit. Hindi na puwede suuotin... Wala na.

Ang pag-gawa ng mahabang artikulo. Feel na feel mo pa ang lahat. Ambilis ng takbo ng utak mo habang ginagawa mo ito. Nag brownout. Hindi mo na save ang file... Wala na.

Ang lahat-lahat na pinaghirapan mo.. ang tagal mong pinagsikapan...
Biglaan nalang mawawala sayo. Hindi mo alam kung paano ka na.

Nasaan na?

Wala na......

Wag kang Papahuli Kapatid

Sa sobrang pagiisip ko sa mga bagay-bagay, hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naisip ang salitang "kamatayan". Nakakatakot na salita pero kasama ito sa realidad ng ating buhay. Ang realidad na lahat tayo mamamatay. Pero kung lahat naman tayo mamamatay, bakit kailangan pa nating pagandahin ang ating buhay?

Nang ika'y ipinanganak, pinalaki ka ng iyong nanay. Sadyang maalaga, bawal dapuan ng lamok o kung anumang insekto. Bawal magkasakit at magutom. Kinailangan din nating mag-aral pagdating sa tamang edad. Bawal bumagsak sa subject dahil kailangan pagbutihin ang lahat. Kailangan mong magpakitang gilas sa iyong mga kaklase na, "ako ay matalino!" kailangan gumawa ng assignments, seatworks at kung anu-ano. Pagkatapos mo ng garde 6, kailangan mong ipasa ang exam papasok sa hayskul. Apat na taon. Apat na taong paghihirap at kaligayahan. Sadyang masaya ang hayskul. Ang tinaguriang iskul bukol ng ating buhay estudyante. At, hindi ka pa tapos dahil kinailangan mo pang pumasok sa kolehiyo.

Ang kolehiyo na ata ang pinaka seryosong panahon ng aking pagiging estudyante. Hawak ko na ang aking kinabukasan. Kung ako ay magloloko, wala akong patutunguhan pagdating ng panahon. Yun ang kinalakihan kung panuntunan. Tapos e paano kung bigla akong mamatay pagkatapos ko ng kolehiyo? Yung habang bumababa ako ng stage, bigla nalang ako nalagutan ng hininga. Patay. Wala na, para saan pa ang lahat-lahat?

Magpakabibo ka man sa eskwelahan at ikaw pa ang pinakamatalinong estudyante sa inyong paaralan, magpakayaman ka man, mag-asawa at bumuo ng pamilya... wala din. Dahil mamamatay ka lang.

"mamamatay ka lang".
Oo, kaya bilisan mo...

Kailangan mong pagandahin ang buhay mo dahil hindi ka naman mabubuhay habangbuhay. Kailangan mong mag-aral ng mabuti habang hindi pa huli ang lahat. Habang may pagkakataon pa... Kailangan mong magtrabaho habang kaya mo pa. Kailangan mong alagaan ang iyong sarili habang malakas ka pa. Kailangan mong ipakita sa pamilya, sa kaibigan mo, girlfriend, boyfriend, jowa, papa at kamag-anak mo na mahal mo sila habang hindi pa huli ang lahat. Paano pag mamamatay ka na at bigla mong naisip na hindi mo man lang nagawang kumanta sa entablado dahil wala kang lakas ng loob dati? Gustuhin mo man, hindi na puwede. Bakit? E kasi mamamatay ka na nga e. Lantay ka na. Ilang oras na lang wala ka na.. Sa madaling salita, huli na ang lahat. "kailangan pa bang imemorize yan?!" E paano kung matanda ka na tapos bigla mong naisip maglaro ng luto-lutuan? Hindi na puwede. Bakit? E kasi matanda ka na, sana ginawa mo iyon dati pa. Sa madaling salita, huli na ang lahat. Huli na nga ba ang lahat?

Hindi puwede. Kailangan mong gumawa ng paraan para gawin lahat ng gusto mong gawin at kailangan mong abusuhin ang lahat ng ibinigay sayong pagkakataon. Minsan lang toh, sige ka.. baka huli na ang lahat.

Maglaro ka, magaral, magliwaliw sa esem, uminom, tumawa, umiyak, kumain ka ng masarap, magtrabaho, bumuo ng pamilya, pasukin ang trabahong matagal ng kumakatok sayo. Sagutin mo na siya habang puwede pa. Ligawan mo na siya habang bakante pa. Yayain mo na siya magpakasal pagnakaipon ka na. Magsulat ka na ng blog pare habang matino ka pa.... Basahin mo na ito habang nakakabasa ka pa. Sige ka, baka huli na ang lahat.......

"it's my life
it's now or never
i ain't gonna live forever
i just want to live while i'm alive
my heart is like an open highway
like frankie said "i did it my way"
i just wanna live while i'm alive"


"live life to the fullest and die young..."

Friday, October 08, 2004

Alaala ng Kahapon

Miyerkules na naman, a las siete ng umaga pala ang pasok ko. Kung puwede lang sana na hindi ako pumasok at matulog na lang gagawin ko. Napakasarap pa naman ng panahon dahil anlamig-lamig at nakaka antok naman talaga. Madilim pa ang paligid ng ako'y bumangon. A las cuatro na ng umaga kung hindi ako nagkakamali. Utang na loob, inaantok pa ako!

Minabuti ko nang bumangon at umupo na lamang. Sumilip muna ako sa bintana dahil bigla akong naging interesado sa itsura ng kapaligiran pag ganitong oras. Pansin pa ang tahimik na kalagayan ng aming bakuran. Hanggang sa unti-unti na akong namumulat sa katotohanan. Bumukas na ang ilaw ng aming kapitbahay. At nagsimula nang magwalis sa labas si manang. Naaamoy ko na ang ulam ng kapitbahay namin, aha! pinritong bangus... Nakakatuwa sila.

Naaalala ko pa dati nung bata pa ako, gigisingin ako ng yaya ko para maligo. A las cuatro y media nun kung hindi ako nagkakamali. Nakapikit pa ang mata ko habang naglalakad. At pagbaba ko ng hagdanan, nakahanda na ang ulam ko, ang walang kamatayang hotdog. Nakabukas na din ang radio at walang tigil ang usapang pilipinas.
Nakaka miss...

Ngayon, wala nang taga gising sa akin. Nasa akin nalang iyon kung gigising ako ng sa tamang oras o matutulog ako maghapon. Pag baba ko ng hagdanan, wala ng hotdog sa mesa. Wala na kasi akong yaya dahil malaki na ako. Wala na ding maingay na radio dahil wala na namang nakikinig ng AM dito. Tahimik ang bahay pag umaga. Tulog pa kasi ang mga tao dito at ako ang unang nagigising pag miyerkules. Walang magluluto ng umagahan ko kaya naman hindi na lang ako kakain. Minsan nakakalungkot isipin na sa pagtakbo ng panahon, madaming pagbabago ang nangyayari sa buhay ng isang tao. Magsasawa ka sa paulit-ulit na nangyayari sa iyo pero pagdating ng panahon, magbabago din iyon at sigurado akong babalik-balikan mo ang ala-ala ng nakaraan. Hindi masama balikan ang nakaraan dahil iyon ang mga bagay-bagay na masasabi mong "ang saya ng buhay ko." Malalaman mo ang halaga ng isang bagay pag nawala na ito.

Ayaw mo maniwala?

Alalahanin mo, tingnan mo, ang noon at ngayon.

Thursday, October 07, 2004

Ok Lang Yan...

Nakaranas ka na ba na sobrang batong-bato ka at sinumpong ka pa ng katamaran? Ayaw mong lumabas ng bahay dahil mainit, ayaw mo din gumalaw dahil sa simpleng tinatamad ka. Tinanghali ka na nga sa pag-gising, ayaw mo pang maligo kaagad dahil sa simpleng tinatamad ka. Tumatakbo na ang metro sa kuryente sa kaka panuod mo ng tv o kaya sa kaka computer mo dahil sa simpleng tinatamad ka. Ayaw mong gumawa ng assignment at pinili mo nalang matulog dahil sa simpleng tinatamad ka. Ayaw mong mag-aral at magcocomputer ka nalang dahil sa simpleng tinatamad ka...

E yung panahon na bigla kang aayaw sa isang bagay? Yung tipong, habang umiinom ka ng beer... bigla mong sasabihin na, "ayoko na uminom bukas o kahit kailan man." E yung bigla mong maiisip na gawin ang isang pagbabago sa buhay mo, "magpapakabait na talaga ako..." o kaya ang sabihing, "mag-aaral na talaga ako..." o kaya ung sasabihin mo na.. "o sige, magpapakatino na talaga ako..."

E yung panahon na hindi mo na kaya magpalit ng damit sa sobrang lasing mo? E paano pa kaya yung hindi ka na makalakad ng maayos sa sobrang antok mo... Hindi makabangon sa sobrang sakit ng ulo mo. Hindi makasalita dahil sa sakit ng singaw mo sa bibig. Hindi makatawa dahil masama ang pakiramdam mo. Hindi makatakbo, makakain, makaligo, makasulat. Hindi makatulog kagaya ko...

E yung bigla kang malulungkot ng walang dahilan. Kakabahan, matatawa, ngingiti, maiiyak...

Naranasan mo na ba lahat ng ito?

Kung hindi, ang korny mo.

Kung oo,

ok lang yan.....

Pareho tayo.

Tuesday, October 05, 2004

Pare... Wag mong madaliin

"pare, wag mo madaliin..."

Hindi na siguro bago sa pandinig ninyo ang mga katagang yan. Puwede yan sa pag-gawa ng report, pag-gawa ng project, pag-babasa, pag-gawa ng artikulo at puwedeng-puwede din sa pag-ibig. Pero, pinaka-madalas kong marinig yan pag tungkol na talaga sa pag-ibig. Oo pag-ibig. Ang walang kamatayang pag-ibig...

Walang kapantay ang sakit na mararamdaman mo pag naghiwalay na kayo ng boyfriend/girlfriend mo. "pare.. break na kami..." Kalimutan mo man sandali, isang minuto, isang oras, isang araw o isang linggo... masakit pa din. At siyempre, dadating ang panahon na maalala mo siya. "pare... miss ko na talaga siya..." Wala kang magagawa, hindi na talaga kayo magkakabalikan. Yun e kung malas ka lang talaga at wala na talagang pag-asa pa.

At sa pagtakbo ng panahon, may dadating nalang bigla. Akala mo siya na, "pare... sa tingin ko mahal ko na siya." Sa tingin mo?! dalawang linggo palang kayo magkakilala, mahal mo na agad? "pare... wag mong madaliin."

May panahon na akala mo mahal mo na siya pero hindi pala. Yun bang, "love at first sight.." Totoo kaya yun?

tsong #1: tsong, yung crush ko nakita ko nakasalubong ko kanina!
tsong #2: ah talaga, edi kinilig ka naman?!
tsong #1: hindi ka maniniwala, kinausap niya ako at hiningi niya number ko...
tsong #2: aba! ok yan a'

(pagkalipas ng 3 araw...)

tsong #1: tsong!! close na kami.. yinayaya nga niya ako kumain sa labas.. sa sabado daw!
tsong #2: ok yan..
tsong #1: shiet kinakabahan tuloy ako..

(pagkalipas ng 2 linggo...)

tsong #1: sa tingin ko mahal ko na siya
tsong #2: sigurado ka?
tsong #1: oo naman, pag tinanong niya ko, sasagutin ko na talaga siya.. parang kami na naman e. ewan ko ba kung bakit hindi pa maging kami officially...
tsong #2: pare... wag mong madaliin...
tsong #1: hindi, sigurado na ko dito

(pagkalipas ng 2 buwan...)

tsong #1: kami na!!!!!!!!
tsong #2: basta kung saan ka masaya, susuportahan kita..

(pagkalipas ng 1 buwan...)

tsong #2: oh.. bakit para kang nalugi?
tsong #1: tsong, break na kami...
tsong #2: sabi naman kasi sayo e, pare... wag mong madaliin...

ano pare, ok ba?

Impossible

While reading a particular magazine... something caught my attention. and i thought of sharing it to you..

"Impossible is just a big word thrown around by small men who find it easier to live in the world they've been given than to explore the power they have to change it. Impossible is not a fact. It's an opinion. Impossible is not a declaration. It's a dare. Impossible is potential. Impossible is temporary.

Impossible is NOTHING."

Monday, October 04, 2004

“Buti nga Chiklet Lang Eh...”

Natatawa ako sa isang babae na nakasalubong ko habang naghihintay ako ng bus papauwi. “Bwisit itong chiklet na ito! Ayaw matanggal!” Halatang-halata sa mukha niya ang inis na dulot ng walang kamalay-malay na chiklet na dumikit sa sapatos niya. Hindi niya yata natiis at umupo nalang siya sa mataas na semento sa harap ko. Tinanggal niya ang sapatos niya at pilit niya tinatanggal ang chiklet sa apakan nito. Tawang-tawa ako habang pinagmamasdan ko siya pero siyempre, hindi niya dapat mahalata. Kailangan niya ikiskis sa kung saan-saan ang apakan ng sapatos niya para matanggal ang chiklet. Gusto ko sanangsabihin n “suukan mo kaya ikiskis sa semento...” Nakakatawa! “Oo alam ko, dahil naranasan ko na din iyon.” Buti na nga lang at chiklet lang e, hindi tae...

Para din palang chiklet ang problema

Tara na, sabay tayong takbuhin ang usapang ito...

Oo, parang chiklet ang problema. Bakit naman hindi? Lahat ata tayo naka-apak na ng chiklet at lahat din tayo nagkaroon na ng problema. At kung hindi ako nagkakamali... meron bang hindi?

Nakakainis magkaron ng problema lalo na pag hindi mo talaga inaasahan. Nakakainis din dahil bigla-bigla nalang ito sumusulpot. Mahirap matanggal, gaya ng chiklet. At siguro kung sadyang mabigat ang problema mo, mahahalata din ito ng tao na nagmamasid sayo. Kailangan mong ikiskis ang apakan ng sapatos mo para matanggal ang chiklet. Ganun din naman sa problema. Kailangan mong hanapan ng solusyon, magisip ka.. gumawa ka ng paraan para matapos na ang walang kamalay-malay na problemang bigla nalang dumapo sayo. Kahit siguro anong ingat mo, dadating pa din yan sayo. Kahit anong ingat mo, maaaring may dumikit pa ding chiklet sa sapatos mo. At siguro, pag napagdaanan mo na ang hirap na nararanasan ng taong nagkaka-problema, matatawa ka na lang dahil “Oo alam ko, dahil naranasan ko na din iyon.” Maiintindihan mo din siguro ang hirap niya kung paano matanggal ang chiklet sa sapatos niya. Cge pagtawanan mo siya, pero wag ka pahalata. Hindi naman siguro masama...

Nagawa mo ngang solusyonan ang problema mo, nagawa mo ngang matanggal ang chiklet sa sapatos mo. Hindi man talaga natanggal ang chiklet sa sapatos mo dati, nakayanan mo naman siguro maglakad pauwi ng may nakadikit na chiklet sa apakan mo.

Isipin mo nalang na may mas matindi pang problema ang ibang tao kaysa sayo.

Buti nga chiklet lang e, hindi tae..

Saturday, October 02, 2004

Simpleng Bagay... Pansinin mo

Kung ikaw ay isa sa mga "busy" na nilalang sa mundo at wala kang panahon para sa mga simpleng bagay, magisip-isip ka.....

Napapansin mo pa ba ang ganda ng araw pag pababa o pataas na ito? E ang kagandahan ng ulap pag malapit ng mag gabi? Paano pa ang paglipad ng mga ibon sabay-sabay? E ang bagong tubo na bulaklak sa may hardin ninyo?

Kung hindi... magisip-isip ka.

Minsan sa sobrang dami na nating ginagawa araw-araw, nakakalimutan na natin pagmasdan ang ating kapaligiran. Ang simpleng bagay na ginawa para sa atin. Hindi mo namamalayan ang pagtakbo ng panahon dahil wala kang oras subaybayan ito.

Bakit hindi mo bigyan pansin? Dahil ba hindi ito importante at wala kang panahon sa ganyan? Hindi ko sinasabi sayo na obligado kang pagmasdan ang mga simpleng bagay, pero gusto ko lang ipakita sayo ang matagal mo nang hindi nasisilayan.

Bakit ba puro problema nalang ang iniisip mo? Puro negatibong pangyayari nalang ang napapansin mo. Puro masamang nagawa nalang ng ibang tao ang napupuna mo. Bakit hindi mo pansinin ang pag ngiti sayo ng katabi mo sa jeep, sa bus o sa LRT/MRT? Ang pagtulong sayo ng kaibigan mo na buhatin ang mabibigat mong libro, ang pagbigay sayo ng kendi ng ka-klase mo, ang pagdala sayo ng pasalubong ng nanay mo, ang pagmamalasakit ng mga kabarkada mo at ang pag sabi ng "salamat" ng ibang tao...

Huwag kang magdalawang isip...

Silipin mo,
pagmasdan mo,
ramdamin mo,

tingnan mo....... ang ganda noh?

2:00 am

It’s two o’clock in the morning. An ambiguous feeling starts to annoy me. I can’t sleep. I’m in a stress. I just can’t help but wonder...

I don’t know what to think. I don’t know what say. The clock exists, the time is running.

My mother is sleeping as if problems don’t subsist. He sleeps very peacefully without a noise without...nothing. I can’t hear anything, the silence starts to dominate. Then suddenly, my phone rang. It’s my brother, asking me to open the gate.

What happened? I can’t answer the phone. I can’t move, I’m paralyzed. My brother starts to yell outside the house. I can hear his voice getting tired as ever. Then suddenly, he stopped.

What happened? My phone stopped. My brother, where is he?

All of a sudden, someone tapped my shoulder, “wake up... wake up...”

...Its me, dreaming again...

Thursday, September 30, 2004

Kailangan Eh...

Minsan ng papunta ako sa eskwelahan may nakasabay akong mag-asawa sa bus. At dahil umaga yun, minabuti kung matulog na lang. Pero hindi ata ako makakatulog dahil malakas ang usapan ng mag-asawa na nakapuwesto lang naman sa likod ko.

Aalis daw si misis at pupunta siya sa ibang bansa para maghanap buhay. Sa aking narinig, lima ang anak nila at hindi sinasadyang mabanggit din iyon ni mister. "iiwanan mo kami ng mga anak mo? buti sana kung isa lang, lima sila! lima!" nang marining ko iyon, nagsimula nang magising ang diwa ko at ipina isang tabi nalang ang antok ko. Alam kong, mahirap magpalaki ng anak. Isa.. dalawa... lalo na pag lima. Mula sa gastos ng panganganak, pambili ng gatas at lampin, hanggang sa pagpapaaral sa eskwela. Hindi ko pa nararanasan ito pero alam kung saksakan ng hirap!

"sana naman naiintindihan mo, kailangan kung magtrabaho..."

Yan ang sabi ni misis habang umiiyak siya. Oo, umiiyak siya at kahit hindi ko makita dahil nasa likod ko sila, alam kung umiiyak siya dahil naririnig ko ang bawat hinagpis niya.

Hindi ko alam kung bakit si misis ang kailangan maghanap-buhay sa ibang bansa at si mister ang kailangan mag-alaga ng mga bata. Hanggang sa pagbaba nila ng bus, napansin ko ang hindi pantay na lakad ni mister. At kung hindi ako nagkakamali, siya ay tinamaan ng sakit na polyo. Oo, polyo.......

Matinding kalungkutan ang dumapo sa akin habang nakaupo ako at pinagmamasdan ko ang mag-asawa na papalayo. Bigla kung naisip ang buhay nila. May limang anak, may kapansanan ang tatay at OFW ang nanay. Alam kong mahirap sa kalooban ni misis na mawalay sa kanyang mga anak at alam kong hindi niya gusto magtrabaho sa ibang bansa. Pero dahil lima ang kanyang mga anak at may kapansanan pa ang kanyang asawa, pilit niyang gugustuhin ang magibang bansa para sila masustentuhan..

Hindi ko na namalayan na malapit na pala ako bumaba, ako’y natutulala. Isa talaga sa maraming katangian ng mga pinoy ang malasakit sa kapamilya. At dahil dito, minsan kailangan nang kumapit sa patalim, danasan ang hirap, magpaka ulila sa mga kano at iwan ang mga mahal sa buhay para bigyan ng kinabukasan ang pamilya.

Oo... pamilya...

Bakit?
"kailangan eh........"

Wednesday, September 29, 2004

Kagulo

Sa dinami daming problema sa buhay, nakuha ko pang magbigay ng solusyon sa problema ng iba...

Minsan, pag may kaibigan ka, at sobrang problemado cia, pro dahil gustong-gusto mo siya tulungan makikinig ka sa problema niya. Tapos wala ka naman magawa...

Minsan naman, ganadong-ganado ka magbigay ng solusyon sa problema ng iba pero sa sariling mong problema, tatanga tanga ka.

Isang gabi, pagdating ko sa bahay.. naabutan kung nagsisigawan ang nanay at kapatid ko. Natural na lang sana sa akin iyon at wala nang dapat epekto pero hindi ko alam kung bakit ko kailangan ikuwento sa inyo ito...Pero naisip kung, wag nalang......Basta, ang alam ko, matagal ko ng problema ang away ng ermat at utol ko. Lagi nalang kasing maingay sa bahay. Ngayon, kung hindi dapat pinoproblema yun, ibahin ninyo ako! Hindi ko alam kung bakit magulo lagi sa bahay. At hindi ko din alam kung ano ang solusyon sa problema ko... Pero siguro, pag may lumapit sa akin na kaibigan ko at pareho ang problema namin, marami siguro akong solusyon na maiisip para sa kanya.

Siguro dahil, “madaling sabihin pero mahirap gawin” ang bagay-bagay. Maaaring alam ko naman talaga ang solusyon sa problema ko pero hindi ko lang talaga magawa, kasi nga....mahirap. Mahirap dahil magulo. Magulo dahiil ayaw kung isipin.

un......

Sunday, September 26, 2004

Away From His Comfort Zone...

If future comes into many people's minds, working abroad would be one of the ideal jobs that they'd prefer. Living and working outside the country conduct a very exuberant feeling they say. Higher income, better economic opportunities, ageing population, institutional stability, unrestrictive immigration policies, good human resource development policies and etcetera... But was it really a rapturous feeling?

My father is a seafarer, he was away and been sailing for about, 30 years now. I must embrace the fact that his salary gives us more that we need. Studying in a very expensive school gives my father more burden that he ever imagines. He’s 50 yrs old now, and he admits that he is already tired sailing. I can feel the discomfort that he experiences every time he needs to get up from his bed early in the morning and force to work. I cannot forget the words he told me once, “kailangan kung mag sacrifice para ma enjoy ninyo ang buhay ninyo..” I find it unfair but also I’ve realized that it is a reality that comes to a parent’s existence. I know the miss that he feels every moment he leads. Every time he gets sick and desires for the tender-loving-care that my mom gives. Every time he feels sad and trying to feel the comfort that we give. Every time he’s happy for something but he can’t tell it to anyone because he feels uneasy doing it. Every comfort he covets but he cannot get because he has to be apart just to work abroad. I know he has to sacrifice and be apart from his comfort zone just to give us a good and better life that he ever wanted.

I just feel serious about it. It’s somber.
It’s sad.

It’s real.........



Saturday, September 25, 2004

"cellphone lang yun ha, paano pa kaya pag computer?"

Wala na akong masulat dahil hindi ko alam kung bakit hindi na gumagana ng maayos ang utak ko. 2 linggo kasi akong pagod, puyat at "pabibo". Kaya siguro, hindi makapag isip ng maayos ang utak ko sa pag gawa ng blog. Naaadik na daw ako sa computer sabi ni ermat. Kahit daw pagod na pagod na ako, nagagawa ko pa daw mag computer. Minsan kinailangan ko pang gumising ng madaling araw para mag computer at mag internet. Mas madali kasi kumonek sa internet pag madaling araw. Shempre internet... alangan namang mag computer lang ako pero hindi ako mag i internet. Walang kasing boring ang ganon.

Minsan nga naisip ko, ang galing ng naka imbento ng computer at internet noh? Napadali talaga ang buhay ko at buhay ng nakararami. Pag kailangan ko mag research sa isang bagay, gamitan ko lang ng internet at tapos na ang problema ko. Pag kailangan kong kausapin ang mga kamag anak ko sa ibang bansa, gumamit lng ako ng internet at tapos na ang problema ko. Pag kailangan kong sulatan ang mga kaibigan ko, gumamit lng ako ng internet at tapos na ang problema ko. Pag kailangan kong maglibang at pumatay ng oras, gumamit lng ako ng internet at tapos na ang problema ko. Pero, hindi ba parang mas malaki ang problema idudulot nito pag nagbago ang lahat?

Paano kung biglang nag brownout habang ikaw ay nag cocomputer? o kaya, paano nalang kung pag gising mo... wala nang computer..? Siguradong mahihirapan ng husto ang mga tao. Titigil ang buong mundo dahil sa kawalan ng computer. Impossible ba? E paano kung nagkatotoo?

Mawalan nga lang ako ng load sa cellphone, nag hihimutok na ako e. Maputulan nga lang ng linya sa cellphone para na kung binagsakan ng malupet na problema e. Lalo na pag nawala ang cellphone ko, para akong namatayan ng mahal sa buhay. Cellphone lang yun ha, e paano pa kaya pag computer?

Wednesday, September 22, 2004

Pakikisama

Marunong makisama ang mga pilipino. Sa totoo lang, magaling daw tayo sa ganon. Sa lahat ng bagay sa lahat ng lugar at sa lahat ng klase ng tao na makasalamuha ng mga pillipino, lagi nalang tayo nakikisama. Madaming mabuting dulot ang pakikisama. Pero kahit sa ano pang klase ng pakikisama ang ginagawa natin, hindi lahat ng tao gusto tayo at gusto natin.

Pag unang araw ng klase lalo na sa kolehiyo, hindi mo pa kakilala lahat ng mga kaklase mo. Shempre kailangan mong pakiramdaman ang bawat taong makakatabi mo. Sabi ng isa sa mga teachers ko, kilalanin daw ang kaibigan kaysa sa mga kaaway, dahil ang mga kaaway.. kahit pagbalik-baliktarin mo, kaaway pa din. Ang mga kaibigan, minsan daw hindi mo alam kung ano talaga ang hangarin sayo. Pero para sa akin, ang tunay na kaibigan, hindi namimili. Kahit ano pa siya, dapat tanggapin mo siya. Pero shempre, hindi naman lahat sila kailangan mong "i-close." Dahil sabi nga... baka mapahamak ka pa.

Minsan naman, kahit akala mong tanggap na tanggap ka na ng kaibigan mo, malalaman mo na hindi pala talaga. Minsan, ang tinuring mong kapamilya na.. siya pa ang magpapahamak sayo. Kaya naman, naniniwala na ako sa pamilya ko na iwan man ako ng lahat... nandiyan pa din sila para sa akin.

Sa inuman... kahit hindi ka talaga umiinom, kailangan mong uminom dahil kailangan mong makisama sakanila. Sa lakwatcha, minsan pilit mong lumabas ng bahay dahil sa pakikisama kahit hindi mo talaga hilig lumabas. Minsan kailangan mong tumawa kahit hindi talaga nakakatawa dahil kailangan mong makisama. Kailangan mong magalit kahit wala naman talaga dapat ikagalit dahil kailangan mong makisama.

Minsan.... kailangan mong talikuran ang kaibigan mo dahil kailangan mong makisama sa iba.

at......minsan, kahit pilit mong makisama sa lahat ng tao, malalaman mo na ayaw ka nila makasama dahil wala kang kwenta.

sakit diba?

Sunday, September 19, 2004

Katawa-tawa ba?

Nakagawian ko nang manuod ng balita tuwing gabi, pero dahil kailangan din sa kurso ko ang mag-alala sa mga kaganapan sa paligid, kinailangan ko talagang manuod ng balita araw-araw.

Bakit nga ba puro krimen at public scandals ang laging laman ng pahayagan at binabalita sa telebisyon? Ganoon na nga ba kalala ang lipunan natin?

Hirap tanggapin.. totoo?

Buti nalang may bahagi sa balita na puro katatawanan ang nilalaman. At nagulat ako sa balitang napanuod ko nung isang gabi... Nagkaroon daw ng "major clean-up" para sa mga palaboy.

(Palaboy? Para sa mga kanina at kahapon lang pinanganak, sila ang mga pakalat-kalat sa lansangan na namamalimos.)

"major clean-up" kung saan, papaliguan sila, gugupitan ang buhok at dadamitan ng malinis na kasuotan. At dahil kabilang ito sa balita ni M*** L****, katawa-tawa dapat ang kinalabasan. Pero ano ang nakakatawa doon?

Natuwa ako dahil nabigyan pansin ang mga palaboy pero hindi ako natawa. Dahil hindi nakakatawa ang mga taong labis na naaapektuhan ng kahirapan.

Patagal-ng-patagal, dumadami na ang mga palaboy sa ating bansa. At kabilang dito ang mga "taong grasa". Sila yung mga madudumi at nasiraan na ng bait. Nakakasira ata talaga ng ulo ang labis na kahirapan. Lalo na pag baon-na-baon ka dito. Dapat siguro huwag gawing katawa-tawa ang mga ganitong bagay. Dahil ito ang dulot ng matinding problema ng ating bansa.
ang...

KAHIRAPAN - ang sanhi ng walang disiplinang pilipino. ang sanhi ng walang malasakit sa kapwa. ang sanhi ng pagiging makasarili. ang sanhi ng abusadong tao....

ang sanhi ng taliwas na ugali... mo, ninyo, ko at nila....