Natatawa ako sa isang babae na nakasalubong ko habang naghihintay ako ng bus papauwi. “Bwisit itong chiklet na ito! Ayaw matanggal!” Halatang-halata sa mukha niya ang inis na dulot ng walang kamalay-malay na chiklet na dumikit sa sapatos niya. Hindi niya yata natiis at umupo nalang siya sa mataas na semento sa harap ko. Tinanggal niya ang sapatos niya at pilit niya tinatanggal ang chiklet sa apakan nito. Tawang-tawa ako habang pinagmamasdan ko siya pero siyempre, hindi niya dapat mahalata. Kailangan niya ikiskis sa kung saan-saan ang apakan ng sapatos niya para matanggal ang chiklet. Gusto ko sanangsabihin n “suukan mo kaya ikiskis sa semento...” Nakakatawa! “Oo alam ko, dahil naranasan ko na din iyon.” Buti na nga lang at chiklet lang e, hindi tae...
Para din palang chiklet ang problema
Tara na, sabay tayong takbuhin ang usapang ito...
Oo, parang chiklet ang problema. Bakit naman hindi? Lahat ata tayo naka-apak na ng chiklet at lahat din tayo nagkaroon na ng problema. At kung hindi ako nagkakamali... meron bang hindi?
Nakakainis magkaron ng problema lalo na pag hindi mo talaga inaasahan. Nakakainis din dahil bigla-bigla nalang ito sumusulpot. Mahirap matanggal, gaya ng chiklet. At siguro kung sadyang mabigat ang problema mo, mahahalata din ito ng tao na nagmamasid sayo. Kailangan mong ikiskis ang apakan ng sapatos mo para matanggal ang chiklet. Ganun din naman sa problema. Kailangan mong hanapan ng solusyon, magisip ka.. gumawa ka ng paraan para matapos na ang walang kamalay-malay na problemang bigla nalang dumapo sayo. Kahit siguro anong ingat mo, dadating pa din yan sayo. Kahit anong ingat mo, maaaring may dumikit pa ding chiklet sa sapatos mo. At siguro, pag napagdaanan mo na ang hirap na nararanasan ng taong nagkaka-problema, matatawa ka na lang dahil “Oo alam ko, dahil naranasan ko na din iyon.” Maiintindihan mo din siguro ang hirap niya kung paano matanggal ang chiklet sa sapatos niya. Cge pagtawanan mo siya, pero wag ka pahalata. Hindi naman siguro masama...
Nagawa mo ngang solusyonan ang problema mo, nagawa mo ngang matanggal ang chiklet sa sapatos mo. Hindi man talaga natanggal ang chiklet sa sapatos mo dati, nakayanan mo naman siguro maglakad pauwi ng may nakadikit na chiklet sa apakan mo.
Isipin mo nalang na may mas matindi pang problema ang ibang tao kaysa sayo.
Buti nga chiklet lang e, hindi tae..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
grabe ka kc! kakaiba... nung isang araw eh balbas yung parang problema... ngayong araw eh chiklet naman! pero bakit ba kay daling i-equate ang kahit na anong bagay sa problema? bakit puro problema na lang ang iniisip natin? wala na bang saya sa ating buhay? ikaw ba'y nalulungkot at nalulumbay? hahaha wala nang patutunguhan ito...
Post a Comment