Thursday, September 30, 2004

Kailangan Eh...

Minsan ng papunta ako sa eskwelahan may nakasabay akong mag-asawa sa bus. At dahil umaga yun, minabuti kung matulog na lang. Pero hindi ata ako makakatulog dahil malakas ang usapan ng mag-asawa na nakapuwesto lang naman sa likod ko.

Aalis daw si misis at pupunta siya sa ibang bansa para maghanap buhay. Sa aking narinig, lima ang anak nila at hindi sinasadyang mabanggit din iyon ni mister. "iiwanan mo kami ng mga anak mo? buti sana kung isa lang, lima sila! lima!" nang marining ko iyon, nagsimula nang magising ang diwa ko at ipina isang tabi nalang ang antok ko. Alam kong, mahirap magpalaki ng anak. Isa.. dalawa... lalo na pag lima. Mula sa gastos ng panganganak, pambili ng gatas at lampin, hanggang sa pagpapaaral sa eskwela. Hindi ko pa nararanasan ito pero alam kung saksakan ng hirap!

"sana naman naiintindihan mo, kailangan kung magtrabaho..."

Yan ang sabi ni misis habang umiiyak siya. Oo, umiiyak siya at kahit hindi ko makita dahil nasa likod ko sila, alam kung umiiyak siya dahil naririnig ko ang bawat hinagpis niya.

Hindi ko alam kung bakit si misis ang kailangan maghanap-buhay sa ibang bansa at si mister ang kailangan mag-alaga ng mga bata. Hanggang sa pagbaba nila ng bus, napansin ko ang hindi pantay na lakad ni mister. At kung hindi ako nagkakamali, siya ay tinamaan ng sakit na polyo. Oo, polyo.......

Matinding kalungkutan ang dumapo sa akin habang nakaupo ako at pinagmamasdan ko ang mag-asawa na papalayo. Bigla kung naisip ang buhay nila. May limang anak, may kapansanan ang tatay at OFW ang nanay. Alam kong mahirap sa kalooban ni misis na mawalay sa kanyang mga anak at alam kong hindi niya gusto magtrabaho sa ibang bansa. Pero dahil lima ang kanyang mga anak at may kapansanan pa ang kanyang asawa, pilit niyang gugustuhin ang magibang bansa para sila masustentuhan..

Hindi ko na namalayan na malapit na pala ako bumaba, ako’y natutulala. Isa talaga sa maraming katangian ng mga pinoy ang malasakit sa kapamilya. At dahil dito, minsan kailangan nang kumapit sa patalim, danasan ang hirap, magpaka ulila sa mga kano at iwan ang mga mahal sa buhay para bigyan ng kinabukasan ang pamilya.

Oo... pamilya...

Bakit?
"kailangan eh........"

Wednesday, September 29, 2004

Kagulo

Sa dinami daming problema sa buhay, nakuha ko pang magbigay ng solusyon sa problema ng iba...

Minsan, pag may kaibigan ka, at sobrang problemado cia, pro dahil gustong-gusto mo siya tulungan makikinig ka sa problema niya. Tapos wala ka naman magawa...

Minsan naman, ganadong-ganado ka magbigay ng solusyon sa problema ng iba pero sa sariling mong problema, tatanga tanga ka.

Isang gabi, pagdating ko sa bahay.. naabutan kung nagsisigawan ang nanay at kapatid ko. Natural na lang sana sa akin iyon at wala nang dapat epekto pero hindi ko alam kung bakit ko kailangan ikuwento sa inyo ito...Pero naisip kung, wag nalang......Basta, ang alam ko, matagal ko ng problema ang away ng ermat at utol ko. Lagi nalang kasing maingay sa bahay. Ngayon, kung hindi dapat pinoproblema yun, ibahin ninyo ako! Hindi ko alam kung bakit magulo lagi sa bahay. At hindi ko din alam kung ano ang solusyon sa problema ko... Pero siguro, pag may lumapit sa akin na kaibigan ko at pareho ang problema namin, marami siguro akong solusyon na maiisip para sa kanya.

Siguro dahil, “madaling sabihin pero mahirap gawin” ang bagay-bagay. Maaaring alam ko naman talaga ang solusyon sa problema ko pero hindi ko lang talaga magawa, kasi nga....mahirap. Mahirap dahil magulo. Magulo dahiil ayaw kung isipin.

un......

Sunday, September 26, 2004

Away From His Comfort Zone...

If future comes into many people's minds, working abroad would be one of the ideal jobs that they'd prefer. Living and working outside the country conduct a very exuberant feeling they say. Higher income, better economic opportunities, ageing population, institutional stability, unrestrictive immigration policies, good human resource development policies and etcetera... But was it really a rapturous feeling?

My father is a seafarer, he was away and been sailing for about, 30 years now. I must embrace the fact that his salary gives us more that we need. Studying in a very expensive school gives my father more burden that he ever imagines. He’s 50 yrs old now, and he admits that he is already tired sailing. I can feel the discomfort that he experiences every time he needs to get up from his bed early in the morning and force to work. I cannot forget the words he told me once, “kailangan kung mag sacrifice para ma enjoy ninyo ang buhay ninyo..” I find it unfair but also I’ve realized that it is a reality that comes to a parent’s existence. I know the miss that he feels every moment he leads. Every time he gets sick and desires for the tender-loving-care that my mom gives. Every time he feels sad and trying to feel the comfort that we give. Every time he’s happy for something but he can’t tell it to anyone because he feels uneasy doing it. Every comfort he covets but he cannot get because he has to be apart just to work abroad. I know he has to sacrifice and be apart from his comfort zone just to give us a good and better life that he ever wanted.

I just feel serious about it. It’s somber.
It’s sad.

It’s real.........



Saturday, September 25, 2004

"cellphone lang yun ha, paano pa kaya pag computer?"

Wala na akong masulat dahil hindi ko alam kung bakit hindi na gumagana ng maayos ang utak ko. 2 linggo kasi akong pagod, puyat at "pabibo". Kaya siguro, hindi makapag isip ng maayos ang utak ko sa pag gawa ng blog. Naaadik na daw ako sa computer sabi ni ermat. Kahit daw pagod na pagod na ako, nagagawa ko pa daw mag computer. Minsan kinailangan ko pang gumising ng madaling araw para mag computer at mag internet. Mas madali kasi kumonek sa internet pag madaling araw. Shempre internet... alangan namang mag computer lang ako pero hindi ako mag i internet. Walang kasing boring ang ganon.

Minsan nga naisip ko, ang galing ng naka imbento ng computer at internet noh? Napadali talaga ang buhay ko at buhay ng nakararami. Pag kailangan ko mag research sa isang bagay, gamitan ko lang ng internet at tapos na ang problema ko. Pag kailangan kong kausapin ang mga kamag anak ko sa ibang bansa, gumamit lng ako ng internet at tapos na ang problema ko. Pag kailangan kong sulatan ang mga kaibigan ko, gumamit lng ako ng internet at tapos na ang problema ko. Pag kailangan kong maglibang at pumatay ng oras, gumamit lng ako ng internet at tapos na ang problema ko. Pero, hindi ba parang mas malaki ang problema idudulot nito pag nagbago ang lahat?

Paano kung biglang nag brownout habang ikaw ay nag cocomputer? o kaya, paano nalang kung pag gising mo... wala nang computer..? Siguradong mahihirapan ng husto ang mga tao. Titigil ang buong mundo dahil sa kawalan ng computer. Impossible ba? E paano kung nagkatotoo?

Mawalan nga lang ako ng load sa cellphone, nag hihimutok na ako e. Maputulan nga lang ng linya sa cellphone para na kung binagsakan ng malupet na problema e. Lalo na pag nawala ang cellphone ko, para akong namatayan ng mahal sa buhay. Cellphone lang yun ha, e paano pa kaya pag computer?

Wednesday, September 22, 2004

Pakikisama

Marunong makisama ang mga pilipino. Sa totoo lang, magaling daw tayo sa ganon. Sa lahat ng bagay sa lahat ng lugar at sa lahat ng klase ng tao na makasalamuha ng mga pillipino, lagi nalang tayo nakikisama. Madaming mabuting dulot ang pakikisama. Pero kahit sa ano pang klase ng pakikisama ang ginagawa natin, hindi lahat ng tao gusto tayo at gusto natin.

Pag unang araw ng klase lalo na sa kolehiyo, hindi mo pa kakilala lahat ng mga kaklase mo. Shempre kailangan mong pakiramdaman ang bawat taong makakatabi mo. Sabi ng isa sa mga teachers ko, kilalanin daw ang kaibigan kaysa sa mga kaaway, dahil ang mga kaaway.. kahit pagbalik-baliktarin mo, kaaway pa din. Ang mga kaibigan, minsan daw hindi mo alam kung ano talaga ang hangarin sayo. Pero para sa akin, ang tunay na kaibigan, hindi namimili. Kahit ano pa siya, dapat tanggapin mo siya. Pero shempre, hindi naman lahat sila kailangan mong "i-close." Dahil sabi nga... baka mapahamak ka pa.

Minsan naman, kahit akala mong tanggap na tanggap ka na ng kaibigan mo, malalaman mo na hindi pala talaga. Minsan, ang tinuring mong kapamilya na.. siya pa ang magpapahamak sayo. Kaya naman, naniniwala na ako sa pamilya ko na iwan man ako ng lahat... nandiyan pa din sila para sa akin.

Sa inuman... kahit hindi ka talaga umiinom, kailangan mong uminom dahil kailangan mong makisama sakanila. Sa lakwatcha, minsan pilit mong lumabas ng bahay dahil sa pakikisama kahit hindi mo talaga hilig lumabas. Minsan kailangan mong tumawa kahit hindi talaga nakakatawa dahil kailangan mong makisama. Kailangan mong magalit kahit wala naman talaga dapat ikagalit dahil kailangan mong makisama.

Minsan.... kailangan mong talikuran ang kaibigan mo dahil kailangan mong makisama sa iba.

at......minsan, kahit pilit mong makisama sa lahat ng tao, malalaman mo na ayaw ka nila makasama dahil wala kang kwenta.

sakit diba?

Sunday, September 19, 2004

Katawa-tawa ba?

Nakagawian ko nang manuod ng balita tuwing gabi, pero dahil kailangan din sa kurso ko ang mag-alala sa mga kaganapan sa paligid, kinailangan ko talagang manuod ng balita araw-araw.

Bakit nga ba puro krimen at public scandals ang laging laman ng pahayagan at binabalita sa telebisyon? Ganoon na nga ba kalala ang lipunan natin?

Hirap tanggapin.. totoo?

Buti nalang may bahagi sa balita na puro katatawanan ang nilalaman. At nagulat ako sa balitang napanuod ko nung isang gabi... Nagkaroon daw ng "major clean-up" para sa mga palaboy.

(Palaboy? Para sa mga kanina at kahapon lang pinanganak, sila ang mga pakalat-kalat sa lansangan na namamalimos.)

"major clean-up" kung saan, papaliguan sila, gugupitan ang buhok at dadamitan ng malinis na kasuotan. At dahil kabilang ito sa balita ni M*** L****, katawa-tawa dapat ang kinalabasan. Pero ano ang nakakatawa doon?

Natuwa ako dahil nabigyan pansin ang mga palaboy pero hindi ako natawa. Dahil hindi nakakatawa ang mga taong labis na naaapektuhan ng kahirapan.

Patagal-ng-patagal, dumadami na ang mga palaboy sa ating bansa. At kabilang dito ang mga "taong grasa". Sila yung mga madudumi at nasiraan na ng bait. Nakakasira ata talaga ng ulo ang labis na kahirapan. Lalo na pag baon-na-baon ka dito. Dapat siguro huwag gawing katawa-tawa ang mga ganitong bagay. Dahil ito ang dulot ng matinding problema ng ating bansa.
ang...

KAHIRAPAN - ang sanhi ng walang disiplinang pilipino. ang sanhi ng walang malasakit sa kapwa. ang sanhi ng pagiging makasarili. ang sanhi ng abusadong tao....

ang sanhi ng taliwas na ugali... mo, ninyo, ko at nila....


Saturday, September 18, 2004

usapang malupet

ako_si_noy: Life's questions keep getting more and more complicated not because life before gets more complicated now, but because we grasp so much more about the simple things everyday to the point that a kiss that made teenagers smile could make 23 year olds' lives collapse…. What once was foreign to all of us, things that we merely enjoy in our youth become heavy obstacles, things we think of with so much depth that they drown us in waves, oceans of over-analyzing… being a child is the greatest treasure God has given us precisely because it is then that we look at the world in such simple prose rather than complex poetry…

mapwet_kc: thats true

mapwet_kc: industrialization made people's lives more complicated..

mapwet_kc: globalization per se

ako_si_noy: globalization in the long run will destroy everything that people in the past lived for

mapwet_kc: korek ka jan

ako_si_noy: I don't believe that there can ever be sustainable development both in environment and in culture.....

ako_si_noy: it is human nature to be careless

mapwet_kc: careless

ako_si_noy: to substitute preventing the threats of the future with enjoying the fruits of the present

ako_si_noy: tignan mo ngayon

ako_si_noy: hindi na tayo makapagtagalog na walang maraming kasamang english na salita....

mapwet_kc: oo tama!

ako_si_noy: balang araw mabubuhay tayo sa pilipinong lipunan na hindi na pilipino

ako_si_noy: kasi nabubuhay tayo sa lipunan kung saan kahit mga maaayos na pamilya sinasabi na mas importanteng matutong magenglish sa bahay

mapwet_kc: kaia nde taio umaasenso kse wlang ginawa ang mga pilipino kundi gumaya sa western world

ako_si_noy: nabubuhay tayo sa isang lipunan kung saan ang kauna-unahang kahalagahan sa buhay ay magkaron ng marangyang kinabukasan

ako_si_noy: mabuhay nang maginhawa.....pera... pera pera...

mapwet_kc: at dulot yan ng globalization

ako_si_noy: yan ang epekto ng globalization

mapwet_kc: astig pareho taio ng iniicp

ako_si_noy: pagtinatanong sila kung anong pangarap sa buhay

mapwet_kc: "magpayaman"

ako_si_noy: wala nang nagsasabi ngayon na simple lang.... simpleng trabaho, simpleng bahay

ako_si_noy: pagsinabi mo yan ang tingin ng maraming tao isa ka sa mga dahilan kung bakit di umaasenso pilipinas

ako_si_noy: dahil wala kang pangarap

ako_si_noy: pero sa totoo, ang mga taong handang maging makontento sa maayos na suweldo at karaniwang buhay.....

mapwet_kc: mahirap mangarap ng simple sa kumplikadong mundo

ako_si_noy: ang mga taong to ang bubuo ng "middle class"......

ako_si_noy: ang mga taong to ang bubuo ng haligi ng ekonomiya.....

ako_si_noy: gets mo?

mapwet_kc: gets ko

ako_si_noy: yung mga gustong mabuhay ng simple, sila yung magbabangon sa pangeet na ekonomiya ng bansa...

ako_si_noy: dahil sila ang sasalungat sa crab mentality

mapwet_kc: crab mentality

ako_si_noy: ang pangarap ok lang yan pero may limitasyon

mapwet_kc: lahat ng bagay mei limitasyon

ako_si_noy: ang ginagagawa ng globalization, binibigyan niya ang pobreng pilipino ng masyadong matayog na pangarap

mapwet_kc: tama ka don kuya noy

ako_si_noy: umaabot sa puntong lahat ng tao naghihilahan na pababa dahil sa pangarap

usapang malupet (part 2)

mapwet_kc: "Ask not what your country can do for you, but what you can do for your country." << famous line
ako_si_noy: hayos ba....
mapwet_kc: eto.. narinig mo na ba: "How fortunate for the leaders that the masses do not think"
ako_si_noy: medyo...
mapwet_kc: ky adolf hitler
ako_si_noy: pero bakit panget maging communist ang pilipinas...
mapwet_kc: ok ung line.. kse totoo
mapwet_kc: kng ako tatanungin mo.. nde panget maging communist ang pilipinas.
ako_si_noy: bakit?
mapwet_kc: mga pilipino kse pag binigyan mo ng democrasya.. inaabuso
mapwet_kc: walang disiplina.. at nde marunong makibilang sa demokrasya
ako_si_noy: pero may mga nagsasabi rin na hindi talaga handa ang mga pilipino dati pa sa demokrasya....
ako_si_noy: ang pinakamalaking tanong, komunismo na ba talaga yung sagot?
mapwet_kc: nde mo mapapa ayos ang bansang nagwawala..
ako_si_noy: madali sigurong sabihin na komunismo sagot kasi tila lahat ng problema nasasagot ng sistema ng komunismo
ako_si_noy: pero meron pa ba?
mapwet_kc: meron pa pro dinidiscourage na ng UN
ako_si_noy: ang lagi kong tinatanong sa sarili ko, sagot lang ba ng mamamayang sawa na sa buhay sa pilipinas ang komunismo?
mapwet_kc: nde!
mapwet_kc: kailangan lng naten ng disiplina..
ako_si_noy: yun ang tama....
mapwet_kc: tama
ako_si_noy: lagi kong sinasabi sa sarili ko, pag ang sagot mo sa lahat ng problema komunismo...... naggive-up kana....
mapwet_kc: korek
mapwet_kc: dpt dn kse nde puro sisi sa gobyerno ang ginagawa ng mga pilipino.. kaia ng demokrasya e.. people and the gov't. not the gov't alone
ako_si_noy: ang tanong natin, bakit di tayo gumawa ng paraan na humalo sa masa....
ako_si_noy: masa pare.....
mapwet_kc: meaning?
ako_si_noy: kung 90% ng pilipino mahirap
ako_si_noy: dapat makita natin sarili natin bilang 10%.....
ako_si_noy: ang ibig kong sabihin
ako_si_noy: ang buhay na ginagalawan natin, hindi totoong buhay....
ako_si_noy: bakit hindi tayo gumawa ng paraan na humalo sa totoong buhay.....
mapwet_kc: nagbubulag bulagan taio sa realidad tsong
ako_si_noy: yun ang mahirap gawin
ako_si_noy: dahil nabuhay na tayo sa paniniwala na kapag nakapag-aral ka sa ateneo, lasalle o up....
ako_si_noy: pagnakapagtrabaho ka na sa accenture.....
ako_si_noy: pag may dalawa kanang anak, ok nayun
mapwet_kc: pano mo malalaman ang totoong buhay kng pinaniwala saio na ang buhay na ginagalawan mo ay ang totoo at wla ng iba
ako_si_noy: chong, sabi sa "wallace report".... hindi umuunlad ang pilipinas dahil.....
mapwet_kc: dahil?
ako_si_noy: "the Filipino is a selfish race, people who cannot go beyond their families...
ako_si_noy: kung iisipin mo.....
mapwet_kc: masakit tanggapin pro totoo
ako_si_noy: diba yung mga ugaling kaki-kakilala.....
ako_si_noy: yung mga palakad palakad sa gobyerno.....
ako_si_noy: diba isang masamang dulot yan ng family values natin?
ako_si_noy: oo maganda ang family values ng pilipino
mapwet_kc: tama
ako_si_noy: pero dahil nga sa crab mentality, nagkaroon narin ng ugali ang pilipino na ako lang chaka pamilya ko
ako_si_noy: wala nang obligasyon sa lipunan ang mga pilipino chong
ako_si_noy: dog eat dog.... self preservation is the first law of nature....
mapwet_kc: kse ung ang kinalakihan naten
ako_si_noy: ganun ang nangyari....
ako_si_noy: kaya pag may maayos na programa o batas ang gobyerno....
ako_si_noy: kahit hindi kurakutin yung pera, hindi masyadong nagiging matagumpay
mapwet_kc: laging mei mag o oppose
ako_si_noy: walang suporta ng mamamayan e
ako_si_noy: laging e pano naman kami
ako_si_noy: pano naman si ganito
mapwet_kc: tama ka kuya noy
ako_si_noy: walang pagbitaw sa sariling kapakanan
ako_si_noy: walang pagbitaw sa kapakanan ng pamilya
ako_si_noy: walang ganun
mapwet_kc: lahat ng gawing batas.. o kaia bill plng.. laging ayaw
mapwet_kc: kanya-kanya kse d2 sa pinas e..
ako_si_noy: tama sinabi mo kanina..... dumating na sa point na wag na natin isipin yung gobyerno.... tayo na muna umaksyon....
ako_si_noy: wala munang reklamo...
mapwet_kc: wlang malasaket sa ibang tao.. e ano nmn kng maghirap cla? bsta ako maginhawa.. yan yan lage
ako_si_noy: isa pang malaking problema.....
mapwet_kc: hahayyy
ako_si_noy: pagmay isyu sa gobyerno, maraming nagmamarunong....
ako_si_noy: reklamo nang reklamo, pero alam naman nila na kung hindi tayo magkakaisa
ako_si_noy: kahit anong side panigan nila, walang mararating
mapwet_kc: kse nga nde marunong mkibilang ang mga pilipino sa "demokrasya"
ako_si_noy: minsan gusto ko nang makinig sa administration kahit may apprehensions tungkol sa mga bill of batas, para lang magkaroon ng direksyon
ako_si_noy: bill of batas naman ako.....
ako_si_noy: hahahahha
mapwet_kc: korek
ako_si_noy: mabuti na siguro na magkamali tayo bilang bansa, hindi yung away-away, hindi naman gumalaw....
ako_si_noy: mabuti na sigurong mali yung direksyon basta may direksyon....
mapwet_kc: so..
mapwet_kc: ok na sna na magkamali bsta sama-sama?
mapwet_kc: tama.. for the sake of wat we call.. "demokrasya"
ako_si_noy: naniniwala ako na ang ginagawa ng karamihan sa mga pulitiko natin, may kwenta....
mapwet_kc: oo.. pro nde pinapancn. dahil mga mali lng ang kapancn pancn
ako_si_noy: nauupos lang sila sa implementasyon kasi inuuna nila kapakanan ng pamilya nila at sarili nila kaysa sa bayan....
ako_si_noy: kung iisipin mo, dimo rin masisisi mga pinoy kung ayaw na nilang maniwala....
mapwet_kc: oo.. yan ang tinatawag na population discontent
mapwet_kc: kung saan.. negatibo ang tingin nila sa gobyerno kahit sa aling aspeto
ako_si_noy: pero kung gusto mong umangat ang bansa sagot ba na iwanan natin?
ako_si_noy: tama yun....
mapwet_kc: wag iwanan..
ako_si_noy: hindi rin naman siguro tayo makakahintay ng nararapat pang ng lider
mapwet_kc: ampanget nmn kng aangat isa-isa.. mas ok cgro kng aangat dahil sa pakiki-isa
ako_si_noy: siguro ang kelangan subukan nalang natin umunlad kahit na hindi natin mapipili kung sino ang nakaupo....
mapwet_kc: tama
ako_si_noy: parang sabi nga nila.... ang kapatid mo hindi napipili.... pero kung masama ang kapatid mo, dapat mo bang iwanan pamilya mo?
mapwet_kc: e sos.. nde pa nga umiinit ang upuan ng nahalal na presidente.. dami ng batikos e.. ahahaha
mapwet_kc: tama!
ako_si_noy: mahirap mahalin ang pinas chong....
mapwet_kc: alam ko
mapwet_kc: prng tao lng yan.... malalaman mong mahal mo pag tinanggap mo ang pagkakamali.
ako_si_noy: AYOS!! USAPANG MALUPET PART 2...
mapwet_kc: shiet ano? upload?
ako_si_noy: may blog nako....
ako_si_noy: ako rin....
ako_si_noy: GAME!!!
mapwet_kc: ahahaha cge
mapwet_kc: upload mo den toh

Thursday, September 16, 2004

Minsan Lang Naman

Minsan akala mo, binigay mo na lahat ng makakaya mo pero bigla mong malalaman na hindi pa din yun sapat. o Kaya, hindi naman talaga dapat ibigay ang lahat-lahat. Sa madaling salita... "mali ka!"

Minsan naman, masyado kang naaaliw sa isang bagay, biglang may magsasabi sayo na, "masama yan.." at kailangan mong itigil ito.

Minsan naman, akala mo ang galing-galing mo sa isang bagay..bigla mong malalaman na mali pala ang akala mo at hindi ka naman talaga magaling dahil may mas magaling pa sayo.

Pagdating naman sa walang kamatayang pag-ibig: minsan akala mo, siya na talaga ang para sayo tapos bigla mong malalaman na hindi pala. O kaya, akala mo mahal na mahal ka niya yun pala ayaw lang niyang mag mukha kang tanga sa kakamahal sa kanya.

Sa mga magulang naman: Akala mo tama lang na protektahan mo ang anak ko, biglang sasabihin sayo ng anak mo na malaki na siya at hindi na niya kailangan ang protekta mo.

Masakit minsan malaman ang katotohanan lalo na pag hindi mo talaga ito inaasahan. Pero, kailangan mong tanggapin kahit masakit dahil yun ang totoo. At ito din ang magiging daan para malaman mo ang tama at karapat-dapat mong gawin sa buhay mo at sa buhay ng ibang tao...

Monday, September 13, 2004

Trafficking

Human Trafficking

Trafficking is the act of recruitment, transportation, harboring or receipt of persons. It also uses force or coercion, with or without consent of the victim and its purpose is for subsequent exploitation. Subsequent exploitation considers slavery, forced labor, prostitution, mail order brides, debt bondage, pedophilia, pornography, child labor and removal / sale of organs. These aspects are facts. And women are abused and exploited by these aspects to begin with.
Globalization they say brings good effects to the people and to the economy of every state in the world. But also, globalization promotes violence. And violence includes trafficking. It is definitely against human rights. Primarily because, it was defined as transportation with exploitation. And exploitation itself is violence and abuses human rights. Human trafficking is one of the major problems of our country. It may be inconspicuous to the others specifically to the higher and middle class society because they don’t experience poverty in the first place. But it is very visible and apparent to those experiences poverty, the lower class or the poor ones.
Woman was likely compared and weighed to a chicken. Which they say, is one of the favorites of the majority yet it is plausibly abused. Abused by trafficking. Women can be embellish and garnish like the chicken to attract more people and customers. This is one of the procedures done before trafficking. I must say, that some of us are not aware of this but this was proven, and it is reality. Victims that were shown in the film are heart-rending which deserves sympathy. They were fooled and were easily attracted by the abusive people. Primarily because, easy-money is always been absorbing. Women had experienced exploitation but are terrified to return in their families because they were scared of the consequences that may result in.
Women must be taken care of, because they play a major role in our society and women are very productive. But some just refuse to give credit and just disregard the essence and capacity of a woman. Women are traditionally treated as housewives, battered, and the one who must experience emotionally and physically sacrifices to retain the success of its family. Which is very wrong and unfair to begin with. Men and women must be treated equally to prevent exploitation and acts of abusiveness.
Poverty promotes violence and violence promotes burden especially to women. As a diplomatic student, I believe that human beings who were treated badly deserve justice. So, there must be a firm and strong sanction against trafficking. Because trafficking is very immoral. I, as a woman, deserves success in life, care from other and not abusiveness.


Royalty

The Relevance of Royalty in Good Governance


A monarchy consists a leader called a king or a queen. In which the person who is in charge to lead the people belongs to a royal family. It is basically a form of government characterized by one-man rule, which is also called a monarchia in Greek. The institution of chieftanship expressed the monarchical principle. Any sort of individual leadership among men partakes of the nature of monarchy, but one must distinguish in practice between the authority of the freely chosen leader whose ascendancy rests on his ability to express the consensus of the group, and the leader whose exercise of the power rests on custom, tradition, law, religious sanction, or some basis other than voluntary cooperation. Only the second kind of authority is monarchial, for the crucial distinction is that between personal dominance that is spontaneously accepted and the institutionalized arrangements, which permit individual exercise of authority irrespective of individual qualities. Thus one of the basic tests is whether or not the ruler must deserve his crown. Now, is having royalty in a system of government relevant in good governance?

Monarchy promotes dependency. The people are dependent to the monarch, which limits the free will of an individual. Whatever happens to the people, they have no right to extend their grievance to the government. They can suffer as much as what they are intended to but never they can question their status quo. The monarchs have their absolute freewill which exhilarate their motives to do wrong to their people. The people fight for their King/Queen even though they know that they get no benefits at all. The problem of the royalty results to a major problem of the state. The slaves are forced to work for their lords and get a minimal benefit from them. Generally speaking, the royalty controls the people and its State without democracy. Sometimes the monarchs tend to be so violent and harsh to their people just to get what they want. The monarchs also promote immorality. In order to keep their power and authority, they tend to get married with their relative. They look up to God as their superior but they practice immorality in their lives. So their sins punishes them later on.

The government that the monarchs have does not practice democracy to their people. The monarchs implement their decisions and make rules without consulting other law-making bodies or whatsoever. They also punish people without amnesty. They practice providence in a different way in which they will benefit from it not the poor ones.

Now, if this is how I define and describe monarchy and if this is how I state the relevance of royalty in governance, it will manifest bad governance to the State. But monarchy also develops good points for some reasons.

Monarchs see God as their superior so they also practice good values. I see monarchs as a set of people who practices loyalty within their family. They utilize fidelity as well, in which they tend to be so selfish to others just to preserve their merits. Monarchy is a simple way of governing people. It can run without any complication. The decision-making is easy and making rules as well. The conflict is not augmented and it also lessens competitions. The royal family is basically good and they want bliss to their people as well. They just can’t see the real picture the same way as how the people see it. So they tend to have a minimized way of governing their State. But I also see the King/Queen as a very good thinker. They think for their people without the opinions and critics of the others. They decide for the sake of his people and even manage to succeed. The King/Queen are born to be a leader and does not mind if he/she really deserves the crown. They govern as how their parents governed. The King/Queen think as how he/she was brought up to think.

It really doesn’t matter if the government is monarchy or not. The person who is placed to lead the government must be sincere to his people. If the one-man ruler of the monarch government is sincere to his people and has a pure intention of bringing success to his land then it will result to good governance. A government has its strengths and weaknesses and it doesn’t necessarily mean that it won’t result to good governance.

Saturday, September 11, 2004

Pare

Pare

Kinalakihan ko na ang magkaroon ng kaibigan na lalake. Nag-aral kasi ako sa isang co-ed school mula pre-school hanggang sa kasalukuyan at puro lalake naman ang mga kalaro ko nung bata pa ako. Sila din ang kabaril-barilan at katakbuhan ng kuya ko. Dati naaalala ko pa, pinipilit niya akong wag nalang matulog sa tanghali at piliin na lang na maki pag text at mag tumbang preso sa kapit bahay namin. Galit na galit sa amin si ermat kaya sinunog niya lahat ng text ko. Kaya naman, nalipat sa barbie doll at luto-lutuan ang hilig ko at tuluyan kong kinalimutan ang nakakalungkot kong nakaraan. Nang pag daan ng panahon, nagugulat pa dati ang nanay ko pag may mga lalake akong nakakasama maglakwatcha pero ngayon, sanay na daw siya. Ok na lang din sa kanya pag lalake ang kasama ko umuwi...

Natatawa naman sa akin ang tatay at nanay ko dahil parang lalake daw ako minsan magsalita at gumalaw. Masyado daw akong cowboy pagdating sa bagay-bagay. Ok daw sana pero minsan nakakahinala na. Kaya naman natuwa talaga sila nung six years old ako nang una kung tinuro ang crush ko sa picture. At least, sigurado na daw sila na babae ako.

“ahahahahahaha! Nakakatawa talag sila... “

Ngayon, pati sa paghahanap ng bagong kaibigan, nagiging lalake na din ako. Tsong at Pare ang tawag ko sa iba. At diba pag lalake ka, bibo ka? Parang lalake = bibo; bibo = lalake. Ganun lang yun. Ako daw ang bibong bata sabi ng mga kaibigan ko. Kaya minsan naisip ko, “bakit hindi nalang kaya ako magpaka arte?”

“Oh my gosh! Super wala lang... I got a new boyfriend!”
“ Yuck ur so kaka! Kaka..inis!”
“Like.. umm.. watever!”
“Hei girl! Do you wanna see my new-polished nails?”

(ULOL!!!)

Pilitin ko man magpaka arte, hindi ko magawa dahil unang-una, natatawa ako pag ginagawa ko. At pangalawa, hindi sa akin bagay! Pero, minsan mahirap maghanap ng boyfriend dahil iniisip ng iba, baka mas maarte pa sila sa akin. “E ano ngayon?” Masama ba yun? Ok nga dahil hindi na nila ako kailangan pagkaingatan masyado....

Tsong... “Ano sa tingin mo?”


Friday, September 10, 2004

Malas o Swerte

Malas o Swerte?

Sabi nila hindi daw porket nasa tamang linya ka sa buhay, swerte ka daw. At hindi din daw porket nasa maling linya ka sa buhay ay malas ka. Paano mo nga ba malalaman kung malas ka o swerte?

Pag may boyfriend o girlfriend ka ba, swerte ka na? E paano kung nag-break na kayo.. Pag mayaman ba kayo, swerte ka na? E paano kung naghirap na kayo? Pag nagkatrabaho ka ba, swerte ka na? E paano kung natanggal ka? Pag nanalo ka ba sa lotto, swerte ka na? E paano kung naubos na ang pera mo?

Ano ba ang mas matagal.... ang swerte, o ang kamalasan?

Minsan, habang naglalakad ako sa loob ng SM.... nakasalubong ko ang isang lalake na kung hindi ako nagkakamali... klasmeyt ko siya nung first year hayskul. Lumipat siya sa public school nung third year kami at ayokong itanong kung bakit. Nagulat ako sa nakita ko nang nakasalubong ko siya, dahil nakasuot siya ng puting polo, itim na pantalon at maroon na necktie.... Isa siya sa mga salesboy doon. Bigla kong naisip, “isa ako sa mga swerteng nilalang sa mundo..” hindi sa minamaliit ko ang mga salesboy pero hindi ko lang talaga malubos maisip na ang yayabang-yabang na klasmeyt ko noon, ay salesboy ngayon. Hindi siya makatingin sa akin dahil alam niyang makikilala ko siya. Hindi siya nagkamali. Pero, kung tumigil na siya sa kanyang pag-aaral at nagtatrabaho nalang siya bilang salesboy sa SM... at ako naman ay nag-aaral pa din sa isang Colegio, ako kaya ang swerte at siya ang minamalas? O baka, ako ang minamalas at siya ang swerte... Hindi mawala sa utak ko ang mga tanong ko... At alam kong, hindi ko agad-agad masasagot iyon.

Pero isa lang ang alam ko, na hindi mo masasabi kung malas o swerte ka dahil hindi mo naman alam ang mangyayari bukas... sa susunod na bukas at sa susunod pang bukas. At hindi sapat na iba-se mo lang ang kaswertehan o kamalasan mo sa kasalukuyang nangyayari sa buhay mo.


............... At nang paglabas ko sa SM, “hala! Walang tricycle! pagminamalas ka nga naman o’!”.....

Kwentong Bus

Biyaheng Bus

Ilang taon na din akong sumasakay ng bus papasok ng school. At dahil don, natutunan kung sumakay ng bus kahit saan ako magpunta dahil aircon nga naman ito at hindi pa hassle. Sa araw araw na pagsakay ko ng bus, madami na din akong kwento tungkol sa mga driver, konduktor, katabi at ung mismong bus na nasasakyan ko.

Kwentong Driver:
"O dali hawak lang po at aandar na tayo.."
Ang driver na ata ang pinaka una mong mapapansin pagsakay mo. Dahil siya lang naman ang nasa pinaka unahan at hindi katulad ng konduktor na palakad lakad sa loob ng bus. Minsan mei driver na sa sobrang tagal ng nagmamaneho e pinagkakamalan na nyang bahay ang bus. Mapapansin mo ito sa kanyang pananamit. Ang driver na nakasando, pants at naka tsinelas. Nakakatawang isipin na sila ang nakapuwesto sa harap pero wala silang pake alam sa kanilang suot. Meron din naman na kakatapos lang ata mag tanghalian at mei nakasabit pang toothpick sa kanyang bibig habang nagmamaneho. Meron din namang driver na dati atang nagmamaneho nang ambulansya at magaling sumingit sa kung saan saang sulok ng kalye. Meron ding nakakahilo magmaneho at kakabod kabod kung huminto. Mapapansin mo ito sa mga istura nga mga pasahero dahil karamihan ay nakayuko na at hilong-hilo. At ito ang pina nakakagulat sa lahat pag first time mong sumakay ng bus at ganitong driver ang na tsempuhan mo. Ang driver na bumababa sa kalagitnaan ng mahabang trapik at iihi sa gilid ng bus. At kung minamalas ka, at ikaw ay nakaupo sa bandang bintana, tiyak na makikita mo siya. At pag lalo ka pang mamalasin, ibababa ka ng driver sa malayo at kailangan mo pang maglakad papunta sa talagang bababaan mo.

Kwentong Konduktor:
"marami pa marami pang.......tao. tayuan na po boss."
"bwenja o bweja! (buendia) (sabay tuktok ng piso sa bakal na hawakan ng bus)"
"wala po ba kayong barya? mamaya na yung sukli niyo ha.."
Ang tagabigay ng ticket at tagapag sukli ng inyong pera. Ang sumisiksik sa tayuan at masikip na daan sa loob ng bus para magabot ng ticket. Ang taga sigaw ng.. "o may bababa! tayo na ang mga bababa o!" sa biyahe. Sila ang konduktor. Ang konduktor na kala mo laging may welga at ang nagmumukud-tanging pinakamalakas na boses sa loob ng bus pag papara. Merong konduktor na pinaglihi ata sa sama ng loob at laging mainit ang ulo sa mga pasahero. Lalo na pag wala kang barya at buong isang daan o limang daan ang ipangbabayad mo, nakasimangot na ito at nagpaparinig na ng kung anu-ano. Minsan nakakalimutan pa nila ibigay ang sukli at kailangan mong ipaalala sakanila tuwing dadaan sila sayo. At dahil wala talagang panukli, bumababa din sila sa kalagitnaan ng mahabang trapik at nagpapapalet ng barya sa driver ng dyip. Meron din namang konduktor na mahilig makipag kwentuhan sa driver at nakakalimutang magbigay ng ticket sa pasahero. May konduktor din na pinaglihi sa kabibuhan at sumasabay din sa pagbaba ng pasahero para magtawag ng isa pang pasahero. Kaya naman hindi maiiwasang maiwan siya ng bus pag hindi siya napansin ng driver. Siya din ang pilit na sumusuot sa siksikang daanan sa bus. Meron din namang konduktor na maaasahan at nagtuturo ng bababaan ng isang pasahero.

Kwentong Katabi:
Sa araw araw na pagsakay ko ng bus, iba-iba na ding klase ng tao ang aking nakakatabi. Ang taong tumatayo at ikaw ang isisiksik sa upuan katabi ng bintana. Ang taong saksakan ng laki at sakop na niya ang halos buong upuan. Ang katabing tulog with matching palo-palo pa ang ulo niya sa balikat mo. O ang humahampas na ulo sa balikat mo. At kahit ano pang pagiwas mo, talagang mei kapangyarihan ito at nasusundan niya ang balikat at likod mo. Minsan, may nakatabi ding lasing at nagsasalita mag isa, at amoy chico ang hininga. May nakatabi ding pawisin at dahil magkatabi kami, napupunas na niya sa braso ko ang pawis niya sa braso niya. Meron din na ubod make up at ginawang parlor ang bus. Ang katabing kala niya wala siyang katabi dahil napaka lakas ng boses niya sa pakikipagusap sa cellphone. Meron ding nakakatabing mag boyfriend/girlfriend at kala mo isang taon silang hindi nagkita dahil sila ang naglalampungan. At meron din naman at hindi mo maiiwasang magkaroon ng katabing nakakatakot. Nakakatakot ang itsura, ang galaw at ang kanyang damit. Sila ang tipong mapapa hawak ka talaga ng mahigpit sa bag mo dahil ikaw ay nagaalangan at baka ka ma snatchan. At kung may nakakatakot meron din namang kanais-nais. Ang gwapo / magandang katabi... ang super bango at linis ang itsura. Sila ang tipong mapapahawak ka ng mahigpit sa bag mo dahil sa kilig at hindi sa takot.

Kwentong Bus:
Siyempre kung may kwentong driver, konduktor at katabi... meron ding kwentong bus. Ang klase ng bus na nasasakyan ko. Ang bus na saksakan ng lakas ng aircon at kahit saan ka pumwesto siguradong manginginig ka sa lamig. Asahan mo ding may lalabas na usok sa bunganga mo pag madaling araw at super aga kang sumakay ng napakalamig na bus. Meron din namang bus na may aircon pero tagaktak ang pawis mo dito. Ang bus na nangangamoy sunog na gulong lalo na pag nakapuwesto ka sa pinaka likod ng bus. At ang pinaka masaklap sa lahat, ang bus na bahay ng barka-barkadang ipis at kung anu-anong insekto. At pag mamalasin ka, may ipis din na lalabas sa aircon at kung saan saang butas sa dingding ng bus.

* Hindi siguro lahat ng tao nakakaranas ng mga kwentong naikwento ko. Minsan nakakainis pero minsan nakakatawa. Gayun pa man, hindi ko pa din maiwasang sumakay ng bus dahil, dahil dito laging may bagong karanasan ako sa pagsakay nito.

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...