Friday, September 10, 2004

Malas o Swerte

Malas o Swerte?

Sabi nila hindi daw porket nasa tamang linya ka sa buhay, swerte ka daw. At hindi din daw porket nasa maling linya ka sa buhay ay malas ka. Paano mo nga ba malalaman kung malas ka o swerte?

Pag may boyfriend o girlfriend ka ba, swerte ka na? E paano kung nag-break na kayo.. Pag mayaman ba kayo, swerte ka na? E paano kung naghirap na kayo? Pag nagkatrabaho ka ba, swerte ka na? E paano kung natanggal ka? Pag nanalo ka ba sa lotto, swerte ka na? E paano kung naubos na ang pera mo?

Ano ba ang mas matagal.... ang swerte, o ang kamalasan?

Minsan, habang naglalakad ako sa loob ng SM.... nakasalubong ko ang isang lalake na kung hindi ako nagkakamali... klasmeyt ko siya nung first year hayskul. Lumipat siya sa public school nung third year kami at ayokong itanong kung bakit. Nagulat ako sa nakita ko nang nakasalubong ko siya, dahil nakasuot siya ng puting polo, itim na pantalon at maroon na necktie.... Isa siya sa mga salesboy doon. Bigla kong naisip, “isa ako sa mga swerteng nilalang sa mundo..” hindi sa minamaliit ko ang mga salesboy pero hindi ko lang talaga malubos maisip na ang yayabang-yabang na klasmeyt ko noon, ay salesboy ngayon. Hindi siya makatingin sa akin dahil alam niyang makikilala ko siya. Hindi siya nagkamali. Pero, kung tumigil na siya sa kanyang pag-aaral at nagtatrabaho nalang siya bilang salesboy sa SM... at ako naman ay nag-aaral pa din sa isang Colegio, ako kaya ang swerte at siya ang minamalas? O baka, ako ang minamalas at siya ang swerte... Hindi mawala sa utak ko ang mga tanong ko... At alam kong, hindi ko agad-agad masasagot iyon.

Pero isa lang ang alam ko, na hindi mo masasabi kung malas o swerte ka dahil hindi mo naman alam ang mangyayari bukas... sa susunod na bukas at sa susunod pang bukas. At hindi sapat na iba-se mo lang ang kaswertehan o kamalasan mo sa kasalukuyang nangyayari sa buhay mo.


............... At nang paglabas ko sa SM, “hala! Walang tricycle! pagminamalas ka nga naman o’!”.....

No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...