Wednesday, September 22, 2004

Pakikisama

Marunong makisama ang mga pilipino. Sa totoo lang, magaling daw tayo sa ganon. Sa lahat ng bagay sa lahat ng lugar at sa lahat ng klase ng tao na makasalamuha ng mga pillipino, lagi nalang tayo nakikisama. Madaming mabuting dulot ang pakikisama. Pero kahit sa ano pang klase ng pakikisama ang ginagawa natin, hindi lahat ng tao gusto tayo at gusto natin.

Pag unang araw ng klase lalo na sa kolehiyo, hindi mo pa kakilala lahat ng mga kaklase mo. Shempre kailangan mong pakiramdaman ang bawat taong makakatabi mo. Sabi ng isa sa mga teachers ko, kilalanin daw ang kaibigan kaysa sa mga kaaway, dahil ang mga kaaway.. kahit pagbalik-baliktarin mo, kaaway pa din. Ang mga kaibigan, minsan daw hindi mo alam kung ano talaga ang hangarin sayo. Pero para sa akin, ang tunay na kaibigan, hindi namimili. Kahit ano pa siya, dapat tanggapin mo siya. Pero shempre, hindi naman lahat sila kailangan mong "i-close." Dahil sabi nga... baka mapahamak ka pa.

Minsan naman, kahit akala mong tanggap na tanggap ka na ng kaibigan mo, malalaman mo na hindi pala talaga. Minsan, ang tinuring mong kapamilya na.. siya pa ang magpapahamak sayo. Kaya naman, naniniwala na ako sa pamilya ko na iwan man ako ng lahat... nandiyan pa din sila para sa akin.

Sa inuman... kahit hindi ka talaga umiinom, kailangan mong uminom dahil kailangan mong makisama sakanila. Sa lakwatcha, minsan pilit mong lumabas ng bahay dahil sa pakikisama kahit hindi mo talaga hilig lumabas. Minsan kailangan mong tumawa kahit hindi talaga nakakatawa dahil kailangan mong makisama. Kailangan mong magalit kahit wala naman talaga dapat ikagalit dahil kailangan mong makisama.

Minsan.... kailangan mong talikuran ang kaibigan mo dahil kailangan mong makisama sa iba.

at......minsan, kahit pilit mong makisama sa lahat ng tao, malalaman mo na ayaw ka nila makasama dahil wala kang kwenta.

sakit diba?

No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...