Monday, October 31, 2005

Never-Never Land

Have you ever wondered of your dream house, dream life or dream boy/girl or, have you ever had standards for everything? Was perfection a noun or an adjective to you for that matter?

When I was a kid, I thought that I can find nirvana, utopia, seventh heaven or whatever you call it. I thought that I can reach that state by playing Barbie dolls and “luto-lutuan.” But everything turned into a deeper theory when I turned 10. That was when I doubted of peter pan and tinkerbell. My level of satisfaction elevates from Barbie dolls to French fries and my la-la land wasn’t that superficial since then. Eventually, my dream started to create perfect people, house and life that I should live when time comes. I had disappointments and that was when I learned to criticize, to discriminate. From then on, my dream-land detached itself from me and distance expanded continuously. Things were never great but fine, people were never excellent but satisfactory. Should I blame my parents or should I blame my stupidity? And this stupidity allowed me to experience frustrations, rejections and failures just to reach “my perfection.”

When I became older, perfection attached to fiction. I realized that there’s no perfect person; house or life that I should look up to. Peter Pan and Tinkerbell were not real! Everything was already made perfect for me. Imperfection needs respect, it creates beauty and beauty satisfies my level of quality. Perfect something will never be possible in the real world. Appreciation comes from within not from anything else or standards, whatsoever. And that concludes…. that I was never been to never-never land…but rather, real world has its own land which I must call, my own hurly burly wonderland.

Saturday, October 15, 2005

Maling Akala

Iilan ang mga kaibigan at kakilala ko na nauna na sa akin makapagtapos ng pag-aaral. Iilan ang nakahanap kaagad ng pagkakakitaan pero mas lamang ang piniling mamahinga muna ng isang buwan, dalawa hanggang sa di na namamalayang matagal-tagal na din pala silang namamahinga. Sabi ko non, pag ako nagtapos… gusto ko magtrabaho agad. Hindi naman siguro ganon kahirap yun di ba? Sabi nila… “welcome to the real world” na daw. Ibig sabihin ba nila hindi makatotohanan ang mundo ko dati? Ang alam ko kasi hindi kathang-isip ang maghirap para makatapos. Ayaw ko talaga magpatalo pero totoo naman hindi ba?

Ngayon…. araw araw na akong balisa dahil hindi ko pa din alam kung kailan ako makakahanap ng trabaho. Nahihiya na ako sa nanay ko dahil inaraw araw ko ang paghingi ng pera. Masyado ata akong pihikan at ang alam ko, nand’yan lang ang oportunidad na naghihintay sa akin. Sabi ko kasi, kung yun talaga… yun nay un! Kahit ilang beses kong tabuyin, lalapit at lalapit lang ulit iyon. Hindi pala... “one is enough two is too much” ika nga. Masyado din ata akong nagpapa-apekto sa mapaghusgang lipunan sa pagpili ng trabaho. Ito na nga ata ang sinasabi nilang totoong mundo. Yung bang, hindi mo alam kung ano ang sagot sa lahat. Yung bang, hindi lahat nadadaan na lang sa ngiti at inom. Yung bang, seryoso na talaga ang kwento ng buhay. E kung ito na nga yun… mas mahirap pala ito sa inaakala ko.

Akala ko kasi madali lang ang buhay……….

Friday, October 07, 2005

May Pagkakaiba

Kunwari may makita kang sobrang gandang babae. Sexy! At ang buhok, ang gandaaa, ang soft, ang dulaaaas.. parang nagpa salon. Pero tatlo lang ang daliri. Anong gagawin mo? E paano kung may lumapit sayo na kagwapuhan naman talaga at lalakeng lalake kung makatindig pero mas mataas at mas matinis pa ang boses sayo. Eto na lang, kunwari nagtapat na ng pagmamahal ang crush mo. Tapos sinabi mong mahal mo na din siya. Sa sobrang tuwa niya, biglang lumobo yung uhog sa ilong niya. Nalaman mong, ganon pala siya pag natutuwa. Inuuhog. O sige, paano na lang kung ang girlfriend mo, gahaman kung tubuan ng buhok sa mukha. Bigote kung bigote, balbas kung balbas sa kapal. Anong gagawin mo?

Kunwari na lang, yung kinaiinisan mong mukha sa klase niyo ay may pinakamagandang boses pala sa eskwela. E paano kung ang lalakeng nawili ka nang tabuyin ay maging isang sikat na modelo sa industruya? Paano na lang kung ang inaapi niyong tao sa grupo ay ang maging isa sa milyonaryo sa bansa? E ang lalampa-lampa na bata sa lugar ninyo nung unang araw ay siyang isa sa mga magagaling na senador sa Pilipinas? Anong gagawin mo?

E kamusta naman ang mga taong tulog mantika ang hilig at ang gahaman uminom pero hindi uso ang mga salitang “lashing na ko tsong…” Kamusta din ang mga taong tinatawag na couch potato sa weekends pero buhay kalabaw sa trabaho pag weekdays?

Laging may pambawi hindi ba? Dahil lahat ng tao sa mundo may pagkakaiba. Walang perpekto ika nga. May mga taong kakaiba o kalabuan sa kinagawian mo. May mga bagay naman na iba sayo pero natural na sa karamihan. Sa ayaw at gusto mo, kailangan mong matanggap ang kahinaan at kaibahan ng iba sayo. Ngayon, kung pasaway ka hindi mo kaya, respetuhin mo dahil hindi lahat ng tao….

Kagaya mo.

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...