Monday, September 29, 2008

Ako.

Sa tinagal-tagal mo nang nabubuhay sa mundo, naitanong mo na ba sa sarili mo o sa Diyos kung ano ang silbi mo dito? O di kaya’y unti-unti mo na bang nararamdaman ang dahilan kung bakit ka andito? Pwes, eto ang kwento ko…

Nagsimula ako magpasaya ng ibang tao nung ako’y tumapak ng elementarya. Hindi ko alam kung bakit sila natutuwa sa akin pero patuloy ko pa ring ginagawa ito. Kumanta, sumayaw, magtula, umarte.. lahat yon kaya ko gawin! Hanggang sa tumanda na ko’t lahat. Nagkaisip, nagka wisdom tooth, nag higshchool, nag college.. hanggang ngayon. Wala pa din akong sawa sa ginagawa ko.

Hindi madali ang maging ganitong klaseng tao. Hindi ako madalas sineseryoso ng karamihan hanggang sa na-uso sa akin ang salitang “moody”. (ahahahaha!) Mahirap, oo shempre. Para sa iba na nahahalintulad ang sarili nila sa akin, mahirap magtago ng problema at maging malungkot lalo na’t pagpapasaya ang trabaho mo sa iba. Ni hindi nga pwede patagalin ang problema dahil madaming tao ang umaasa sa enerhiya mo. Kahit ang umiyak sa harap ng madla mahirap din. Dahil sino ba namang kumedyante ang iyakin? Wala.

Pero alam niyo, masarap naman ang pakiramdam tuwing may napapasayang ibang tao. Konting biro, kalokohan, tapos ang usapan. Tawa ka lang diyan, ako nang bahala sayo.

Wala akong ka muwang-muwang sa ginagawa ko hanggang sa mapaisip ako bigla… Ito ba talaga ang misyon ko? Ambabaw naman ata, pero hindi din. Kung sa pelikula pa, mas mahirap gumawa ng joke na kakagatin ng masa kesa ang magpaiyak ng iba.

Kung may bayad lang ag bawat taong napapatawa ko.. kung may halaga lang ang bawat tawa na naidudulot ko, SHET! Ang yaman ko na talaga. Diba?

Para sa mga taong kaparehas ko ng misyon sa mundo, para sa mga mahilig magpatawa, magpakaloko at lahat na.. Para sa mga nagpipigil ng damdamin para lang mapagpatuloy ang comedy show na handog natin, para sa lahat ng tumatawa (kahit walang dahilan) hanggang ngayon (easy lang tsong..), para sa inyo ang tanong ko….

Kaya mo pa ba tsong?

Sunday, September 28, 2008

cotton candy with nido

Para sa mga ka –edaran ko, masarap ihalo sa kung ano-ano ang powdered milk (masarap pa rin ang NIDO). Pampatamis ito na hindi naman gaano katamis. Gets mo? At sigurado akong alam niyo ang kombinasyon ng cotton candy na may nido…

Nauso yon dati sa Bene nung elementary ako. Limang piso ang bayad, may manamis-namis na pang dyabetis ka nang cotton candy with milk. Hilig ko ito lalo pag pauwi ako ng bahay galing school. Ganon din tuwing Linggo. Papasok pa lang ako ng simabahn noon, ngingitian ko na si Manong na nagtitinda ng cotton candy sa labas, at paniguradong kikita na naman siya sa akin maya-maya.

Naaalala ko pa dati, naiinggit ako sa mga batang kumakain ng cotton candy sa loob ng simbahan. Di mo kasi naitatanong, hindi pwede sa amin ang kakain ng kung ano-ano sa loob ng simbahan. Hindi rin pwede ang umiinom at naglalaro habang misa, dahil paniguradong, kurot sa singit ang aabutin ko. Ahahahaha! Pero kung ako din ang nasa kalagayan ng nanay ko.. kunwari may anak na din ako tapos magiinarte na gusto kumain sa loob ng simbahan… naku! Hindi rin pwede sakin yun noh! (yessssss naman!)

Mabalik tayo sa cotton candy with milk… Nagsimba kasi ako kanina at nakita ko na naman si cottan candy Man. Siya pa rin ang nagbebenta doon, malamang hindi na niya ako maaalala pero siya, alalang-alala ko pa rin. Buong panahon tuloy ng misa, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang pagbabalik tanaw ko sa cotton candy ko nung bata ako. Di ko tuloy napakinggan yung sermon ni father.

Pero ok lang..

Para sa mga bata sa bagong henerasyon, subukan niyo ang cotton candy with nido. Masarap.. matamis.. at pang dyabetis! =)

Sunday, September 14, 2008

9.15.08

Hindi ko alam kung bakit ganito mga pangyayari sa buhay ko ngayon. Walang trabaho, at puro sa pagsali sa mga religious groups ang inaatupag ko lately. Antagal sumagot ni Superfriend sa hiling ko. Hindi ko rin alam kung talagang pinapatagal lang niya o talagang hindi yon para sa akin. Kung anuman ang rason NIYA kung bakit ganito ang napapala ko, sana ipakita na niya sa akin ang sagot para maintindihan ko na ang lahat.

Ayoko siya "questionin"... dahil alam kong mabuti ang paglalagyan ko matapos ng lahat ng ito. Kung nagaalala ako sa kalagayan ko, alam kong triple ang pag-aalala NIYA para sa akin.

Patuloy na akong napapalayo sa mga taong nakakasama ko madalas. Unti-unti naman akong bumabalik sa dati kong "gawi". Hindi ko alam kung tama ang lahat ng ito dahil naghahalo ang emosyon ko. Ilang beses na akong gumawa ng mabigat na desisyon sa buhay ko at ito pa naman ang pinaka ayokong gawin sa lahat.

Napili kong manahimik muna. Manahimik mula sa mga bagay at taong nakasanayan ko ng matagal na panahon. Gusto ko sanang ipihit pakabila ang ikot ng mundo ko at subukan kung ano ang meron dito.

Pagbigyan niyo na ako.

Salamat sa mga taong patuloy na umiintindi sa akin. Kung sino ka man, hindi ako sigurado.. Pero salamat pa rin. At para sa mga taong mahilig maghusga, kung sino ka man, sigurado ako... Pero salamat pa rin.