Sunday, September 28, 2008

cotton candy with nido

Para sa mga ka –edaran ko, masarap ihalo sa kung ano-ano ang powdered milk (masarap pa rin ang NIDO). Pampatamis ito na hindi naman gaano katamis. Gets mo? At sigurado akong alam niyo ang kombinasyon ng cotton candy na may nido…

Nauso yon dati sa Bene nung elementary ako. Limang piso ang bayad, may manamis-namis na pang dyabetis ka nang cotton candy with milk. Hilig ko ito lalo pag pauwi ako ng bahay galing school. Ganon din tuwing Linggo. Papasok pa lang ako ng simabahn noon, ngingitian ko na si Manong na nagtitinda ng cotton candy sa labas, at paniguradong kikita na naman siya sa akin maya-maya.

Naaalala ko pa dati, naiinggit ako sa mga batang kumakain ng cotton candy sa loob ng simbahan. Di mo kasi naitatanong, hindi pwede sa amin ang kakain ng kung ano-ano sa loob ng simbahan. Hindi rin pwede ang umiinom at naglalaro habang misa, dahil paniguradong, kurot sa singit ang aabutin ko. Ahahahaha! Pero kung ako din ang nasa kalagayan ng nanay ko.. kunwari may anak na din ako tapos magiinarte na gusto kumain sa loob ng simbahan… naku! Hindi rin pwede sakin yun noh! (yessssss naman!)

Mabalik tayo sa cotton candy with milk… Nagsimba kasi ako kanina at nakita ko na naman si cottan candy Man. Siya pa rin ang nagbebenta doon, malamang hindi na niya ako maaalala pero siya, alalang-alala ko pa rin. Buong panahon tuloy ng misa, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang pagbabalik tanaw ko sa cotton candy ko nung bata ako. Di ko tuloy napakinggan yung sermon ni father.

Pero ok lang..

Para sa mga bata sa bagong henerasyon, subukan niyo ang cotton candy with nido. Masarap.. matamis.. at pang dyabetis! =)

No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...