Wednesday, March 14, 2007

Mcfriends

Reporting ko kagabi sa isa kong klase sa school. Tungkol ito sa mga kotse, kung ano ang naging epekto nito sa kapaligiran, sa kalikasan at sa mga tao. Sabi sa nabasa ko, simula nang naimbento ang kotse, napansin ng mga tao na isa na itong“major necessity” sa kanila, sa atin. At sa paglipas ng panahon, naging “dependent” na ang mga tao sa kotse at ang dating “major necessity” ay nagiging “major luxury.” Hindi na daw kayang mabuhay ng iba nang walang kotse. Isa itong bagay na pwede ko nang tawaging… nakamamatay.

Para na rin itong Mcdonalds na simula nang naimbento at naitayo, nasama na ito sa pang araw-araw na pagkain ng mga tao. Mcnuggets, mchicken, mcburger, mcfries… Mculam!

Ikaw, ano ang pang araw-araw mong kahit ano?

Mcelphone? Mcoffee? Mcbeer? Mcyosi?

Para sa akin, bukod pa sa material at mabababaw na bagay na IKAMAMATAY ko kung wala nito, hindi ko ata kayang walang taong makausap, makasama, maka chat o maka text sa isang araw. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala ako nito. Ako ata ang tipong tao na makaibigan kaysa sa makapamilya. Masama ba yon?

Tinanong nga ako ng isa kong katrabaho kung ano ang magpapasaya sa akin, lasing ako non, kaya wala ng isip-isip! Isa lang ang sagot ko, sabi ko, KAIBIGAN ang pang patay-lungkot ko sa buhay ko. Ayos!

Kaya naman kung tatanungin ko ang sarili ko kung “ano ang pang araw-araw kong kahit ano?” Ang aking “major necessity,” ang ikamamatay ko pag wala nito: ang aking Mcfriends. =)