Hindi ko alam kung bakit ganito mga pangyayari sa buhay ko ngayon. Walang trabaho, at puro sa pagsali sa mga religious groups ang inaatupag ko lately. Antagal sumagot ni Superfriend sa hiling ko. Hindi ko rin alam kung talagang pinapatagal lang niya o talagang hindi yon para sa akin. Kung anuman ang rason NIYA kung bakit ganito ang napapala ko, sana ipakita na niya sa akin ang sagot para maintindihan ko na ang lahat.
Ayoko siya "questionin"... dahil alam kong mabuti ang paglalagyan ko matapos ng lahat ng ito. Kung nagaalala ako sa kalagayan ko, alam kong triple ang pag-aalala NIYA para sa akin.
Patuloy na akong napapalayo sa mga taong nakakasama ko madalas. Unti-unti naman akong bumabalik sa dati kong "gawi". Hindi ko alam kung tama ang lahat ng ito dahil naghahalo ang emosyon ko. Ilang beses na akong gumawa ng mabigat na desisyon sa buhay ko at ito pa naman ang pinaka ayokong gawin sa lahat.
Napili kong manahimik muna. Manahimik mula sa mga bagay at taong nakasanayan ko ng matagal na panahon. Gusto ko sanang ipihit pakabila ang ikot ng mundo ko at subukan kung ano ang meron dito.
Pagbigyan niyo na ako.
Salamat sa mga taong patuloy na umiintindi sa akin. Kung sino ka man, hindi ako sigurado.. Pero salamat pa rin. At para sa mga taong mahilig maghusga, kung sino ka man, sigurado ako... Pero salamat pa rin.
Sunday, September 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
No comments:
Post a Comment