Thursday, August 28, 2008

penge ng TRABAHO!

Pagkatapos ng halos dalawang taon na paghihikahos sa pag-aaral, sa pag-pasok sa school galing sa trabaho, pag gawa ng term papers at pag report ng presentation sa harap ng mga taong mas matalino pa sa akin... TAPOS NA KO! sa wakas! [parang gusto ko mag mura!!! (&$%!*@)]]

Hindi biro ang mag masters sa eskwelahang pinapasukan ko. Hindi uubra ang pambobola sa professor para pumasa. Hindi rin magtatagal ang walang kagana-gana mag aral. Hindi porket nakatapos ka na sa kolehiyo, wala ka nang takas sa pagiging iskul bukol sa Masters. Nahirapan talaga ako, mahirap.. oo, sobra!

At ngayon, ngayon na ang panahon na matagal ko nang iniiwasan. Ang panahong WALA NA AKONG MA RASON para hindi magtrabaho. Ngayon ang panahon para magsimula na akong maghanap ng trabahong "para sa akin."

Inupdate ko na ang resume ko sa jobstreet, at hindi ako makahinga dahil bumulabog na naman ang salitang "pressure" sa daluyan ng dugo ko sa utak. Hindi basta-bastang trabaho ang kailangan kong mapasukan. Hindi pwede!! HINDI KO YON DINEDESERVE! (basta...)

Para sa mga taong empleyado ng isang multinational company o para sa mga pumapasok sa United Nations diyan sa RCBC plaza sa Makati, WAG KAYONG MADAMOT! ahahahaha! isama niyo ako sa pangarap ninyo. Sigurado akong.. AKO ang kailangan niyo sa kumpanya niyo. Bakit? (wala kang pakealam!) ahahahaha!


No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...