Iilan ang mga kaibigan at kakilala ko na nauna na sa akin makapagtapos ng pag-aaral. Iilan ang nakahanap kaagad ng pagkakakitaan pero mas lamang ang piniling mamahinga muna ng isang buwan, dalawa hanggang sa di na namamalayang matagal-tagal na din pala silang namamahinga. Sabi ko non, pag ako nagtapos… gusto ko magtrabaho agad. Hindi naman siguro ganon kahirap yun di ba? Sabi nila… “welcome to the real world” na daw. Ibig sabihin ba nila hindi makatotohanan ang mundo ko dati? Ang alam ko kasi hindi kathang-isip ang maghirap para makatapos. Ayaw ko talaga magpatalo pero totoo naman hindi ba?
Ngayon…. araw araw na akong balisa dahil hindi ko pa din alam kung kailan ako makakahanap ng trabaho. Nahihiya na ako sa nanay ko dahil inaraw araw ko ang paghingi ng pera. Masyado ata akong pihikan at ang alam ko, nand’yan lang ang oportunidad na naghihintay sa akin. Sabi ko kasi, kung yun talaga… yun nay un! Kahit ilang beses kong tabuyin, lalapit at lalapit lang ulit iyon. Hindi pala... “one is enough two is too much” ika nga. Masyado din ata akong nagpapa-apekto sa mapaghusgang lipunan sa pagpili ng trabaho. Ito na nga ata ang sinasabi nilang totoong mundo. Yung bang, hindi mo alam kung ano ang sagot sa lahat. Yung bang, hindi lahat nadadaan na lang sa ngiti at inom. Yung bang, seryoso na talaga ang kwento ng buhay. E kung ito na nga yun… mas mahirap pala ito sa inaakala ko.
Akala ko kasi madali lang ang buhay……….

1 comment:
Yeah..hinde madali ang mabuhay.. ganyan din ako pagkagraduate ko, sabi ko magtatrabaho agad ako.. ayun. nakakapagod pala..sana nagpahinga muna ako kahit 2-3 months.. Pero sa ngayon kaya pa naman.ganun ang buhay eh, diba? tuloy lang! pero wag nating kalimutang magrelax at magsaya habang naghihirap. Amen!
Post a Comment