Friday, October 07, 2005

May Pagkakaiba

Kunwari may makita kang sobrang gandang babae. Sexy! At ang buhok, ang gandaaa, ang soft, ang dulaaaas.. parang nagpa salon. Pero tatlo lang ang daliri. Anong gagawin mo? E paano kung may lumapit sayo na kagwapuhan naman talaga at lalakeng lalake kung makatindig pero mas mataas at mas matinis pa ang boses sayo. Eto na lang, kunwari nagtapat na ng pagmamahal ang crush mo. Tapos sinabi mong mahal mo na din siya. Sa sobrang tuwa niya, biglang lumobo yung uhog sa ilong niya. Nalaman mong, ganon pala siya pag natutuwa. Inuuhog. O sige, paano na lang kung ang girlfriend mo, gahaman kung tubuan ng buhok sa mukha. Bigote kung bigote, balbas kung balbas sa kapal. Anong gagawin mo?

Kunwari na lang, yung kinaiinisan mong mukha sa klase niyo ay may pinakamagandang boses pala sa eskwela. E paano kung ang lalakeng nawili ka nang tabuyin ay maging isang sikat na modelo sa industruya? Paano na lang kung ang inaapi niyong tao sa grupo ay ang maging isa sa milyonaryo sa bansa? E ang lalampa-lampa na bata sa lugar ninyo nung unang araw ay siyang isa sa mga magagaling na senador sa Pilipinas? Anong gagawin mo?

E kamusta naman ang mga taong tulog mantika ang hilig at ang gahaman uminom pero hindi uso ang mga salitang “lashing na ko tsong…” Kamusta din ang mga taong tinatawag na couch potato sa weekends pero buhay kalabaw sa trabaho pag weekdays?

Laging may pambawi hindi ba? Dahil lahat ng tao sa mundo may pagkakaiba. Walang perpekto ika nga. May mga taong kakaiba o kalabuan sa kinagawian mo. May mga bagay naman na iba sayo pero natural na sa karamihan. Sa ayaw at gusto mo, kailangan mong matanggap ang kahinaan at kaibahan ng iba sayo. Ngayon, kung pasaway ka hindi mo kaya, respetuhin mo dahil hindi lahat ng tao….

Kagaya mo.

2 comments:

keloyd said...

hanep! inuuhog ako sa sinabi mo

Manzkee said...

kapag mahal ko na ang isang tao, mamahalin ko pa rin sya, kahit uhugin man sya! Painumin ko lang ng taylenol tanngal yan.LOL!

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...