Friday, September 30, 2005

TAMA?

Naiinis ako, lagi na lang itlog ulam ko sa umaga. Ahahahaha tapos hindi pa maayos yung pagkaluto. Ano ba yan! Naiinis din ako kasi hindi ko alam kung GLOBE o SUN ang gagamitin kung simcard nang pangmatagalan. Naiirita din ako sa boses ng katulong namin. Nabibwiset din ako kasi ang bagal bagal ng dial up ko dito sa bahay. Haaaay buhay.. Minsan ang sarap mamroblema, na kahit simpleng bagay lang ay pinagtutuunan ko pa nang pansin para problemahin.

Pero, eto… seryoso.

Namomroblema ako kung paano ko pagkakasya-kasyahin ang pera ko dahil wala na naman akong allowance. Hindi na ko natutuwa sa buhay tambay. Hindi ko na alam kung kailan ako makakahanap ng trabahong para sakin talaga. Iniisip ko palang, napapakunot na ko ng nuo lalo na pag tungkol sa pangmatagalang kabuhayan na ang pinag-uusapan. Dagdagan mo pa ng mga obligasyon na matagal-tagal ko nang nasimulan.

Minsan nga, ang sarap talaga idaan na lang sa inom ang lahat. Tapos may hihirit na, “alam niyo, patagal ng patagal… nagiging seryoso na talaga ang mga problemang dumadating sa atin… na mahihirapan kang lutasin.”

(Oo, tama ka don! Inom pa tayo diyan……..)

E paano pa kaya ang mga problema ng mga magulang natin noh?

Sana, parang mathematical equation na lang lahat ng problema para pag alam mo ang ang formula, alam mo na agad ang sagot. O kaya, sana nadadaan na lang sa ngiti lahat para lahat tayo masaya. Pero hindi e… nakakainis noh? Ahahahaha

Hindi nga talaga patas ang laban ng buhay. Kahit anong gawin mo, may problema’t problema pa din. Sabi nila simple lang daw ang buhay pero pag inisip mo nang pangmatagalan, kumplikado din pala ano? Pero, gaya nga ng sinasabi sa komersyal… BILOG ANG MUNDO! Pagkatapos ng problema, may tagumpay din naman sa huli. Tapos problema ulit. Patay tayo diyan!

Alam niyo, matagal ko nang naisip ito e. Pagbigyan niyo na lang ako. Na… pag walang kasawian, paghihirap o kabiguan.. hindi natin malalasap ang sarap ng tagumpay. Kapag walang problema at lahat nadadaan na lang sa ngiti, hindi kailanman magkakaroon nang pagkakataong magsikap at pagtatiyaga.

Tama?

1 comment:

Benigs said...

Hindi ko na alam kung kailan ako makakahanap ng trabahong para sakin talaga.
May nabasa ako noon sa isang libro. Sabi dun na ang mga tunay na matalino sa buhay, nalalaman lang kung ano ang landas na para sa kanila kapag matanda na sila. Kung anuman ang depinisyon mo ng matanda, nasasayo na yun. Pero natural lang na di mo alam kung ano ang trabaho o karir (taena karir hahahaha) na para sayo.

napapakunot na ko ng nuo lalo na pag tungkol sa pangmatagalang kabuhayan na ang pinag-uusapan
Wag ka na lang magisip ng pangmatagalang buhay mo. Hahaha... Pinapagalitan nga ako ng mga kaibigan ko kapag naiirita ako sa sarili ko dahil maliit lang ang naiipon ko sa aking sweldo. Sila daw kasi mas maliit pa ang naiipon pero di sila namomroblema. Tatanda lang daw ako kung iisipin ko na agad yun. Siguro mga dalawang taon pa bago ko simulang problemahin dapat yan hahaha...

pag walang kasawian, paghihirap o kabiguan.. hindi natin malalasap ang sarap ng tagumpay.
Tama ka diyan. Pero paano na yung iba diyan, na puro kabiguan na lang ang nakukuha?

Inuman na!