Nakagawian ko nang manuod ng balita tuwing gabi, pero dahil kailangan din sa kurso ko ang mag-alala sa mga kaganapan sa paligid, kinailangan ko talagang manuod ng balita araw-araw.
Bakit nga ba puro krimen at public scandals ang laging laman ng pahayagan at binabalita sa telebisyon? Ganoon na nga ba kalala ang lipunan natin?
Hirap tanggapin.. totoo?
Buti nalang may bahagi sa balita na puro katatawanan ang nilalaman. At nagulat ako sa balitang napanuod ko nung isang gabi... Nagkaroon daw ng "major clean-up" para sa mga palaboy.
(Palaboy? Para sa mga kanina at kahapon lang pinanganak, sila ang mga pakalat-kalat sa lansangan na namamalimos.)
"major clean-up" kung saan, papaliguan sila, gugupitan ang buhok at dadamitan ng malinis na kasuotan. At dahil kabilang ito sa balita ni M*** L****, katawa-tawa dapat ang kinalabasan. Pero ano ang nakakatawa doon?
Natuwa ako dahil nabigyan pansin ang mga palaboy pero hindi ako natawa. Dahil hindi nakakatawa ang mga taong labis na naaapektuhan ng kahirapan.
Patagal-ng-patagal, dumadami na ang mga palaboy sa ating bansa. At kabilang dito ang mga "taong grasa". Sila yung mga madudumi at nasiraan na ng bait. Nakakasira ata talaga ng ulo ang labis na kahirapan. Lalo na pag baon-na-baon ka dito. Dapat siguro huwag gawing katawa-tawa ang mga ganitong bagay. Dahil ito ang dulot ng matinding problema ng ating bansa.
ang...
KAHIRAPAN - ang sanhi ng walang disiplinang pilipino. ang sanhi ng walang malasakit sa kapwa. ang sanhi ng pagiging makasarili. ang sanhi ng abusadong tao....
ang sanhi ng taliwas na ugali... mo, ninyo, ko at nila....
Sunday, September 19, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
agree ako dyan sa sinabi mo... hindi ko napanood yang palabas na yan pero totoo nga na hindi katatawanan ang problema nating iyan... yun nga lang, siguro dahil sa hindi malaman ng mga pilipino kung paano ba lulutasin ang ating mga problema eh dinadaan na lang sa tawa.
Post a Comment