Biyaheng Bus
Ilang taon na din akong sumasakay ng bus papasok ng school. At dahil don, natutunan kung sumakay ng bus kahit saan ako magpunta dahil aircon nga naman ito at hindi pa hassle. Sa araw araw na pagsakay ko ng bus, madami na din akong kwento tungkol sa mga driver, konduktor, katabi at ung mismong bus na nasasakyan ko.
Kwentong Driver:
"O dali hawak lang po at aandar na tayo.."
Ang driver na ata ang pinaka una mong mapapansin pagsakay mo. Dahil siya lang naman ang nasa pinaka unahan at hindi katulad ng konduktor na palakad lakad sa loob ng bus. Minsan mei driver na sa sobrang tagal ng nagmamaneho e pinagkakamalan na nyang bahay ang bus. Mapapansin mo ito sa kanyang pananamit. Ang driver na nakasando, pants at naka tsinelas. Nakakatawang isipin na sila ang nakapuwesto sa harap pero wala silang pake alam sa kanilang suot. Meron din naman na kakatapos lang ata mag tanghalian at mei nakasabit pang toothpick sa kanyang bibig habang nagmamaneho. Meron din namang driver na dati atang nagmamaneho nang ambulansya at magaling sumingit sa kung saan saang sulok ng kalye. Meron ding nakakahilo magmaneho at kakabod kabod kung huminto. Mapapansin mo ito sa mga istura nga mga pasahero dahil karamihan ay nakayuko na at hilong-hilo. At ito ang pina nakakagulat sa lahat pag first time mong sumakay ng bus at ganitong driver ang na tsempuhan mo. Ang driver na bumababa sa kalagitnaan ng mahabang trapik at iihi sa gilid ng bus. At kung minamalas ka, at ikaw ay nakaupo sa bandang bintana, tiyak na makikita mo siya. At pag lalo ka pang mamalasin, ibababa ka ng driver sa malayo at kailangan mo pang maglakad papunta sa talagang bababaan mo.
Kwentong Konduktor:
"marami pa marami pang.......tao. tayuan na po boss."
"bwenja o bweja! (buendia) (sabay tuktok ng piso sa bakal na hawakan ng bus)"
"wala po ba kayong barya? mamaya na yung sukli niyo ha.."
Ang tagabigay ng ticket at tagapag sukli ng inyong pera. Ang sumisiksik sa tayuan at masikip na daan sa loob ng bus para magabot ng ticket. Ang taga sigaw ng.. "o may bababa! tayo na ang mga bababa o!" sa biyahe. Sila ang konduktor. Ang konduktor na kala mo laging may welga at ang nagmumukud-tanging pinakamalakas na boses sa loob ng bus pag papara. Merong konduktor na pinaglihi ata sa sama ng loob at laging mainit ang ulo sa mga pasahero. Lalo na pag wala kang barya at buong isang daan o limang daan ang ipangbabayad mo, nakasimangot na ito at nagpaparinig na ng kung anu-ano. Minsan nakakalimutan pa nila ibigay ang sukli at kailangan mong ipaalala sakanila tuwing dadaan sila sayo. At dahil wala talagang panukli, bumababa din sila sa kalagitnaan ng mahabang trapik at nagpapapalet ng barya sa driver ng dyip. Meron din namang konduktor na mahilig makipag kwentuhan sa driver at nakakalimutang magbigay ng ticket sa pasahero. May konduktor din na pinaglihi sa kabibuhan at sumasabay din sa pagbaba ng pasahero para magtawag ng isa pang pasahero. Kaya naman hindi maiiwasang maiwan siya ng bus pag hindi siya napansin ng driver. Siya din ang pilit na sumusuot sa siksikang daanan sa bus. Meron din namang konduktor na maaasahan at nagtuturo ng bababaan ng isang pasahero.
Kwentong Katabi:
Sa araw araw na pagsakay ko ng bus, iba-iba na ding klase ng tao ang aking nakakatabi. Ang taong tumatayo at ikaw ang isisiksik sa upuan katabi ng bintana. Ang taong saksakan ng laki at sakop na niya ang halos buong upuan. Ang katabing tulog with matching palo-palo pa ang ulo niya sa balikat mo. O ang humahampas na ulo sa balikat mo. At kahit ano pang pagiwas mo, talagang mei kapangyarihan ito at nasusundan niya ang balikat at likod mo. Minsan, may nakatabi ding lasing at nagsasalita mag isa, at amoy chico ang hininga. May nakatabi ding pawisin at dahil magkatabi kami, napupunas na niya sa braso ko ang pawis niya sa braso niya. Meron din na ubod make up at ginawang parlor ang bus. Ang katabing kala niya wala siyang katabi dahil napaka lakas ng boses niya sa pakikipagusap sa cellphone. Meron ding nakakatabing mag boyfriend/girlfriend at kala mo isang taon silang hindi nagkita dahil sila ang naglalampungan. At meron din naman at hindi mo maiiwasang magkaroon ng katabing nakakatakot. Nakakatakot ang itsura, ang galaw at ang kanyang damit. Sila ang tipong mapapa hawak ka talaga ng mahigpit sa bag mo dahil ikaw ay nagaalangan at baka ka ma snatchan. At kung may nakakatakot meron din namang kanais-nais. Ang gwapo / magandang katabi... ang super bango at linis ang itsura. Sila ang tipong mapapahawak ka ng mahigpit sa bag mo dahil sa kilig at hindi sa takot.
Kwentong Bus:
Siyempre kung may kwentong driver, konduktor at katabi... meron ding kwentong bus. Ang klase ng bus na nasasakyan ko. Ang bus na saksakan ng lakas ng aircon at kahit saan ka pumwesto siguradong manginginig ka sa lamig. Asahan mo ding may lalabas na usok sa bunganga mo pag madaling araw at super aga kang sumakay ng napakalamig na bus. Meron din namang bus na may aircon pero tagaktak ang pawis mo dito. Ang bus na nangangamoy sunog na gulong lalo na pag nakapuwesto ka sa pinaka likod ng bus. At ang pinaka masaklap sa lahat, ang bus na bahay ng barka-barkadang ipis at kung anu-anong insekto. At pag mamalasin ka, may ipis din na lalabas sa aircon at kung saan saang butas sa dingding ng bus.
* Hindi siguro lahat ng tao nakakaranas ng mga kwentong naikwento ko. Minsan nakakainis pero minsan nakakatawa. Gayun pa man, hindi ko pa din maiwasang sumakay ng bus dahil, dahil dito laging may bagong karanasan ako sa pagsakay nito.
Friday, September 10, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
No comments:
Post a Comment