Sunday, August 08, 2004

Kaibigan

Kaibigan

Mas mahal ko pa daw ang mga kaibigan ko kaysa sa pamilya ko. Pag mga kaibigan ko daw ang magyayaya, mas mabilis pa daw ako sa alas-cuatro. Pero pag may lakad naman daw ang pamilya ko, lagi daw ako may ginagawa.

Totoo yun, mahal ko talaga sila. Hindi ko nga alam kung bakit pero guilty talaga ako sa sinabi ng nanay ko. Hindi din kasi ako namimili ng kakaibiganin kaya kung sino-sino nalang talaga. Pero hindi naman lahat close at mahal ko ano! Doon ako mapili, pag hindi ko kasundo... Hindi ko talaga kinoclose at minamahal. May mga kaibigan kasing nandiyan lang pag masaya ang lahat at pag may kailangan. Meron din naman, hindi mo talaga kaya ispellengin ang ugali. Oo, kaibigan ko pa din sila pero hindi minamahal ang mga ganoon.

“user-friendly”

Meron din naman, sadyang maasahan. Susuportahan ka sa lahat ng bagay. At hinding-hindi ka iiwan. Sa lungkot' at saya, tuloy ang ligaya.
Ang mga kaibigan ko ang tinuturing kong pangalawang pamilya. Sila kasi ang takbuhan ko pag may problema ako. Sila din ang unang nakaka alam kung anong nangyayari sa akin. At sila din ang nagpapasaya sa buhay ko. Masasabi kung mayaman ako sa kaibigan at hindi sa kung anu-ano pang bagay. Nakukuha ko din kasi lahat ng lakas sa mga kaibigan ko.

Kaya naman, ganun nalang ang pagpapahalaga ko sa kanila...


No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...