Wednesday, September 29, 2004

Kagulo

Sa dinami daming problema sa buhay, nakuha ko pang magbigay ng solusyon sa problema ng iba...

Minsan, pag may kaibigan ka, at sobrang problemado cia, pro dahil gustong-gusto mo siya tulungan makikinig ka sa problema niya. Tapos wala ka naman magawa...

Minsan naman, ganadong-ganado ka magbigay ng solusyon sa problema ng iba pero sa sariling mong problema, tatanga tanga ka.

Isang gabi, pagdating ko sa bahay.. naabutan kung nagsisigawan ang nanay at kapatid ko. Natural na lang sana sa akin iyon at wala nang dapat epekto pero hindi ko alam kung bakit ko kailangan ikuwento sa inyo ito...Pero naisip kung, wag nalang......Basta, ang alam ko, matagal ko ng problema ang away ng ermat at utol ko. Lagi nalang kasing maingay sa bahay. Ngayon, kung hindi dapat pinoproblema yun, ibahin ninyo ako! Hindi ko alam kung bakit magulo lagi sa bahay. At hindi ko din alam kung ano ang solusyon sa problema ko... Pero siguro, pag may lumapit sa akin na kaibigan ko at pareho ang problema namin, marami siguro akong solusyon na maiisip para sa kanya.

Siguro dahil, “madaling sabihin pero mahirap gawin” ang bagay-bagay. Maaaring alam ko naman talaga ang solusyon sa problema ko pero hindi ko lang talaga magawa, kasi nga....mahirap. Mahirap dahil magulo. Magulo dahiil ayaw kung isipin.

un......

2 comments:

NinayorBegger said...

madaling baguhin ang ibang tao dahil hindi tayo yun. madaling ipressure ang iba pero mahirap ipressure ang sarili. sinosolusyonan natin ang problema ng iba dahil ayaw nating harapin ang sarili nating problema. ganun talaga siguro ang nature ng tao... hirap talaga kaapg sarili na natin ang pinag-uusapan...

goksmeister said...

dont worry kC, m at yo bak! i love you! mwah! =)

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...