mapwet_kc: "Ask not what your country can do for you, but what you can do for your country." << famous line
ako_si_noy: hayos ba....
mapwet_kc: eto.. narinig mo na ba: "How fortunate for the leaders that the masses do not think"
ako_si_noy: medyo...
mapwet_kc: ky adolf hitler
ako_si_noy: pero bakit panget maging communist ang pilipinas...
mapwet_kc: ok ung line.. kse totoo
mapwet_kc: kng ako tatanungin mo.. nde panget maging communist ang pilipinas.
ako_si_noy: bakit?
mapwet_kc: mga pilipino kse pag binigyan mo ng democrasya.. inaabuso
mapwet_kc: walang disiplina.. at nde marunong makibilang sa demokrasya
ako_si_noy: pero may mga nagsasabi rin na hindi talaga handa ang mga pilipino dati pa sa demokrasya....
ako_si_noy: ang pinakamalaking tanong, komunismo na ba talaga yung sagot?
mapwet_kc: nde mo mapapa ayos ang bansang nagwawala..
ako_si_noy: madali sigurong sabihin na komunismo sagot kasi tila lahat ng problema nasasagot ng sistema ng komunismo
ako_si_noy: pero meron pa ba?
mapwet_kc: meron pa pro dinidiscourage na ng UN
ako_si_noy: ang lagi kong tinatanong sa sarili ko, sagot lang ba ng mamamayang sawa na sa buhay sa pilipinas ang komunismo?
mapwet_kc: nde!
mapwet_kc: kailangan lng naten ng disiplina..
ako_si_noy: yun ang tama....
mapwet_kc: tama
ako_si_noy: lagi kong sinasabi sa sarili ko, pag ang sagot mo sa lahat ng problema komunismo...... naggive-up kana....
mapwet_kc: korek
mapwet_kc: dpt dn kse nde puro sisi sa gobyerno ang ginagawa ng mga pilipino.. kaia ng demokrasya e.. people and the gov't. not the gov't alone
ako_si_noy: ang tanong natin, bakit di tayo gumawa ng paraan na humalo sa masa....
ako_si_noy: masa pare.....
mapwet_kc: meaning?
ako_si_noy: kung 90% ng pilipino mahirap
ako_si_noy: dapat makita natin sarili natin bilang 10%.....
ako_si_noy: ang ibig kong sabihin
ako_si_noy: ang buhay na ginagalawan natin, hindi totoong buhay....
ako_si_noy: bakit hindi tayo gumawa ng paraan na humalo sa totoong buhay.....
mapwet_kc: nagbubulag bulagan taio sa realidad tsong
ako_si_noy: yun ang mahirap gawin
ako_si_noy: dahil nabuhay na tayo sa paniniwala na kapag nakapag-aral ka sa ateneo, lasalle o up....
ako_si_noy: pagnakapagtrabaho ka na sa accenture.....
ako_si_noy: pag may dalawa kanang anak, ok nayun
mapwet_kc: pano mo malalaman ang totoong buhay kng pinaniwala saio na ang buhay na ginagalawan mo ay ang totoo at wla ng iba
ako_si_noy: chong, sabi sa "wallace report".... hindi umuunlad ang pilipinas dahil.....
mapwet_kc: dahil?
ako_si_noy: "the Filipino is a selfish race, people who cannot go beyond their families...
ako_si_noy: kung iisipin mo.....
mapwet_kc: masakit tanggapin pro totoo
ako_si_noy: diba yung mga ugaling kaki-kakilala.....
ako_si_noy: yung mga palakad palakad sa gobyerno.....
ako_si_noy: diba isang masamang dulot yan ng family values natin?
ako_si_noy: oo maganda ang family values ng pilipino
mapwet_kc: tama
ako_si_noy: pero dahil nga sa crab mentality, nagkaroon narin ng ugali ang pilipino na ako lang chaka pamilya ko
ako_si_noy: wala nang obligasyon sa lipunan ang mga pilipino chong
ako_si_noy: dog eat dog.... self preservation is the first law of nature....
mapwet_kc: kse ung ang kinalakihan naten
ako_si_noy: ganun ang nangyari....
ako_si_noy: kaya pag may maayos na programa o batas ang gobyerno....
ako_si_noy: kahit hindi kurakutin yung pera, hindi masyadong nagiging matagumpay
mapwet_kc: laging mei mag o oppose
ako_si_noy: walang suporta ng mamamayan e
ako_si_noy: laging e pano naman kami
ako_si_noy: pano naman si ganito
mapwet_kc: tama ka kuya noy
ako_si_noy: walang pagbitaw sa sariling kapakanan
ako_si_noy: walang pagbitaw sa kapakanan ng pamilya
ako_si_noy: walang ganun
mapwet_kc: lahat ng gawing batas.. o kaia bill plng.. laging ayaw
mapwet_kc: kanya-kanya kse d2 sa pinas e..
ako_si_noy: tama sinabi mo kanina..... dumating na sa point na wag na natin isipin yung gobyerno.... tayo na muna umaksyon....
ako_si_noy: wala munang reklamo...
mapwet_kc: wlang malasaket sa ibang tao.. e ano nmn kng maghirap cla? bsta ako maginhawa.. yan yan lage
ako_si_noy: isa pang malaking problema.....
mapwet_kc: hahayyy
ako_si_noy: pagmay isyu sa gobyerno, maraming nagmamarunong....
ako_si_noy: reklamo nang reklamo, pero alam naman nila na kung hindi tayo magkakaisa
ako_si_noy: kahit anong side panigan nila, walang mararating
mapwet_kc: kse nga nde marunong mkibilang ang mga pilipino sa "demokrasya"
ako_si_noy: minsan gusto ko nang makinig sa administration kahit may apprehensions tungkol sa mga bill of batas, para lang magkaroon ng direksyon
ako_si_noy: bill of batas naman ako.....
ako_si_noy: hahahahha
mapwet_kc: korek
ako_si_noy: mabuti na siguro na magkamali tayo bilang bansa, hindi yung away-away, hindi naman gumalaw....
ako_si_noy: mabuti na sigurong mali yung direksyon basta may direksyon....
mapwet_kc: so..
mapwet_kc: ok na sna na magkamali bsta sama-sama?
mapwet_kc: tama.. for the sake of wat we call.. "demokrasya"
ako_si_noy: naniniwala ako na ang ginagawa ng karamihan sa mga pulitiko natin, may kwenta....
mapwet_kc: oo.. pro nde pinapancn. dahil mga mali lng ang kapancn pancn
ako_si_noy: nauupos lang sila sa implementasyon kasi inuuna nila kapakanan ng pamilya nila at sarili nila kaysa sa bayan....
ako_si_noy: kung iisipin mo, dimo rin masisisi mga pinoy kung ayaw na nilang maniwala....
mapwet_kc: oo.. yan ang tinatawag na population discontent
mapwet_kc: kung saan.. negatibo ang tingin nila sa gobyerno kahit sa aling aspeto
ako_si_noy: pero kung gusto mong umangat ang bansa sagot ba na iwanan natin?
ako_si_noy: tama yun....
mapwet_kc: wag iwanan..
ako_si_noy: hindi rin naman siguro tayo makakahintay ng nararapat pang ng lider
mapwet_kc: ampanget nmn kng aangat isa-isa.. mas ok cgro kng aangat dahil sa pakiki-isa
ako_si_noy: siguro ang kelangan subukan nalang natin umunlad kahit na hindi natin mapipili kung sino ang nakaupo....
mapwet_kc: tama
ako_si_noy: parang sabi nga nila.... ang kapatid mo hindi napipili.... pero kung masama ang kapatid mo, dapat mo bang iwanan pamilya mo?
mapwet_kc: e sos.. nde pa nga umiinit ang upuan ng nahalal na presidente.. dami ng batikos e.. ahahaha
mapwet_kc: tama!
ako_si_noy: mahirap mahalin ang pinas chong....
mapwet_kc: alam ko
mapwet_kc: prng tao lng yan.... malalaman mong mahal mo pag tinanggap mo ang pagkakamali.
ako_si_noy: AYOS!! USAPANG MALUPET PART 2...
mapwet_kc: shiet ano? upload?
ako_si_noy: may blog nako....
ako_si_noy: ako rin....
ako_si_noy: GAME!!!
mapwet_kc: ahahaha cge
mapwet_kc: upload mo den toh
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
eh okay pala kayo kung magusap noh? totoo bang pinagusapan niyo yan? nakakabaliw! shet... ano palang blog ni kuya noy? hehe :)
Post a Comment