Saturday, September 11, 2004

Pare

Pare

Kinalakihan ko na ang magkaroon ng kaibigan na lalake. Nag-aral kasi ako sa isang co-ed school mula pre-school hanggang sa kasalukuyan at puro lalake naman ang mga kalaro ko nung bata pa ako. Sila din ang kabaril-barilan at katakbuhan ng kuya ko. Dati naaalala ko pa, pinipilit niya akong wag nalang matulog sa tanghali at piliin na lang na maki pag text at mag tumbang preso sa kapit bahay namin. Galit na galit sa amin si ermat kaya sinunog niya lahat ng text ko. Kaya naman, nalipat sa barbie doll at luto-lutuan ang hilig ko at tuluyan kong kinalimutan ang nakakalungkot kong nakaraan. Nang pag daan ng panahon, nagugulat pa dati ang nanay ko pag may mga lalake akong nakakasama maglakwatcha pero ngayon, sanay na daw siya. Ok na lang din sa kanya pag lalake ang kasama ko umuwi...

Natatawa naman sa akin ang tatay at nanay ko dahil parang lalake daw ako minsan magsalita at gumalaw. Masyado daw akong cowboy pagdating sa bagay-bagay. Ok daw sana pero minsan nakakahinala na. Kaya naman natuwa talaga sila nung six years old ako nang una kung tinuro ang crush ko sa picture. At least, sigurado na daw sila na babae ako.

“ahahahahahaha! Nakakatawa talag sila... “

Ngayon, pati sa paghahanap ng bagong kaibigan, nagiging lalake na din ako. Tsong at Pare ang tawag ko sa iba. At diba pag lalake ka, bibo ka? Parang lalake = bibo; bibo = lalake. Ganun lang yun. Ako daw ang bibong bata sabi ng mga kaibigan ko. Kaya minsan naisip ko, “bakit hindi nalang kaya ako magpaka arte?”

“Oh my gosh! Super wala lang... I got a new boyfriend!”
“ Yuck ur so kaka! Kaka..inis!”
“Like.. umm.. watever!”
“Hei girl! Do you wanna see my new-polished nails?”

(ULOL!!!)

Pilitin ko man magpaka arte, hindi ko magawa dahil unang-una, natatawa ako pag ginagawa ko. At pangalawa, hindi sa akin bagay! Pero, minsan mahirap maghanap ng boyfriend dahil iniisip ng iba, baka mas maarte pa sila sa akin. “E ano ngayon?” Masama ba yun? Ok nga dahil hindi na nila ako kailangan pagkaingatan masyado....

Tsong... “Ano sa tingin mo?”


1 comment:

goksmeister said...

kc ayos lang kung gudjab...wag lang gumudjab! ahaha joke lang....

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...