Wala na akong masulat dahil hindi ko alam kung bakit hindi na gumagana ng maayos ang utak ko. 2 linggo kasi akong pagod, puyat at "pabibo". Kaya siguro, hindi makapag isip ng maayos ang utak ko sa pag gawa ng blog. Naaadik na daw ako sa computer sabi ni ermat. Kahit daw pagod na pagod na ako, nagagawa ko pa daw mag computer. Minsan kinailangan ko pang gumising ng madaling araw para mag computer at mag internet. Mas madali kasi kumonek sa internet pag madaling araw. Shempre internet... alangan namang mag computer lang ako pero hindi ako mag i internet. Walang kasing boring ang ganon.
Minsan nga naisip ko, ang galing ng naka imbento ng computer at internet noh? Napadali talaga ang buhay ko at buhay ng nakararami. Pag kailangan ko mag research sa isang bagay, gamitan ko lang ng internet at tapos na ang problema ko. Pag kailangan kong kausapin ang mga kamag anak ko sa ibang bansa, gumamit lng ako ng internet at tapos na ang problema ko. Pag kailangan kong sulatan ang mga kaibigan ko, gumamit lng ako ng internet at tapos na ang problema ko. Pag kailangan kong maglibang at pumatay ng oras, gumamit lng ako ng internet at tapos na ang problema ko. Pero, hindi ba parang mas malaki ang problema idudulot nito pag nagbago ang lahat?
Paano kung biglang nag brownout habang ikaw ay nag cocomputer? o kaya, paano nalang kung pag gising mo... wala nang computer..? Siguradong mahihirapan ng husto ang mga tao. Titigil ang buong mundo dahil sa kawalan ng computer. Impossible ba? E paano kung nagkatotoo?
Mawalan nga lang ako ng load sa cellphone, nag hihimutok na ako e. Maputulan nga lang ng linya sa cellphone para na kung binagsakan ng malupet na problema e. Lalo na pag nawala ang cellphone ko, para akong namatayan ng mahal sa buhay. Cellphone lang yun ha, e paano pa kaya pag computer?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
kung mawawalan ng computer.. bibili ako ng typewriter..
Post a Comment