Thursday, September 30, 2004

Kailangan Eh...

Minsan ng papunta ako sa eskwelahan may nakasabay akong mag-asawa sa bus. At dahil umaga yun, minabuti kung matulog na lang. Pero hindi ata ako makakatulog dahil malakas ang usapan ng mag-asawa na nakapuwesto lang naman sa likod ko.

Aalis daw si misis at pupunta siya sa ibang bansa para maghanap buhay. Sa aking narinig, lima ang anak nila at hindi sinasadyang mabanggit din iyon ni mister. "iiwanan mo kami ng mga anak mo? buti sana kung isa lang, lima sila! lima!" nang marining ko iyon, nagsimula nang magising ang diwa ko at ipina isang tabi nalang ang antok ko. Alam kong, mahirap magpalaki ng anak. Isa.. dalawa... lalo na pag lima. Mula sa gastos ng panganganak, pambili ng gatas at lampin, hanggang sa pagpapaaral sa eskwela. Hindi ko pa nararanasan ito pero alam kung saksakan ng hirap!

"sana naman naiintindihan mo, kailangan kung magtrabaho..."

Yan ang sabi ni misis habang umiiyak siya. Oo, umiiyak siya at kahit hindi ko makita dahil nasa likod ko sila, alam kung umiiyak siya dahil naririnig ko ang bawat hinagpis niya.

Hindi ko alam kung bakit si misis ang kailangan maghanap-buhay sa ibang bansa at si mister ang kailangan mag-alaga ng mga bata. Hanggang sa pagbaba nila ng bus, napansin ko ang hindi pantay na lakad ni mister. At kung hindi ako nagkakamali, siya ay tinamaan ng sakit na polyo. Oo, polyo.......

Matinding kalungkutan ang dumapo sa akin habang nakaupo ako at pinagmamasdan ko ang mag-asawa na papalayo. Bigla kung naisip ang buhay nila. May limang anak, may kapansanan ang tatay at OFW ang nanay. Alam kong mahirap sa kalooban ni misis na mawalay sa kanyang mga anak at alam kong hindi niya gusto magtrabaho sa ibang bansa. Pero dahil lima ang kanyang mga anak at may kapansanan pa ang kanyang asawa, pilit niyang gugustuhin ang magibang bansa para sila masustentuhan..

Hindi ko na namalayan na malapit na pala ako bumaba, ako’y natutulala. Isa talaga sa maraming katangian ng mga pinoy ang malasakit sa kapamilya. At dahil dito, minsan kailangan nang kumapit sa patalim, danasan ang hirap, magpaka ulila sa mga kano at iwan ang mga mahal sa buhay para bigyan ng kinabukasan ang pamilya.

Oo... pamilya...

Bakit?
"kailangan eh........"

3 comments:

aaRon said...

kailangan eh??? bukambibig ng nanay at tatay natin.. na naipasa na din saatinn dba?? kailangan eh?? ganun talaga!..pero lagi natin pakatatandaan.. dahil sa pagtratrabaho nila.. nararanasan natin ang karangyaan natatamasa natin ngayon!... kailangan eh??.. iba na ang panahon ngayon masyadong mabilis na pag d ka nakisabay sa agos.. sigurado tatangayin ka nito.. kailangan eh??...

basta ang mahalaga importante!!

NinayorBegger said...

grabe wagi ka talaga kc....... isang simpleng titulong naisip mo kahapon, nadugtungan mo ng mahaba't magandang artikulo... idol talaga kita...

Maky Dudap said...

touching thoughts you have here, kesi.. :)

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...