Minsan akala mo, binigay mo na lahat ng makakaya mo pero bigla mong malalaman na hindi pa din yun sapat. o Kaya, hindi naman talaga dapat ibigay ang lahat-lahat. Sa madaling salita... "mali ka!"
Minsan naman, masyado kang naaaliw sa isang bagay, biglang may magsasabi sayo na, "masama yan.." at kailangan mong itigil ito.
Minsan naman, akala mo ang galing-galing mo sa isang bagay..bigla mong malalaman na mali pala ang akala mo at hindi ka naman talaga magaling dahil may mas magaling pa sayo.
Pagdating naman sa walang kamatayang pag-ibig: minsan akala mo, siya na talaga ang para sayo tapos bigla mong malalaman na hindi pala. O kaya, akala mo mahal na mahal ka niya yun pala ayaw lang niyang mag mukha kang tanga sa kakamahal sa kanya.
Sa mga magulang naman: Akala mo tama lang na protektahan mo ang anak ko, biglang sasabihin sayo ng anak mo na malaki na siya at hindi na niya kailangan ang protekta mo.
Masakit minsan malaman ang katotohanan lalo na pag hindi mo talaga ito inaasahan. Pero, kailangan mong tanggapin kahit masakit dahil yun ang totoo. At ito din ang magiging daan para malaman mo ang tama at karapat-dapat mong gawin sa buhay mo at sa buhay ng ibang tao...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
siyet performance level yang blog mo ah... nakakahiya tuloy blog ko, puro random chuvas lang hehehe
Post a Comment