Inuman na naman. Siguradong may malalasing, may susuka, may magulo, may iiyak, may tatahimik at may panibagong pag kukwentuhan kinabukasan. Hindi niyo ba napapansin na di hamak na mas-masaya ang araw kinabukasan? Ang araw na tapos na kayo mag-inuman. Dahil ito ang araw kung saan, pagkukwentuhan ninyo at babalikan ninyo ang mga nangyari kahapon / kagabi (araw na naginuman kayo). Ang walang humpay na tawanan at asaran.
Depende yun sayo kung gusto mong mapagusapan kinabukasan. Madali lang yan, i-straight mo lahat ng ipainom sayo. O kaya, saluhin mo lahat ng shot ng mga kaibigan mo. Sigurado akong maghahasik ka ng lagim sa inuman niyo. Mag ingay ka, sumayaw, tumawa ng pinaka-malakas sa kanila, umiyak ka, humagulgol ng parang wala ng bukas. Tapos pag tinanong sayo kung bakit, sabihin mo, hindi mo alam tapos magpapilit ka. Tapos i-kwento mo na ang talambuhay mo. Pasok! ikaw na ang bida. O kung hindi ka pa kuntento, gawin mo lahat ng trippings na wirdo. Maghubad ka, makipag habulan ka sa aso na nasa kalye, gumapang ka sa sahig, ibuhos mo ang isang litro ng coke sa sarili mo. Pasok! ikaw ulit ang bida. Siguradong hindi mo pa damang-dama ang kahihiyan na ginagawa mo sa mismong araw na nagiinuman kayo. Dahil sa simpleng dahilan na lasing ka, at lasing din sila.
Teka.....
Maghintay ka kinabukasan...
Eto na, sumikat na naman ang araw. "Gising gising tayo jan!!" at shempre, ang sakit ng ulo mo. Hindi mo na din maalala ang mga pinag-gagawa mo kagabi. (Hindi na nga ba?). Biglang nagtext ang kaibigan mo, punta daw sila sa bahay mo. Wala naman daw pasok...
(Naku patay!)
Buti sana kung kinabukasan lang pag-usapan.. Minsan umaabot ng taon..
(ha! bahala ka!)
Eto na at nakapagusap-usap na naman kayo ng mga kaibigan mo na kasama mo kagabi sa inuman. At dahil ikaw ang bida kagabi, ikaw pa din ang bida ngayon. Paulit-ulit niyong paguusapan ang mga nangyari kagabi. Aasarin ka ng aasarin sa mga pasaway mong ginawa. Sa madaling salita, asar talo ka. (O ano, saya ba?) Wala kang magawa dahil totoo naman lahat ng naririnig mo. Hindi ka din puwede magalit dahil pikon ka kung ganon...
PIKON!! PIKON!!(umm! Nangiinis ka e..)
Iinom-inom ka tapos pag nalasing ka at pinagusapan ka kinabukasan, magagalit ka. Hindi naman puwede yun tsong. Tawanan mo nalang lahat sila habang inaasar ka nila, at mura-murahin mo nalang sila sa isip mo. Isipin mo nalang, sinasapak-sapak mo sila habang pinagtatawanan ka nila. Isipin mo nalang, na hindi na sila sisikatan ng araw kinabukasan. Isipin mo nalang, bacon yan!
Pero, kung ayaw mo namang maging asar talo kinabukasan. Magpaka KJ ka nalang sa inuman. Sa mga kahapon lang pinanganak, ang KJ ay kill joy, ang korny, ang walang kwenta, ang boring, ang STEADY. Huwag ka mashado uminom para hindi ka malasing pare! O kaya, siguraduhin mong hindi ka mang-gugulo habang nagiinuman kayo. Hindi, ikaw na lang yung taong nakaupo lang sa sulok, taga-tawa lang sakanila, ang tanggero, ang tahimik o sa madaling salita, ang WALANG KAKWENTA KWENTANG KAINUMAN. (o tagay na tayo jan!) "hoi! galaw galaw!”
Maaring steady ka lang sa inuman, pero bumawi ka na lang kinabukasan. Asarin mo ng asarin yung bida kagabi. Tawanan mo, batukan mo, gaguhin mo.. "gago ka tsong! mukha kang tanga non.." *umm!* (sabay tawa). Pagtawanan mo at magpaka astig (kahit hindi ka naman cool,*belat!*).
Pero, kahit gaano pa kasaya ang usapan kinabukasan... Meron din namang inuman na hindi puwede pagkwentuhan kinabukasan. Ang mga patagong inuman, o ang nagmimilagrong inuman. Eto ang inuman na hindi puwede pagusapan. Bawal malaman ng iba dahil sobrang maselan ang mga pangyayari kagabi. Bawal pagtawanan dahil hindi naman ito katawa-tawa. Bawal pagkatuwaan dahil hindi ito nakakatuwa. Bawal mag-asaran dahil baka magsapakan kayo pag ginawa niyo yun. Bawal ipagkalat dahil baka may magalit. (Baka hindi na masundan..)
Gayunpaman, mahiwaga pa din ang dulot ng inuman sa kinabukasan. Masaya, nakakaasar, nakakatawa, nakakagago o nakaka...(e ano naman kung naginuman kagabi?).
tara na...
...at ng makarami!....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
4 comments:
o, kala ko hindi ka iinom for one week? hahaha! pero talagang ang kinabukasan ang isa sa best parts ng inuman. tama ka na ang pagkkwentuhan, ang pag-alaala sa mga kabaliwang ginawa mo sa inuman ay sobrang kaaliw... at tama ka na dapat wag maging pikon kapag ikaw ang nagigiging topic of conversation dahil ikaw ang krong krong sa inuman. hahaha...
Mag ingay ka, sumayaw, tumawa ng pinaka-malakas sa kanila, umiyak ka, humagulgol ng parang wala ng bukas. Tapos pag tinanong sayo kung bakit, sabihin mo, hindi mo alam tapos magpapilit ka. Tapos i-kwento mo na ang talambuhay mo. Pasok! ikaw na ang bida.
hahaha tama ka dyan, tactics para maging bida hahahaha! katuwaan lang naman talaga eh...
hindi ko akalaing ganun ka-komplikado ng pag-inom at ito'y napansin mo, napaka-husay ng iyong pang-dama at paningin. tama, ang kwentuhan at asaran sa inuman ay natural lang, wag dapat pikon dahil ganyan talaga... GO GO GO!!
sa alcohol utak mo'y buhol-buhol! ALCOHOL ALCOHOL ALCOHOL! samu't-samo't sari-saring may naghahanap ng away merong nagigising meron ding namamatay, lumiliwanag, dumidilim, bumabait, tumatapang...kapag nagdilim ang paningin..utak mo'y kinakalawang...ALCOHOL..sumusuray, nadadapa, nauuntog, kapag tinamaan ng antok kahit saan natutulog, at kapag may hangover ka na parang loko-loko, kung saan ka man abutin, CR mo buong mundo! ALCOHOL *BOW!
aus na aus talaga! inom lang nang inom. ang pinakamasaya tlga jan ang mga taong nakakasama natin kpag tayoy nagiinuman. Masarap balik balikan ang mga pangyayari. May mga mapagtatawanan, may mga bgay na napapaisip ka na lng bigla, may mga bagay na minsan iiyakan at may mga bagay na ang masasabi mo na lng ay... haaaayyy. ang sarap tlga! lalo na kung kayo ang kasama! :)
Post a Comment