Sunday, October 31, 2004

Inspirasyon

Hindi bang ansaya ng pakiramdam kung meron kang inspirasyon? Sinisipag kang gawin lahat ng bagay, napakaganda ng tingin mo sa mundo, wala kang takot harapin ang lahat ng problema na dadating sa iyo at patuloy kang nagsisikap sa mga bagay-bagay. Ang inspirasyon ang nagbibigay ng lakas ng loob sayo. Pakiramdam mo, ang swerte-swerte mo dahil may inspirasyon ka. Siya, at wala ng iba pa. Pero sino nga ba ito?

Ang inspirasyon ay hindi pang mga mag boyfriend/girlfriend lang. Maaring, best friend mo ito, kaklase, nanay, tatay, mga kapatid o kung sino man. Sila ang nagbibigay halaga at malasakit sa iyo, ang iniidolo mo ang tinitingala mo, ang mahal mo, tinitibok ng puso mo, nagpapatawa sayo at sumusuporta sa lahat ng ginagawa mo. Bakit mo nga ba siya napiling inspirasyon? Dahil ba lagi ka nalang masaya pag kasama siya? Pinapayuhan sa mga tanong at problema mo, o dahil binibigay niya lahat ng gusto mo...

Problemado ka, naiiyak ka na sa buhay mo. Napakalungkot naman talaga at hindi mo alam kung anong gagawin mo. May lumapit sayo ng hindi mo inaasahan, tutulungan ka daw niya. Pinayuhan ka, kinwentuhan, pinagalitan at nagtawanan sa bandang huli. Napalapit ang loob mo sa kanya ng hindi inaasahan. Sakanya mo na sinasabi ang lahat ng salaobin mo. Binabalitaan mo siya sa lahat ng bagay dahil alam mong andiyan siya para sa anumang mangyayari at nagyari sayo. Lalong lumalakas ng loob mo sa lahat ng bagay dahil andiyan siya. Tapos bigla mong maiisip at masasabi sa sarili mo na, siya ang inspirasyon mo...

Tinitingala mo siya, iniidolo. Ang galing niya kasing magisip at alam niya kung paano maghawak ng buhay. Gumagaan tuloy ay pakiramdam mo dahil alam mong andiyan siya...

Nagtatrabaho siya para sa iyo, nagsisikap at nagsasakripisyo. Alam mong ginagawa niya yun para sa iyo... sa inyo. Nararamdaman mo ang kanyang malasakit at pagmamahal. Wala man siya lagi sa iyong tabi, hindi man niya alam lahat ng nangyayari sa iyo, hindi ka niya nayayakap pag umiiyak ka... Pero inspirasyon mo pa din siya. Magaaral ka ng mabuti dahil inaalay mo ito sa kanya. Magtatrabaho at magpapaka asenso dahil alay mo ito sa kanya. Utang na loob sa nagiisang inspirasyon mo sa buhay. Sa yun at wala ng iba.

Sila ang buhay mo, hindi mo kakayaning masaktan at maghirap. Gagawa ka ng paraan para sa kanila. Ang mga kapatid mo, nanay.. pamilya mo. Sila ang nagbibigay ng dahilan para mabuhay ka. Mahirap mag sakripisyo pero ayos lang, dahil para sakanila naman lahat ng ginagawa mo. Sila... sila... ang inspirasyon mo.

(hay KC, nagdadrama ka na naman...)

Inspirasyon, inspirasyon, inspirasyon. Ang sarap mabuhay dahil may inspirasyon. Ang sarap mag-aral, magtrabaho, magunat ng buto, sakripisyo at lahat dahil may inspirasyon. Kung wala, paano ka na?

E ikaw, sino ang inspirasyon mo doon?



6 comments:

goksmeister said...

syempre ikaw lang...=) ahaha umartih! =)

rOwLp said...

wow hehe inspired a :P ayos to galeng parin.. iba ka na tlga kesi ya

NinayorBegger said...

"Ang inspirasyon ay hindi pang mga mag boyfriend/girlfriend lang."

pero usually eh syota o kung sinuman ang minamahal (romantically) ang nagiging inspirasyon natin sa buhay. bakit kaya?

"Sila ang buhay mo, hindi mo kakayaning masaktan at maghirap."shet siya ang buhay mo... di mo kakayanin... sssss... ugh... hahaha nice one...

"E ikaw, sino ang inspirasyon mo doon?"

waaahhhh! hahahahaha...

Marco de Jesus said...

ayus! ehehehe tama ka dun! apir! :D

Kalowee said...

aus! sa ngaun ang inspirasyon ko ay ang mga taong nagmamahal sakin at ang sarili ko! pwede naman un diba?! haaaayyyy... sarap ng inspired

aaRon said...

inspiration.. kailangan upang mabuhay ng matiwasay!.

yun lang po!.. i thenk u bow!

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...