"pare, wag mo madaliin..."
Hindi na siguro bago sa pandinig ninyo ang mga katagang yan. Puwede yan sa pag-gawa ng report, pag-gawa ng project, pag-babasa, pag-gawa ng artikulo at puwedeng-puwede din sa pag-ibig. Pero, pinaka-madalas kong marinig yan pag tungkol na talaga sa pag-ibig. Oo pag-ibig. Ang walang kamatayang pag-ibig...
Walang kapantay ang sakit na mararamdaman mo pag naghiwalay na kayo ng boyfriend/girlfriend mo. "pare.. break na kami..." Kalimutan mo man sandali, isang minuto, isang oras, isang araw o isang linggo... masakit pa din. At siyempre, dadating ang panahon na maalala mo siya. "pare... miss ko na talaga siya..." Wala kang magagawa, hindi na talaga kayo magkakabalikan. Yun e kung malas ka lang talaga at wala na talagang pag-asa pa.
At sa pagtakbo ng panahon, may dadating nalang bigla. Akala mo siya na, "pare... sa tingin ko mahal ko na siya." Sa tingin mo?! dalawang linggo palang kayo magkakilala, mahal mo na agad? "pare... wag mong madaliin."
May panahon na akala mo mahal mo na siya pero hindi pala. Yun bang, "love at first sight.." Totoo kaya yun?
tsong #1: tsong, yung crush ko nakita ko nakasalubong ko kanina!
tsong #2: ah talaga, edi kinilig ka naman?!
tsong #1: hindi ka maniniwala, kinausap niya ako at hiningi niya number ko...
tsong #2: aba! ok yan a'
(pagkalipas ng 3 araw...)
tsong #1: tsong!! close na kami.. yinayaya nga niya ako kumain sa labas.. sa sabado daw!
tsong #2: ok yan..
tsong #1: shiet kinakabahan tuloy ako..
(pagkalipas ng 2 linggo...)
tsong #1: sa tingin ko mahal ko na siya
tsong #2: sigurado ka?
tsong #1: oo naman, pag tinanong niya ko, sasagutin ko na talaga siya.. parang kami na naman e. ewan ko ba kung bakit hindi pa maging kami officially...
tsong #2: pare... wag mong madaliin...
tsong #1: hindi, sigurado na ko dito
(pagkalipas ng 2 buwan...)
tsong #1: kami na!!!!!!!!
tsong #2: basta kung saan ka masaya, susuportahan kita..
(pagkalipas ng 1 buwan...)
tsong #2: oh.. bakit para kang nalugi?
tsong #1: tsong, break na kami...
tsong #2: sabi naman kasi sayo e, pare... wag mong madaliin...
ano pare, ok ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
5 comments:
May panahon na akala mo mahal mo na siya pero hindi pala. Yun bang, "love at first sight.." Totoo kaya yun?oh siyet the story of my life... palagi na lang sandali ko pa lang nakikilala yung tao tapos parang in love na ang feeling ko. buti na lang nawawala din pagkatapos ng ilang araw kapag di ko na nakikita ang kung sinoman. hahaha... love at first sight? di totoo yan!
basta tyo..d naten minadali! 2 years man! wheeeeew! ahahah...BABAYULABYU KATHREEN!
O nga, PARE WAG MO MADALIIN.. in a relationship, you've got to know the person profoundly. Not by mere dating, nyt talks, sweet kisses and etc.. Gets?
Be with her, with her friends, with her family, with her community.. :D
Payong kaibigan lang sa lahat!
Anything you want about life? visit, http://makydudap.blogspot.com
tnx!
tsk tsk tsk...parang kilala ko kung sino yan ah...
hindi naman yan sa haba ng panahon eh, wala namang masama kung minadali, nasa pagsasama nyo yan, anu bang naranasan mo nung magkasama kayo? nagmahal ka ba? minahal ka ba? nagenjoy ka ba? yun yun, hindi kung minadali o anu.. take your time my pwet!!! kung mahal mo sige lang, kung hindi kayo eh di hindi move on, hehe anu ayan nagcomment na ko ha,
Post a Comment