Balita ko sembreak daw ng ibang estudiante ngayon. Buti pa sila may sembreak. Kami kasi wala...
Ako ay isang Consular and Diplomatic Affairs student at para sa mga hindi pa nakaka alam at kahapon lang pinanganak, sangkatutak at sadamukmok na paperworks at reading materials ang binabasa namen araw-araw. Manuod ng CNN at national news, magbasa ng periodico at kung anu-ano pa. E paano kaya ako manunuod ng balita e gabi na ko nakakauwi sa bahay? Kailangan magbasa, magintindi dahil bukas may quiz, exam or oral recitation. Damang-dama ko ang hirap ng magbabasa ng napakaraming handouts at libro. Hindi naman kasi ako mahilig magbasa dati. Sa totoo nga, ayaw ko talaga! Tamad ako, pasensya na. Pero nung pag apak ko ng kolehiyo, wala akong magawa kundi magbasa dahil baka ibagsak ko lang ang mga subjects ko at mapahiya lng ako ng aking professor.
Minsan nga kahit kailangan nang magpahinga o araw ng pahinga, hindi ko pa din nagagawang humilata at matulog na lang buong araw. Nasanay kasi ako na may ginagawa. Baka may nakalimutan lang akong basahin.. hindi puwedeng wala!
Hindi tungkol sa pagbabasa ang artukulo kong ito. Gusto ko lang ipamahagi sa inyo na nakakapagod din. Tatlong taon at kalahati palang akong ganito pero pakiramdam ko, antagal tagal na. "Its like eternity.. like for-everrrr!" sabi ng maaarte kong klasmeyts. Kahit linggo hindi ko magawang magpahinga. Dapat araw-araw na nakatapat sa computer dahil may gagawin na namang paper works. Haaaayyyy, kaya nga nadiskubre ko ang blogspot dahil sa pagiging adik ko sa computer. Buti na lang at may YM, blogspot at friendster.
Napakahaba sa akin ng araw. Lagi kasi akong may ginagawa, hindi puwedeng wala. Lagi akong may pinupuntahan, hindi puwedeng wala. Nakakapagod din. Kahit sabihin mo pang gimikero at gimikera ka lang araw-araw, hindi mo ba naiisip na.. nakakapagod din? Inuman araw-araw, walang humpay na kwentuhan at tawanan araw-araw oras-oras, nakakapagod din. E paano pa kaya ang buhay estudiante.. sadyang nakakapagod din.
Huwag ka nang umangal, totoo naman e.... (pagbigyan mo nalang ako.)
Pero sa napakahabang araw na aking ginagalawan... may isang punto sa bawat araw na napakasarap ng pakiramdam...
Sa gabi, ang paghiga.. ang pagtulog... Sadyang napakasarap ng pakiramdam.. "Haaaayyy salamat at matutulog na din.." yan ang lagi kong sinasabi pagkahiga ko. Ansarap kasi. Ewanko ba!
Nakakapagod man ang buong araw ko buti nalang may panahon pa akong matulog. Paano kaya ang iba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
7 comments:
tama, parang mas sumasarap ang tulog kapag mejo pagod o di kaya'y lasing. nako sarap ng 2log mo non! hehe grabe sleep deprivation tlga ang college noh? hehe 2nd yr p lng ako pero madalas 3-4 na oras na lang tulog ko dahil sa kakabasa ng lintik na chem... hehe anyweiz... mahusay ka kesi yah! GO GO GO!!!
ahahaha sembreak. sa totoo lang, magandang training na din yang kawalan ng sembreak. tuloy tuloy na pagod, paghihirap... ganyan din kapag nagtrabaho ka na. walang sembreak sembreak. buti nga may summer vacation pa eh. pero talagang ang magiging karamay mo sa paghihirap na yan ay ang mga kaibigan. kung walang kaibigan na susuporta sayo, sasama sayo pag gimik, tutulong kapag kelangan mo, siguro baliw ka na ngayon. hay grabeeh di ko na alam pinagsususulat ko :p
ako...ihi lang ang pahinga.=) ahahah nga pala may kilala ako, si LIGAYA, ang taong alang pahinga...2log lang ng 2log, sabay bukas.."bangon-bangon naman tyo jan!"
tulog na mahal ko...
hayaan na muna natin ang mundong ito...
lika na, tulog na tyo...
tulog na mahal ko
wag kang limuha, malambot ang iyong kama
saka ka na mamroblema
tulog na mahal ko...
nandito lang ako..
akong bahala sayo
sige na, tulog na muna
at baka nukas ngingiti ka sa wakas
at sabay nating harapin ang mundo...
hehe maniwala ka... kahit sembreak nakakapagod din... kahit ako balik din ako ng balik sa bene... lalo na pag dating ng enrollment nakow! pilang napakahaba!
tapos nakakatamad din kasi alang magawa saka alang allowance... alang pang gas kaya nakikisabay nalang pag may gimik.
onting tiis nalang matatapos din ito... tapos trabaho na... ganun din wehehehe... ganyan talaga ang buhay ;)
hay... ano ba ang meaning ng sembreak??? hehehehe! nde ko rin kasi alam yun eh. like what Ben said it is a good training, because you are working all the time and that's the really world. you must start early to see how the world works... pero dapat may time rin to relax and enjoy, nde lang puro work, puro problema, at kahit ano bagay na nakakasira sa araw mo ang nasa isip mo. time manangement lang yan... good luck, take care, and God bless. PEACE!!!
maganda din naman ang idinudulot ng walang sembreak. maagang natatapos ng pagaaral at sanay sa time pressure. yan ang realidad.. kelangan mabilis at pulido.. yan ang isang natutunan ko sa institusyon natin.. ok lang yan.. pero relaxs ka lang pare!.. kaya mo yan!.. konting pahinga.. trabaho uli!!.. ganyan ang buhay!!.. masyadong mabilis.. ayos yan!..
Post a Comment