Ang sarap talaga ng chippy. Lalo na pag libre. Mas masarap naman ang siopao, lalo na pag special. Ang puto, lalo na pag may keso. Ang hamburger na may ketchup. Frenchfries na mainit, coke na may ice, beer na malamig, kaning may toyo, tuyong may suka, pizza na malinamnam, banana-q na matamis, palabok na marami, dinuguang maanghang, sinigang na maasim, isaw na malutong, spaghetting mapula at ice cream na cookies n cream ang flavor...
Wow!
Sarap talaga kumain lalo na pag gutom...
Di hamak naman na mas masarap ang feeling ng sumakay sa bus na walang katao-tao. Ang makatabi ang crush mo, ang walang katrapik-trapik na daanan, ang pumasa sa exam, ang manalo sa pusoy dos, ang mahalin, ang maligo sa mainit na panahon, ang mag swimming, ang matulog pagkatapos mong magpuyat ng ilang araw, ang matanggap sa trabaho, ang kiligin, ang yumaman, ang makapasa sa defense ng thesis, ang makatawid ng hindi nagaalangan, ang pumayat, ang makainom ng malamig na tubig at ang makabayad sa utang...
Hindi nakakasawa magisip ng mga yan dahil talaga namang hindi nakakasawa makaramdam ng sarap o ginhawa. Pero natikman mo na ba ang mga hindi kanais-nais na lasa ng buhay?
Ang magutom, mangutang, bumagsak sa exam, mahiwalay sa minamahal, makakain ng panis na ulam, sumakit ang tiyan, makipagsiksikan sa bus sa jeep sa shuttle at sa tren. Ang magpumilit matapos ang term paper, ang kahabaan ng edsa, ang trapik sa moonwalk, ang maubusan ng load, ang mamatayan ng kaibigan at mahal sa buhay, ang makatapak ng tae o bubble gum, ang mag brownout, ang nakakatamad na leksyon sa eskwela, ang nakakauhaw na init ng panahon, ang nakakahilong amoy ng katabi mo sa jeep, ang masampal, masapak, mamura, matanggal sa trabaho, makunan, mapagalitan ng magulang, masisi sa hindi mo kasalanan, ang madamay sa gulo na hindi mo pinapakelaman, ang sobrang kalasingan at ang mabasa sa ulan...
Sadyang nakakaumay ang ganitong lasa ng buhay...
Hindi masarap pero nalalasahan pa din. Hindi ginugusto pero nangyayari pa din. Hindi inaasahan pero dumadating pa din.
Sino ba ang dapat sisihin?
Wala, o nagmamaang-maangan ka lang?
Ikaw, o nagpapa awa ka lang?
Sila, o ayaw mo lang tanggapin?
O sadyang, pana-panahon lang talaga ang lahat. Planado hindi biglaan. Sinadya hindi aksidente.
Sa dinami-daming kubyertos sa lamesa... sampung kutsara pero kailangan mo lang ay tinidor. Yosing-yosi ka na pero ayon sa Per Republic Act 9211, bawal daw magyosi (ahahaha). Nagmamadali ka pero kailangan mo pang maghintay. Gutom na gutom ka na pero tumataba ka na daw. Kailangan mo nang pumasok ng eskwelahan, bigla kang naiwan ng fx...
Maiyak-iyak ka na, naiinis, nanghihinayang...
Nakasakay ka pagkatapos ng isang oras, trapik na naman. Nadaanan mo ang nagkakagulong tao sa kanto. Nagkabanggaan daw. Patay lahat...
"Buti nalang hindi ako nagpumilit..."
Marahil ay naguguluhan ka na, nalilito kung bakit ko sinasabi ito. Hindi ko alam kung maiintindihan ninyo.
Ang gulo ng buhay, nakakalito paminsan. Masarap minsan nakakaumay. Simple lang ito kung tutuusin. Wag mong pahirapan ang sarili mo. Wag mong pilitin kung hindi kaya. Wag mong ipaglaban kung talo ka. Wag mong kunin ang hindi sayo. Wag kang sumakay sa FX na hindi pinlano na sakyan mo..
Sino nagplano?
Siya o...yung gumawa sayo..
Magulo pa din?
Thursday, October 14, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
yan ang nagpapasarap sa buhay! kahit minsan mapait at masaklap still it add spice to our lives ika nga! di pwedeng puro ginhawa na lng. sa tingin ko pag naging gnun, ang boring na ng buhay! la ng excitement ;) kailangan lng matuto taung humarap sa mga kapaitang ito at mabuhay parin khit masaklap kung minsan!
Post a Comment