Thursday, October 07, 2004

Ok Lang Yan...

Nakaranas ka na ba na sobrang batong-bato ka at sinumpong ka pa ng katamaran? Ayaw mong lumabas ng bahay dahil mainit, ayaw mo din gumalaw dahil sa simpleng tinatamad ka. Tinanghali ka na nga sa pag-gising, ayaw mo pang maligo kaagad dahil sa simpleng tinatamad ka. Tumatakbo na ang metro sa kuryente sa kaka panuod mo ng tv o kaya sa kaka computer mo dahil sa simpleng tinatamad ka. Ayaw mong gumawa ng assignment at pinili mo nalang matulog dahil sa simpleng tinatamad ka. Ayaw mong mag-aral at magcocomputer ka nalang dahil sa simpleng tinatamad ka...

E yung panahon na bigla kang aayaw sa isang bagay? Yung tipong, habang umiinom ka ng beer... bigla mong sasabihin na, "ayoko na uminom bukas o kahit kailan man." E yung bigla mong maiisip na gawin ang isang pagbabago sa buhay mo, "magpapakabait na talaga ako..." o kaya ang sabihing, "mag-aaral na talaga ako..." o kaya ung sasabihin mo na.. "o sige, magpapakatino na talaga ako..."

E yung panahon na hindi mo na kaya magpalit ng damit sa sobrang lasing mo? E paano pa kaya yung hindi ka na makalakad ng maayos sa sobrang antok mo... Hindi makabangon sa sobrang sakit ng ulo mo. Hindi makasalita dahil sa sakit ng singaw mo sa bibig. Hindi makatawa dahil masama ang pakiramdam mo. Hindi makatakbo, makakain, makaligo, makasulat. Hindi makatulog kagaya ko...

E yung bigla kang malulungkot ng walang dahilan. Kakabahan, matatawa, ngingiti, maiiyak...

Naranasan mo na ba lahat ng ito?

Kung hindi, ang korny mo.

Kung oo,

ok lang yan.....

Pareho tayo.

2 comments:

Benigs said...

hay naku... oo naranasan ko na ang lahat ng yan. but as you grow older, you cannot do those things as much as you want to anymore. bawal nang tamarin. bawal nang magpakalasing lagi. bawal nang maging moody o madepress na lang bigla. ang tamang gawin ay yung nasa pangalawang paragraph: ang umayaw sa masama at ang magbago. kasi habang tumatanda, dapat nagiging mas responsable tayo. pero ang hirap gawin. sigh...

cAtHy! said...

lahat yan nangyari na sakin..ngayon nga lang nararamdaman ko na ung..tinatamad mag-aral magcomputer nalang..o kaya mag blog lanag...ahahah=)ayos!