Friday, April 02, 2010

Judge Me Not.

Wala kang karapatan maghusga ng tao kung hindi mo naman alam ang buong kwento ng buhay niya. Sabi nila, kahit pa mukha siyang taong grasa, hindi ka padin nakakasiguro na taong grasa nga siya hangga't hindi mo alam kung sino talaga siya.

Tingnan mo ang isang pinay at isang lalakeng foreigner na magkasamang naglalakad sa Boracay. Iisipin mong putakte ang babaeng ito at ginagamit niya lang ang foreigner para umangat ang buhay niya. Tingnan mo ang isang matandang babae na may kaholding hands na binata. Iisipin mong sugar mommy ng lalake si lola. Tingnan mo ang dalawang lalake na mahilig mag akbayan, iisipin mong bakla sila. Tingnan mo ang dalawang babae na naghoholding hands, iisipin mong tomboy sila. E ang lalakeng naka shades sa gabi... adik. Ang babaeng bigla tumaba.. buntis. E ang babae at lalake na lagi magkasama.. may "something" sa kanila. Ano pa ba? Lahat na.

Masyado mapaghusga ang mga mata ng tao. Mali man, pero ito ang totoo. Kung tanga ka, wala kang ibang gagawin kundi bigyan ng kahulugan lahat ng nakikita ng mata mo. Kung matalino ka naman, wala kang ibang gagawin kundi bigyan ng kahulugan lahat ng nakikita ng mata mo.. palihim nga lang.

Mabuti pa ang bulag, wala silang choice kundi pakiramdaman ang bagay-bagay bago sila maghusga kasi hindi naman sila nakakakita. Kung napaka pangit mo, makikipag date ka ba sa bulag?

Minsan, kahit ayaw mo.. kailangan mo umiwas sa mga bagay na magbibigay kahulugan sa mga mata ng iba. Kahit pa sa pinaka malinis mong konsensya e wala kang ginagawang mali, sa ibang tao.. WALA SILANG PAKEALAM SAYO. Mahirap, pero anong magagawa natin E SA GANON TALAGA! Hindi lahat ng tao makakaintindi sayo kasi hindi naman lahat ng tao pwede mong makausap at pwede mo ipagtanggol ang sarili mo. E ang Diyos nga.. may mga tao padin na hindi naniniwala sa Kanya. E SAYO PA KAYA?!
Sadyang may mga tao talaga na henyo na akala nila lahat ng bagay alam na nila agad ang ibig sabihin. o sige, ikaw na! ikaw na! ikaw na ang diyos!

Para sa mga taong mahilig maghusga, siguraduhin mong kahit kelan, HINDI MO NAGAWA ang parehong bagay na hinusgahan mo. Siguraduhin mo din na mas maputi pa sa labang Tide ang konsensya mo. At ang pinaka huli........... SIGURADUHIN MONG TAMA KA! kasi kung hindi, patay ka sakin. LOL

10 comments:

choknat said...

tama.. hindi mo pedeng husgahan ang taong hindi mo naman kilala.. pero lahat ng tao ay hindi perpekto, nagkakamali.

hello, napadaan ako dito. :)

kesico said...

@choknat - salamat sa pagdaan. ;-)

LHEY said...

Ay naku, tama ka jan! may mga makakapal talaga ang mukha na akala mo kung sino, parang mga di nagkasala at kailan may di nagkakamali, kakainis. Lahat naman tayo nagkakamali, ang importante may matutunan tayo sa pinagkadapaan natin.

La kang FOLLOW BUTTON, gusto ko kasi blog mo! :)

Mafe said...

mahirap tlaga sa mundong to kasi nga maraming mapanghusga..pero d ba keber na lang sa sinasabi ng iba kung lam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama...anjan cla para tumibay tayo...nice blog...visit mo rin site ko..hehe

Anday fleming said...

napadaaan lng^^

kesico said...

@LHEY: paano ba magkaron ng FOLLOW button? :)

kombo.yata.to said...

Nalaman ko na, tange ko talaga, nasa navigation bar naman pala! hehe!!!! :))

kulas said...

Ok, ok,ok, guity ako. Inaamin ko na paminsan-minsan, pumapasok sa isip ko na bading ang dalawang lalaki na magka-holding hands, lalo na kung kumembot ng lakad, hahaha.

Palagay ko, malungkot man, ganyan na talaga ang isip ng karamihan. Di naman masisi dahil maraming maligno ang lumalabas ngayon.

yukka2303 said...

hay nakuh! tama ka jan! hmpf.. visit ka din minsan sa blog site ko ha.. salamat
yukka2303.blogspot.com

pepcOrn said...

so true...kpag ang mapanghusgang mata at makakating dila ay pinag sama msakit sa tenga ang resulta