Friday, May 07, 2010

ELEKSYON 2010

Simula ng mamulat ako sa politika dito sa Pilipinas, sinuportahan ko ang sino mang umupong presidente dito. Kasi para sakin, iba man sa binoto ng nanay ko ang nanalo.. wala naman kaming magagawa kundi suportahan na lang ang nanalo kesa naman buong buhay nalang kami maninira at magrereklamo sa kanya. Dati un.

Dalawang tulog na lang eleksyon na. Ngayon lang ako naguluhan sa eleksyon dahil napakadaming kandidato na pwedeng-pwede manalo. May kandidatong magaling pero mahina sa hatak sa mga tao. Meron din namang kandidato na hindi naman kagalingan pero napakadaming niyang supporters. Hanggang sa huling dalawang araw bago mag eleksyon, posible pa din magiba ang ihip ng hangin. Pinoy pa! e napaka bilis nating magpalit ng desisyon. Natawa ako sa channel 2 kagabi, sunod sunod.. over-over ang tv ads ng isang kandidato. Flooding kung flooding e. easy lang!

Bago ako boboto, sisiguraduhin kong mapanood muna ang lahat ng interviews ng mga kumakandidato pang presidente. Para malaman ko kung ano ang sagot nila sa pinaka karaniwan pero pinaka mahirap na tanong na kung paano lalabanan ang korupsyon sa Pilipinas.

Sabi ng isa, isusulong niya ang "incentive" o ang pampagana kung tawagin para sa mabuting gawain. Kilalanin ang mga mabubuting gawain. Kung ang nagnanakaw pinaparusahan, kailangan din gantipalaan ang mga tapat.

Sabi ng isa, edukasyon! ang cum laude ng isang pribadong eskwelahan ay kayang magturo sa isang public school. Hindi magkakalayo ang sweldo basta lang magkaroon ng kalibreng edukasyon ang ating bansa.

Sabi ng isa, dagdag trabaho para ma-i-angat ang mga tao sa kahirapan. tanggalin ang kahirapan para walang ma eng-ganyo mangurakot.

Sabi ng isa, kung walang corrupt.. walang mahirap! (haha wala akong maisip na sinagot niya.. *peace*)

Para sa akin, walang pangit na plataporma ng isang kandidato dahil walang sinuman ang hindi magbibigay ng kaya nilang gawin para mapaganda ang pamumuhay nating lahat. HELLO?!?!

Pero isa lang hong paalala: Sana magkaron tayo lahat ng tamang rason para bumoto. Oo guilty ako. Dahil nung una pa lang, tinanong ako kung sinong bobotohin ko. Tinanong ako.. "Bakit siya?" Wala akong nasagot kundi: "Wala lang, e taga las piƱas ako e!" Haha toink! sabi ko sa sarili ko, hindi ako makapaniwala na yun ang sinasagot ko. Hindi katanggap-tanggap e. Papatayin ako ng mga ka-klase ko sa masters at mga taong kausap ko lagi about politics. Babatukan nila ako. Totoo yan.

Kaya napaisip ulit ako. Hindi ako nabigo, nagbago ako ng rason.. nagbago din ako ng iboboto.

Para sa ating lahat, maging malawak sana ang pagiisip natin sa pagboto. Hindi porket kaibigan, kakilala, o kapitbahay. Hindi porket gwapo, o mabait. Importanteng kilalanin ang bobotohin. Panuodin ang videos, basahin ang lahat ng tungkol sa kanya. Hindi man manalo, alam mong may kwenta padin ang boto mo. Sabi nga ng isang kandidato, ang kagustuhang magbago ang bayan.. hindi kailangan maging presidente. Kahit matalo, hindi ito dapat maging hadlang para tumigil ka sa pagsisilbi sa bayan. Yun e kung desidido ka sa gusto mong gawin. UN LANG.

*BATO BATO SA LANGIT ANG TAMAAN AY MABABAWIAN*

1 comment:

Kulas said...

Agree ako diyan. Mabuti kung open minded tayo sa pagpili ng kandidato.

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...