Sunday, July 25, 2010

About Love 'To (basahin niyo!)


*habang nakikinig ng love songs as background music*

“We are made for each other”

Nabasa ko to’ sa facebook. Ang sweet kasi parang sure na siya sa sinasabi niya. Napaisip tuloy ako kung sino ang “made for me” haha! Siguro nasa kabilang sulok siya ng mundo.

Pero paano mo nga ba malalaman kung siya na?

Sabi ng mga nakakatanda, mararamdaman mo daw. E pano yung mga ibang tao na naramdaman na nila dati tapos iba parin yung nakatuluyan nila? Basta! Yun na yun.

Para sa akin, hindi mo malalaman kung sino talaga ang para sayo. Kasi hindi ka naman bubulungan ni Lord o ng konsensya mo ng “SIYA NA TEH!” diba? Minsan nga natatawa ako pag naiisip ko yung mga love stories ng iba kong friends. May iba na mag best friends sila tapos nagkatuluyan. May iba naman first love na nila yun. May iba naman na sobrang hindi nila inakala na sila yung magkakatuluyan kasi mag mortal na kaaway pala sila dati. Meron naman iba na.. wala bigla nalang pag dilat ng mata niya may napaka gwapong lalake na patay-na-patay sakanya. Ok sige ikaw na ang anak ng diyos!! LOL

Nakakatuwa isipin na yung taong ka-close mo ngayon, yung tao na comfy na comfy ka na, e siya pala yung makakatuluyan mo sa huli. Na tipong, inaasar nila kayo pero kunwari ka pa na ayaw mo.. e deep inside kinikilig ka din naman! Or yung ka-bully-han mo, pero deep inside crush na crush mo siya at lagi mo iniimagine pag nagkatuluyan kayo. Ung ganon. MEHGANOOONNN?!

Pero hindi pala talaga pwede maging kayo kasi its either:
a) May gf/bf na siya. Or May asawa na.
b) Ikaw ang may bf/gf na.
c) Alam mong di ka talaga niya type.
d) Guguho ang mundo pag nakatuluyan kayo.
e) Kapatid mo pala siya sa labas (JOKE)
f) Ayaw mo lang talaga mag take ng risk.
g) Magkalayo kayo.
h) Patay ka sa barkada niyo kasi asar talo talaga kayo pag nagkatuluyan.
i) None of the above. Kasi isa pala siyang isda.

Para sa mga ka edad ko o mas matanda pa sakin na SINGLE.. isa kaya sa inyo ang THE ONE ko? (HAHA F na F dapat!)

Napanood ko yung movie dati ni Claudine Baretto at Rico Yan. Binibigyan na siya ng taning ng mga tita niya na tipong pag lumampas siya sa age na yun na wala pa siyang asawa.. tatanda na siyang dalaga. OK THANKS.

Kung sino man ang “made for me” sana iparamdam sakin ni Lord kung sino ka. Wag lang sana na ikaw yung lalake na taga hingi ng bayad sa shuttle van kasi promise to God hindi kita type. AHAHAHAHAHA ang sama ko. Sorry Lord. Joke lang naman e!

Eto seryoso na, madaming tao na nagsasabi na wag maghanap.. kusa yun dadating sayo sa tamang oras, sa tamang panahon. Yun yung pag ready ka na. May nagsasabi din na walang mangyayari sayo kung wala kang gagawin. Dapat matuto kang gumawa ng paraan. Hindi ko alam kung alin ang susundin ko. Basta ang alam ko lang, ready na ko. Siya lang ang hindi ready sakin. Sabi nila hingin mo daw para ibigay sayo. O sige ngayon HINIHINGI KO NA. Amen. =)

7 comments:

LHEY said...

In God's Perfect time. He will come =)

Caloi said...

nabuhay ang blog mo! :)
love it!

haaay hirap din pag ang love "its complicated" yung dapat itago. haaay

kesico said...

LHEY: yea, i know. =)

CALOI: haha yup buhay na buhay!

donna said...

hello, napadaan lang sa blog mo, and ngustuhan q lang yung picture kea naicpan q ng basahin...hmmm i think we have the same feeling, ung tipong handa k na sa mangya2ri pero khit anong gwin mo eh wla pa ring dumarating....haisstt, anyways nice blog!!

kesico said...

thank you donna! =)

an_indecent_mind said...

napadaan at naintriga sa pic..

hintay ka lang dyan... malay mo, bumubwelo na si manong na naniningil ng pasahe sa shuttle van nyo... hek hek!

choosy much? lol

nakikiepal lang ho...

Euphoric said...

lagot ka ate.. sometimes kasi kung anu ang ayaw natin sa magiging partner natin yun pa yung binibigay satin ng Diyos, kung maging collector man sya ng bayad sa shuttle van, be thankful its God's gift. hehe.

just pray for your partner.

Godbless!