Nakatambay ako sa labas ng chowking habang dinadama ko ang 15-min break. Gabi na naman at at anlamig naman talaga ng panahon ngayon. Nagsimula akong magmasid sa mga tao sa paligid. Ang mga nagtatawanan sa labas, ang mga kumakain sa loob ng chowking at ang mga waiters na nagsisilbi. Napansin ko lang ang itsura ng isa habang nag-aabot siya ng order sa isang table. Kapansin-pansin ang kanyang nakasimangot na mukha. Hindi ako sigurado kung marami ang nakapansin sa kanya o talagang mahilig lang ako magmasid.
Pagod na siguro siya sa kaka-abot ng mga orders at pansin na sa kanya ito. Alam kong gabi na at hindi maiiwasan ang pagod. Lalong-lalo na pag sunod-sunod na ang mga umuutos sa kanya. Pero lalo akong napaisip nang makita kong, hindi lang pala siya ang nakasimangot doon.
Lahat sila....
Biglang pumasok sa isip ko ang mga kasamahan ko na nagsisilbi din sa mga kumakain tuwing retreat. Ang kitchen ministry. At bigla ko din naalala ang laging napagkatuwaan naming gawin, ang "serve with the smile..." Kahit pagod at puyat, wag papahalata. Kahit masakit na ang katawan, wag papahalata. Ngiti lang ng ngiti.
Ang mukha ng tao ang unang napapansin. At dun mo din malalaman ang nararamdaman niya. Kung pagod siya siyempre nakasimangot. Nakangiti pag masaya. Nakakunot ang nuo pag inis. Nanlalaki ang mata pag galit at namumutla naman kung natatae na. (o0o0opsss sorry..)
"Ngitian mo nalang ang problema mo" yan ang lagi sakin sinasabi ng kaibigan ko. Pagod ka man o hindi, importante pa din ang ngiti mo. Dahil hindi mo alam na may mga taong natutuwa dahil sa simple mong ngiti. Hindi ko naman sinasabing wag mong seryosohin ang mga bagay-bagay at ang iyong nararamdaman. Pero hindi ko din naman sinasabing damdamin mo ito..
...ngiti ka naman jan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
4 comments:
kita talaga ang lahat sa mukha... pagod, inis, lungkot, saya, hiya... kahit ano pwede. pero ngiti lang ng kaunti, hayan nacamouflage na ang kung anuman ang nararamdaman. pero mahirap nga lang na paabutin ang ngiti sa ating mata. kasi kahit nakangiti, kung talagang iba ang nararamdaman, makikita talaga sa ating mga mata...
A smile can truly brighten up someones day! totoong ang sarap magserbisyo kung nakangiti. parang di natin nararamdamang trabaho ang trabaho kung ikinasasaya natin ang ating ginagawa. Mag mukha na taung tanga sa kakangiti pero masarp ngumiti diba. Sabi nga nila "smile and it covers all the zits". actually wala naman akong pimples kya di to applicable sakin but all i'm saying is when we smile it tends to cover up all the worries and insecurities we have. kya ngiti lng hanggang sa mangawit. :)
ngiti lang ng ngiti... d mo alam kng sino rin napapangiti mo sa ngiti mo...
tama ka dun sa "ngitian mo lang ang problema mo" simpleng bagay, nakakawala din ng bugnot o kung ano man tawag jan...
ngiti lang...
kC smile ka nga jan..pero dapat alng dimples...ahaha!
Post a Comment