Sa sobrang pagiisip ko sa mga bagay-bagay, hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang naisip ang salitang "kamatayan". Nakakatakot na salita pero kasama ito sa realidad ng ating buhay. Ang realidad na lahat tayo mamamatay. Pero kung lahat naman tayo mamamatay, bakit kailangan pa nating pagandahin ang ating buhay?
Nang ika'y ipinanganak, pinalaki ka ng iyong nanay. Sadyang maalaga, bawal dapuan ng lamok o kung anumang insekto. Bawal magkasakit at magutom. Kinailangan din nating mag-aral pagdating sa tamang edad. Bawal bumagsak sa subject dahil kailangan pagbutihin ang lahat. Kailangan mong magpakitang gilas sa iyong mga kaklase na, "ako ay matalino!" kailangan gumawa ng assignments, seatworks at kung anu-ano. Pagkatapos mo ng garde 6, kailangan mong ipasa ang exam papasok sa hayskul. Apat na taon. Apat na taong paghihirap at kaligayahan. Sadyang masaya ang hayskul. Ang tinaguriang iskul bukol ng ating buhay estudyante. At, hindi ka pa tapos dahil kinailangan mo pang pumasok sa kolehiyo.
Ang kolehiyo na ata ang pinaka seryosong panahon ng aking pagiging estudyante. Hawak ko na ang aking kinabukasan. Kung ako ay magloloko, wala akong patutunguhan pagdating ng panahon. Yun ang kinalakihan kung panuntunan. Tapos e paano kung bigla akong mamatay pagkatapos ko ng kolehiyo? Yung habang bumababa ako ng stage, bigla nalang ako nalagutan ng hininga. Patay. Wala na, para saan pa ang lahat-lahat?
Magpakabibo ka man sa eskwelahan at ikaw pa ang pinakamatalinong estudyante sa inyong paaralan, magpakayaman ka man, mag-asawa at bumuo ng pamilya... wala din. Dahil mamamatay ka lang.
"mamamatay ka lang".
Oo, kaya bilisan mo...
Kailangan mong pagandahin ang buhay mo dahil hindi ka naman mabubuhay habangbuhay. Kailangan mong mag-aral ng mabuti habang hindi pa huli ang lahat. Habang may pagkakataon pa... Kailangan mong magtrabaho habang kaya mo pa. Kailangan mong alagaan ang iyong sarili habang malakas ka pa. Kailangan mong ipakita sa pamilya, sa kaibigan mo, girlfriend, boyfriend, jowa, papa at kamag-anak mo na mahal mo sila habang hindi pa huli ang lahat. Paano pag mamamatay ka na at bigla mong naisip na hindi mo man lang nagawang kumanta sa entablado dahil wala kang lakas ng loob dati? Gustuhin mo man, hindi na puwede. Bakit? E kasi mamamatay ka na nga e. Lantay ka na. Ilang oras na lang wala ka na.. Sa madaling salita, huli na ang lahat. "kailangan pa bang imemorize yan?!" E paano kung matanda ka na tapos bigla mong naisip maglaro ng luto-lutuan? Hindi na puwede. Bakit? E kasi matanda ka na, sana ginawa mo iyon dati pa. Sa madaling salita, huli na ang lahat. Huli na nga ba ang lahat?
Hindi puwede. Kailangan mong gumawa ng paraan para gawin lahat ng gusto mong gawin at kailangan mong abusuhin ang lahat ng ibinigay sayong pagkakataon. Minsan lang toh, sige ka.. baka huli na ang lahat.
Maglaro ka, magaral, magliwaliw sa esem, uminom, tumawa, umiyak, kumain ka ng masarap, magtrabaho, bumuo ng pamilya, pasukin ang trabahong matagal ng kumakatok sayo. Sagutin mo na siya habang puwede pa. Ligawan mo na siya habang bakante pa. Yayain mo na siya magpakasal pagnakaipon ka na. Magsulat ka na ng blog pare habang matino ka pa.... Basahin mo na ito habang nakakabasa ka pa. Sige ka, baka huli na ang lahat.......
"it's my life
it's now or never
i ain't gonna live forever
i just want to live while i'm alive
my heart is like an open highway
like frankie said "i did it my way"
i just wanna live while i'm alive"
"live life to the fullest and die young..."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
let's just always remember that we choose the path that we are goin to take...in life we have responsibilities and we encounter lifes verities and realities...well, that's life i guess...but in life comes DEATH also..but we shouldn't be afraid to die...its the only way that we can be reunited with out creator...it's a good thing u know? lastly, it's not yet late to do the things na hindi pa naten nagagawa, let's just live by the day...dats ol! =)
Post a Comment