"Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo." Karma o the Law of Karma ayon sa paniniwala ng mga Buddhist na "for every event that occurs, there will follow another event whose existence was caused by the first, and this second event will be pleasant or unpleasant according as its cause was skillful or unskillful." A skillful event is one that is not accompanied by craving, resistance or delusions; an unskillful event is one that is accompanied by any one of those things. At sabi nga nga mga amerikano na, "What goes around comes around". Maaring hindi lahat naniniwala dito pero isa ako sa mga taong unti-unting naniniwala at namumulat sa kasabihang ito. Sabihin na nating masyadong mahiwaga ang mga katagang ito pero wala naman sigurong mawawala sa akin kung maniniwala ako dito.
Lagi sa akin sinasabi ng mga magulang ko na maging mabuti daw akong anak sa kanila para maging ganun din ang mga anak ko sa akin. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko sila pero sumusunod na lang ako. Bakit kailangan ko pang intindihin kung mamahalin at rerespetuhin ako ng mga anak ko? Ang mas importante, marunong ako rumispeto at ang mag mahal ng magulang. Yun na yun! Problema ko na yun kung paano ko papalakihin ng maayos ang mga magiging anak ko.
Maging mabuti ka sa ibang tao at siguradong gaganda ang takbo ng buhay mo. Pero ibig sabihin ba non na ang mga mahihirap ay masama ang pakikitungo sa ibang tao?
Hindi naman nasusukat sa pera ang kagandahan ng takbo ng buhay ng isang tao. Hindi porket mahirap ka, pangit na ang takbo ng buhay mo at hindi din porket mayaman ka, marangyang-marangya na ang pakiramdam mo. Meron akong Tita, nung mag boyfriend pa lang sila ng asawa niya, may tinulungan silang lalake na, na hit n run. Dinala nila ito sa ospital pero hindi naman nila kilala ito. Patuloy pa din sila tumutulong sa ibang tao na walang hinihinging kapalit. Bilib ako sa kanila. Grabe! Mahirap lang sila ngayon pero masaya sila. Nagagapang naman nila ang mga anak nila sa bawat hikahos na nararanasan nila. At masasabi kung maganda ang takbo ng buhay nila dahil hindi sila pinapabayaan ng Diyos.
Para sa akin, tamang intindihin mo ang kinabukasan at ang magiging takbo ng buhay mo. Matutong tumanaw ng utang na loob at maging mabuti ang pakikitungo sa ibang tao. Maging mabuti sa ibang tao at siguradong hindi ka pababayaan ng Diyos. Korny ba? Wag kang ganyan, dahil balang araw mapapatungo ka nalang sa huli.
Kung ayaw mong lokohin ka ng syota mo, huwag mo din siya lolokohin. Kung gusto mong maging maganda ang takbo ng lovelife mo, matuto ka daw magpahalaga ng boyfriend/girlfriend mo. At kung maloko ka man at masaktan, huwag na huwag kang gumanti. Maaring hindi ka sumasang ayon dito pero, isipin mo ng mabuti... at baka mapatungo ka nalang sa huli.
Hindi ko alam kung ano ang nakukuha ng ibang tao sa "pag ganti." Bakit kailangan mo pang ipasa sa iba ang sakit na naramdaman mo? Bakit kailangan mong magalit sa ex mo pag hindi maganda ang paghihiwalay ninyo? Ano naman kaya ang nakukuha mo sa pagiging bitter-bitteran? Bakit kailangan mong magalit sa teacher mo na nagbagsak sa iyo? Bakit hindi mo na lang matanggap na ikaw ang mali at ikaw ang gumawa ng grado mo. Bakit kailangan mong sampalin ang sumampal sa iyo? Hindi naman niya kailangan maramdaman ang sakit na naramdaman mo. Bakit kailangan mong patulan ang humamon ng suntukan sa iyo, wala ka namang makukuha kundi sakit ng katawan at ulo. Sa madaling salita, bakit kailangan mong gawin sa iba ang ginawa sa iyo?
Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sa iyo. Yun ang tama! Nakakalito ba, intindihin mo kasi!
Lumalayo na ba ang mga sinasabi ko sa mismong pinaguusapan natin?
Hindi siguro.....
Maaring sa pagdaan ng panahon, maiisip mo na lang na napaka swerte mong tao. Maaring gumaganda ang pagiging buhay estudyante mo o di kaya gumaganda ang pagiging buhay may trabaho mo. Pero natanong mo ba sa sarili mo kung bakit?
Saturday, October 23, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
4 comments:
galeng... tama ka dyan KCyah, kung ayaw mo gawin sa iyo yung ginagawa mo, wag mong gawin sa iba talaga... hay, napapaisip tuloy ako ngayon. next level ka na talaga... ur the best!
Im not much of a believer of Karma. Siguro there are times na i believe in it but most of the time i dont. What i believe in is that everything we do has an effect on others. Even if the thing we do is not directed to another person there may be times na maaapektuhan parin sila. Naniniwala lng ako na dapat di gumanti at kung makakaya, parating gumawa ng mabuti sa kapwa.
well i just like to say that all souls are essentially good. This means that just because someone gets a bad reaction it does not mean that they are a bad person. Another important point is that karma is temporary. This means that although we may be experiencing a particular set of circumstances right now those circumstances will change in the future. This could happen in this life or even future lives. Not only is karma temporary it is also possible to change one's karma, or even get rid of it altogether by acting spiritually in the service of God. *BOW!
wow kesi ya, ang ganda nito a, napa-isip ako sobra hehe... tama, hindi naman dapat natin isisi sa iba kung ano ang nangyari sa tin, kaya nahihirapan ang ilan dahil merong mga tamad lang talaga, kaya bumabagsak kasi hindi nagaaral at kaya may nakukulong kasi may kasalanan... everything na gawin natin has an equal reaction, kung mabuti o masama ito ay nasasa-atin na... galing mo kesi yah *APIR DIN* hehe gudjab
Post a Comment