Miyerkules na naman, a las siete ng umaga pala ang pasok ko. Kung puwede lang sana na hindi ako pumasok at matulog na lang gagawin ko. Napakasarap pa naman ng panahon dahil anlamig-lamig at nakaka antok naman talaga. Madilim pa ang paligid ng ako'y bumangon. A las cuatro na ng umaga kung hindi ako nagkakamali. Utang na loob, inaantok pa ako!
Minabuti ko nang bumangon at umupo na lamang. Sumilip muna ako sa bintana dahil bigla akong naging interesado sa itsura ng kapaligiran pag ganitong oras. Pansin pa ang tahimik na kalagayan ng aming bakuran. Hanggang sa unti-unti na akong namumulat sa katotohanan. Bumukas na ang ilaw ng aming kapitbahay. At nagsimula nang magwalis sa labas si manang. Naaamoy ko na ang ulam ng kapitbahay namin, aha! pinritong bangus... Nakakatuwa sila.
Naaalala ko pa dati nung bata pa ako, gigisingin ako ng yaya ko para maligo. A las cuatro y media nun kung hindi ako nagkakamali. Nakapikit pa ang mata ko habang naglalakad. At pagbaba ko ng hagdanan, nakahanda na ang ulam ko, ang walang kamatayang hotdog. Nakabukas na din ang radio at walang tigil ang usapang pilipinas.
Nakaka miss...
Ngayon, wala nang taga gising sa akin. Nasa akin nalang iyon kung gigising ako ng sa tamang oras o matutulog ako maghapon. Pag baba ko ng hagdanan, wala ng hotdog sa mesa. Wala na kasi akong yaya dahil malaki na ako. Wala na ding maingay na radio dahil wala na namang nakikinig ng AM dito. Tahimik ang bahay pag umaga. Tulog pa kasi ang mga tao dito at ako ang unang nagigising pag miyerkules. Walang magluluto ng umagahan ko kaya naman hindi na lang ako kakain. Minsan nakakalungkot isipin na sa pagtakbo ng panahon, madaming pagbabago ang nangyayari sa buhay ng isang tao. Magsasawa ka sa paulit-ulit na nangyayari sa iyo pero pagdating ng panahon, magbabago din iyon at sigurado akong babalik-balikan mo ang ala-ala ng nakaraan. Hindi masama balikan ang nakaraan dahil iyon ang mga bagay-bagay na masasabi mong "ang saya ng buhay ko." Malalaman mo ang halaga ng isang bagay pag nawala na ito.
Ayaw mo maniwala?
Alalahanin mo, tingnan mo, ang noon at ngayon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
No comments:
Post a Comment