Saturday, October 02, 2004

Simpleng Bagay... Pansinin mo

Kung ikaw ay isa sa mga "busy" na nilalang sa mundo at wala kang panahon para sa mga simpleng bagay, magisip-isip ka.....

Napapansin mo pa ba ang ganda ng araw pag pababa o pataas na ito? E ang kagandahan ng ulap pag malapit ng mag gabi? Paano pa ang paglipad ng mga ibon sabay-sabay? E ang bagong tubo na bulaklak sa may hardin ninyo?

Kung hindi... magisip-isip ka.

Minsan sa sobrang dami na nating ginagawa araw-araw, nakakalimutan na natin pagmasdan ang ating kapaligiran. Ang simpleng bagay na ginawa para sa atin. Hindi mo namamalayan ang pagtakbo ng panahon dahil wala kang oras subaybayan ito.

Bakit hindi mo bigyan pansin? Dahil ba hindi ito importante at wala kang panahon sa ganyan? Hindi ko sinasabi sayo na obligado kang pagmasdan ang mga simpleng bagay, pero gusto ko lang ipakita sayo ang matagal mo nang hindi nasisilayan.

Bakit ba puro problema nalang ang iniisip mo? Puro negatibong pangyayari nalang ang napapansin mo. Puro masamang nagawa nalang ng ibang tao ang napupuna mo. Bakit hindi mo pansinin ang pag ngiti sayo ng katabi mo sa jeep, sa bus o sa LRT/MRT? Ang pagtulong sayo ng kaibigan mo na buhatin ang mabibigat mong libro, ang pagbigay sayo ng kendi ng ka-klase mo, ang pagdala sayo ng pasalubong ng nanay mo, ang pagmamalasakit ng mga kabarkada mo at ang pag sabi ng "salamat" ng ibang tao...

Huwag kang magdalawang isip...

Silipin mo,
pagmasdan mo,
ramdamin mo,

tingnan mo....... ang ganda noh?

2 comments:

NinayorBegger said...

sa totoo lang, kahit na noong napaka-busy ng mundo ko, talagang humahanap pa din ako ng oras para tingnan ang kalangitan, tingnan ang kagandahan nito dahil nagdudulot ito ng saya sa akin. naaalala ko may isang beses, sobrang ganda ng mga kulay ng langit. talagang namangha ako. nung nakita ko yun, nasabi ko sa sarili ko na ang galing ng Diyos. siya lang makakagawa ng ganyang kagandang mga kulay...

talagang minsan, dapat eh tumigil tayo sa ating ginagawa. i-appreciate ang mga bagay na hindi natin namamalayan. tingnan ang kagandahan ng mundo na ating kinakalimutan.

tama ka kc, ang ganda.

goksmeister said...

gaano man ako ka-busy, gaano man kahirap ang buhay..gusto ko lang malaman mo na isa ka sa mga taong nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng bagay na aking ginagawa...oo ikaw KC, ramdam kita, damang-dama kita, pansin kita..ang ganda mo!

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...