Saturday, October 09, 2004

Wala Na

Hindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. Minsan nga, kahit sobrang pinaghirapan mo ito, mawawala pa din eh.

(Wala lang, bigla lang ako nagpaka senti...)

Ang pinagpuyatan mong term paper sa statistics niyo, habang naglalakad ka papasok ng classroom bigla mong naalala na nakalimutan mo ang folder mo sa bus na sinakyan mo. Tumakbo ka, hinabol mo ito..... Wala na.

Ang araw-araw mong pagpapapayat, hindi ka kumakain ng marami. Exersisyo sa umaga at diet sa gabi. At bigla kang pumunta ng probinsya dahil gusto mo mag bakasyon. Masarap ang mga pagkain doon. Sariwa at malinamnam. Tumaba ka... 3 buwan na pagpapapayat, isang buwan na pagbakasyon sa probinsya. Tumaba ka na.... Wala na.

Ang bagong alagang aso ninyo sa bahay. Laging mong pinapakain ng maayos. Bawal madumihan. Mahal na mahal mo at alagang-alaga naman talaga. Sinabayan ka niya tumawid sa kalye, paglingon mo sa kanya, nasagasaan na siya.... Wala na.

Ang halos isang taon mong panliligaw sa kanya, ang isang taon na hindi nawawalan ng pag-asa. Oo, mahal ka daw niya.. Naniwala ka. Nagawa mo pa siyang hintayin sa labas ng klasrum niya. Ihatid sa bahay... Nagkasakit ka, hindi mo siya nakita. Nagulat ka nakasalubong mo siya sa canteen. May kahawak ng kamay. Sila na... Paano ka na?..... Wala na.

Kaka isang buwan niyo palang. Ansaya-saya niyo... Magtatagal kayo, Oo. Walang problema, walang sagabal. Mahal-na-mahal ninyo ang isa’t-isa. Tinext ka niya, tumawag ka daw sa kanya. Namiss mo siya at dali dali kang tumawag. Nahihirapan daw siya. Ayaw na niya. Nakipag break siya... Wala na.

Ang trabaho mong walang kasing saya. Gustong-gusto mo ang mga tao, at gustong-gusto ka nila. Bagong promote ka. Wow! Painom ka naman.. Habang pababa ka ng elevator, may sumabog sa baba. Nasunog ang building. Wala nang natira sa opisina... Wala na.

Ang bagong computer. Linisan linggo-linggo. Bawal mag install ng kung anu-ano baka magka virus. Maganda ang itsura, malaki ang memory. Tuwang-tuwa ka ng biglang umusok ang kable sa saksakan. Umusok ang computer mo. Pumutok daw sabi ni kuya.... Wala na.

Ang paborito mong t-shirt. Lagi mo sinusuot pero bawal madumihan. Bawal malukot. Bagay daw kasi sa iyo iyon. Pinalabhan mo ito, kinupasan ng pula mong damit. Hindi na puwede suuotin... Wala na.

Ang pag-gawa ng mahabang artikulo. Feel na feel mo pa ang lahat. Ambilis ng takbo ng utak mo habang ginagawa mo ito. Nag brownout. Hindi mo na save ang file... Wala na.

Ang lahat-lahat na pinaghirapan mo.. ang tagal mong pinagsikapan...
Biglaan nalang mawawala sayo. Hindi mo alam kung paano ka na.

Nasaan na?

Wala na......

2 comments:

NinayorBegger said...

appreciate every moment in life... in just an instant, whatever good thing you have in your life can vanish. you just never know... life is a funny thing... why cant we just be on top all of the time?

i love this part:

Ang araw-araw mong pagpapapayat, hindi ka kumakain ng marami. Exersisyo sa umaga at diet sa gabi. At bigla kang pumunta ng probinsya dahil gusto mo mag bakasyon. Masarap ang mga pagkain doon. Sariwa at malinamnam. Tumaba ka... 3 buwan na pagpapapayat, isang buwan na pagbakasyon sa probinsya. Tumaba ka na.... Wala na.

hahaha! ode to dieters everywhere! nangyari na sa akin yan! hahaha ayus... hello taba!

Kalowee said...

there are things in life we can't explain at kailangan na lng tanggapin. di lhat ng bgay makukuha natin. kung bumaliktad man ang mga sitwasyon khit na pinaghirapan natin bka naman tau rin ang may pagkakamali. we can be always on the top. most of the time we have to stay on ground and sometimes push our faces on the mud so we can appreciate life more. sarap lng tlga ng filing pag nkuha mo ang pinaghirapn mo! thats ol! :)

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...