Pagkagising ko, ang balitang patay na c FPJ ang agad-agad na bumungaw sa akin. Wow, ansaya ng umaga. Hindi ko man siya idol o hindi man siya ang binoto ko noong nakaraang halalan, nakaka-awa pa din. Sigurado akong apektadong-apektado ang mamamayang Pilipino sa pangyayari. Parang lahat feeling close, lahat nagluluksa. Nang napabalita pa nga lang na nasa malubhang kalagayan si FPJ, parang nalungkot ang buong Pilipinas sa nangyari. Dumagsa ang mga fans at artista sa St. Luke’s Hospital. Patuloy ang paglala ng trapiko doon dahil sa pagdami ng tao. Oo nga naman at “action king” si FPJ, sikat hindi ba? Kaya ba ganoon na lamang ang pagka apektado ng mga Pilipino sa nangyari?
Buti pa si FPJ, kinakaawaan at iniiyakan ng nakararami. Laman ng balita, frontpage, pinaguusapan sa bahay, sa kanto sa eskwela at kung saan-saan pa. Pati lola ko puro FPJ ang bukang bibig. Nakakarindi na, idol niya daw kasi yun. Magaling at batikang artista. Sikat na sikat at walang kapantay.
E ang kay Kris Aquino? Ang pagkatutok ng taong bayan sa balitang hiwalayan nila ni Joey Marquez noon. Demandahan, dahil sa tutukan ng baril at sakitan ang walang humpay na pagiiyak niya sa tv. Ang pagsiwalat niya na siya ay may STD. Hala sige! Puro Kris Aquino ang laman ng periodico, ang laman ng balita at usap-usapan kung saan-saan. Queen of talk daw kasi si Kris Aquino, sikat hindi ba?
Pero, lahat kaya ng taong bayan apektado sa mga nasalanta ng bagyong Yoyong? Ang mga kawawang kapatid natin sa Quezon? Ang nalubog na bahay, ang mga naglahong pangarap at pagka sigla pang pasko… Ang pagkabaon natin sa utang? Tapos na daw ang fiscal crisis sabi ni GMA pero totoo nga ba? Ang patuloy na paglago ng krimen sa bansa, ang mga nabubura na lugar sa mapa dahil sa mga kalamidad. Lahat ba ay apektado dito? Ganoon din ba ang apekto nito gaya ng apekto sa pagkamatay ni FPJ at paghiwalay ni Kris Aquino at Joey Marquez noon?
Naisip ko tuloy, kung si FPJ kaya ang nahalal bilang pangulo, saan kaya tayo pupulutin ngayon? Panibagong presidente na naman yan panigurado. Sa tingin niyo kung siya ang nanalo, mangyayari kaya sakanya ang nangyari ngayon?
Hindi mo din siguro masisisi ang nakararami. Artista yan e, sikat yan! Tumitigil ang mundo natin pag showbiz, chismis at paboritong palabas na natin ang nasa TV. Hindi ako mahilig manuod ng tv pero inaamin kong malakas ang inpluwensya nito sa atin.
Kung puro showbiz chismis kaya ang laman ng balita sa telebisyon, mas tataas kaya ang rating nito? Mas marami kaya ang nanonood sa Da Buzz at X Files kaysa sa TV Patrol at 24 Oras?
Pero naisip ko lang, bakit ganoon na lang ang pagkalungkot ng mga tao pag showbiz personality na ang namatay, naghiwalay, may malubhang karamdaman at kung anu-ano pa? Ganoon na lamang ba talaga ang pagkabaliw natin sa mga artista? Ang patuloy na pagpanalo ng mga artista tuwing eleksyon, kulang sa pinag-aralan at experience pero panalo pa din. Ang kasikatan na kaya ang sagot sa problema?
Hindi ko alam kung bakit ganoon nalamang ang apekto sa akin ng ganito. Naisipan ko nalang agad gawan ng blog ang tungkol dito. Ikaw na ang maging adik sa blog, wala ka nang magagawa.
Nakakainis hindi ba? Mas matimbang na ang showbiz kaysa sa mas importanteng pangyayari sa ating bansa. Nakalimutan na natin ang ating problema basta artista na ang pinaguusapan. Oo, kawawa patay na si FPJ, nakakaawa din ang kanyang pamilya. Wala naman akong sinabing masama ang maapektuhan at hindi ito dapat pero sana lang hindi ito maging daan para magbulagbulagan na lamang tayo sa totoong problema ng ating bansa.
Babagsak kaya lalo ang ekonomiya natin sa pagkamatay ni FPJ? E diba sabi nila bumagsak daw ang piso nang malaman na tatakbo si FPJ sa pagka pangulo… Ano bang meron kay FPJ? Hindi ako galit sa kanya at lalong hindi ako anti showbiz. Hindi ko lang talaga kayang intindihin kung bakit bakit bakit at bakit ganoon nalang ang apekto sa atin ng mga artista. Naalala ko tuloy nang dumating si Jasmine Trias sa Pilipinas, hala sige! Puro mukha nalang niya ang nasa TV. Mapa commercial at billboard, sige lang! Dagsaan ang mga tao sa Mcdo para sa free jasmine trio.
Nakakainis na nakakatawa pero dapat bang pagtawanan na lang? Isaisang tabi na lamang ang mga mas importanteng pangyayari? Naisip ko tuloy……….
Mag artista nalang kaya ako?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
3 comments:
while i do sympathize with the family, friends, and fans of fpj, i do admit that i'll be pissed off if he is given a hero's burial or something because he is not a hero in any shape, way, or form. he was just a movie actor who played heroes in his films. maybe if he did something more than just be an actor and a presidential candidate......
but as usual, filipinos will mourn his death as if this is a bigger tragedy than what just happened two weeks ago. that's the way it goes... ignore the real calamities, ignore the real disasters, and instead focus on the trivial ones. oh no! fpj is dead! boohoo! not...
i'm so mean... hay ganyan talaga ang buhay pinoy... republika ng syowbiz tayo eh.
i was thinking about what you wrote a while ago. totoo nga! kpag sikat ka parang buong mundo nkikidalamhati sau pag may ngyari sayong di kanais-nais. pro npansin ko rin na pag may namatay na pulitiko o isang national artist parang di gaano ang kalungkutan ng tao. bkit kaya?! nkakatakot isipin kung sakaling nanalo nga siya sa presidential race. Ayoko maging masama pero buti na lng hindi.
Nakakalungkot ang pagkamatay ni FPJ pero sana pahalagahan din ng taong bayan ang ibang tao.
tunay ngang nakakalungkot isipin ang pagkamatay ni FPJ...pero sa kabilang dako, mas nakakalungkot isipin ang mga Pilipino, dahil naisasang-tabi nila ang "tunay" na problema ng ating bansa...marami pa tyong dapat problemahin at isipin..nde naman masamang makiramay ngunit dapat sa isang dako sa ating isipan ay isipin natin ang puno't-dulo ng ating problema...mapa sa ating sarili, sa pamilya, sa kaibigan..at higit sa lahat sa ating bansa...gusto ko na rin tuloy maging artista..para pag namatay ako..siguradong may makikiramay....
Post a Comment