Ang mga kaibigan ko, barkada ko mula pagkabata, ang mga kasa-kasama ko mula gradeschool hanggang ngayon, ang mga taong tinuturing kong mga kapatid, ang parte ng buhay kong tinatawag kong espesyal… Sila ang aking insiparsyon sa bawat paglaon ng panahon. Kayo, at wala ng iba.
Ang walang humpay na kulitan sa classroom na walang dingding, ang abutan ng love letters galling sa crush, ang walang tigil na palitan ng liham, ang batuhan ng tubig, awayan sa pamamagitan ng pag vavandal sa banyo, ang agawan ng crush, ang pagalingan sa ten-twenty, ang pasiklaban ng sayaw tuwing may program, ang pasikatan at patalbugan. Ang buhay naming noong elementarya na hindi ko makakalimutan. Ang dating hiwalay na pagkakaibigang nagbuklod buklod ng samahan.
Unang tapak sa highschool, hindi maitago ang pagkatakot at hiya sa nakatataas. Ang paghahanap ng masisilungan… ang aming tambayan. Isang maliit na tambayan na hindi maiiwasang pag awayan. Ang tambayang naging saksi sa sindakan at hamunan. Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang alaala ko sa tambayang iyon. Sino ba naman kasi ang matinong makikipag siksikan sa tambayan ng higher batch? Kami yun, at shempre magulo at masaya ang kinahatnan. Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga barkadang umaaway sa amin na sobrang babaw naman ng dahilan. Ang mga matataray na higher batch na walang ginawa kundi ang makipag sigawan at angasan. Ganoon ang buhay namin nung una sa higschool. Ang walang tigil na pagtawag sa amin sa prefect’s office, ang mga kaso at iba pa. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang mga iyon. At sino ba naman ang babaeng masususpend ng isang linggo bago mag graduation? Nakakatawa hindi ba? Ang tawanan at ultimo taguan pag PTC, ang laitan ng mga dumadaan sa aming tambayan, ang takutan at iyakan sa may locker. Ang “dark past” na patuloy na lang naming pinagtatawanan. Sino ang makakalimot sa picture na katawa-tawa noong 2nd year higschool? Wala na yatang mas papangit pa doon ika nga. At sino naman ang makakalimot sa siksikan na picturan sa may Filinvest? Ang hindi magkasya-kasyang barkada sa studio pero pinagpilitan pa din. Ang hulugan sa swimming pool ng bahay ng kaibigan, inuman at asaran sa kalagitnaan ng gabi. Sino ang nawala noong second year at lumipat ng eskwelahan? Sino naman ang nagibang bansa pero bumalik din? Ang kambal na hindi nagkakasundo at nagaaway sa gitna ng campus, ang meeting-meetingan o tinatawag na “open forum” pag may away sa barkada. Ang biglaang paglago ng barkada. Ang pagkakaroon ng group study sa bahay na pagkain at pagtulog lang naman talaga. Ang unang tapak sa bilyaran, ang pag cocommute papuntang town center…
Ang alaala ng kahapon na hinding-hindi makakalimutan…
Ngayon, hindi na maitatago ang malaking pagbabago sa aming buhay, may ibang malapit-lapit na ding gumadruate sa college at iba namang piniling manatili pa ng mas mahabang panahon sa kolehiyo. Hindi na madalas magkita dahil sa ibang nag bubusy-busyan at ibang nalalayo na ng tuluyan. May ibang pinili ang mundo ng showbiz, may nagseryoso na talaga sa pag-aaral at naglaho na lang ng parang bula, ang pagkakaroon ng boyfriend, ang piniling makisama na lamang sa blockmates, ang mag-iba ng landas, may ibang napalayo ang eskwelahan ngunit pinipilit pa din magpakita.
Patagal ng patagal, umiiba na din ang pagiisip at pananaw sa buhay. Ang pagdagdag ng edad ay sumunod na din sa pagkaroon ng tamang desisyon at pagseseryoso sa iba o sabihin na nating sa lahat ng bagay. Hindi na maikakaila ang paglago ng isip sa bagay-bagay, ang pakikutungo sa ibang tao at paghawak ng problema. Ang pagkakaroon ng usapang nakakagulat naman talaga. Hindi mo akalaing paguusapan pero pinaguusapan pa din. Ang mga karanasang hindi maitatago sa isa’t-isa.
Sa pagdaan ng panahon, patuloy ang pagkakaroon ng iba’t-ibang kwento sa aming buhay, may patuloy nang nagseryoso at may iba naming nandiyan pa din.
Ang barkadang itinuturing kong mga kapatid, ang maarte, patawa, maloko, seryoso, pabibo, makadiyos at iba pa.. iba’t-ibang katauhan pero nagkakasundo pa din.
Ang barkada kong nakasama ko sa pinakamatagal na panahon sa aking buhay…salamat… at miss ko na kayo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
No comments:
Post a Comment