Hindi ko man lang namalayan, at pasko na pala. Masyado ata akong abala sa ibang bagay at hindi ko na napapansin ang nalalapit na araw ng kapaskuhan. Maraming nagtatanong sa akin kung saan ba daw ako magpapasko, “dito lang sa bahay” ang lagi kong sagot. Hindi naman kasi iba sa amin ang araw na iyon. Karaniwan, ganun lang.
Magulo masyado at maraming nangyari sa taong ito. Ito na din ata ang isa sa pinakamalungkot na pasko sa karamihan. Ang pagkakaroon ng fiscal crisis, ang magulong eleksyon, ang mga na –hostage na Pilipino sa Middle East, ang nga kagimbal-gimbal na eksena sa overpass, sa tulay at sa kalye, ang sunod-sunod na mga mananalantang bagyo, ang pagkamatay ng mga malalaki at kilalang tao at… ano pa ba? Basta madami…
Madami masyado na naging sanhi ng pagkawalang gana ng ibang tao na mag pasko. Hindi lahat, dahil marami pa din naman ang “feel na feel” ang kapaskuhan. Swerte naman! Sila siguro ang mga taong wala masyadong problema, mayaman, at may mga bagong grasya na nagdadatingan. Pero kung ako ang tatanungin mo, kabilang siguro ako sa mga “hindi excited sa pasko”. Wala naman kasi akong pamasko, aginaldo at pera. Ahahahaha.. biro lang!
Naisip ko lang ang pasko ng mga pamilya sa lansangan. Ang mga nakatira sa ilalim ng tulay, sa kariton, sa kalye, sa squatter’s area, basta sila…….
Saan kaya sila magtitipon tipon para kumain, magkantahan at magkwentuhan sa kapaskuhan? Ano kaya ang kanilang handa? Tinanong nga sa akin ng nanay ko kung ano ang handa naming sa pasko. Konti lang naman, basta may spaghetti at chicken… solb na ko doon! Samahan mo pa ng salad, menudo, kare-kare, letchon, cake, hamon, prutas at maraming red wine. Ahahaha biro lang ulit! E paano kaya ang ibang nangangarap din ng spaghetti at chicken pero malabong magkaroon? Basta may makain ayos na. Kanin at asin, sardines at noodles… samahan mo na din ng isang litro ng pepsi. Solb!
Teka, naalala ko lang bigla ang mga nangangaroling tuwing palapit na ang pasko. Uso pa naman, pero hindi na katulad ng dati. Minsan nga, isang kanta lang at nanghihingi na ng pamasko ang mga nangangaroling. Magagalit pa pag tumawad ka. Mahilig ako mangaroling nung bata ako pero hindi ako mahilig mamigay ng pamasko. Ganun talaga e, sorry nalang. Kung pangangaroling lang sana ang sagot sa kahirapan… malamang minu-minuto may nangangaroling na sa bawat bahay. Kung may presyo lang talaga at hindi puwede tawaran ang mga nangangaroling, ung dapat hindi bababa sa P100 ang pamasko, tiyak! Kahit mag-isa ako, gagawin ko. Kung puwede lang sana……. Pero hindi.
Patagal ng patagal, pahirap ng pahirap ang mga mahihirap at payaman ng payaman ang mga nag swswertehang mayayaman. Patagal ng patagal, unti-unti nang nawawala ang diwa ng pasko sa karamihan. Sa walang humpay na pagsusulat ko ng mga artikulo, karamihan ay tungkol din sa kahirapan. Marahil at nakakairita na masyado ang salitang ito pero hayaan niyo nalang ako.
Bilib ako sa nanay ko, talagang excited siya at “feel na feel” niya ang kapaskuhan. Hindi puwedeng walang xmas tree at xmas lights. Pag namatay daw siya, dapat daw may xmas tree at xmas lights pa dn ang bahay pag pasko. Dadalawin niya daw kami pag hindi. Lagi kaming nag-aaway niyan pagdating sa pagkakabit ng mga ilaw at xmas tree. Ako naman kasi ang pinapakabit niya at minsan nakakatamad na, pero minsan ayoko lang talaga magkabit. Para saan pa? Ang kapitbahay nga naming walang xmas lights at xmas tree pero ayos lang naman daw. Chinischismis sila ng katulong, wala na daw kasi silang pera kaya ganoon.
Naisip ko tuloy, ang xmas tree at xmas lights ay posibleng nagiging simbolo ng katayuan ng isang pamilya sa kasalukuyan. Puwedeng oo, at puwede din naming hindi. May iba naman kasing nangungutang, para lang magkaroon ng tradisyunal na kapaskuhan.
Hindi ko gagawing negatibo masyado ang artikulo kong ito. Baka naman kasi isipin niyo puro negatibo nalang ang pananaw ko sa espesyal na araw na ito. Hindi naman…
parang at medyo lang…
Ang pasko ay panahon ng pagmamahalan, pagpapatawad, bigayan at kaligayahan. Malas mo lang siguro kong hindi mo madama-dama ang mga ito. Pero kung kaya, bakit hindi. Makipagbati ka na sa kaaway mo, batiin mo ng merry xmas ang taong matagal mo ng hindi pinapansin at kinakausap. Patawarin mo na siya, bigyan mo ng pamasko ang inaanak mo at higit sa lahat huwag kang makalimot ngumiti sa araw ng pasko. Madaling sabihin ano? Pero mahirap gawin.
Sa nalalapit na kapaskuhan, puro problema pa din ang iniisip ng karamihan, isa na ko doon. Pero isa lang ang masasabi ko, marahil maraming problema ang dumadating, maaring mahirap magkapasko sa panahon ngayon, maaaring puro nalang kamalasan ang nasasayo… Pero hindi naman siguro mahirap ngumiti sa araw na ito.
Kahit magpasalamat ka man lang, at sabihing…
“salamat po, buhay pa ko sa paskong ito..”

3 comments:
tama ka jan kesi yah, parang wala sa mood mag-pasko ang mga pinoy ngayon... dito nga sa may amin apat o lima lang nag-lagay ng xmas lights... e dati nag-ambagambag kami para buong street nmin meron xmas lights... cguro nagiging praktikal lng ang mga pinoy ngaun. onting handa, onting regalo, at sandamakmak na batian... solb na! ang importante lng nmn tlga e hindi malimutan kng bat may pasko at kung bakit ito importante sa atin... hulaan ko kanta ng mga nangangaroling jan, "sa may bahay ang aming bati..." tapos banat ng "we wish you a merry xmas..." kahapon pitong beses ko narinig ang malupit na combinationg ito.. bah.. binigyan ko nga ng piso.. hehe cge ingatz! tc! GUDJAB!
Totoong totoo. Ito nga ang dapat kong ilalagay sa next blog entry ko! may experience kasi ako khapon. oh well just refer to my blog. Sa panahon ngayon parang nakakalimutan na ng mga tao ang kahalagahan ng pasko. Ano ng ba ito? Bkit ba natin ginagawa ito?! Nakakalungkot na di lhat ng mag anak ay masaya sa ganitong panahon. We can only hope na sa darating na taon ay guminhawa na ang buhay ng nkararami.
maayos at maganda ang pagkakalathala nito. bilib na ako sayo.. bakit kaya d mo subukang mag sulat sa isang pahayagan?.. hahahahah tama lang yan magpasalamat at bumati.. ngumiti lang sa bawat isa kahit d mo dama ang kapaskuhan.. ikaw na din ang nag sabi.. salamat at buhay ka pa!
ayos!.. keep it up!..
Post a Comment