Maging tapat at maging totoo sa lahat ng bagay... Yan ang isa sa mga natutunan ko sa mga matatanda, sa eskwela at sa aking mga magulang. Isang asal na dapat matutunan at akuin. Masama din magsinungaling dahil hindi ka pupunta sa langit. Oo nga naman at kasama iyon sa 10 Commandments ngunit madami pa din ang lumalabag dito. Masarap daw kasi gawin ang bawal, maaring umiiling ka o natatawa ka na habang binabasa mo ito pero yun ang totoo.
Pero hindi niyo ba naisip na minsan sa sobrang katapatan at a sobrang pagsasabi niyo ng totoo ay nakakasakit na kayo? The truth hurts... yun na nga ba ang sinasabi ko. Maaring ang katotohanan ang magpapalaya sa iyong pagaalinlangan ngunit nakakasakit din ito paminsan.
May mga taong pranka at taklesa, ang mga nilalang na hindi nagaalinlangangang sabihin lahat ng gustong sabihin, ang lahat ng katotohanan ay gustong ipagsigawan. Hindi mabuti ang epekto nito sa ibang tao dahil mas gugustuhin pa nilang manahimik ka na lamang kaysa sa masaktan mo sila. May mga tao namang mas gustong malaman ang katotohanan kahit sa loob-loob nila'y minumura ka na nila dahil ang sakit ng sinabi mo.
Ang mga katarantaduhan at kalokohan mong ginagawa sa buhay, minsan hindi mo ba naisip na sabihin ito sa iyong mga magulang? Aminin mong hindi ka nagpapapasok at dilikado ka na sa iyong subjects. Mahirap hindi ba? Lalong mas mahirap at mas masakit sa magulang mo pag nalaman nila ito. Gusto mong sabihin sa kanila ang totoo para matigil na ang iyong pagloloko ngunit alam mong masasaktan mo sila. Mahirap, nakakatakot at nakakapanghina ngunit kailangan mo ng isiwalat ang katotohanan.
Nakita mong may ibang babae ang boyfriend ng bestfriend mo, hindi mo alam kung ano ang gagawin, paniniwalaan ka kaya ng kaibigan mo o magmumukha kang gago sa sitwasyong ito? Pilit mo mang itago ito ngunit patuloy kang binubulabog ng konsensya mo...
Konsensya! Lahat ng tao meron nito. Pero hindi lahat malakas ang gamit nito. Minsan nadudulas ka sa katotohanan o di kaya'y hindi mo mapigilang sabihin ang katotohanan dahil sa iyong konsensya. Nakokonsensya ka na. Nakakainis hindi ba?
Ang malamang hindi ka na mahal ng mahal mo, hindi mo dapat ipilit ang iyong sarili sa taong ayaw sa iyo. Masakit malaman pero yun ang totoo. Hindi mo ba naisip na sana hindi nalang niya sinabi saiyo para hindi ka nalang nasaktan ng ganito? O di kaya'y sana hindi nalang iyon ang sinabi niyang dahilan, nagsinungaling nalang sana siya para hindi gaano kalala ang nadarama mo?
Patuloy kang nagsisikap malaman at pinagtiyatiyagaan mong alagaan ang inyong pagkakaibigan, ngunit may magsasabi sa iyong hindi ka na nila gusto makasama o ano pa man, naging totoo lang sila sa sitwasyon pero hindi mo matanggap. Hindi mo ba naisip na sana nagsinungaling na lang sila sa iyo para hindi ka nasaktan?
Ngunit, naisip mo ba na niloloko mo lang ang sarili mo sa ganito? Alam mo ang katotohanan ngunit patuloy kang nagpapakatanga. Alam mong tanga ka pero hindi mo inaamin. Buksan mo kaya ang iyong mga mata at tingnan mo ng mabuti ang katotohanan. Makikita mong hindi lahat ng bagay na inaakala mo ay maganda at mapupunta sa iyo.
Masyado ka yatang nagpapaka lulon sa bisyo mo, nauubos na ang pera at ipon mo dahil dito. Nalalayo na saiyo ang dating malalapit na tao dahil ayaw nila ang nangyayari saiyo. Bakit ganon? Natanong mo. Isasampal nila saiyo ang katotohanang lubog ka na sa bisyo at nagiiba na ang iyong katauhan. Oo totoo pero pilit kang umiiling at sinasara mo ang iyong isipan sa katotohanan.
Nagmumukmok ka sa kwarto mo ng isang linggo, hindi mo alam kung bakit nagbago na ang panahon at ang mga taong nakapaligid sa iyo. Ngunit hindi mo ba naisip na ikaw ang nagbago at hindi sila? Tanggapin mo na. Hindi pa rin! Hihintayin mo pang may magsampal sa iyo ng katotohanan at bigla ka nalang magugulat na iyon ang totoo.
Pinipilit mong sabihin sa iyo ang pinagbubulungan ng dalawang lalake na nasa harap mo. Kaibigan mo sila kaya naman gusto mo makisama. Nalaman mong niloloko ka ng girlfriend mo. Aray! ansakit naman nun hindi ba. Sana pala hindi mo nalang tinanong para hindi ka nalang nawindang sa katotohanan. Gusto mong magalit sa mga kaibigan mo, bakit ka nila ginaganito. Pero hindi mo ba naisip na kahit magalit ka, maghimutok at mag amok... wala ka nang magagawa dahil iyon ang totoo.
Ang malamang hindi sapat ang iyong kakayahan para abutin ang iyong pangarap. Mahina ka, hindi iyon ang para sa iyo. Bakit ba kasi pinagpipilitan mo ang hindi para sa iyo? Ang eskwela, course, trabaho, play o kung ano man. Gusto mo pang mabulaga ka na hindi mo kaya bago ka titigil. Ipaubaya mo na lang sa iba at doon ka nalang sa kaya mo at sa para sa iyo.
Pinipilit ka ng tatay mong mag doktor o di kaya'y mag abogado. Masyadong mataas ang pangarap niya para sa iyo. Ngunit sinabi mo sa kanyang hindi mo ito gusto. Nanghina siya, nalungkot at naiyak. Pigilan mo man ang kanyang nararamdaman hindi mo pa rin puwedeng ibahin ang sinabi mo dahil iyon ang totoo.
Inamin sa iyo ng mga magulang mo na maghihiwalay na sila, inamin sa iyo ng tatay mong may iba na siyang pamilya. Ansakit! Ang saklap! paano na kayo ng mga kapatid mo? Nasaan na ang pinagsumpaan niyong magsasama kayo habang buhay? Masakit hindi ba?
............. maaring paulit ulit nalamang ang mga sinasabi ko. Paulit ulit ko nalang sinasaktan ang damdamin niyo. Bakit hindi niyo ba matanggap na oo, totoo...
............ maaring masakit malaman ang katotohanan ngunit ito ang magpapalaya sa iyo sa pagaalinlangan.
........... maaring gusto mo lang maging totoo sa ibang tao pero isipin mong nakakasakit ka na ng damdamin.
.......... maaring masama magsinungaling pero minsan mas mabuti ito para wala nalang masaktan.
Friday, December 03, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
interesting read... truth be told, your writing lately has become a little formulaic. this one deviates a bit from that formula... it's different and that's what makes it interesting aside from the nice message that you impart...
sorry kung ang tactless ha... at yan nanaman, binabato ako ng fans mo... hay...
Post a Comment