Hindi ko alam kung bakit ang aga-aga at nagdadrama na naman ako. Naisip ko lang kasi ang hirap ng pakiramdam pag iniwan kang nagiisa ng kasama mo. “Iwanan sa ere..” para sa mga kahapon at kanina lang pinanganak, iwanan sa ere ay isa sa mga pinaka masakit na gawain ng isang tao. Para sa akin, hindi makatarungan ang ganito. Kung iiwanan mo ako o di kaya ayaw mo talaga ako makasama, mas mabuti sigurong sabihin mo nalang sa akin ng mas maaga, harap-harapan at ng maayos para hindi ako umaasa. Alam kung hindi lang ako ang nakaranas ng ganito kaya samahan niyo nalang ako sa aking kwento.
Para sa mag bebest friends, ang lagi mong kasama. Partner in crime kung tawagin, lagi mong kausap at kadikit. Walang humpay ang inyong samahan, masaya at katuwa-tuwa. Andami niyo nang pinagdaanan at alam mong walang hihigit pa sa inyong samahan. Nang bigla ka niyang iniwan. Hindi nag-paalam, nawala nalang siya ng parang bula. Wala ka nang nagawa dahil tuluyan na siyang nawala…
Ang kaklase mo sa algebra. Ang lagi mong karamay sa bawat paghihirap sa pagsagot sa lintek na algebra na yan. Ang katulong mo sa pag resolba ng mahahabang equations. Ang kahati mo sa bawat sagot sa mga exam at quizzes. Ang kaklase, karamay, katulong at kaibigan. Nang bigla siyang hindi pumasok. Ikaw ay nag-alala, nanibago. Hindi siya nag-paalam, nawala nalang siya ng parang bula. Wala ka nang nagawa dahil tuluyan na siyang nawala…
Ang boyfriend/girlfriend/asawa mo. Ang pinaka mamahal mong nilalang, ang espesyal sa buhay mo. Mahal mo siya at alam mong mahal ka din niya. Walang humpay ang inyong pagtitinginan, masaya, masalimuot pero ang importante ay pag-a-ari niyo ang isa’t-isa. Walang sino man ang makakapag hiwalay sa inyo dahil napaka tibay ng inyong samahan. Mag-away man kayo, magmaktol at mag katampuhan, matatag pa din ang inyong paninindigan na hindi na kayo maghihiwalay. Nang bigla ka ninyang iniwan. Pinagpalit sa walang kakwenta-kwentang nilalang. Hindi na siya nagpakita at walang kapantay ang kakapalan ng mukha. Hindi mo matanggap ang nangyari pero wala ka nang magawa. Ang iyong pag-a-ari at tumiwalag na at lumayo na saiyo ng tuluyan. Masakit, nakakalungkot pero wala ka nang nagawa dahil tuluyan na siyang nawala…
Ang barkada mo na walang tigil sa pagsama at pagkalinga sa iyo. Sila ang nagpapalakas ng loob mo. Masaya at maligalig ang inyong samahan. Tawanan, iyakan at kwentuhan sa malamig na panahon. Malapit ang loob niyo sa isa’t-isa. Tumatakbo ang panahon at patagal ng patagal ang inyong samahan. Nang bigla silang umiiwas saiyo, hindi mo malaman ang dahilan. Unti-unti silang nababawasan. Bakit, bakit ganon? Wala ka nang nagawa dahil tuluyan na silang nawala…
Ang partner mo sa project, thesis, report o kung anuman. Maayos ang inyong usapan, mahusay ang plano sa kinabukasan. Magtutulong-tulong sa lahat ng pagdadaanan. Nalalapit na ang paghuhukom at kailangan ninyong maghakot ng oras at tiyaga. Nang bigla na lang siyang nawala, wala ka nang nagawa. Naglaho ng parang bula. Nasira ang iyong pangarap, at tuluyan na siyang nawala…
Iniwan, iwanan at iiwanan sa ere. Iba’t-ibang anyo ng salita pero iisa lang ang ibig iparating. Ang mawala at tuluyang iwanan kang nag-iisa. Masalimuot ang hahantungan, peo wala ka nang magawa. Magmukmok ka man, umiyak, magalit at magwala… hindi na maibabalik ang nawala. Hindi na dahil tanggapin mo man o hindi…
Iniwan ka na niya sa ere…… at tuluyan na siang nawala
Tuesday, November 30, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
may mga bagay talaga sa mundo na nawawala! sabi nga diba nothing in this world is permanent! ganyan tlga ang buhay! gaya nga ng sabi ko parati we must live each day by the moment para hindi sayang ang mga sandali kasi di natin alam kung kelan mawawala ang mga tao sa paligid natin. basta ako mananatili ako sa buhay mo hanggat may hininga pa ko :)
Post a Comment