Thursday, November 25, 2004

Kung May Bayad Lang ang Pagtawa

Kung may bayad lang sana ang pagtawa, mayaman na ako ngayon. Kung may halaga lang sana ang bawat halakhak, bungisngis at ngiti… tiyak! Marami na sana akong pera ngayon. Sadyang napaka sarap ng pakiramdam ng ligaya & tuwa gayun din naman kung ikaw ay nagbibigay ligaya at tuwa sa ibang tao. Ang walang humpay na pagtawa tuwing nagbibiruan. Ang walang kamatayang pag ngiti tuwing nagkakalokohan, kay sarap ulit-ulitin.

Tuwing may problema ako, hindi naman sa hindi ko ito sineseryoso pero nagagawa ko pang ngitian na lamang ito. Tuwing may nagawa akong pagkakamali, hindi naman sa hindi ko ito sineseryoso pero nagagawa ko pang pagtawanan na lamang ito. Ang mga taong sadyang nakakainis na patuloy na dumadating sa aking landas, hindi naman sa wala akong pake-alam sa kanila pero nagagawa ko pang tawanan na lamang sila.

Habang nagdidiliriyo ako sa aking trangkaso, ang aking ubo’t sipon na mag dadalawang linggo nang bumubulabog sa aking sistema, hindi sa wala akong pake-alam sa kalusugan ko pero nagagawa ko pang ngumiti at tumawa habang ako’y naghihirap. Ang walang kamatayang puyatan dahil sa mga walang ka kwenta-kwentang bagay, ang mga gawaing pang eskwela na patuloy na nagpapahirap sa aking kalagayan, hindi naman sa hindi ako naapektuhan pero nagagawa ko pang ngumiti at tawanan na lamang ang mga ito.

Kapag ako’y napagalitan, nasigawan o inaway na kung sino man, hindi sa wala akong pake-alam pero kaya ko pang ngumiti sa kalawakan. Kapag puro kamalasan na lamang ang dumadating sa akin sa isang araw,linggo o buwan… hindi sa hindi ako naapektuhan pero nagagawa ko pang tumawa ng malakas na parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung ako lang ang ganito, ang hindi masyado seryoso o hindi masyado sineseryoso ang lahat ng bagay. Ang tumawa, ngumiti na lamang sa lahat ng kapalpakan ko sa buhay. Pero hindi ito isang pahiwatig na wala akong pake-alam, o hindi ako apekttado sa mga nangyayari… Yun lang siguro ang minabuti kong ginagawa upang hindi ito masyado maging pabigat sa akin.

Ang pagpapatawa sa karamihan ay isang talento, isang regalo na kailangan mong ipamahagi sa nakararami. Hindi lahat ng tao nagagawang ngumiti at tumawa na lamang sa problema gaya ng ginagawa ko, pero kung magagawa mong pasayahin sila kahit saglit, bakit hindi. Wala naman sigurong masama. Nakakapag-pagaling ng sakit ang pagtawa at pagngiti, nakakagaan kasi ito ng puso.

Ngayon, naisip ko lang…….

Kung may bayad lang sana ang pagtawa, siguradong milyonaryo na ako ngayon..

5 comments:

Kalowee said...

"Hindi ko alam kung ako lang ang ganito"

hindi lang ikaw ang ganyan... at milyonaryo ka na dapat talaga kung may bayad lang ang pagtawa't pagpapatawa...

Glendale said...

kung may bayad lang talaga yun, eh di pare-pareho na tayo mayama talaga...

cguro ganyan lang tayo mga handle ng problema, dinadaan natin sa pagtawa, kasi mas mahirap kung iisipin mo palagi, pero dapat din may gawin ka para ma solve yung problema mo. pati nde makaka-buti sa sarili kung palaging kang malungkot.

keep on smiling! PEACE OUT!

NinayorBegger said...

ahahaha hindi si caloi yung sa unang comment... ako yun! di ko kasi nalogout yung sa account niya. baka magtaka si caloi hahaha...

Kalowee said...

eto totoo na to! ako na tlga 2! Hay parang maskara! minsan di tau sineseryoso ng tao minsan pero ok lng yun! i guess thats what makes us different! hay... sana nga may bayad... hehehe

KC said...

ahahahahaha patawa toh c benigs... nalito sa pag log out. ayos!!!

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...