Friday, November 19, 2004

Tsong. anlaki mo na a'

Ilang buwan na lang at madadagdagan na naman ang aking edad, ilang buwan na lang at magtatapos na din ako sa kolehiyo, ilang buwan na lang at hahakbang na naman ako sa panibagong yugto sa aking buhay. Ilang buwan, ilang sandali, ilang... pagdaan ng aking buhay at tumatakbo na naman ang aking oras. Walang humpay na paglipas, paglaon at pagtakbo ng panahon. Hindi na maibabalik ang kahapon.

Nakatambak pa din ang aking mga laruan sa aking kwarto. Barbie dolls at mga manika. Hindi ko na sila ginagalaw kaya naman napupuno na sila ng alikabok. Ang mga luto-lutuan na nakatambak sa itaas ng aking tokador, ang mga laruan ng kahapong nakatambak nalamang. Ang kahapong hindi na maibabalik.

Puno na ng libro, papel at mga fillers ang aking kwarto. Puro paperworks at pagbabasa kasi ang ginagawa ko ngayon. Ibang-iba na ang aking gawain ngayon sa gawain ko dati. Seryoso na ang aking mga pananaw sa buhay, seryoso na bumubuo ng aking kinabukasan. Wala nang makakapigil sa aking paglago, ang aking pagtanda, ang aking pagharap sa katotohanan. Bawal nang magkamali na lamang sa buhay, hindi maaring isawalang bahala na lamang ang mga aspeto na bumubulabog sa akin. Seryosohin ang lahat, magsumikap at magbanat ng buto.

Disiplina at matibay na paniniwala sa sarili, yan ang kailangan sa panahong tumatakbo, sa oras na lumilipas. Ang mga taong patuloy na kumukuha sa iyo ng lakas, nandiyan ang expektasyon at ang pangangailangan ng ibang tao. Huwag mo silang biguin, tama na ang palusot... magsumikap.

Natuto ka nang uminom, tumambay sa kung saan-saan, magbisyo at magbarkada. Umuwi ng umaga at matulog ng hating gabi...

magseryoso.. tanawin ang kinabukasan dahil balang araw magugulat ka na lang, nasa harap mo na ito at wala ka man lang nagawa. mahirap magsisi sa huli kaya ituwid ang buhay habang papunta ka pa lang sa kinabukasan.

Huwag ka nang tumawa, huwag ka nang umupo at magbuhay tamad... tumayo ka na! dahil sa simpleng dahilan na...

"tsong... anlaki mo na a'...."

2 comments:

NinayorBegger said...

di ko lam kung bakit pero natawa ako sa salitang "tokador." hahaha!

di ko lam kung bakit pero parang di ako na-impress sobra sa bago mong sinulat kahit na maganda pa din ang kaledad ng pagsusulat mo... sorry! ang tactless ko ba?

hayan na, babatuhin na ako ng admirers mo...

pero gaya ng sinabi ko kanina, maganda pa din naman ang kaledad ng sinulat mong ito. may sense. may aral na mapupulot...

tama ka, malaki na nga tayo. madaming pagbabago sa buhay mas lalo na para sa tulad mong malapit nang mag-graduate. at tama ka na dapat eh ituwid na ang dapat ituwid bago pa huli ang lahat. pero siguro, ang pagsisi na nararamdaman natin sa mga pinalampas na pagkakataon ay parte talaga ng buhay. pero habang tumatanda, dapat wag na masyadong palamapasin ang mga pagkakataon. dahil tama ka na matanda na tayo at dapat eh maging responsable na...

goksmeister said...

"magseryoso.. tanawin ang kinabukasan dahil balang araw magugulat ka na lang, nasa harap mo na ito at wala ka man lang nagawa. mahirap magsisi sa huli kaya ituwid ang buhay habang papunta ka pa lang sa kinabukasan" shiet kC, tinamaan ako, HELS!

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...