Tuesday, December 27, 2005

Parang Kailan Lang

Naghihintay ako ng tricycle sa may kanto nang hindi ko inaasahang makita ko si Ate Lina. Siya lang naman ang nag-alaga sa akin ng 19 na taon. Grabe no? Hindi ko akalaing matatapos din yun at makikita ko siya na may inaalagaan nang ibang tao. Hindi ko kinaya nang marinig kong tawagin siyang “yaya” ng bagets na kasama niya. Naaalala ko pa dati, ayaw ng nanay kong tawagin siyang yaya dahil ate daw dapat ang turing ko sa kanya. Hindi ko alam kung dahil pagod lang ako at ganon na lang ang lungkot na naramdaman ko sa mga minutong iyon. Sa haba ng pila sa terminal ng tricyle, ilang beses niya akong binalikan sa pwesto ko para kamustahin. Hindi mo maikakaila ang tuwa sa kanyang mga mata ng sabihin kong may trabaho na ko. “Grabe parang kailan lang…” iyon ang huli niyang sinabi sa akin. Gusto ko pa sanang ikwento sa kanya ang mga bagong nangyari sa akin simula nang umalis siya sa bahay namin. Gusto ko pa nga sana siyang yayain makipag-inuman pero mukha namang hindi na puwede.

Panahon nga naman… ka’y bilis kung lumipas. Hindi mo na mamamalayan na may mga bagay na dumaan sa buhay mo ng ganon na lamang kabilis. Isang iglap lang, nagbago na.

Parang yung kasama ko kanina, parang kailan lang… ngayon parang wala nang nangyari. Naaalala ko pa dati, sa mga panahong ganito masaya pa kami non habang naglalakad nang magkahawak ang kamay. Ngayon, hindi na. Magkasama kami pero hindi na kami magkadikit maglakad. Parang kailan lang, hinahatid niya pa ako pauwi pero ngayon mag-isa na lang akong nakapila sa terminal ng tricyle.

Parang kailan lang, at papalitan ko na naman ang kalendaryo na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Parang kailan lang, bente uno na ko sa susunod kong kaarawan. Hindi na daw ako teenager sabi ni mommy. (ahahaha badtrip!)
Parang kailan lang, hindi na libro ang dala ko pag-umuuwi ako kundi ang blazer kong itim na ginagamit ko sa opisina. Naaalala ko pa dati, pabigat ng pabigat ang mga libro na binibitbit ko dahil naging madalas na ang pagbabasa sa aking kurso.

Talaga nga namang “time flies” ika nga. Nakakatawa pero hindi nakakatuwa paminsan. Nakakapanghinayang pero para sa akin mas nakakalungkot………

Monday, December 19, 2005

Paano Lang... Diba?

Paano kung ang pinakagusto mong trabaho ay biglang nawala sayo. Paano kung ikaw ang tinanghal na panalo sa paligsahan na hindi mo naman pinaghirapan. Paano kung nanalo ka sa lotto pero hindi naman pala talaga. Paano kung nakulong ka pero wala ka namang kasalanan. Paano kung pinagbintangan ka sa gawaing hindi mo naman talaga ginawa. Paano kung ang pinaka-ayaw mong tao ang magliligtas sayo sa kapahamakan. Paano kung ang pinakamamahal mong tao sa matagal na panahon, bigla mong naisip iwasan dahil ayaw mo na pala. Paano kung ang pinaka-magandang babae sa pinagtatrabahuan mo, masama pala ang ugali. Paano kung nagkagusto ka sa kaibigan ng ka-relasyon mo na hindi mo sinasadya. Paano kung bigla kayong naghirap sa buhay. Paano kung biglang nawala sayo ang taong espesyal sa buhay mo. Paano kung, inagaw ng bestfriend mo yung syota mo. Paano kung biglang namatay yung nanay mo sa kalagitnaan ng iyong pagiging dependent. Paano kung hindi na pala kayo magkikita ng kaklase mo na crush na crush mo dahil umalis na pala siya ng bansa. Paano kung nahulog ang loob mo sa isangt taong, hindi mo akalaing magiging kayo. Paano kung namatay na ang girlfriend mo o boyfriend. Paano kung bigla kang naaksidente at napinsala ang isa sa bahagi ng katawan mo. Paano kung bigla kang nabulag, nabingi o nagiging pipi. Paano kung pag-uwi mo, naabutan mong nasusunog ang mala-mansyo niyong bahay. Paano kung nalaglag ang pinaka-una mong baby.


Paano kung pag-gising mo, biglang nag-iba na takbo ng mundo at ihip ng hangin. Paano kung huli na pala ang lahat tsaka ka lang nagsisi. Paano kung, wala ka nang magawa para ibalik ang dati?


Tuesday, December 06, 2005

Opisina

Hindi ko na alam gagawin ko dito sa opisina. Anlungkot lungkot. Ako ang pinaka-unang dumating sa kwarto, ako na nagbukas ng ilaw, computer at ng aircon. Kulang na lang ako na mag walis dito at magtapon ng basura para kumpleto na. Naka-sara pa ang local phones at ang local connection ng internet kaya naman minabuti ko nang umakyat sa pangatlong palapag para tanungin kung ano ang puwede kong gawin para mabuksan lahat ng koneksyon sa kwarto ng Playa Calatagan department. Pag minamalas ka nga naman, naapakan ko pa ang paa ng head ng security dito sa office. "ARAY!" ay… "sori po.. Sino po ba dito si Ms. Myrna?" "AKO!"

Ganon ba talaga pag bagong empleyado ka at sinusungitan ka ng karamihan? Pinaguusapan at sinusundan sundan ng mga mata sa paligid? Naiiyak na ko seryoso, para akong nag america mag-isa, anlapit lang ng pinagtatrabahuan ko pero parang anlayo-layo. "So near yet so far" ika nga… oo nga at may trabaho na ko sa wakas, alam naman ninyo kung gaano ko ginusto magtrabaho pero mas masaya pala talaga sa eskwelahan. Yun bang, kung kailan ko gusto umalis, at umuwi magagawa ko. Iskul bukol ba kung baga. Hindi na nga ako nakakain ng tanghalian kahapon dahil wala akong kasama at nawalan na lang talaga ako ng gana. Masyado na ba akong nagmumukhang kawawa sa mga sinasabi ko o hindi naman? Pero wag ka, bago ang suot kong polo at blazer ngayon. Dinaan na lang sa bagong damit para pampalubag loob diba?

Limang minuto bago mag 8:30 ng umaga ako dumating dito. At wala akong hinihintay na oras kundi ang mag 5:30pm para makauwi na ko sa mundo ko. Nagbaon na ko ng sandwich para naman hindi na ko maghahanap ng kasama kumain ng tanghalian, merienda at kung ano-ano pa. Naiinis ako… anim na buwan pa akong magiging ganito. Iniisip ko na kung kailan kaya ako puwede chumempo at mag reresign na ko talaga! Badtrip! Nasa harapan ko pa yung malahiganteng aircon at jusko, ikaw na ang pinaka lamigin na tao sa balat ng lupa… umiyak ka na lang. (ahahahaha)

Haaaay buhay, pag may ligaya dapat talaga magsakripisyo ka muna……

Tuesday, November 08, 2005

SANA

Wala na kong pera, wala akong bagong cellphone, hindi ako makabili ng i-pod at lalo namang hanggang pangarap ko na lang ata ang magkaroon ng palmtop. Wala pa akong trabaho dahil masyado akong pihikan sa binibigay sa akin. Masyado naman kasing mahirap yung ibang exam na binibigay sa akin ng mga demonyong yun. May mga bagay din na mahalaga sa akin na nawala na din na hindi ko naman alam kung ano ba talaga kuya. Parang bigla na lang ako naiwan na hanggang ngayon pinipilit ko nang tanggapin. Gusto ko na din sanang tumira sa ibang bahay para maranasan kong magsarili pero paano naman kaya yun e palamunin lang naman ako hanggang ngayon. Wala na kong ginawa sa buhay ko kundi ang mangarap ng mas maganda o mas mabuting kung-anuman. Hindi na ako mapakali, hindi na ko makatulog ng maayos (jusko sana makatulog ako mamaya kaagad.) Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa buhay ko, parang bigla ako nawala sa diwa at lagi na lang ako nananaginip ng gising. Sana nga panaginip na lang lahat ng nangyayari sa akin. Minsan nga naman at minamalas ka tapos bigla na lang pag-gising mo, pasan mo na pala ang mundo. Puro na lang ako sana, sana, sana at hindi na ko natigil sa kaka-sana. Hindi na ko nakuntento sa buhay ko, hindi na ko natuwa sa kung ano ang narating ko. Kung puwede lang sana i-dikta kung ano ang puwedeng kalabasan ng buhay ko, sana matagal ko ‘tong ginawa.

…sana maging masaya na lang ako kung ano ang meron ako. Nagpasalamat na lang sana ako nang nakatapos na ko sa pag-aaral. Sana nagpasalamat na lang ako na may mga kaibigan pa ako at hindi pa ko naghihirap makahanap ng pera pang-gimik kahit wala akong trabaho. Pinasalamatan ko na lang din sana ang mga taong nanakit ng damdamin ko at dahil sa kanila, naging mas lumalim ang pagiisip ko. Utang na loob, sana tantanan na ko ng utak kong pasaway sa kaka-isip na kung ano anong walang kabuluhan. At sana isang araw, matawa na lang ako at sabihin kong, “hay salamat… nakuntento na din ako..”


Monday, October 31, 2005

Never-Never Land

Have you ever wondered of your dream house, dream life or dream boy/girl or, have you ever had standards for everything? Was perfection a noun or an adjective to you for that matter?

When I was a kid, I thought that I can find nirvana, utopia, seventh heaven or whatever you call it. I thought that I can reach that state by playing Barbie dolls and “luto-lutuan.” But everything turned into a deeper theory when I turned 10. That was when I doubted of peter pan and tinkerbell. My level of satisfaction elevates from Barbie dolls to French fries and my la-la land wasn’t that superficial since then. Eventually, my dream started to create perfect people, house and life that I should live when time comes. I had disappointments and that was when I learned to criticize, to discriminate. From then on, my dream-land detached itself from me and distance expanded continuously. Things were never great but fine, people were never excellent but satisfactory. Should I blame my parents or should I blame my stupidity? And this stupidity allowed me to experience frustrations, rejections and failures just to reach “my perfection.”

When I became older, perfection attached to fiction. I realized that there’s no perfect person; house or life that I should look up to. Peter Pan and Tinkerbell were not real! Everything was already made perfect for me. Imperfection needs respect, it creates beauty and beauty satisfies my level of quality. Perfect something will never be possible in the real world. Appreciation comes from within not from anything else or standards, whatsoever. And that concludes…. that I was never been to never-never land…but rather, real world has its own land which I must call, my own hurly burly wonderland.

Saturday, October 15, 2005

Maling Akala

Iilan ang mga kaibigan at kakilala ko na nauna na sa akin makapagtapos ng pag-aaral. Iilan ang nakahanap kaagad ng pagkakakitaan pero mas lamang ang piniling mamahinga muna ng isang buwan, dalawa hanggang sa di na namamalayang matagal-tagal na din pala silang namamahinga. Sabi ko non, pag ako nagtapos… gusto ko magtrabaho agad. Hindi naman siguro ganon kahirap yun di ba? Sabi nila… “welcome to the real world” na daw. Ibig sabihin ba nila hindi makatotohanan ang mundo ko dati? Ang alam ko kasi hindi kathang-isip ang maghirap para makatapos. Ayaw ko talaga magpatalo pero totoo naman hindi ba?

Ngayon…. araw araw na akong balisa dahil hindi ko pa din alam kung kailan ako makakahanap ng trabaho. Nahihiya na ako sa nanay ko dahil inaraw araw ko ang paghingi ng pera. Masyado ata akong pihikan at ang alam ko, nand’yan lang ang oportunidad na naghihintay sa akin. Sabi ko kasi, kung yun talaga… yun nay un! Kahit ilang beses kong tabuyin, lalapit at lalapit lang ulit iyon. Hindi pala... “one is enough two is too much” ika nga. Masyado din ata akong nagpapa-apekto sa mapaghusgang lipunan sa pagpili ng trabaho. Ito na nga ata ang sinasabi nilang totoong mundo. Yung bang, hindi mo alam kung ano ang sagot sa lahat. Yung bang, hindi lahat nadadaan na lang sa ngiti at inom. Yung bang, seryoso na talaga ang kwento ng buhay. E kung ito na nga yun… mas mahirap pala ito sa inaakala ko.

Akala ko kasi madali lang ang buhay……….

Friday, October 07, 2005

May Pagkakaiba

Kunwari may makita kang sobrang gandang babae. Sexy! At ang buhok, ang gandaaa, ang soft, ang dulaaaas.. parang nagpa salon. Pero tatlo lang ang daliri. Anong gagawin mo? E paano kung may lumapit sayo na kagwapuhan naman talaga at lalakeng lalake kung makatindig pero mas mataas at mas matinis pa ang boses sayo. Eto na lang, kunwari nagtapat na ng pagmamahal ang crush mo. Tapos sinabi mong mahal mo na din siya. Sa sobrang tuwa niya, biglang lumobo yung uhog sa ilong niya. Nalaman mong, ganon pala siya pag natutuwa. Inuuhog. O sige, paano na lang kung ang girlfriend mo, gahaman kung tubuan ng buhok sa mukha. Bigote kung bigote, balbas kung balbas sa kapal. Anong gagawin mo?

Kunwari na lang, yung kinaiinisan mong mukha sa klase niyo ay may pinakamagandang boses pala sa eskwela. E paano kung ang lalakeng nawili ka nang tabuyin ay maging isang sikat na modelo sa industruya? Paano na lang kung ang inaapi niyong tao sa grupo ay ang maging isa sa milyonaryo sa bansa? E ang lalampa-lampa na bata sa lugar ninyo nung unang araw ay siyang isa sa mga magagaling na senador sa Pilipinas? Anong gagawin mo?

E kamusta naman ang mga taong tulog mantika ang hilig at ang gahaman uminom pero hindi uso ang mga salitang “lashing na ko tsong…” Kamusta din ang mga taong tinatawag na couch potato sa weekends pero buhay kalabaw sa trabaho pag weekdays?

Laging may pambawi hindi ba? Dahil lahat ng tao sa mundo may pagkakaiba. Walang perpekto ika nga. May mga taong kakaiba o kalabuan sa kinagawian mo. May mga bagay naman na iba sayo pero natural na sa karamihan. Sa ayaw at gusto mo, kailangan mong matanggap ang kahinaan at kaibahan ng iba sayo. Ngayon, kung pasaway ka hindi mo kaya, respetuhin mo dahil hindi lahat ng tao….

Kagaya mo.

Friday, September 30, 2005

TAMA?

Naiinis ako, lagi na lang itlog ulam ko sa umaga. Ahahahaha tapos hindi pa maayos yung pagkaluto. Ano ba yan! Naiinis din ako kasi hindi ko alam kung GLOBE o SUN ang gagamitin kung simcard nang pangmatagalan. Naiirita din ako sa boses ng katulong namin. Nabibwiset din ako kasi ang bagal bagal ng dial up ko dito sa bahay. Haaaay buhay.. Minsan ang sarap mamroblema, na kahit simpleng bagay lang ay pinagtutuunan ko pa nang pansin para problemahin.

Pero, eto… seryoso.

Namomroblema ako kung paano ko pagkakasya-kasyahin ang pera ko dahil wala na naman akong allowance. Hindi na ko natutuwa sa buhay tambay. Hindi ko na alam kung kailan ako makakahanap ng trabahong para sakin talaga. Iniisip ko palang, napapakunot na ko ng nuo lalo na pag tungkol sa pangmatagalang kabuhayan na ang pinag-uusapan. Dagdagan mo pa ng mga obligasyon na matagal-tagal ko nang nasimulan.

Minsan nga, ang sarap talaga idaan na lang sa inom ang lahat. Tapos may hihirit na, “alam niyo, patagal ng patagal… nagiging seryoso na talaga ang mga problemang dumadating sa atin… na mahihirapan kang lutasin.”

(Oo, tama ka don! Inom pa tayo diyan……..)

E paano pa kaya ang mga problema ng mga magulang natin noh?

Sana, parang mathematical equation na lang lahat ng problema para pag alam mo ang ang formula, alam mo na agad ang sagot. O kaya, sana nadadaan na lang sa ngiti lahat para lahat tayo masaya. Pero hindi e… nakakainis noh? Ahahahaha

Hindi nga talaga patas ang laban ng buhay. Kahit anong gawin mo, may problema’t problema pa din. Sabi nila simple lang daw ang buhay pero pag inisip mo nang pangmatagalan, kumplikado din pala ano? Pero, gaya nga ng sinasabi sa komersyal… BILOG ANG MUNDO! Pagkatapos ng problema, may tagumpay din naman sa huli. Tapos problema ulit. Patay tayo diyan!

Alam niyo, matagal ko nang naisip ito e. Pagbigyan niyo na lang ako. Na… pag walang kasawian, paghihirap o kabiguan.. hindi natin malalasap ang sarap ng tagumpay. Kapag walang problema at lahat nadadaan na lang sa ngiti, hindi kailanman magkakaroon nang pagkakataong magsikap at pagtatiyaga.

Tama?

Sunday, September 18, 2005

aLapaap

Araw ng linggo ngaun, naisip ko... baka sakaling mapagod ang mga tao mamroblema at mamahinga naman kahit saglit. Mamahinga sa napakagulong mundo na nakabalot sa atin. Kahit anong gawin ko, balisa pa din. Hanggang maisipan kong humiga ng ilang minuto. Wow! Ang sarap. Parang gusto ko nang matulog dahil iyon lang naman ang panahong tahimik at walang akong iniisip. Matagal tagal na ata nang maramdaman ko ang ganito. O sabihin na nating, hindi pa din ito ang hinahanap ko. Nakakapraning, baka hanggang sa panaginip ko… ang kaguluhan sa bahay, sa pagibig, sa pamilya, sa pera at kung saan-saan ang makita ko.

Kasabay ng aking pagmumuni-muni, bigla ko nang naisip ilang linggo ko na nga palang nararanasan ang buhay tambay at palamunin. Tapos na ang paghihirap sa eskwela at paghihirap na sa paghahanap ng trabaho ang kailangan kong atupagin. Ang walang kamatayang pag jo-job hunting sa internet at sa lupalop ng metro manila. Iniisip ko nga lang, nakakapagod na. Labo-labo din ang plano ko kung saan ako pupunta o anong gagawin ko kinabukasan o bukas makalawa. At ang allowance? Naku! Wag na nating pag-usapan.

At kung sakaling magkatrabaho kaagad, paano ko kaya sisimulan pagkasya-kasyahin ang pera ko sa pang-araw araw at dagdag na dito ang luho at tulong ko sa bahay. Paano ko naman kaya pagsasabayin ang obligasyon at responsibilidad ko na aking nasimulan? Pwede na kayong magtaka kung saan ko nahuhugot ang mga problemang kinakaharap ko sa kasalukuyan. Uulitin ko…. ang kaguluhan sa bahay, sa pagibig, sa pamilya, sa pera at kung saan-saan . Pero huwag niyo nang isipin. Isipin niyo na lang ang init ng ulo ko. Hindi ko din alam kung saan ako huhugot ng lakas at pag-aasa sa mga bagay na gumugulo sa akin. Pakiramdam ko, nang nagpasabog ang Diyos ng problema, nasalo ko lahat sa araw na ito.

Hindi pa din ata panahon na maranasan ko ang matagal ko nang gustong balikan at maranasan...

Ang alapaap.

Tuesday, September 06, 2005

Teleserye ng Totoong Buhay vs. Balitang Hindi Natutulog

Matagal tagal ko na ding binabale-wala ang national news. Hindi sa wala na akong oras o wala akong pake-alam. Nag-sasawa na lang siguro ako lalo na sa isyung impeachment para kay Gloria. Ang Gaza Withdrawal o ang Hurricane Katrina na lang ang binibigyan ko ng pansin at pinaguubusan ng oras para mabago naman. Minsan, minabuti ko na lang manuod ng tsismis kaysa sa balitang nakakasakit ng ulo. Ayoko na din makipag debate sa mga tao tungkol sa kaguluhan na hinaharap ng ating gobyerno. Natigil na din ang politika kahit sa panaginip ko. Sa wakas…

Nabawasan na ang mga problemang hindi ko dapat problemahin. Mas masarap pala manuod ng lumilipad na babae sa ere na naka bra at panty kaysa sa nagdedebateng grupo sa kamara. Mas masarap pala abangan ang kubang maraming manliligaw kaysa sa mga kongresmang nagbabatuhan ng mga papel. Di hamak naman na mas kapapana-panabik subaybayan ang mga housemates sa teleserye ng totoong buhay kaysa sa balitang hindi natutulog. Sa madaing salita, masaya pa lang magmaang-mangan na lamang sa mga pangyayari sa politika at manuod na lang ng mga walang kawenta-kwentang palabas.

Wala na akong pake-alam sa kanila. Bahala na sila kung mag-away away sila diyan araw araw. Basta ako, ayoko na pag-usapan ang politika. Mas importante na sa akin kung sino ang matatanggal kina Rico, Raqcuel at Franzen kaysa kung magtatagal pa ba si Gloria sa kapangyarihan.

Pero teka.. bakit nga ba naging pangunahing nang trabaho ng oposisyon simula ng panahon ni Erap ay ang pabagsakin ang pangulo?

Friday, September 02, 2005

"Pengeng Barya"

Ako ay isang estudyante ng isang eskwelahan sa Taft Avenue, Manila. Mausok, mapolusyon, maingay, madaming snatcher, madaming bagets, at syempre… hindi pwedeng mawala ang mga pulubi at taong grasa. Kung mabibilang lang ang mga batang pulubi na pumapalibot sa Taft Avenue, hindi na siguro ako magugulat kung sandamakmak ang resulta ng bilangan. Marami sila… seryoso.

Hindi din ligtas sa pagsasamantala ng mga malilibog na pasaway ang mga babaeng palaboy doon. Nakaka-awa sila, magugulat ka na lang na ang babaeng payat na namamalimos sa iyo ara-araw ay lobo na ang tyan kinabukasan. Buntis pala, na-rape ng lasenggero sa may kanto. Hindi rin maitatago ang pagkalulon sa pagsinghot ng rugby. Ano pa nga ba ang solusyon sa mahaba-habang tag-gutom? Rugby lang, mura pa at binebenta lang kung saan-saan. Masyadong “kasual-an” ang buhay ng mga batang palaboy/pulubi sa Taft. Kung baguhan ka lang sa lugar na iyon, sigurado akong malaking gulat ang mararanasan mo. Minsan nga, hinabol pa ng isang bata na may dalang dos-por-dos ang kaibigan ko. Ang dahilan? Ayaw kasi bigyan ng barya ang bata kaya ayun… NAG-AMOK! Uso din naman ang sindikato doon. Sabi ng iba, isang van daw ang nagdadala sa Taft ng mga batang pulubi. Hindi ko pa naman nasasaksihan pero wala din naman akong magagawa. Kung sino man ang magulang ng mga batang iyon, siya na lang sana ang namamalimos buong araw.

Patagal ng patagal, padami pa din ng padami ang mga batang pulubi saTaft. Matatawa ka na nga minsan sa estilo ng mga batang namamalimos. May isang beses, mag-isa akong nakatayo sa Chowking at may lumapit sa akin. Kumanta, kumanta.. sa hinaba-haba ng kanta niya.. isa lang naman ang pakay niya sa akin. Ag baryang ibibigay ko. Pasensya na pero hindi ako namimigay ng barya.

At pagtapos ng tatlong taon na pamamalagi sa Taft Avenue. Hindi ko na makikita ang batang kumakanta, ang batang kabarkada ng mga dragon sa Chowking, ang batang may dos-por-dos, ang batang nakatambay sa ilalim ng LRT. Ang batang may anak ding bata. At si Jenny (matandang-baby face).

Pero, kahit saan naman ako mamalagi… hindi pa din naman mawawala sa aking paningin ang mga batang nabubuhay sa barya ng lipunan.

Ang batang… namamalimos para sa buhay ng kanilang magulang.

Ang batang… barya ang kinabukasan.

Tuesday, August 09, 2005

My Precious

What is your “precious?” Let me guess…

25,000 worth cell phone?
Car?
Shades?
I-pod?
Your new built house?
Your wedding gown?
Picture of your special someone?
Laptop?
Flat screen TV?
DVD collection?
Favorite All Star CD?
Money?
Necklace from you boyfriend?
Or… hmmmm… your chuck taylor sneakers?

Do you want to know my precious?

Hint: She carried me for 8 months and took care of me for 1 month inside an incubator. She bought me a doll when I was 4. She enrolled me in a private school. She taught how to memorize the table of multiplication. She bought my first cell phone. She pays for my living. She holds my hand while sleeping. She takes care of me when I’m sick. She prays for me. She laughs on my jokes. She cries when she’s hurt. She takes a bath for the longest time. She buys anything I want. She supports my endeavors. She loves my good friends. She cooks the best spaghetti and fried chicken in the world.
She hates when I go home late. She hates when I get drunk. She hates my bad friends. She hates my habit of using the computer til midnight. She hates me when I’m “masungit.” She hates my moodiness. She hates my vices.

Nevertheless... She loves me for who I was and who I am today.

Answer?
My precious mother.




Tuesday, August 02, 2005

Pag-ibig

“Ang pag-ibig ganyan talaga…”
pagbago, masaya.

Pag-ibig sa asawa, sa bayan, sa subject, sa trabaho, sa bahay, sa cellphone, sa serbisyo, sa girlfriend/boyfriend, sa alagang hayop, sa idol, sa computer, sa bisyo, sa katabi… sa lahat. Pag-ibig na nakakapagpabago ng katayuan at nakaka-ginhawa. Pag-ibig na may paninigurado at karapat-dapat. Pag-ibig na kaaya-aya at maganda. Pag-ibig na masarap at sapat.

Pag-ibig na dating sigurado, sa una lang masarap pero ngayon, hindi na. Pag-ibig na nawalan ng gana, tyaga at ganda pero ngayon, pangit na.

Ilang araw, linggo, buwan at taon ka nang may pag-ibig? May nagbago ba o ganoon pa din and pakiramdam ng pag-ibig? Masaya at nakakainggit. Puwede mong ipagyabang sa kahit na sino dahil walang makakapigil sa pag-ibig. Pero nang nakupasan na ng panahon, hindi ka ba nagsawa o nawalan ng gana dulot ng mga dahilang hindi kinaya ng pag-ibig.

Oo nga’t kasal pa din kayo, nagsisilbi ka pa din, pumapasok, nagtatrabaho, naglilinis ng bahay, nagtetext, nagbibigay serbisyo.. Oo nga’t hindi pa kayo naghihiwalay, pinapakain mo pa siya, pinapanuod, tinititigan o ginagamit... Pero nasaan na ang iyong pakiramdam?

Nasaan na ang tunay na pag-ibig?

Tuesday, July 12, 2005

Para sa inyo ang pagpupugay ko...

Para sa mga kaibigan kong komedyante. Para sa mga kakilala kong nagbibigay saya sa grupo. Para sa mga taong mahilig magpatawa sa karamihan. Para sa mga mahilig magtago ng sama ng loob o pighati. Ang mga taong umiiyak, nasasaktan na nga.. tumatawa pa din. Ang mga propesyonal sa pagkikimkim ng saloobin para lang ipakita sa mundong, walang problema ang makakasira sa kaligayahan ng isang tao o sino-man. Eto ang isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na naiintindihan kayo.. ako.

Para sa nanay ng isa, dalawa, tatlo, apat o mas marami pang mga anak. Para sa ilaw ng tahanan. Para sa mga teenage mom o single-mom. Para sa mga taga-aruga ng kani-kanilang pamilya. Ang mga nilalang na walang humpay sa pagintindi sa kanilang mga anak, ang kakampi ng pinaka sutil na anak at ang taga-budget ng pera buwan buwan. Ang taga alaga pag may sakit ka o wala. Para sa iyo, nanay… Eto ang isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na nagpapasalamat sa iyo.. ako.

Para sa tatay na walang tigil ang pagsasakripisyo para ma-i angat ang pamilya sa kahirapan. Para sa mga amang may pagmamahal sa pamilya at disiplina sa sarili. Para sa mga amang tahimik at walang pagod na nagtyatyaga sa ingay at gulo ng kanyang asawa at mga anak. Para sa iyo, tatay… Isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na humahanga sa iyo.. ako.

Para sa mga anak na nagmamalasakit sa pamilya at magulang. Para sa mga hindi masyado mabait pero marunong gumalang. Para sa mga marunong magpahalaga sa hirap at tiyaga ng magulang. Para sa mga mangiinom pero umuuwi pa din sa bahay. Para sa mga mabarkada pero sumasama pa din sa pamilya magsimba. Para sa inyo.. Isang malaking paghanga galing sa isang taong nagsisikap maging katulad niyo.. ako.

Para sa mahihina ang utak pero pinipilit pa din. Para sa mga nagsisikap maka-pasa kahit hindi naman talaga kaya. Para sa mga nababaliw sa Math, English o sa kung ano pa. Para sa mga nagsisipag pagtyagaan pasukan ang klase kahit nakakatamad, umuulan o sobrang init ng panahon. Para sa mga working student. Para sa mga estudyanteng puyat gabi-gabi dahil sa paper work. Para sa mga ma-abilidad na estudyante at para sa mga nagtapos at magtatapos na… Isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na dumadamay sa inyo.. ako.

Para sa mga lito sa kasarian. Bakla, tomboy, silahis o pumapatol sa parehong kasarian. Para sa mga madalas laitin ng lipunan. Ang mga pinagtatawanan o minamaliit ng karamihan. Ang mga taong mahusay sa ibang aspeto, sila ang pangatlong kasarian na sa ayaw o sa gusto mo patuloy na dumadami at umuunlad. Para sa inyo.. isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na nakakaintindi sa inyo.. ako.

Para sa mga nag tatrabaho. Blue, pink o white collar workers na bumubuhay sa sarili at sa pamilya. Para sa mga nakukuntento sa sahod at sa pinapasukang trabaho. Para sa mga matapat na manggagawa at pinagpapala. Para sa mga dahilan na natatamong pugay ng bansa, ang mga OFWs. Para sa inyo… isang malaking paghanga galing sa isang taong higit na nagmamalasakit sa inyo.. ako.

Para sa mga may kapansanan na nakikipagsapalaran sa buhay. Para sa mga pinagkaitan ng tadhana. Para sa mga baliw at sayad sa mental hospital na nakikipag-laban sa katotohanan. Para sa mga taong grasa na pumapalibot sa kung saan man na pinagdidirihan ng karamihan. Para sa inyo… isang malaking paghanga galing sa taong hindi nawawalan ng pag-asa para sa inyo.. ako.

Para sa mga sawi sa pag-ibig, sa trahedya, at sa pera. Para sa mga pinagdamutan ng ka swertihan. Para sa mga mahihilig umiyak at magdrama. Ang mga namatayan o napag-iwanan. Para sa mga tinataboy ng pamilya, kaibigan, boyfriend/girlfriend, titser o ng katabi mo sa jeep. Para sa inyo na hindi nawawalan ng pag-asa at nakabangon sa pinagbagsakan. Para sa inyo… isang malaking paghanga galing sa isang taong bilib na bilib sa inyo.. ako.


Ang mga taong hinahangaan ko…

Walang humpay na pagpupugay sa inyo mga kapatid!!!


Saturday, July 09, 2005

Unlimited Edition!!! Part 2

Nang nabalitaan ko na naglabas na ang La Salle ng statement na FOR-Resignation sila ni PGMA, kinabahan na ko. Baka hindi malayong sumunod na lahat ng mga Kolehiyong nasasakupan nito. At di nagtagal, nakatanggap ako ng text na may prayer rally daw ang mga estudyante ng DLS-College of Saint Benilde sa taft. FOR-Resignation din daw ang layunin non. Gusto ko sumali sa isang rally dahil gusto ko maramdaman ang hirap at gulo na nadudulot nito. Pero sa pagkakataong ito, hindi at wala akong balak sumali sa rally nila. Sabihin niyo nang hindi ako nakiki-uso sa mga tangang katulad niyo at sabihin niyo nang wala akong kwenta pero hindi ako papayag na bumaba sa pwesto ang ating pangulo. Ano ako GAGO??

Para saan pa ang pagbaba niya? Para mapalitan na naman ng namumuno na siya ding papalitan bukas-makalawa? Para madagdagan na naman ng EDSA 5? 6? Grabe naman.

Sabihin na nating napaka OA na masyado ng mga Pilipino at sige-sige, padalos-dalos na lang na sasali sa mga kaguluhan sa kalye at ipagsigawan ang pagbaba ng presidente. Huwag kang magpapaniwala masyado sa mga nakikita mo kapatid. Ang daan-daang raliyista, lahat ba sila alam ang dahilan ng kanilang pinaglalaban? Pucha-yan! E yung iba ka mga nakiki-usisa lang at gusto lang sumali dahil may libreng pandesal ahahahahaha!

Napanuod ko sa balita na padagdag na ng padagdag ang mga nagtatanggal ng suporta kay PGMA. Talaga nga namang, walang permanenteng kaibigan sa politika. Si Drilon, kala ko pa naman hindi siya tatanga-tanga katulad ng iba pero ayun! Nakita ko siya sa tv na isa sa mga nananawagan sa pagbitiw ni PGMA sa pwesto. Pag nagbitiw sila ng suporta, dapat ikaw din. Pag karamihan kaibigan ng presidente dapat ikaw din.

tanginatalagangbuhaytoh

Sa panahon ngayon na papalit-palit ng paninuno ng ating bansa, sino ba talaga ang gusto mo i-upo kapatid?

Ako, si Judy-Ann Santos.

Monday, July 04, 2005

Kuntento ka na ba?

Kamusta ang katayuan mo sa kasalukuyan? Mayaman ka na ba o naghihirap pa din? Napagiwanan ka na ba ng mga kaibigan mo o ikaw ang nakakalamang sa lahat? May bago ka bang cellphone o pager pa din ang hawak mo? E i-pod kaya meron ka na o walkman pa din yang nasa bag mo? Ikaw ba ay nagmamay-ari ng pinaka-maraming hi-tech na kagamitan sa grupo o kahit pumindot ng letra sa keyboard ng computer wala pa sa isip mo? Nakapagtapos ka na ba sa pag-aaral o masyado ka nang nawili sa 2nd-year subjects mo?

Ang puti mo na ata ngayon, o nagpapaputi ka pa? Tumataba ka a’ pero parang.. sobra na? Seksi? Gwapo? Sikat? O kabaliktaran?

Patuloy ka na bang naiiwan o nakikipag-sabayan ka na di mo namamalayang nauuna ka na pala?

Ngayon itatanong ko sayo...

Kuntento ka na ba?

Monday, June 27, 2005

Unlimited Edition!!!

Kalayaan, nararamdaman mo ba? Kung hindi, ikaw na ang pinaka-manhid sa balat ng mga pasaway. Kalayaan, nagagamit mo ba? Kung hindi, ikaw na ang pinaka-walang kwenta o pinaka-korny sa mundo ng sanlibutan. Nalait mo na ba ang presidente, ang mayor sa inyong lungsod, ang pare sa inyong simbahan, ang leader sa inyong grupo o ang president eng inyong korporasyon sa iyong sariling pamamaraan? Kung hindi, huwag kang magpahuli! “Freedom of expression…” UNLIMITED EDITION!!!!!!!!!!!! Wooohooo!

Alas-siete ng gabi, inaabangan ng lahat ng tao sa bahay ang pahayag ng pangulo tungkol sa isyu ng wiretapping. Kung wala kang pake-alam, pwes ako… MERON. At ang pangunahing reaksyon ng oposisyon? Pababain sa pwesto ang presidente. “She must not resign tomorrow, she must not resign next week, but rather… she must resign NOW!” Pwede ba bukas na lang? Gabi na eh. (Ahahaha joke lang!) Hanep diba? Kailangan pa bang i-memorize yan?

Tuwing may bagong presidente kailangan may EDSA rebelyon este rebolusyon. Kung wala, hindi cool. Kung hindi ka sasalungat sa reporma ng pangulo o sa gobyerno mismo… panget ka. Kung sasang-ayon ka sa panibagong bill na ipapatupad para maging batas, korny ka. Dapat laging pinapabagsak ang nakatataas, dapat laging may gulo sa pamahalaan, dapat laging may rally sa kalye. Kasi kung wala, ang boring.. Dapat si ganito ang nanalo, dapat siya ang natalo. Bumoto ka ba? E nabilang kaya? Bwahahahahaha! Wala nang naging maayos na presidente sa paningin ng nakararami. Hala sige! Kailangan lahat ng tao malaya magpahayag ng pag-salungat. Hindi pang-sang-ayon, pag-salungat lang. Iyon lang kasi ang nasa diksyonaryo natin. Kailangan lahat immoral at illegal ang pagpapatakbo ng gobyerno… pero dapat malinis sa mata ng mga tao. (ulol!)

Ano ang kasunod nito? EDSA-quatro? Dapat tayo ang bansang may pinakamaraming rebolusyon.

Ang premyo…


isang chickenjoy.




Monday, June 13, 2005

Juan De La Cruz

Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya, basta ang alam ko lang, mahalaga siya. Alam ko na nangangailangan siya ng tulong na panatiliin ang katahimikan sa kanyang pamamahay na minsan niyang tinawag na “tahanan.” Alam ko lumulubha na ang kalagayan ng ina niyang may karamdaman dulot ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang mga kapatid. Alam ko puro na lang iringan at inggitan ang bumabalot sa kanila. Alam ko din, nalulon na naman ang ama niya sa bisyo na jueteng. Alam ko, pinaguusapan na siya ng kanyang mga kapit bahay. Alam ko, madaming naninirahang hayop sa bahay nila kaya hindi matigil ang kaguluhan doon. Alam ko, pasaway ang mga kapatid niya at binabale-wala ang rumurupok na bubong ng kanilang tinitirahan. Alam ko, ilang beses nang nakulong ang tatay niya kahit minsan wala naman itong kasalanan. Maraming nagsasabi, kumakapit na lang daw siya sa patalim para lang mabuhay. Nararamdaman ko, pinipilit niya lang mabuhay sa walang katapusang pag-asa kahit hindi na ito pinaniniwalan at hibang na ang tingin sa kanya ng iba. Alam ko, pinagtatawanan na siya ng ibang tao dahil pabagsak na ng pabagsak ang takbo ng kanyang buhay.

Gusto ko siyang tulungan kaso lang parang pinagtatabuyan naman ng nakararami ang tulong ko. Gusto kong magkaroon ng pagmamahal sa kanilang tirahan kaso lang parang hindi naman ito tinatanggap ng mga naninirahan. Gusto ko magising sila sa katotohanang marupok na ang kanilang bahay at kailangan na itong tibayan kaso lang parang ayaw naman nila maki-alam. Gusto ko sana ipagamot ang nanay niya kaso lang parang nilalason siya ng iba. Gusto kong ipatigil ang tatay niyang sugalero kaso lang sinisilaw naman siya ng pera…

Alam kong nahihirapan na siya…

Juan De La Cruz, kamusta ka na?

Monday, June 06, 2005

Bon Mot

I went to PowerBooks one time and I’ve realized that I already read all the books of Bob Ong. He was so funny yet intelligent, he’s genius and I adore him for that! But I can’t wait any longer for his new book to come and so I thought of trying Jessica Zafra’s work. She writes well but I can’t finish her book right away and I don’t know why. I envy her talent in writing, her idiomatic and unusual terms that she used in her articles… She’s just too smart and I can’t even absorb some of her emotions.

The introduction of her book that I bought was very catchy. “A certain age, we think everything is serious. A little older and we think nothing is. And then we think we’ve learned to discriminate. When we get to middle age, we realize that everything is funny.” “That’s the thing about being a human being: you just have to go on living..
*shiet!* That’s something………

When you’re too serious about something, you focus you contemplate you ponder you deliberate. Knowing that you might fail in the end but you still dare to continue; conscious of your weaknesses but you still have the guts to go on; facing all the possible risks in your way without even closing your fragile eyes. And when the final day comes, the result wasn’t that good enough for your expectations. You cry, you curse and then you cry again. Days, weeks, months and years pass… and you still remember everything. You can’t cry anymore but you still curse (that was !@$%@ horrible!) then you start to laugh…laughing yourself out while cursing (again). Drooling into your stupid hangovers and making jokes about it. Then you fell asleep……… The next thing you realize that it’s your birthday and you have to buy food for your party tonight. You had those experiences that were seriously faced, expectations that were seriously demanded, but in the end you came to know that these were waggish.. you’ve learned how to laugh… bon mot, jokes that were seriously realized.

Wait.. that was funny.. ahahaha!
Sorry.

Sunday, June 05, 2005

Do Not Read This...

Why do you love even though you know it’ll hurt? Why do you cry for him even though you know he’s not worthy? Why do you smoke even though you know it’ll kill you? Why do you skip school even though you know you’ll fail? Why do you drink a lot of beer even though you know it’ll make beer belly? Why do you read in dark places even though you know it’ll destroy your sight? Why do you cross the street even though you know that there’s a “no crossing” sign ahead? Why do you keep your boy/girlfriend even though you know that you don’t belong together? Why do you eat a lot even though you know that you’re getting fatter? Why do you take drugs even though you know that it’s bad for you? Why do you lie even though you know it’s wrong? Why do you sleep late even though you know it’s not healthy? Why do you go out with your friends even though you know that they’re such a bad influence to you? Why did you take that course even though you know it’s boring? Why do you like her even though you know she doesn’t meet your standards? Why do you have sex with him even though you know it’s risky? Why do you cheat even though you know it’s not right? Why do you still run after her even though you know that (as a matter of fact) she hates you?

Things you do even though you know you should’ve been doing. Things that others consider wrong, inappropriate, awful, disgusting, dangerous, and regretful but these things satisfy your will. I don’t know why the word “stubborn” and “obstinate” exist. Maybe, the inflexibility of the people gives more color to an odd world that we live in. Maybe, if conflict, war, misunderstanding and other invisibility of peace and obedience do not exist…. our place will be tedious as you ever imagine don’t you think?

And maybe, if you did not read this article… you’ll never realize how stubborn and obstinate you are… like everyone is. (bwahahahaha!)


Friday, June 03, 2005

Linta Sa Buhay Ni Pare

Hindi ko alam kung bakit ako nagsusulat ng ganitong klaseng artikulo pero naisip ko lang… “bakit naman hindi pwede?” Eto ay para sa mga taong walang ginawa sa buhay nila kundi mang habol ng lalake. Ang mga desperado o di kaya’y mga minamalas pagdating sa pag-ibig. Ang mala Catch Me If You Can na scenario. Babae din ako, kaya naman natatawa na lang ako sa mga ganito… ang mga linta sa buhay ng mga kalalakihan. Pasensha na sa mga natatamaan pero talagang gusto ko lang mang bwisit ng mga tao ngayon. Di hamak na mas madami naman ang babae kaysa sa mga lalaki kaya naman, at kaya din gawin ng mga babae ang gawain ng mga lalaki. Kaya naman hindi pwedeng magpahuli ang mga kababaihan sa habulan…

“First Love…” – Matagal ka nang nabubuhay sa sanlibutan pero kahapon mo lang ata natutunan ang salitang “boyfriend”. Sa madaling salita, unang relasyon mo siya sa napaka walang ka kwenta-kwenta mong buhay (1st boyfriend). Nagsimulang naging makulay ang black and white mong panaginip at taken na ang status mo sa friendster bwahahahaha! Na may pahapyaw na Thank God I Found You na background music na tumutugtog sa diwa mo. Ang haba ng ligawan stage niyo (pakipot ka kasi..) kaya naman isang malaking “This is The Moment” nang maging kayo. Kala mo lang yun (bwahahaha ulet..) Nang biglang……….. umayaw si boyfriend. Ayaw mo man, pero wala ka nang magagawa, kaya Not Ready For Goodbye na ang biglang background music mo. Nang sabayan ng If The Feeling Is Gone habang patuloy kang nag MMK (Maalaala Mo Kaya) sa kwarto mo. Mahirap daw kalimutan ang 1st love pero utang na loob, pilitin mo na! Lalo na kung nagmumukhang tanga ka na. Tigilan mo na din ang pakikiusap sa mga kaibigan mong itext si ex-boyfriend dahil hindi na ito nakakatuwa. Lalong-lalo na ang walang kamatayang quotes na sinesend mo sa mga kaibigan niya na sayo lang naman talaga patama. Ang mala da buzz mong talent na nalalaman mo kagad lahat ng bagong balita kay ex-boyfriend at ipinagsisigawan mo sa buong mundo ang bagong tsimis. “Why not?.” At ang You Can Run but You Can’t Hide na buhay ni ex-boyfriend na kagagawan mo. Pasensha na kapatid pero, please lang… Kumalas ka na at wag mo nang hintayin na Please Release Me ang maging kanta sayo ni ex.

“Silvertoes” – Nang nagpasabog ang diyos ng fighting spirit nasa unahan ka at nakuha mo halos lahat ng ito. Kahit sabihin pa nilang panget ka, matindi ang pananalig mo sa nanay mo nang sabihin niyang.. “ang ganda-ganda talaga ng anak ko!” Kaya naman patuloy lang ang paghahabol sa mga kalalakihan dahil ikaw na ang pinaka-magandang hayop sa balat ng mga halimaw. Ang pakikipag chat sa irc para magka cyber boyfriend habang kinikilig ka habang pinapalitan mo ang status mo sa friendster. Sorry ulit sayo kapatid, wag ka kasi agad maniniwala sa mga sabi-sabi jan sa……. Tabi tabi.

“Babae sa Bintana” – Oo, babae sa bintana dahil lagi na lang siya nakadungaw sa bintana ng klasrum niyo para maghanap ng gwapo sa campus. Mali ata ang pinasukan mong eskwelahan at naghahasik ka ng lagim jan! Pasimple pang pagpapakyut sa mga “ulam” na nagdudumugan sa eskwelahan (kung hindi mo gets ang “ulam” bahala sa buhay mo) para lang mapansin. Ito na ata ang pinaka desperadong pasimpleng (ewan na ewanko ba kung bakit buhay ka pa sa panignin ko) babae na makikilala mo. Hindi ka naman panget pero kinakarir mo lang talaga ang pagpapakyut sa mga bintana ng lahat ng establishimento sa mundo.

“My sister is not a pig, she is a whore! (horse pala dapat)” – Ocge na, ikaw na ang babaeng seksi. Pero naman… sa araw-araw na ginawa ng Diyos na nagkakasalubong tayo at puro lalake na lang ang bukang-bibig mo, utang na loob ang saklap ng buhay ko! Parang lahat na ata ng ulam ay natikman mo at binabahandera mo sa akin na busog ka na at ako’y hindi? (yaaaaaaaaaaak). Ok ka sana kaso lang….(ooops) Parang naglalakad na basura sa napaka liit kong mata. Ang literal na desperado sa mundo ng mga kababaihan na patuloy na pinagpyepyestahan ng mga kalalakihan ng basketball team bwahahahaha! Naiirita ako sayo pero pinilit ko ay hindi pala, nakakairita ka pala talaga. Sayang naman ang pabango mo, ang baho-baho mo naman para sa kanila.

“Panagutan mo ang dinulot mo (buntis ako… ssshh kunwari lang)” – Andami ko na atang kilalang ganyan. Ang masaklap na pakikipag break sa kanya, kaya naman buntis na lang kunwari siya para bumalik si boyfriend. Naduduwal-duwal, nahihilo, namo-moody at kung ano-ano pang ka-artehan ang nalalaman mo pero ang totoo ay adik ka kasi at naubusan ka lang ng droga sa katawan kaya ka nag wiwithdrawal. Eto naman si lalake na namana ata ang katangahan ng kung sinoman na uto-uto namang nakipag-balikan at nangangarap na masilayan ang anak niyang kabag sa sinapupunan ng girlfriend niyang mukhang ulupong. Naisipan niyo pang mag-pakasal para nga naman may matawag na pamilya si “baby”. Pagtapos ng 9 na buwan… 10… isang taon, hindi pa din nanganganak si babae dahil hindi pa buo ang dugyut na naninirahan sa kanya. Pero nanjan ka pa din, naghihintay sa kabuwanan ng girlfriend mong sinungaling. Ahahahaha! (sorry sorry).




Ang mga babaeng lalake lang naman ang gusto sa buhay. Ano ba ang kurso para sa ganyan?

Sunday, May 29, 2005

I Aint A Superstar But God Still Loves Me

Who are you?

Are you the best student in your class or the most outstanding employee in your company? How about the most valuable player in your team or the most famous person in your neighborhood? The “crush ng bayan” in your school, or the coolest in your barkada? Are you the highest paid actor in showbiz or the most in demand person in industry? How about the person who has the most number of achievements in life? Are you the president or the most influential person in your state? Do you have the biggest house in your village or one of the richest people in your community? How about the sexiest in your club or the hottest in your group? Do you have the best thesis in your batch or do you have the best talent in the world?

If not, do you envy them?

Are you jealous of those who have the best in their lives or the most blah blah blah in the society?

I do sometimes and who doesn’t?

But who cares……… He still loves me……

Tuesday, May 24, 2005

Ang Hirap Mag-Pigil

Naranasan mo na bang magpigil ng tawa dahil baka mapagalitan ka o di kaya’y wala sa lugar ang pagtawa mo pero sa loob-loob mo ay humahalakhak ka na?

E ang umiyak ng tahimik kahit sa loob-loob mo e humahagulgol ka na?

Paano pa ang magpigil kumain kahit gutom na gutom na gutom ka na?

Ang magpigil ng utot kahit utot na utot ka na talaga…

Ang pag-pigil ng ihi kahit nararamdaman mong, lalabas na…

E ang magpigil ng tae? (syet ang hirap non…)

Ang magpigil magsindi ng yosi kahit yosing-yosi ka na..

Ang magpigil bumili ng luho dahil baka maubusan ka ng pera..

Paano ang magpigil sumagot sa nanay mo kahit hirap-na-hirap ka na?

E ang magpigil ng antok kahit nananaginip ka nap ala talaga…

Ang hirap mag pigil noh? Kahit konting-konti na lang ay…. sasabog ka na…

Monday, May 16, 2005

Taxi Driver

When the topic “Taxi” was given to me, all the possible issues about it came up and, guess what? All of them are mostly, negative. Taxi drivers are rude, taxi is a comfortable transportation to ride but the fare will eat up your budget. Things like these just keep on bombarding to my head. Then one of my friends told me that his father is a taxi driver…

Taxi driver demands absurd price. “You can’t blame them actually..” That’s what my friend told me. The oil price increases from time to time, the traffic is everywhere and the offensive police officers are fond to ask for their money to disregard violations (even though the drivers didn’t violated anything at all) of the drivers. Taxi has the meter that measures the price of the fare. The fare will usually depend on the meter but unfortunately, it won’t happen anymore.

How would you feel when you just earned P200 a day? The stress, sweat and effort of a driver won’t be satisfied by such amount of money. Worth it? No, I don’t think so. How about going home without earnings at all? Three liters for a hundred, P100-500 for the offensive officers or what we call “kotongan”, and the food he’ll eat for the whole day, plus the maintenance of the taxi and all. Taxi is like a mini-hotel that must be maintained for the sake of the passengers. The expense of which is……. never mind. How about the hold-uppers that will take all of the driver’s money, how about that?

Being a taxi driver is a very tough job. Maybe, if given the chance, driving a taxi would never be an option to them. But poverty pushes them to do such job. Asking for a higher fare from the passengers would give them additional earnings at the end of the day. What can they do? How can they sustain the needs of their family with 200 pesos? Maybe, we see them as not good people because of their demands in terms of price, but how about seeing them at the end of the day going home late, exhausted and bringing a little amount of money to their families and wonders………

How’s my job doing with my life lately?

Friday, May 13, 2005

Christian-Muslim Relations

While reading the newspaper, the Christian-Muslim Relations article caught my attention.

“The conflicts between Christians and Muslims have been going on long enough. It is time for us to move toward the path of peace and learn from the past.” – INQ7.net

The Christians and Muslims in the Philippines have conflict for the longest time. Resolutions were indicated, passed and tried by the authorities but these were never successful. Never… right? Generations have changed but the conflict has been visible and even worsened. Muslims in Mindanao were branded as terrorists and threats of our society. “Muslims in general, are threats.” Our society is brainwashed by this conviction. We see them as bad people but we don’t even know them really well. Or I must say, we don’t know them at all and vise versa. In other words, we don’t know each other but we keep on accusing issues to everyone. Maybe, that’s the main reason why such conflict keeps on worsening. Someone said that this conflict is rooted on ancestral lands and economic deprivation of the Muslims and the solutions for this has been very elusive. But the reasons of the conflict have been changing.

Why do the Muslims in Mindanao want to separate from the state? Why do they keep on striving to dominate the society? Why are they so rebellious? “Opposite attracts” they say but it was never true for this case. When you encounter a Muslim, you’d probably be frightened because you were brought up to be frightened by them. But when a Christian comes to you, it’s better huh? Muslims are not the enemy of the Christians and vice versa, the false ego, poverty, crime and corruption that are the enemies of both religions.

I firmly believe that the Muslims have different beliefs from the Christians; they have different perspectives and practices from the Christians. But we love one God, we are the same. These two religions differ for some aspects but these differences must develop respect for each other. Respect would ease the tension of the conflict, don’t you think? Also, Media should stop for being biased because from this, such channeling of communication becomes an instrument to hinder peace amongst Filipinos.

We cannot be divided forever; we must be united for the sake of our country. The distinction of these religions must never be the cause of the separation of the Muslims from us.

We love one God, we are Filipinos, we are… the same.

Monday, May 09, 2005

My Bestfriend

How many friends do you have? How many acquaintances have you encountered lately? A dozen? Hundreds? Thousands? Yes, that’s right, thousands! But how many true friends did you get from those thousand friends?

A true friend possesses love and care that build such concern for someone. She worries when you’re down; she lends her shoulder when you need it; she scolds you when you’re wrong; she appreciates your beauty, she supports your dreams, and even tries to understand your mistakes. In other words, she’s there for you no matter what. Even though her time won’t fit for you, she’ll let you feel that she cares.

I’ll never forget the time when we had a little misunderstanding and we ended up crying together. And how can I forget our trippings that bond us more… The friendship that we built for the longest time. The “bad trips” that we handled in our life, the break-ups with our boyfriends and the crying moments that we’ve shared…. The surprise party that she gave for me… (oh that was soooooooooo sweet. )

I appreciate her for everything she does for me, even though I don’t tell it to her, I hope she feels how much I value her. I love her for everything. Maybe, there are lots, dozen, hundred, thousand friends that I got and will meet in my life, but she will always be my best friend in the world. =)

She? Yes… she. My best friend, Soleil. =)

Saturday, May 07, 2005

Tama ba yun?

Naranasan mo na bang makipag talastasan tapos akala mo lagi kang tama? Hanggang sa maisip mo na, “teka… oo nga noh! Tama siya..” Naranasan mo na bang makipag-away sa nanay mo, na konti na lang iiyak ka na dahil gusto mong ilabas ung nararamdaman mo dahil tama ka pero ayaw ka niyang pakinggan? Naranasan mo na bang makipag-talo sa teacher mo at nag walk out ka na lang bigla kasi napag-isip mong, hindi ka naman niya pinapakinggan. E ang makipag-away sa boyfriend/girlfriend mo tapos kahit mali ka, sige ka pa din.. lumalaban. Naranasan mo na bang pumatol sa bata kahit alam mong mali ka? E ang sumagot sa nakakatanda kahit nagiging bastos ka na?

Minsan kahit mali ka, nagbubulag-bulagan ka at pinagpipilitan mo pa din na ikaw ang tama. Minsan naman, mali siya pero kahit anong eksplika mo e ikaw pa din ang talo.

… tama ba un?

Monday, April 11, 2005

Inang Bayan

Mag-iisang buwan na ko dito sa amerika, pinoy... oo madami dito. Merong nagtapos ng pag-aaral, merong bakasyunista, merong dito na tumanda.. at meron naman hindi na marunong makipag usap ng tagalog. Kababayan, ka-bansa.. iisa pero hiwalay na ang paniniwala at pananaw para sa Pilipinas. Hindi ko sila masisi dahil malaki naman talaga ang kaibahan dito at dyan. Karamihan ayaw ng bumalik sa pinas, bakit kamo? "Mas maganda dito! wala kang mapapala sa Pinas!" yun ang sabi nila. Totoo hindi ba? O talagang wala na silang natitirang pag-asa para dyan?
Kasama sa kurso ko ang pagyakap sa inang bayan. Puta man ang ina mo, balasubas, madumi, bayaran... wala nang pupuri at magmamahal dito kundi tayong mga pilipino. Sino ba ang nagdumi at nagbugaw sa kanya? Hindi ba tayo din? Sukang-suka ka man sa bayan, hindi puwede talikuran mo na lang ito na parang.......... "wala lang..."
Hindi mo siguro namamalayan na naaapakan na ng husto ang Pilipinas.
Hindi nga ba?

Thursday, April 07, 2005

Sementeryo

Mahirap, mayaman…

May kaya, milyonaryo…

Pulubi, bilyonaryo…

Sabi ng pari, “pantay pantay nang pinanganak ang lahat ng tao at pantay pantay din itong mamamatay..”

Pumunta kami sa sementeryo kahapon. Sumakay kami ng taxi dahil masyadong malayo ito kung lalakarin mo. “I don’t get why tombs differ from each other by its size.. Some are tall while some are flat.” It’s much better if all of them are flat, just flat. It won’t matter right?” Yun ang sabi ng taxi driver sa amin. Natawa tuloy kami sa kanya, “oo nga noh..” Nagawa niya pang bigyan kami ng palaisipan sa kalagitnaan ng napakainit at napakahabang traffic sa Washington DC.

May mataas, may maganda ang kulay at marmol, may madumi, may maliit, may patag, may tumbok… Iba’t-ibang puntod sa sementeryo. Ang mayaman, siguradong maganda ang puntod at para sa mga mahihirap… patag, basta may pangalan ayos na. May epekto ba iyon sa namatay kung maganda o simple ang kanyang puntod? Pupunta ka ba sa langit pag may bubong ang puntod mo? E paano ang mga puntod na nasira at minsan wala pang pangalan… San kaya sila pupulutin?

Pare-pareho lang naman ang lugar na hinihigaan nila, madumi sa ilalim. Putik, lupa… tapos maaagnas pagdaon ng panahon. Pero binabawi na lang sa itsura ng puntod ng kanilang titirahan. Pag namatay ka siguro, magagawa mo pa kayang mainggit sa katabi mong puntod dahil sa kanya may tumbok sayo ni-pangalan wala. (ahahahahahaha)

Sobra na ata ang pagitan ng mahirap sa mga mayayaman at pati sa kabaong at puntod sinusukat pa din ang karangyaan. Hindi ko alam kung ano ang gusto palabasin ng mga gumagawa ng mga kabaong na may kung ano-ano pang burloloy sa loob. Nahihibang ata ang mga taong bumibili nito para sa patay. Kasama ba ito sa sinasabing “pagbigay galang o pagpugay” sa namatay?? E paano kung sa plywood lang nakalagay ang mahal mo sa buhay na namatay? Ano tawag sayo, bastos? Hindi siguro……..

Mahirap.

Friday, April 01, 2005

Impluwensya

Impluwensya, naranasan mo na ba ito? Ang ma-impluwensyahan ng tao, ng lugar, ng mga kasabihan, relihiyon o di kaya’y larawan na nakita mo sa tabi-tabi. Ang ma-impluwesyahan sa kasamaan o sa kabutihan, oo naranasan ko na…. maraming beses na. E ang mang-impluwensya? (e ano pa nga ba……..)

Sabi nila, kung sino daw ang mga kaibigan mo, kung ano ang paniniwala ng relihiyon mo, kung ano ang eskwela na pinapasukan mo… ganon ka din daw. Tama ba? Labing-siyam na taong gulang palang ako, batang edad pero masasabi kong, maraming beses na kong naimpluwesyahan at madami na din akong naimpluwensyahan. Nakakatuwa? Puwede, pero minsan, hindi rin…….

August 2004 nang nagsimula akong magsulat ng artikulo o pagbo-blog. Dito ko nalalabas ang mga nararamdaman ko sa bagay-bagay. Hindi ko man lang namamalayan na hanggang ngayon may nagsisimulang magsulat ng mga artikulo dahil sa impluwensya ko. Yabang ba? E ang mga “expressions” ko na kung saan-saan na nakakadating. Hindi ko alam kung bakit pero nakakatawa pag naiisip ko. Ang mga paniniwala ko sa mga bagay-bagay, hindi ko alam kung may na-impluwensya na ba ako pero madalas may nakikinig.

Meron akong isang kaibigan, nakilala ko siya nung pumasok ako sa kolehiyo. Mabaet, mahiyain at….mabait. Sa tatlong taon na pagsasama namin, andami na niya atang natutunan sa akin. Kabutihan at syempre kalokohan. Ang mga alagad ko nadadagdagan na naman. Masama ba?

Sabi nila, may “choice” ka naman daw kung magpapa impluwensya ka sa isang tao, relihiyon o sa ibang bagay. Depende iyon sayo kung papayag ka o hindi. Pero minsan hindi mo namamalayan nahahaluan ka na pala ng pagiisip, pag-galaw at paniniwala ng ibang tao. Nakakalito minsan, oo seryoso…

Ang impluwensya ng relihiyon ata ang pinaka mahina para sa akin. Roman Catholic ako pero hindi lahat ng ginagawa ng isang katoliko ay ginagawa ko. Mahabang usapan pero yun na yun. Nagkokomyunion ako kahit hindi nagkukumpisal, hindi din ako mahilig sumamba sa mga santo. Lagi kami nagkakatalo ng nanay ko tungkol diyan dahil hindi daw niya maintindihan kung ano talaga ang paniniwala ko. Hindi din kasi ako nakikisali sa mga tradisyunal tuwing “holy week”. Basta! Naniniwala ako sa Kanya… sa Kanya lang wala ng iba pa. At wala na akong ibang kailangan pang paniwalaan. (Ay teka…. Para wala ng away, wala na lang paki-alamanan.)


Dati, hindi ko hilig ang mag-basa. Ay jusko!! Nakakatamad naman kasi pero pagtapak ko ng kolehiyo, unti-unti na kong nagbubuklat ng libro at nagbabasa. Kahit mga maiikling kasabihan sa dingding, sa bus o di –kaya’y sa pintuan… hala sige basa! Sabi nila, hindi daw kasi puwede na hindi ka magbasa sa kurso ko. Pero para sa akin, naimpluwensyahan ako ng mga kaklase ko. Kung magbabasa sila, edi sige, magbabasa din ako…..

Ang maimpluwensyahan ako ng mga tao sa paligid ko. Kabutihan man o kalokohan, wala ng dapat sisihin pero pumayag naman akong maimpluwensyahan. Ang impluwensya sa akin ng mga sikat na tao. Ang mga pinoy, amerikano, instik, bakla, tomboy, adik, tomador, maka-diyos, baduy, korny, cool o ano pa man. Sila ang mga taong walang sawang naghahalo ng paniniwala sa paniniwala ko. Ako na ata ang isa sa mga taong madalas maimpluwensyahan. Mahina ata ako pero ginusto ko din naman. Dahil dito, ang mga pagkakamaling natutunan ko ay dumadami pero nagpapalakas sa napakahina kong kalooban.

Magsimba, maging maka-diyos, mag-aral, mag-cut ng klase, uminom, magyosi, magdroga, magkagusto sa kaparehong kasarian, magmura, maging barumbado, maging konserbatibo, liberal, maging bastos o maging strikto… Impluwensya, sasakay ka ba?

Isipin mo, baka hindi mo namamalayan………

Iba ka na pala.

Tuesday, March 29, 2005

Buhay Amerika

Nandito ako ngayon sa newjersey, kakadating ko lang galing newyork. Magdadalawang linggo na ko dito, at eto na... nagsisimula na kong malungkot. Andami ko nang sakit sa katawan. Hindi kasi ako sanay sa lamig. At pagminamalas ka nga naman, umuulan pa dito ng snow (ok talaga!). Napapadalas ang pagtawag ko sa bahay dahil wala akong masabihan ng mga hinaing ko. Kahit alam kong wala namang magagawa ang pagtawag ko sa bahay at pagsusumbong ko sa lahat ng nangyayari sakin, sige lang...Buti na nga lang at may computer dito sa bahay ng tita ko.

Naaalala ko tuloy ang kwarto ko. Hindi kasi ako lumalabas ng kwarto ko dahil magdamag akong nagiinternet. At ngayon naman, nagmamaka-awa na ko makalabas pero hindi ko magawa dahil nga malamig (ano ba! ang kulet mo..) Naisip ko, ito ba ang mga kapalit sa nakuha kong pangarap? Hindi ko puwedeng makuha lahat ng bagay sabay-sabay. Nangarap akong makapunta ng america at ngayon na andito na ko, hindi naman ako ganon kasaya. Naninibago ako dito, namimiss ko mga tao sa pilipinas at lalong-lalo na, nahihirapan ako sa kalagayan ko. Nakikitira lang ako dito kaya naman mahirap ang sitwasyon ng ganito.

Bahay ng tita ko ang tinutuluyan ko. Mag-isa lang siya dito, pumunta siya ng america nung bata pa lang ako. At sigurado akong, ganito din ang naranasan niya dati. Siguradong hirap din siya sa lamig, at hirap din siya makisama sa ibang tao noon. Mahirap naman talaga lalo na pag sa ibang bansa. Mahirap......seryoso. Pero ngayon, ok na siya sa lahat. Nahaluan na ng ugaling kano ang tita ko. Hindi na nga siya masyado nagtatagalog at matulin na siya kumilos. Ganon ba talaga?

Masaya naman sa america, oo! Mahusay ang pamumuhay.. walang trapik at hindi magulo. Pero pag mag-isa ka lang, hay jusko......Busy lahat ng tao dito sa america. Bawal ang tatamad-tamad kaya naman hindi puwede ako magpakareyna dito. Mabilis ang pera dito sa america, sapat ang sweldo sa mga bilihin. At talaga namang solb na solb ang mga pagkain. May disiplina ang mga tao. May maloloko din naman pero hindi gaano. May mga taong grasa, namamalimos at iba pa. May mababaet na kano meron din namang masungit. Kinakatakutan din ang mga polisya dito, bawal gumawa ng katarantaduhan at siguradong magbabayad ka. Pero gayunpaman, iba pa din ang buhay pilipinas. Magulo man sa pinas, masaya pa din. Hindi ko lahat ito naisip nung nangarap akong magibang bansa. Sabi ko pa dati, gusto ko na tumira dito..

Ngayon, nagdadalawang isip na ko. Nagdadalawang isip akong makipagsapalaran sa isang lugar na ganito. Mahirap pero kailangan kayanin dahil parte ito ng pangarap ko. Pangarap na may kasamang paghihirap. Hindi ko alam kung masyado lang ako nagdadrama dito.. pero pasensha na ganon talaga.
Dalawang linggo pa at pupunta na ko sa sanfrancisco, at pagkatapos ng isang linggo... uuwi na din ako sa pinas! 3 linggo? bakit parang ang tagal........

Tuesday, March 15, 2005

Magulo, isipin mo...

Umuwi ako, 6:30pm nasa bahay na ko.. himala! Naabutan kong nanunuod ng balita ang tatay ko. Wow, nasalpak na naman sa headline ang nangyaring putukan sa Bagong Diwa. Ang labing-dalawang Abu Sayaf at in-mates na patay at iba pang sibilyan na sugatan. Teka, ano na ba nangyayari? Gulo, away, patayan, kalamidad, na-reyp sa talahiban, mag-asawang nagdemandahan, ang walang humpay na pagkalat ng mga sex videos, natulog sa ilalim ng trak… nasagasaan, patay! Hala…. Eto na ba talaga mga pangyayari ngayon?

Anong nangyari? History repeats itself, ang kaguluhan ay patuloy na dumadagdag hindi lang sa ating bansa ganon din sa ibayong dagat. Asan na ang tinatawag na kapayapaan? Naisip ko tuloy, ito na kaya ang hudyat ng katapusan ng lahat? Dadating ang panahon magpapatayan na lang ang mga tao ng di natin namamalayan. Ang mabibigat na nadudulot ng kalamidad sa mundo… Ito kaya ay isang panuntunan sa mga tao para magkaroon ng kapayapaan? Ang pagtulong-tulong ng iba’t-ibang bansa sa mga nasalanta ng tsunami sa Thailand, ito kaya ay patungo na sa sinasabing pagtutulungan tungo sa kapayapaan?

Teka, magusapang lasing muna tayo. Impossible na bang magkaroon ng kapayapaan sa mundo natin? Kapayapaan, peace… pinag-aaralan ko yan sa kurso ko pero hindi ko pa rin alam kung magkakaroon pa ba nito. Kapayapaan sa bansa, sa magkakaibigan, magkaklase, sa pamilya, sa magkakapit-bahay, sa magkakagrupo o sa kahit saan pa. Puwede pa ba?

Dalawang buwan na kaming hindi naguusap ng kapatid ko. (Tama ba dalawang buwan?) Mas maraming beses pa ata ang away naming kaysa bati kami. Parang bata diba? Pero yun ang totoo. Hindi ko alam kung kailan kami magbabati pero sigurado akong mag-aaway ulit kami. Komunikasyon, walang ganon. Nasaan naba ito?

Komunikasyon na magdudulot ng kapayapaan. Madaling sabihin pero mahirap sabihin hindi ba? Minsan, mas mabuti nalang na wag pagusapan para hindi na lumaki ang gulo pero minsan kailangan na e…Para ano? Para magkaharapan tapos magkaka-ayos tapos mag-aaway ulit? (ahahahaha) tama nang pahirap!! Ibagsak!

Hindi naman daw maiiwasan na magkaron ng gulo dahil parte daw ito ng realidad. Realidad na umuudyok sa atin na puwede naman mag-away dahil natural lang naman iyon. Pero ang pagkakaron ng kapayapaan sa pagkahalatan, parte din kaya ito ng realidad? Isipin niyo…….

Baka pati ulo niyo magkagulo…


Sunday, February 27, 2005

Kabiguan at Pangarap: Para Sa Inyo Toh...

Habang may buhay may pag-asa. Pero mahirap umasa lalo na kapag alam mong wala na talaga. Minsan sa sobrang excited o sa sobrang inaasam mo ang isang bagay, kahit obvious nang wala na talaga, sige ka pa din na umaasa.

Kausap ko minsan ang kaibigan ko, sabi niya ayaw na daw niya masyado umasa sa isang bagay dahil baka daw hindi niya kayanin ang kabiguan. Nalungkot ako, parang nabawasan ako ng pag-asa sa mga bagay bagay. Ayoko sanang isipin ang kabiguan pero yun e! Parte yun ng buhay. Kung hindi talaga, edi hindi.

Minsan naisip ko, pag sobrang taas ng pangarap ko, baka masyado ako masaktan pag bumagsak ako. Baka di ko kayanin at malampa ako masyado. Maraming nagsasabi na wag daw mawalan ng pag-asa dahil ang kabiguan daw ay isang hudyat na may dadating pang mas maganda sa buhay. Pero bakit?

“Think positive.. think positive”… sapat bay un para ikaw ay magtagumpay? Kung puro think positive na lang ang solusyon para sa tagumpay, wala naman atang kahirap hirap yun hindi ba? Sa sobrang pagiisip ng positibo baka makalimutan mo nang magsikap. Sa sobrang pagiisip mo ng positibo baka maging magaan na lang sayo lahat ng bagay at hindi mo na ito paghirapan.

Pero kasi, ang pagiisip ng positibo ay minsan nagiging paraan para panghawi mo sa kabiguan. Yung bang, anjan na sa harap mo ang kabiguan pero sige, labanan mo lang ng pagiisip ng positibo. Wala naming mawawala kahit…………. Wala na nga talaga.

Kung ayaw talaga ibigay ng Diyos, kung hindi talaga para sayo, e di wag. Pero puwede bang ganon na lang? Ang hirap, ang hirap, ang hirap.

Maginuman na lang kaya tayo? Umiyak magdamag? Magalit sa mundo? Puwede din, pero hindi naman puwedeng maginuman, umiyak at magalit sa mundo na lang wala naman itong kinahahatnan. Magpakabulok sa isang sulok ng buhay na wala namang patutunguhan.

Madaling sabihin pero may mga bagay na napakahirap gawin pag ikaw na ang nasa kalagayan ng nabibigo. Naranasan mo na bang magsisi na sana hindi ka nalang nangarap para hindi ka nalang masaktan? Saya noh? Ansaket sa heart.

Kabiguan, pangarap.... dalawang bagay na hindi puwedeng mapaghiwalay.
Kabiguan na parte ng tagumpay…


……..teka puwede bang tagumpay na lang? (ehehehehe)


Saturday, February 26, 2005

Nakakapanghinayang! Sayang...

Naranasan niyo na bang manghinayang sa isang bagay? Di dahil nawala ito habang na sayo pero dahil hindi mo talaga ito na angkin o naranasan kahit kailan. Panghihinayang, karaniwang salita pero mabigat at pakiramdam ng ganoon. Masyado ka kasi nagmadali o di kaya’y talagang huli na lang ang lahat. Edi sana mas masaya ka ngayon. Sayang…

Ang makahanap ng pantalon habang nagwiwindow shopping ka. Wow! Puwedeng-puwede sa iyo. Maganda ang sukat pati ang itsura. Mahal nga lang pero binili mo pa din. Habang papauiwi, may nakita kang pantalon na naka display sa isang bilihan. Wow! Puwedeng-puwede sa iyo. Maganda ang sukat pati ang itsura. Mura lang pero wala ka nang pambili dahil sakto lang ang pera mo na nagastos sa mahal na pantalon. Nakakapanghinayang! Bakit ba kasi hindi ka muna naglibot e di sana nakita mo yung murang pantaloon na iyon. Sayang…

Dahil sa pagmamadali, sumakay ka na lang ng taxi sa may kanto. Nang biglang may dumaan na bus sa harap mo na walang kalaman-laman. Nakakapanghinayang! Kung naghintay ka na lang sana ng konti pa e di sana nakapag bus ka nalang. Sayang…..

Sa pagibig, matagal na kayong nakikiramdam sa isa’t-isa pero hindi niyo lang inaamin. Tumagal, lumipas na ang panahon pero ganon pa din. Hanggang sa isang araw, bigla niyo na lang naramdaman na mahal niyo pala ang isa’t-isa pero huli na. Nagtapat siya pero wala na, may kanya-kanyang buhay na kayo. Aalis na siya, may boyfriend/girlfriend na kayo. O di kaya’y ikakasal ka na at siya… wala na. Kung pinagtapat niyo na sana sa isa’t-isa noon pa, e di sana ngayon, pareho kayong masaya. Nakakapanghinayang! Sayang…

Sinabayan mo mangarap ang mga kaklase mong makasama sa isang kompetisyon. Nang bigla ka na lang tinamad at nawalan ng lakas ng loob. Hindi ka nalang sumali. Nanalo ang mga kaklase mo. Masaya! Imbitado ka pa nga sa party nila. Nalungkot ka, kung naglakas loob ka lang sana sumama sa kompetisyon e di sana kasama ka sa pagdamdam ng tagumpay nila. Nakakapanghinayang! Sayang…

Nag entrance exam ka para sa kolehiyo pero di lahat pinagkuhanan mo. Natatakot ka kasing bumagsak. Sikat na eskwelahan pero nakakatakot baka ika’y mabigo. Di nalang, hayaan mo na. Pumasa ang kaibigan mo, madali lang daw ang exam. Nakakapanghinayang! Sayang…

Bakasyon, yinayaya ka ng mga kaibigan mo. Tara na, mag swimming tayo! Hindi ka sumama dahil sa simpleng dahilan na wala, Nang inngit sila, masaya daw at maganda ang beach na pinuntahan nila. Buong panahon ka lang naman nagmukmok sa bahay niyo pero sana sumama ka nalang e di sana masaya. Nakakapanghinayang! Sayang…

E ang bumili ng ice cream, ang init kaya naman excited na excited ka sa ice cream na hawak hawak mo nang biglang mei nakasagi sayo ng di sinasadya. Nalaglag ang ice cream mo, ni hindi mo man lang natikman. Kung alam mo lang sana na masasagi ka e di sana umupo ka na lang ka agad pagkabili mo ng ice cream. Nakakapanghinayang! Sayang…

Kung sana di ka nag dalawang isip e di sana masaya ka ngayon. Hindi mo naman alam kung ano ang mangyayari, maaaring sumablay ka ng di sinasadya pero may mga pangyayaring epekto ng kamalian mo. Gaya nga ng sabi ko, maaaring nagmamadali ka, nagdadalawang isip ka, natatakot o di kaya’y wala ka ng magawa dahil huli na ang lahat. Nakakapanghinayang! Sayang…

Thursday, February 24, 2005

I am

I’m hurting inside

for my heart speaks nothing but pain

I’m speechless

for nobody dares to hear my inner feelings

I’m stunned

for I can’t react for what I see

I’m reticent

for my heart speaks nothing but silence

I’m irrational

for no one understands me truly

I’m different

for I can’t be somebody

I’m pure

for my intentions are sincere

I’m sensitive

for I can feel everybody

I’m sorry for myself

for nobody understands me………………genuinely

Wednesday, February 23, 2005

Ok Lang Pero Hindi Naman

“Kung saan ka masaya, dun na din ako..” Pero masaya ka ba talaga?

“Ok lang sa akin yun!” Pero ok ba talaga?

Kaarawan ng kapatid ko ngayon, humihingi siya ng pera sa mga magulang ko. Bibigyan siya ni daddy pero alam ko namang wala na siyang pera. Pero kailangan masaya ang kapatid ko sa kaarawan niya, kaya sige. Hindi ko maipinta ang mukha at reaksyon ng mga magulang ko tuwing humihingi kami ng allowance sa kanila. Siguro sa loob loob nila, “kalian ba matatapos to?” Pero sige, bigay pa din sila. Nagpumilit akong ibili ng computer ng tatay ko. Binilhan niya naman ako. Pero alam ko, mabigat sa kalooban niya yun dahil hindi naman iyon importante. Ang ipang-utang ang gastos ng mga anak para lang masundan ang luho o ano pa. Ok lang yun pero hindi talaga.

Ang pabayaan ang kaibigan kong malulon sa droga. Masaya siya, nakaka adik naman kasi. OK lang naman pero hindi talaga. Wala naman akong karapatan pagbawalan siya dahil sino ba naman ako? Ang hayaang iwanan ka ng mahal mo sa buhay dahil masaya siya sa ibang bagay o tao. O sige, ok lang pero hindi naman talaga. Ang pagpilitang sabihin na masaya ako para sayo kahit hindi naman talaga. Ang sabihing ok lang pero hindi naman.

Minsan kailangan mong ngumiti para mapangiti ang iba. Kailangan mong pigilan ang kasiyahan mo para sa iba. Hindi naman siguro ito masama pero mahirap naman, hindi ba? Mahirap pigilan ang mga plano at pangarap mo para lang tumakbo ang mga plano at pangarap ng iba. Bakit?

Hindi siguro lahat g tao ganito dahil may mga taong madamot at walang pakiramdam sa buhay. Kaya naman ganoon na lang ang pagpupugay ko sa mga taong marunong magbigay ng kasiyahan kahit mahirap. Pero alam kaya ng tatay at nanay ko na mahirap din naman sa kalagayan kong humingi ng allowance sa kanila ara-araw? Kung hindi ako hihingi, e wala naman akong pamasahe at pangkain. Kung kaya ko naman pigilan din ang kasiyahan ko para sa kanila, gagawin ko.

Minsan naisip ko, kung may mga tao lang na sensitibo at marunong makiramdam… hindi siguro mahirap magbigay ng kasiyahan. Kung may mga tao lang na marunong magpasalamat o di kaya’y magbigay pugay… hindi siguro mabigat magbigay ng kasiyahan. Siguro, kung marunong lang ang lahat ng tao umintindi sa mga bagay kahit hindi na ipaliwanag o sabihin, hindi siguro mahirap magbigay.

Hindi ko pa kahit kailan napasalamatan ang mga magulang ko sa pagbigay sa akin ng kasiyahan. Hindi ko din napapasalamatan ang basurero sa pagtiyatyaga sa sikat ng araw para mag hakot ng basurahan. Hindi ko pa din napapasalamatan ang tister ko sa pagtuturo sa akin ng leksyon. Hindi ko din napasalamatan ang klasmeyt kong binagsak ang subject na Filipino para samahan ako.

Para sayo………. Salamat. Hindi ko hinihiling na maging ok ang lahat ng bagay sa mga tao pero salamat pa din.
Salamat sa pag intindi sa akin.

Saturday, February 12, 2005

Priceless....

While reading my articles.. I noticed that I haven’t written anything about love. Maybe I’m not that mushy that I don’t seem to express the feeling of such. Love? Yes love. Love for your family, for your best friend, for your pet, for your grandparents, for your pamangkin, for your apo and love for your somewhat called…“special someone.”

Loving someone makes me healthier. Loving voluntary, without hesitations and vacillation. The somewhat called unconditional love, ironic yet pulls you to give in. Sometimes it gives you head aches and heart aches but you just keep on loving. Giving without anything in return, kissing and hugging for nothing. Being so exhausted for the whole day, having a bad day, never been better then someone just kisses you at the end of the day. Don’t you just love it?

Magically exists but never been visible. Sometimes when your head wonders why you love him/her… You just say uhm… like nothing? Nothing at all. Why of all the people, why him/her? Then suddenly you just smiled and geeez.. you’re inlove!

Calling him/her just to say I love you or I miss you. Making him/her special as if he’s/she’s the center of your universe. Being there and ever supportive just for the simple reason that you love.

Does anyone force you to love anyway? Well, you cannot force love for it comes unexpectedly. Love develops and grows… indeed. When you love your mom or dad, does anyone tell you to love them or does anyone oblige you to care for them? Nobody! When you suddenly realize that you love your pamangkin that you want to be with him/her everyday. When you want to take care of her/him because you just wanted to. When you hug you best friend every time she/he cries. When you go to your boyfriend/girlfriend’s house because you missed him/her. When you hold his/her hand, kiss her and fix her/his hair. When you give your special someone something for the thought of giving. When you make breakfast for your lolo/lola. When you kiss that special someone while she’s/he’s asleep. When you just want to express your love for the thought of expressing it. Don’t you just love it?

Sometimes I wonder, why do I still love even if it just gives me heartaches? Why do I still give in when I know that it’s not worthy? Why do I still love my parents even if they scold me and hate me. Why do I still love my annoying brother even if he is just a pain in my ass. Why do I still love my lola even if she’s crazy. Why do I love my best friend even if she’s peculiar. Why do I still love my special someone even if he’s a little bit inexplicable?

Why can’t I stop loving for it’ll give me liberty? Why can’t I care for everybody without loving? Why do I love even if it gives me problems? Why do I cry whenever my heart aches? Why do I give unconditional love for nobody obliges me to. Why does love come unexpectedly?
Being inspired for love, having a baffling feeling from within. Don’t you just love it?

Don’t you just love that something, that is…………….

Priceless?

Sunday, January 30, 2005

self fulfillment

Konting na lang, tapos na ko sa kolehiyo. Andami kong nagawa at masasabi kong nag-enjoy talaga ako. Masyado nga daw akong active sa mga bagay-bagay kahit hindi naman required yung ibang bagay pero sale pa din ako ng sale.

Teka, naranasan mo na bang ipagpilitan ang isang bagay sa mga magulang mo, sana payagan ka tapos pag tinanong ka kung bakit ang sagot mo ay… “wala lang..”? Ako kasi palagi. Lagi nangyayari sa akin, hindi sa walang dahilan kung bakit ako sasama sa isang activity kundi, hindi ko maipaliwanag ang dahilan.

Ikwento ko na lang ulet ang 2 beses na immersion na sinamahan ko. Tuwing summer yun! 2 linggo sa malayong lugar, makikitira sa mga hindi kakilala at makikipag sapalaran sa “wala lang..” Nagtatampo na nga sa akin ang mga kaibigan ko dahil lagi ako wala pag bakasyon. Gustong-gusto ko naman talaga kasi sumali sa mga immersions. Mahirap, oo! Pero masaya. Ibang klase ang karanasan, buti na lang pinayagan ako… Sayang nga lang at hindi na ako makakasama sa pangatlong beses, hindi na kasi puwede pero kung puwede sana… sasali pa din ako. Wala lang…….

Minsan, sumali ako sa isang UN assembly sa eskwela, hindi man iyon ang totoong UN assembly, kaba pa rin ang pakiramdam ko. Para kasing totoo. Nakikipag away, talo at kung anu-ano. Nepal dati at Japan ngayon ang mga bansa na inirepresenta ko sa MUNA (Model of United Nations Assembly). Pinagaralan ko ang tungkol sa mga bansang ito at kailangan totohanin. Masaya! Malamang, 2 beses ko din inulit e. Wala lang………

Ang pagbibu-bibuhan sa mga debate sa eskwela. Biro lang, hindi ako sumali sa ganon.

Ang pagsali sa play, pag-arte, dubbing at pagsayaw. Nakakahiya pero ayos lang. Experience, hindi ko makakalimutan yun. Kahit munting palabas pero ayos lang. Masaya naman. Wala lang……….

Minsan, nag embassy hopping kami, experience lang ulit. Sosyal pala sa Indonesian Embassy, may kape! (ahahahahaha) wala lang………

Madaming bagay na naranasan. Masaya, wala lang. Minsan kahit ibang tao hindi maintindihan ang dahilan kung bakit ka sasali sa isang aktibidad na “wala lang.” Ang pagkuha ng trabaho na hindi pangarap ng magulang mo. Maliit lang ang sweldo, pero mahal mo naman. Ang pagbigay ng tinapay kay Manang na namamalimos, ang pagtatapos sa kursong minahal mo kahit hindi ito mahal ng mga magulang mo…… Wala lang.

Maski ang pagsabi ng I love you sa mahal mo sa buhay, ang paghahanda ng surpresa sa kaibigan, ang pagpapatuloy sa hilig mo na hindi naman hilig ng ibang tao, ang pagsusulat ng blogs, ang pagbibigay ng payo sa kaibigan, ang paglilinis ng kwarto mo… Wala lang.

Mahirap ipaliwanag ang “wala lang” hindi kasi ganon kadali ipaliwanag ang pakiramdam o nadarama pagtapos mong gawin ang isang bagay. Basta ang alam ko, masaya!

Gives a joy within….

Something………

What I call……..

self fulfillment. =)





Thursday, January 27, 2005

Bakit?

Kung puwede lang sana pigilan lahat ng kamalasan na dadating sa buhay ng isang tao edi sana lahat tayo masaya. Kung puwede lang sana pigilan lahat ng hinagpis, edi sana lahat tayo masaya. Kung puwede lang pigilan lahat ng kasablayan para maabot ang tagumpay ng walang kahirap-hirap…

Pero hindi puwede e

Lagi nalang sinasabi na kailangan maranasan lahat ng iyon para matuto at mauntog sa katotohanan. Pero bakit ba hindi nalang tayo matuto ng walang nangyayaring sablay sa ating buhay?

Busy na ko masyado sa eskwela. Maaga ako pumapasok at gabi naman umuuwi. Pero, hapon talaga ang klase ko. Kinailangan kong pumasok ng maaga kahit hindi ko naman talaga gusto. Mahirap gumising ng maaga ano! Pero pinipilit kong gumising dahil sa mga pangarap ko.

Bakit may ibang hindi naman nag sasakripisyo pero naabot pa din ang pangarap? Meron din naman, ang lakas ng loob mangarap pero wala naman siyang ginagawa. Hindi sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero hindi kaya, ang daya naman yata non?

Patagal ng patagal, nararamdaman ko ang pagkawalay ko sa mga kabarkada at pamilya ko. Buong araw akong nasa eskwela tapos paguwi ko, gagawa ako ng mga paper works tapos matutulog na. Hindi ko na naabutan ang mga tao dito sa bahay. Naisip ko, kagustuhan ko naman ito, ako pumili ng ganitong pamumuhay iyon ay para lang maabot ang tagumpay na hindi ko naman alam kung kailan dadating. Naiinis ako dahil naaaapektuhan na ang aking pagiisip at personal na pakiramdam dahil sa nangyayari sakin. Lagi nalang ako aburido, mainit ang ulo at iritado. Parang kinukumpara ko lahat ng tao sa sarili ko.

Bakit siya ganyan? Ako ganito…Bakit siya tulog pa din ako papunta na ng eskwela? Bakit siya pumasa ng hindi nagaral, ako kinailangan ko pang magpuyat para makapasa? Bakit siya nakakalabas at nakakagimik pa pero ako lagi nalang busy? Bakit ganon siya, ako hindi? Bakit siya late sa interview pero pasado pa din, ako pumasok ng maaga dahil bawal daw ang late? Bakit siya pa easy easy lang ako kailangan ko pang magsikap? Bakit siya pinagbigyan ako hindi? Bakit pasado siya sa thesis kahit hindi siya nag defense pero ako halo mangiyak ngiyak na para makapag defense dahil baka bumagsak ako. Bakit siya na walang ginawa swerte pa din e bakit ako hindi? Bakit ganon?

Masama magkumpara pero hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili ko sa iba. Insecure? Hindi naman! Napapansin ko lang na talaga ngang totoo na “life is unfair” bakit ang mga mahihirap pahirap ng pahirap tapos ang mga mayayaman at yumayaman pa din? Naiinis ako, bakit ganon?

Hindi ko lang talaga matanggap kung bakit may mga taong walang ka kwenta-kwenta pero natatanggap nila yun. May mga taong walang silbi pero ayos lang sa kanila. At may mga tao namang hindi masikmura ang ganong pamumuhay. Kinailangan magsikap para lang sa pangarap.

Hindi sa pagdadamot, pero sana ang pangarap ay para lang sa mga taong karapat dapat mangarap. Ang tagumpay ay para lang sa mga taong pinaghirapan ang tagumpay. Pero dahil nga “life is unfair” wala tayong magagawa.

Naisip ko tuloy, may pinanganak talagang swerte at mayroon din namang malas…

E ako kaya?






Wednesday, January 12, 2005

Bakit Ganito?

Ang tagal, nakakainip

Bakit hindi mo pa ako pagbigyan?

Masyadong matagal

Nakakabulabog, nakakapagod

Kailan ba ito matatapos?

Walang humpay na paghihintay

Pagmumukmok… nakakainip

Uulitin ko, nakakainip

Buong araw na pagkabulabog

Bakit hindi ka pa napapagod?

Hanggang kailan mo ako pahihirapan

Bakit ka ganyan?

Walang magawa, bakit nga ba?

Ilang oras na pamamahinga

Ibigay mo na

Kailan ba ito matatapos?

Masyado mo akong pinaghihintay

Ano bang nagawa ko, lagi nalang ganito

Pagbigyan mo na ako

Masyadong matagal

Gabi, masyadong mabagal

Bakit ganito?

Saturday, January 08, 2005

Masurpresang Buhay

“Life has full of surprises” narinig niyo na ba ito? Sana naman ay oo. Andaming dumadating o sabihin na nating sumusulpot o bumubulaga sa buhay natin. Minsan may magandang surprise at mayroon din namang hindi. Kaya nga surprise e, hindi naman sinabing puro swerte na lang hindi ba? E ang “expect the unexpected”, narinig niyo na rin ba? Parang ganon din ang ibig sabihin non!

Sa madaling salita, hindi mo talaga malalaman ang mangyayari sa iyo bukas, mamaya o sa pagdating ng panahon. Maaaring may mga haka-haka, kutob o hula para sa mga dadating na pangyayari. Kaya nga kailangang ituwid ang maling puwede pang ituwid. Paghandaan na ang dapat paghandaan. Gumawa ng paraan dahil kahit ano, kahit saan kung gusto may paraan. Ayos ba?

Malapit na ang bakasyon, pero bago yun… final exams muna! Hala! Eto na naman tayong mga estudyante na nagkakandarapa sa mga exams, defense para sa thesis at sa tinatawag na “deadliest” deadlines para sa projects. May ilang buwan pa para paghandaan at asikasuhin ang lahat ng ito pero kung gusto mo bumagsak, sige lang.. Katulad na lang ito ng sinabi ko kanina. Puwede namang mahulaan mo o magkaroon ka ng kutob na babagsak ka pag hindi mo talaga pinaghandaan ang lahat. Pero malay natin! Baka magsabog ng kabaitan ang Diyos at masalo mo ang iba dito, edi pasado ka na naman. Sana nga lang lagi na lang nagpapasabog ang Diyos ng kabaitan at ka swertehan tapos masalo mo ang iba dito. Pero imposible yun, at sisiguraduhin kong tama ako. Kailangang makadanas ng leksyon para tumino, yung naman ay posibleng mangyari at nangyayari naman talaga. Pero hindi mo alam kung kalian, tama ba?

Ang matagal mo nang pinaplano na pag alis mo papunta sa ibang lugar, sabihin na nating ayos na ang lahat at naghihintay ka na lang kung kailan, kung matuloy, salamat po e paano kung bigla nalang na hindi natuloy. Aray ku! Ang saklap.. pero wala kang magagawa. Teka, nasabi ko na bang hindi lahat ng bagay ay puwedeng palitan o baguhin?

May mga panahon na “huli na” ika nga. Yung bang, wala ka nang magawa kundi magsisi na lang. At sabihing, “babawi na lang ako sa susunod..” Pero hindi naman lagi puwedeng bumawi. E ano yung sinasabi nilang “habang may buhay may pag-asa”? Siguro yon ay para sa lahat ng aspeto. Pag-asa dahil huli man ang lahat, kahit papano nagbago pa din ang pananaw mo sa buhay. Namatayan ka man ng mahal sa buhay pero hindi mo nasabi sa kanya kung gaano mo siya kamahal dahil huli na nga ang lahat (ang kulit mo!).. Pero nagbago naman ang pananaw mo at pinipilit mo ng pahalagahan ang mga importanteng tao sa paligid mo.

Teka, mabalik tayo sa surpresa. Surpresa, andiyan na, handa ka na ba? Sabihin na nating kaarawan mo ngayon, maaaring may surpresa sayo ang mga tao pero hindi ka sigurado. Anong gagawin mo? Mag patay malisya na lamang dahil baka sabihin nila masyado ka namang “assuming” (ahahahaha).

Pero ibahin mo ang surpresa sa kaarawan mo sa surpresa ng masurpresang buhay (sabihin mo nga ng mabilis ng hindi ka nabubulol). Pagusapan na natin ang sinasabi nilang “ang nalalapit o ang dadating na paghuhukom”. Totoo nga ba ito? Pero wala naman sigurong mawawala kung paghahandaan mo. Kung mamatay ka man (hindi ko naman alam ang buhay doon sa kabila) siguradong walang problema kung napaghandaan mo. Kamatayan, malungkot, mabigat at may ibang taong ayaw pa pagusapan ang salitang ito. Anong masama, lahat naman tayo namamatay. Sigurado kang mamamatay ka pero hindi mo alam kung kailan tama ba? “live you life to the fullest” isa pang kasabihan para sa ating lahat. Isang kasabihan na isang uri din ng babala. Oo, babala dahil mamamatay ka rin lang pagdating ng panahon… gawin mo na ang mga bagay na kailangang gawin at abutin mo na ang iyong mga pangarap.

Mangarap para bukas, isama mo na ang pagdating ng mga surpresa sa mga pangarap mo. Pangarapin mo at paghandaan, wala namang mawawala.

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...