Sunday, February 27, 2005

Kabiguan at Pangarap: Para Sa Inyo Toh...

Habang may buhay may pag-asa. Pero mahirap umasa lalo na kapag alam mong wala na talaga. Minsan sa sobrang excited o sa sobrang inaasam mo ang isang bagay, kahit obvious nang wala na talaga, sige ka pa din na umaasa.

Kausap ko minsan ang kaibigan ko, sabi niya ayaw na daw niya masyado umasa sa isang bagay dahil baka daw hindi niya kayanin ang kabiguan. Nalungkot ako, parang nabawasan ako ng pag-asa sa mga bagay bagay. Ayoko sanang isipin ang kabiguan pero yun e! Parte yun ng buhay. Kung hindi talaga, edi hindi.

Minsan naisip ko, pag sobrang taas ng pangarap ko, baka masyado ako masaktan pag bumagsak ako. Baka di ko kayanin at malampa ako masyado. Maraming nagsasabi na wag daw mawalan ng pag-asa dahil ang kabiguan daw ay isang hudyat na may dadating pang mas maganda sa buhay. Pero bakit?

“Think positive.. think positive”… sapat bay un para ikaw ay magtagumpay? Kung puro think positive na lang ang solusyon para sa tagumpay, wala naman atang kahirap hirap yun hindi ba? Sa sobrang pagiisip ng positibo baka makalimutan mo nang magsikap. Sa sobrang pagiisip mo ng positibo baka maging magaan na lang sayo lahat ng bagay at hindi mo na ito paghirapan.

Pero kasi, ang pagiisip ng positibo ay minsan nagiging paraan para panghawi mo sa kabiguan. Yung bang, anjan na sa harap mo ang kabiguan pero sige, labanan mo lang ng pagiisip ng positibo. Wala naming mawawala kahit…………. Wala na nga talaga.

Kung ayaw talaga ibigay ng Diyos, kung hindi talaga para sayo, e di wag. Pero puwede bang ganon na lang? Ang hirap, ang hirap, ang hirap.

Maginuman na lang kaya tayo? Umiyak magdamag? Magalit sa mundo? Puwede din, pero hindi naman puwedeng maginuman, umiyak at magalit sa mundo na lang wala naman itong kinahahatnan. Magpakabulok sa isang sulok ng buhay na wala namang patutunguhan.

Madaling sabihin pero may mga bagay na napakahirap gawin pag ikaw na ang nasa kalagayan ng nabibigo. Naranasan mo na bang magsisi na sana hindi ka nalang nangarap para hindi ka nalang masaktan? Saya noh? Ansaket sa heart.

Kabiguan, pangarap.... dalawang bagay na hindi puwedeng mapaghiwalay.
Kabiguan na parte ng tagumpay…


……..teka puwede bang tagumpay na lang? (ehehehehe)


4 comments:

Kalowee said...

Mahirap at masarap mangarap! ang kabiguan ay talagang parte ng buhay na kailangng tanggapin. Challenge lng yan chong. nice one kesico.

Julietearjerky said...

kc..oo i'm experiencing that right now..putek..sakit umasa sa wala. Ung pagpipilitan mo ung situation na meron tlga..kahit alam mo na wala naman..pero cge parin ang asa.. pero sa huli iiyak iyak, tapos sabay sisi sa sarili at sasabihang tanga. putek. ang hirap umasa. ako ngaun, alam ko wala..pero cge parin ang asa. tanga.

rOwLp said...

wasap kesi yah.. isa na namang napakagandang artikulo =) yep tama ka nga, ang kabiguan part ng buhay... hindi naman pwede lahat ng bagay ibigay sa atin... ang importante lang is how to handle the agony of defeat... kung dahil dun e susuko ka na lang at mawawalan ng pag-asa... sinayang mo lang ang pagkakataon n may makamit ka... u da best pa rin kesiyah! gudjab ika nga =P

Anonymous said...

awch

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...