Tuesday, March 15, 2005

Magulo, isipin mo...

Umuwi ako, 6:30pm nasa bahay na ko.. himala! Naabutan kong nanunuod ng balita ang tatay ko. Wow, nasalpak na naman sa headline ang nangyaring putukan sa Bagong Diwa. Ang labing-dalawang Abu Sayaf at in-mates na patay at iba pang sibilyan na sugatan. Teka, ano na ba nangyayari? Gulo, away, patayan, kalamidad, na-reyp sa talahiban, mag-asawang nagdemandahan, ang walang humpay na pagkalat ng mga sex videos, natulog sa ilalim ng trak… nasagasaan, patay! Hala…. Eto na ba talaga mga pangyayari ngayon?

Anong nangyari? History repeats itself, ang kaguluhan ay patuloy na dumadagdag hindi lang sa ating bansa ganon din sa ibayong dagat. Asan na ang tinatawag na kapayapaan? Naisip ko tuloy, ito na kaya ang hudyat ng katapusan ng lahat? Dadating ang panahon magpapatayan na lang ang mga tao ng di natin namamalayan. Ang mabibigat na nadudulot ng kalamidad sa mundo… Ito kaya ay isang panuntunan sa mga tao para magkaroon ng kapayapaan? Ang pagtulong-tulong ng iba’t-ibang bansa sa mga nasalanta ng tsunami sa Thailand, ito kaya ay patungo na sa sinasabing pagtutulungan tungo sa kapayapaan?

Teka, magusapang lasing muna tayo. Impossible na bang magkaroon ng kapayapaan sa mundo natin? Kapayapaan, peace… pinag-aaralan ko yan sa kurso ko pero hindi ko pa rin alam kung magkakaroon pa ba nito. Kapayapaan sa bansa, sa magkakaibigan, magkaklase, sa pamilya, sa magkakapit-bahay, sa magkakagrupo o sa kahit saan pa. Puwede pa ba?

Dalawang buwan na kaming hindi naguusap ng kapatid ko. (Tama ba dalawang buwan?) Mas maraming beses pa ata ang away naming kaysa bati kami. Parang bata diba? Pero yun ang totoo. Hindi ko alam kung kailan kami magbabati pero sigurado akong mag-aaway ulit kami. Komunikasyon, walang ganon. Nasaan naba ito?

Komunikasyon na magdudulot ng kapayapaan. Madaling sabihin pero mahirap sabihin hindi ba? Minsan, mas mabuti nalang na wag pagusapan para hindi na lumaki ang gulo pero minsan kailangan na e…Para ano? Para magkaharapan tapos magkaka-ayos tapos mag-aaway ulit? (ahahahaha) tama nang pahirap!! Ibagsak!

Hindi naman daw maiiwasan na magkaron ng gulo dahil parte daw ito ng realidad. Realidad na umuudyok sa atin na puwede naman mag-away dahil natural lang naman iyon. Pero ang pagkakaron ng kapayapaan sa pagkahalatan, parte din kaya ito ng realidad? Isipin niyo…….

Baka pati ulo niyo magkagulo…


No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...