“Kung saan ka masaya, dun na din ako..” Pero masaya ka ba talaga?
“Ok lang sa akin yun!” Pero ok ba talaga?
Kaarawan ng kapatid ko ngayon, humihingi siya ng pera sa mga magulang ko. Bibigyan siya ni daddy pero alam ko namang wala na siyang pera. Pero kailangan masaya ang kapatid ko sa kaarawan niya, kaya sige. Hindi ko maipinta ang mukha at reaksyon ng mga magulang ko tuwing humihingi kami ng allowance sa kanila. Siguro sa loob loob nila, “kalian ba matatapos to?” Pero sige, bigay pa din sila. Nagpumilit akong ibili ng computer ng tatay ko. Binilhan niya naman ako. Pero alam ko, mabigat sa kalooban niya yun dahil hindi naman iyon importante. Ang ipang-utang ang gastos ng mga anak para lang masundan ang luho o ano pa. Ok lang yun pero hindi talaga.
Ang pabayaan ang kaibigan kong malulon sa droga. Masaya siya, nakaka adik naman kasi. OK lang naman pero hindi talaga. Wala naman akong karapatan pagbawalan siya dahil sino ba naman ako? Ang hayaang iwanan ka ng mahal mo sa buhay dahil masaya siya sa ibang bagay o tao. O sige, ok lang pero hindi naman talaga. Ang pagpilitang sabihin na masaya ako para sayo kahit hindi naman talaga. Ang sabihing ok lang pero hindi naman.
Minsan kailangan mong ngumiti para mapangiti ang iba. Kailangan mong pigilan ang kasiyahan mo para sa iba. Hindi naman siguro ito masama pero mahirap naman, hindi ba? Mahirap pigilan ang mga plano at pangarap mo para lang tumakbo ang mga plano at pangarap ng iba. Bakit?
Hindi siguro lahat g tao ganito dahil may mga taong madamot at walang pakiramdam sa buhay. Kaya naman ganoon na lang ang pagpupugay ko sa mga taong marunong magbigay ng kasiyahan kahit mahirap. Pero alam kaya ng tatay at nanay ko na mahirap din naman sa kalagayan kong humingi ng allowance sa kanila ara-araw? Kung hindi ako hihingi, e wala naman akong pamasahe at pangkain. Kung kaya ko naman pigilan din ang kasiyahan ko para sa kanila, gagawin ko.
Minsan naisip ko, kung may mga tao lang na sensitibo at marunong makiramdam… hindi siguro mahirap magbigay ng kasiyahan. Kung may mga tao lang na marunong magpasalamat o di kaya’y magbigay pugay… hindi siguro mabigat magbigay ng kasiyahan. Siguro, kung marunong lang ang lahat ng tao umintindi sa mga bagay kahit hindi na ipaliwanag o sabihin, hindi siguro mahirap magbigay.
Hindi ko pa kahit kailan napasalamatan ang mga magulang ko sa pagbigay sa akin ng kasiyahan. Hindi ko din napapasalamatan ang basurero sa pagtiyatyaga sa sikat ng araw para mag hakot ng basurahan. Hindi ko pa din napapasalamatan ang tister ko sa pagtuturo sa akin ng leksyon. Hindi ko din napasalamatan ang klasmeyt kong binagsak ang subject na Filipino para samahan ako.
Para sayo………. Salamat. Hindi ko hinihiling na maging ok ang lahat ng bagay sa mga tao pero salamat pa din.
Salamat sa pag intindi sa akin.

1 comment:
another great entry from you KC!
There are a lot of things in this world that we tend to forget or we dont appreciate. Nakakalimutan natin at di napupuna ang mga bagay na nkukuha natin sa mundo.
May mga bagay na Ok nga lang pero in truth hindi. Part of it, sacrifice and ngyayari at minsan parang selfish na ang dating. Oh well ganyan tlga ang buhay. we just have to learn how to appreciate the things around us and the people around us.
Post a Comment