Saturday, May 07, 2005

Tama ba yun?

Naranasan mo na bang makipag talastasan tapos akala mo lagi kang tama? Hanggang sa maisip mo na, “teka… oo nga noh! Tama siya..” Naranasan mo na bang makipag-away sa nanay mo, na konti na lang iiyak ka na dahil gusto mong ilabas ung nararamdaman mo dahil tama ka pero ayaw ka niyang pakinggan? Naranasan mo na bang makipag-talo sa teacher mo at nag walk out ka na lang bigla kasi napag-isip mong, hindi ka naman niya pinapakinggan. E ang makipag-away sa boyfriend/girlfriend mo tapos kahit mali ka, sige ka pa din.. lumalaban. Naranasan mo na bang pumatol sa bata kahit alam mong mali ka? E ang sumagot sa nakakatanda kahit nagiging bastos ka na?

Minsan kahit mali ka, nagbubulag-bulagan ka at pinagpipilitan mo pa din na ikaw ang tama. Minsan naman, mali siya pero kahit anong eksplika mo e ikaw pa din ang talo.

… tama ba un?

1 comment:

rOwLp said...

hehe minsan kasi gusto lang siguro nating marinig nila ang panig natin kaya kahit mali e pilit nating ipinupukpok sa kanila para makita yung punto natin... =) gud jab kesiyah! da best ka talga =P